JARRED VICENTE "BRO." Si Rivas. "Huwag ka muna magpadalos-dalos. Hindi natin alam kung sino ba talaga ang nagbanta sa buhay ni Tamari," aniya ni Rivas sa akin. "Alam ko. Pero kailangan ko bumalik agad sa Pilipinas. May asikasuhin lang ako," Saad ko naman. Kahit si Miguel, wala rin ito magawa. Agad din ako nagbook ng flight. Pero pagdating ko, iniba ko ang plano. Pumunta ako sa mansion nila Sheree. Nadatnan ko naman ang kanyang Daddy at doon ko sinumbatan. "Bakit mo nagawa ito, Tito? Paano mo kayang gawin ito sa akin?" "Hindi mo ako maintindihan, Jarred. Maaari nga sira na ang pamilya ko. P-Pero...pinagsisihan ko ito!" Hindi ko naman napigilan na suntukin ito. Nagulat naman ako dahil sa biglang pagsulpot ni Sheree. "Daddy!" Huminga naman ako. "Mag-ama nga kayo!" Saad ko pero kas

