GABRIEL LEE SUMAMA ako kay Eya sa Switzerland. Doon kami dumiretso sa mansion na pag-aari ni Jarred. "Daddy?!" "Hey, son!" patakbo naman lumapit sa akin si Geo at yumakap ito ng mahigpit. "I really missed you, Daddy!" Napapikit naman ako. Ang sarap sa pakiramdam na kayakap ko na ngayon ang anak ko. "Daddy, missed you so much too," malambing na saad ko naman. Napatingin naman ako kay Jarred na nakatayo sa likuran ni Geo. Umigting naman ang panga ko. Akmang susugurin ko ito, humarang naman sa gitna si Eya. "Not now, Gabriel. Hindi kita dinala dito para makipagsuntukan kay Jarred." Masama ko naman tiningnan si Vicente. "Daddy." Humarap naman ako kay Geo. "Baby Gold is sick." "Baby Gold?" takang tanong ko naman. "Yeah. My little brother!" Napatigil naman ako. Nagkaanak sa iba a

