SALVE "MOMMY!!!" Dali-daling tumayo naman ako, patakbong pumasok sa loob ng bahay. Iniwan ko muna saglit ang aking mga labahin. Sina Nanay at Tatay naman, nandoon sila sa bayan at nagtitinda ng mga gulayin. "Gold?" "Mommy." Napangiti naman ako na nakatingin sa napakaguwapo kong anak. Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong. Ang kipot ng mga labi at napakaputi niya. "Binasag mo na naman ang plato. 'Di ba sabi ko, kapag may kukunin ka na hindi mo kayang abutin, tawagin mo ako," malambing na saad ko naman. Nakanguso naman ito. Nilapitan ko ito at ginulo ang sobrang kapal at hanggang balikat niyang buhok. "Sige na. Si Mommy na ang magliligpit. Umupo ka na lang at ipaghanda kita ng pagkain mo." Agad naman ito tumakbo at pumunta sa sala. Tatlong taon ang nakalipas. Tatl

