bc

Turning Tables

book_age16+
1.1K
FOLLOW
4.7K
READ
goodgirl
drama
comedy
sweet
bxg
basketball
childhood crush
enimies to lovers
first love
secrets
like
intro-logo
Blurb

Masagana at payak ang pamumuhay sa lungsod ng Alberta dahil sa maayos na pamumuno ni Mayor Virgilio Valderama, katuwang ang kaniyang kabiyak na si Anthelma Valderama.

Their family business is also known for manufacturing the highest quality of musical instruments and accessories here in the Philippines.

They're both came from a family of musicians so they want their daughters to follow their footsteps and to have love for music as well.

Bunga ng kanilang pagmamahalan ay ang dalawang anak na babae. Kapwa man nilang nakukuha ang mga ninanais sa buhay ay magkaibang magkaiba ang ugali at personalidad ng dalawa.

Si Annisia Katriana o kilala bilang Annika ay ang panganay na sa dalawang magkapatid. Suplada man at matigas ang kaniyang pagkatao ay nagkakubli rito ang tinatago niyang pagnanais na maging isang modelo o artista pagdating ng araw. She's really not into music just like what her parents wants her to be.

Si Alaina Isabelle naman o Aina ay kabalikataran. Her jolly and sweet personality makes their parents love her more and made Annika think that she's the favorite among them. Little did she knows Aina always wanted to be just like her. Iniidolo niya ito kahit na palagi siyang sinusungitan at tinataboy. She plays guitar and sing very well unlike her ate.

But what if one day when everything feels right and things are happening so well they woke up that one of them is really not a Valderama?

Dreams...

Family...

Love...

and Sisterhood..

No one is brave enough to stop the fate and unfolding the truth.

Can someone save them and dares to turn the table and be in on it's rightful favor?

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Accidentally Inlove
♪  Well maybe I'm in love (love), Think about it every time I think about it Can't stop thinking 'bout it ♪ "1..2..3.. start.." gamit ang pahaba at patulis na patpat ay pinalo ni Ms. Juliet ang ibabaw ng crystal piano bilang hudyat ng pagsisimula muli ni Annika sa pagtugtog. Tatlong oras na sila pero hindi parin niya nakukuha ang tamang ritmo ng kaniyang ginagawa. "Wrong!" sambit nito at pinalo niya ang kamay ni Annika. Napapikit ito sa sakit pero pinanatili niya ang pagiging tuwid ng kaniyang mukha na parang hindi man lang siya naapektuhan nito. "Annika! That was just a simple piece yet hindi mo parin makuha! I will report this to your father if you'll continue not to do this properly!" banta nito. "So-sorry miss. I'll do it again." pilit tinatago ni Annika ang pagkapiyok niya. She tried playing the piece once more and this time she finished it. Though there are still some remaining flaws but it's much better than her previous attempts. Matapos niyang tumugtog ay malakas na pumalakpak ang nakababatang kapatid nito sa likuran. Kanina pa ito nanonood at manghang mangha sakaniyang ate kahit pinagagalitan na ito. Mula sa pagkakaupo ay tumayo ito kaya nagsilaglagan ang hawak hawak niyang sketchpad at colored pens. Malugod siyang pumapalpak bilang pagsuporta sakaniyang ate samantalang nananatiling nakasimangot lang si Annika. Habang nakabakasyon ay ganito ang naisip ng mga magulang nila na pag-gugulan nila ng oras kaysa sa social media. Ngunit hindi ito gusto ni Annika dahil bukod sa wala siyang hilig sa musika ay nabuburyo na siya sa bahay. Taliwas sa kaniyang kapatid na si Aina at natutuwang kasama siya. "I'll expect a perfect session tomorrow Annika. Please practice." mariing sambit ni Miss Juliet bago taas noong nagmartsa palabas ng kanilang piano room. Napabuntong hininga na lamang ito at hinimas ang napalong kamay dahil namumula ito. Maya maya pa ay tumatakbo na ang kaniyang kapatid palapit sakaniya. Miss Juliet has always been a terror piano teacher for her. Lagi itong naka fix bun at rimmed eyeglasses. Ang kilay nito ay laging nakataas at hindi manlang mangiti. Nasa mga mid 30's pa lamang ito pero napakasungit at parang laging pinagsakluban ng langit at lupa. "Ate! Ang galing galing mo!" puri ni Aina sa kapatid. "Anong magaling? Hindi mo ba narinig si Miss Juliet, Aina? And look at this!" sabay lahad ng kamay sa harap ng kapatid. "See this? Kung bakit ba kasi pinipilit nila akong magpiano eh ayaw ko nga!" padabog niyang sinara ang piano kaya umugong ang buong room. Nagtakip naman ng tenga si Aina dahil sa ingay. "Ah basta! Para sakin ate ikaw pa rin ang magaling! Idol kita eh!" ngiting ngiti ni Aina pero inismiran lang siya ng kaniyang kapatid. Tumayo na si Annika bago hinagod ang tuwid na buhok at inayos ang laylayan ng kaniyang kulay rosas na bestida. Ginaya naman siya ng kaniyang kapatid, hinawi rin ang buhok at ang bestida niya. "Stop mocking me, Aina! Where's mom?" tanong nito bago pakendeng kendeng na lumabas ng piano room. Sunod sunod naman si Aina sakaniya habang yakap parin ang mga gamit. "Nasa kitchen! Baking some cookies for us." Aina smiling widely while trying to go beside her sister. Pagkababa nila sa kusina ay agad nilang naamoy ang binibake na cookies ng kanilang Ina. This is their favorite meryenda ever since. "Mom!" tumatakbong yumakap si Aina mula sa likuran ng kaniyang Ina samantalang si Annika naman ay dumiretso sa counter top para dungawin ang mga nakalatag na cookies. "I'm hungry!" Aina chuckled. "One more set and then we'll eat, okay?" marahang sambit ng kanilang Ina bago hinimas ang ulo ni Aina at hinarap si Annika. "So, how was your piano session today?" nakangiti tanong ng kanilang ina bago hinango at nilagay sa counter top ang huling set ng cookies. Simangot naman agad ang bungad ni Annika. "Mommy... I want to quit...Piano is really not my thing..." reklamo ni Annika bago bumuntong hininga. "Annika, you're father wants you to be just like us before. He plays instruments very well while I am beside him singing or playing guitar,cello or violin. Ngayon hindi mo pa naaappreciate ang music but soon you'll surely do, it runs in our blood. Look at your sister, she's good at singing at a very young age." marahan nitong paliwanag. "'Naku, mommy! Ang galing kaya ni ate kanina." puri nito pero hindi siya pinansin ng kapatid. "This is not what I want to do during our vacation mom! I miss my friends and I wanna go shopping too!" patuloy na maktol ni Annika. "Then go ahead. Nasa tapat lang natin ang dalampasigan why don't you invite them? Masaya mag picnic sa beach." sabay kindat nito sakaniya. Agad naman lumiwanag ang mukha ni Annika. "Can I, mom? Oh!" niyakap nito ang kanilang Ina. "Oo naman. Ako ng bahala sa daddy mo. Please let Aina join you too okay?" binalingan naman nila si Aina na masayang ngumangasab ng cookies at may durog durog pa sa paligid ng bibig. Umirap na lamang si Annika. Mas mabuti na ito kaysa sa wala. Hindi naman nag-kakalayo ang edad ng dalawa. Si Annika ay 16 years old habang si Aina ay 14 years old naman. Magkaiba lang talaga sila ng hilig at pag-uugali. "Aina, kailan ka mag eenroll? Para masamahan ka ng ate mo. Ayaw na kitang pag-aralin sa dati mong eskuwelahan dahil sa nangyaring riot noong nakaraan. Ang daming mag-aaral ang nadamay. Grabe na talaga ang kabataan ngayon!" paliwanag nito. Dahil sa Mayor ang kaniyang asawa ay mas nagkaroon ng malasakit sa kapwa ang kanilang Ina. Siya ang madalas kasama kapag may mga proyekto o kaya naman ay outreach program silang gagawin sa iba't ibang nayon. Malaki ang malasakit nila sa kanilang mga kababayan kaya mas doble ito kapag ang mga anak na ang pinaguusapan. Lalo na si Aina. "Uhmm.. kung kailan po pu-pwede si ate." nilingon niya pa ito. "Bukas." sabay iwas ng tingin. Lumapad ang ngiti sa labi ni Aina. "Salamat, Ate Annika." masigla niyang sambit. Noong tumuntong sila ng highschool ay magkahiwalay na sila ng paaralaan. Ngunit dahil sa isang insidente sa kabilang nayon ay napilitan silang ilipat si Aina sa darating na pasukan. Sa Unibersidad ng Alberta kung saan nag aaral rin si Annika para magkasama na lamang sila at mabantayan niya ang bunsong kapatid. Nagmamadaling nagtipa ng numero si Annika sa kaniyang cellphone para tawagan ang mga kaibigan. Si Aina naman ay nakapalumbaba sa counter top at kinagatan muna ang cookies niya bago gumuhit ng kung ano ano. Nang malapit na ang takip-silim ay mabilis tumungo si ni Aina sakaniyang kwarto para kuhanin ang kaniyang sketch pad at pens. Excited itong tumatakbo pababa ng grand stair case at halos mabunggo na ang kanilang mayordoma. "Aina! Mag-dahan dahan ka nga! Baka madapa ka!" sigaw nito ng nakakalayo na si Aina. "Sorry po, Nanay Vilma!" sigaw nito at nagmamadaling nagtungo sa likuran ng kanilang mansyon kung saan siya tumatambay kapag pahapon na. May dalampasigan kasi sakanilang likurang mansyon kung saan pribadong pag-mamay ari ng kanilang pamilya. She loves the scenic view of the sunset that's why she doesn't want to end her day without witnessing it. Isa pa, ay palagi niyang hinahamon ang kaniyang sarili na maguhit ang imahe paglubog ng araw sa karagatan pero madalas siyang bigo. Dahil sa bilis na paglubog nito ay hindi niya ito natatapos. Naipon na sakaniyang sketch pad ang mga guhit niya na hindi tapos, kung hindi dagat lang ay araw lang ang kaniyang naguhit. Mabilis niyang tinahak ang maliit na hagdan pababa sa dalampasigan na yari sa malalaking bato at iniwan lang rito ang tsinelas. Nagtatakbo siya patungo sakaniyang madalas na inuupan upang gumuhit. Hinahangin man ang kaniyang mahaba ang itim na buhok ay hindi niya ito ininda. Mas importante parin sakaniya ang nasa harapan ngayon. Gaya ng mga una niyang pagsubok ay bigo na naman si Aina na maiguhit nang buo ang paglubog ng araw. "Hay! Sayang! Bukas na lang ulit Mr. Sun ha?" nakangiti niyang sambit bago pumikit at damdamin ang malamig na hangin na dumarampi sakaniyang mukha. "Sayang, hindi ko nabitbit ang gitara ko." bulong niya. Nang dumilim ay agad rin naman bumalik si Aina sa loob ng mansyon. Sakto ay maghahapunan na dahil nakita niyang naroon na ang ate niya. Nakangiti itong lumapit at ibinida ang mga naiguhit niya. "Ate! Look! I almost finished my sunset! Pero ang bilis kasi lumubog eh, kaya 'eto hindi ko na naman natapos. Bukas na lang ulit." nakangiti nitong kwento. "Wala si mommy, hinahanap ka niya kanina pero nagpunta siya sa mayors' office para sunduin si Dad." naputol ang sasabihin nito na parang nahihiya pa. "Ku-kumain ka na.." nagulat si Aina sa inasal ng kapatid kaya lumapad lalo ang ngiti nito. "Okay, ate!" masaya niyang sambit bago umupo sa tabi ng kaniyang ate. Kinaumagahan ay abala ang mga kasambahay sa kusina dahil sa bilin ni Annika na magluto dahil darating ang mga kaibigan niya. Kaunti lang naman sila pero dahil labis niyang namiss ang mga ito ay nagpaluto siya ng marami. Kamag-aral niya rin ang mga ito sa Unibersidad ng Alberta at dahil dalawang buwan halos siyang nakulong sa mansyon ay sobrang saya niya na darating ang mga ito. Pumayag rin naman si Mayor Virgilio sa gusto ni Annika. Sa ngayon ay pinahinto na muna ang piano session niya para pagbigyan ang hiling nito na mag-unwind kahit ngayon lang. Pupungas-pungas namang bumaba si Aina sa grand staircase. Nakapajama pa ito at sabog ang buhok.  Sumuot agad sakaniyang ilong ang mabangong amoy ng niluluto sa kusina kaya doon siya dumiretso. Naabutan niya ang kaniyang Ina at ate na parehas abala sa hinahalo. Ang mga kasambahay naman ay naglilinis ng kalat sa counter top. Ang iba ay nagsasalin sa lalagyan. "Mommy? Ate? Ano po iyan?" tanong niya bago nakigulo sa ginagawa sa kusina. "Oh! Good morning my little angel." malambing na sambit ng kanilang Ina bago hinalikan ang tuktok ng ulo nito. "This is for my friends, Aina. Naghilamos ka na ba? May panis na laway ka pa oh!" puna ni Annika. Ngumisi lamang si Aina at tinakpan ang bibig pero inalis niya rin. "Sorry! Ang bango kasi eh. This is where my senses leads me." nakangiti nitong sabi. "Hayaan mo na iyang mga kapatid mo. Is this enough for them? Or should I add more?" Tukoy niya sa hinahalong spaghetti sauce. Hindi makarelate si Aina sa usapan kaya sumimple nalang itong kuha sa garlic bread sa gilid. "Ilan ba sila?" tanong nito habang may laman ang bibig. "Aina! Mamaya ka na kumain! That's for my friends!" saway ng kapatid. "Annika, marami naman iyan." nangingiting sabi ng kanilang ina. "They are 5."   Napatingin si Aina sa nakahain  sa kitchen counter. Nakita niya ang ilang tray na puno ng iba't-ibang putahe. Para sa limang tao lang ito? Okay sabihin na nating anim kasama na roon ang ate niya, but still this is plenty for 6 persons! Sa isip isip ni niya. Nagkibit balikat na lamang si Aina at umakyat na sa kaniyang kwarto para maligo. Pinuno niya ng mga bula ang kaniyang bathtub at saka nilublob ang sarili hanggang sakaniyang bibig. Halos isang oras rin siyang nagtagal rito dahil sa kakalaro ng mga bula bago naisipang humango. She dried her self before going into her walk in closet. She picked a simple pink dress with a butterfly design all over it. She faced her mirror and comb her long black hair gently. Matapos noon ay kinuha niya ang kaniyang acoustic guitar sa cabinet at saka dinala patungong veranda. Umupo siya roon at pinatong ang kaniyang sketch pad sa ibabaw ng lamesa. This is her usual routine mula noong nagbakasyon kaya sanay na siya. Lumilipas na lamang ang araw nang hindi niya namamalayan. She randomly strums her guitar and singing different songs from another. Her moment were interrupted as she saw 2 cars went inside their gates. Knowing Aina being curious as ever, dumungaw siya para makita ang mga ito. Dalawang magarbong sasakyan ang nakita niya. Alam niya dahil mayroon silang iba't ibang sasakyan na ginagamit nila. Bitbit ang kaniyang sketchpad ay mas lumapit pa ito sa may Teresa upang mas dungawin ang nasa ibaba. Pagkahinto ng dalawang kotse ay lumabas mula rito ang dalawang babae at dalawang lalake. Sa isa naman ay isang lalake lamang. Hindi niya matanaw ang itsusa ng mga ito dahil pawang mga nakatalikod pero tingin niya ay ito na ang mga kaibigan ng ate niya. Huling lumabas sa sasakyan ang isang German Shepherd na aso. Nakita niyang tumatakbo na palabas ang kaniyang ate at sinalubong ang mga kaibigan habang nasa likuran ang kanilang Ina na nakangiti. Isa-isang lumapit ang mga ito at bumeso. Maya maya ay pumasok na ang grupo kaya hindi niya na nakita. Sa sobrang pagdungaw niya ay nahulog sa ibaba ang sketchpad niya. Nanlaki ang mata niya at nataranta. "Hala!" Bababa na sana siya para kuhanin ito pero mas lalo niyang kinagulat ang paglapit rito noong German Shepherd. "No! No! No! 'Wag iyan!" sigaw niya pero huli na ang lahat nang makita niya na kinagat na ito ng aso at binitbit papasok sa kanilang bahay. "That dog!" inis niyang sabi at dali-daling nagmartsa palabas ng kaniyang kwarto para sundan ang asong kumuha ng sketch pad niya. Pagkababa ay dumiretso siya sa may hardin para hanapin ang aso pero wala na ito. She even asked their maids if they saw the dog and said that it went inside. Nagtungo siya sa kusina at naabutan ang kaniyang ina na abala sa paglalagay ng juice sa pitsel. "Mom!" "Aina! Don't shout! Ginulat mo ako." "Sorry, Mom. Have you seen  the dog?" "Dog? Oo. Yung kasama ba nung friends ng ate mo? Bakit anong kailangan mo sa aso na 'yon?" nagtatakang tanong ng ina. "Kinuha niya ang sketch pad ko mom! Nahulog from my veranda tapos nilapitan niya at kinagat!" frustrated niyang kwento na tinawanan lang ng kaniyang ina. "Oh, sweety.. mabuti pa at tignan mo sa likod. Naroon sila sa may dalampasigan baka nandun na rin yung aso." she slightly tapped Aina's head. Inis naman na nagtungo si Aina sa likuran. Kung sana ay simpleng papel lang ang kinuha ng asong iyon ay hindi na siya mag-aabala pa. Ang kaso ay naroon ang mga espesiyal na iginuhit niya mula noon maging ang mga iginuguhit niya tuwing takip-silim. She peep at the back door to see where are her ate and friends. Nasa malayo siguro ang mga ito nakapwesto dahil hindi niya matanaw. Nahaharangan ng mga naglalakihang halaman ang tinatanaw niya kaya wala siyang choice kundi lumabas. As much as possible she doesn't want to be seen by her sister's friends dahil baka pagalitan siya mamaya pero kailangan niya talagang kuhanin ang sketch pad niya. "Saglit lang naman eh, kukuhanin ko lang tapos aakyat na ako..." bulong niya sa sarili. Lumabas na siya at tinahak ang daan patungo sa hagdanan pababa ng dalampasigan. Katulad ng madalas niyang ginagawa ay iniwan niya ang tsinelas roon at umapak sa buhanginan ng nakapaa. Sinalubong si Aina ng hangin na agad nagpalipad ng kaniyang buhok at nagpasayaw sakaniyang bestida. It's already lunch time pero kalmado parin ang alon sa karagatan. Nakarinig siya ng malakas na tawanan. Tinanaw niya ito at nakita na naroon pala sa may bandang gitna ang kaniyang ate at mga kaibigan nito. Doon pala sila pumwesto dahil naroon ang nipa cottage na pinagawa para sa mga ganitong klase ng salo-salo. Kapag may mga family reunion or gatherings rin at gusto nilang maligo sa dagat, ito ang pinagagamit nila. Hindi naman kalayuan ito mula sa kinaroroonan ni Aina. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa buhanginan at positibo niyang nakita na naroon na ang kaniyang sketch pad. Mabilis niya itong dinaluhan at dinampot. "Gotcha!" masaya niyang sigaw pero nagulat siya sa isang malakas na kahol. Nilinga niya kung saan nang-gagaling ito at nakita niya ang aso kanina pala iyon. Nanlaki ang kaniyang mata ng mabilis itong tumakbo palapit sakaniya, napatili siya at natumba. Dinamba siya ng aso kaya naman nakahiga na siya sa buhanginan. "Ahhhhh!!!! Get of me!!!" tili nito pero patuloy lamang siyang diniladilaan ng aso. Nang makita niya ang mukhang matapang na itsura ng German Shepherd ay mas lalo siyang nataranta. "Oh my God! Please don't eat me! I just want this back!" paiyak na siya. "Frankie!" huminto ang aso at lumapit sa tumawag sakaniya mula sa malayo. Napalingon si Aina kung sino iyon. Isang lalake ang tumatakbo palapit sakanilang gawi. Nanatili pa rin siyang nakahiga dahil sa gulat. Nakaputing shirt ang lalake at black khaki shorts. Nasa likuran niya na ang aso at sabay na papalapit sakaniya. "Anong ginawa mo, Frankie?" the guy said facing his dog as if it'll talk back. Nang makalapit ay bahagya itong yumuko para laharan ng kamay si Aina. He smiled showing off his white teeth. Pinagsalit-salit ni Aina ang tingin sa kamay nito tapos lilipat sa mukha ng lalake. She swallowed hard because of the sudden beating of her heart. This is something...unfamiliar to her. Tinanggap niya rin ito at tagumpay naman siyang nakatayo. Pinagpag niya ang kaniyang bestida at saka dinampot ang nahulog na sketch pad. "Sorry for that. Nasaktan ka ba?" tanong ng lalake sakaniyang harapan. It took her seconds before to answer. She was busy looking at the guy's face. "A-ayos lang ako." nauutal niyang sambit. Ang aso naman ay paikot-ikot sakaniyang paanan at tila tuwang tuwa. Nagtangka pa itong kuhanin ang sketch pad ni Aina gamit ang bibig pero maagap itong naitaas. "Bleh! Akala mo ha!" pang-asar niya sa aso pero inikutan lang siya nito. The guy in front of her chuckled. "Kinuha niya ang sketch pad mo?" nakangiti nitong sambit. "O-o, kaya hinanap ko siya rito pero dinambahan niya ako. I thought he'll eat me!" hindi na naitago ni Aina ang kadaldalan. Natawa muli ng bahagya ang lalake at napailing pa. "No, he'll not going to eat you. Look, Frankie's even fond of you. Ayaw ng humiwalay." tukoy nito sa aso na hindi mapakali sa paanan ni Aina. "Really?" manghang tanong ni Aina sabay yuko sa aso sa paanan. Hindi naman pala nakakatakot si Frankie. Bulong nito sakaniyang utak. "Alaina!" napalingon silang dalawa sa pagsigaw ni Annika. Nasa likuran nito ang kanilang kaibigan. Bahagyang napayuko si Aina. Panigurado ay pagagalitan siya ng kaniyang ate. "Anong nangyari?" tanong nito sa kapatid. "Is she your sister?" malamyos na sambit ng isang babae sa likuran. "I think so." nakangiting sagot naman ng isang babae pa. "Ah.. Kasi..." nakayukong sagot ni Aina. "Frankie attacked her. Nacute-an ata sakaniya eh." napalingon si Aina sa lalake sakaniyang tabi. Siya na ang sumagot para sakaniya. "Huwag mo na pagalitan, Annika!" biro ng mga kaibigan ng kaniyang ate. "Hi! Ikaw ba si Alaina?" nakangiting tanong ng babae na maiksi ang buhok. Naka-floral dress ito na bumagay sa maputi nitong kutis. "Y-yes." tipid na sagot ni Aina. "I'm Millicent. Ang ganda mo! Magkapatid nga kayo nitong si Annika." nakangiti niyang sabi. "Th-thank you po." "Oh! Magpakilala naman kayo kay Aina!" utos niya sa mga kasama. Naiilang man si Aina sa atensyon na ipinupukol sakaniya ay malugod niya naman itong pinaunlakan. Ang kaniyang ate naman ay wala na rin nagawa dahil sa gustiong makilala ng mga kaibigan. Nahagip rin ng kaniyang mata ang pag-akbay kay Annika ng katabi nitong lalake. Kitang-kita niya kung paano nataranta ang ate niya at napatingin sakaniya bago tinanggal ang braso ng lalake. Ngumisi lamang ito. "Hi! I'm Alejandra, just please call me Andra. Nice meeting you, Aina." nakangiti nitong sabi. Nginitian niya rin ito pabalik. "Brandon. You can call me Brad." nakangising sambit naman ng lalakeng umakbay sakaniyang ate. 'Boyfriend kaya ito ni Ate? Kaya ba ayaw niya akong pasamahin dito?" bulong niya sakaniyang utak. Siniko ni Millicent ang lalake sakaniyang tabi pero suplado lamang itong umiling. Pinagdaop ni pa nito ang kaniyang mga palad na tila nakikiusap sakaniya. Sa huli ay bumuntong hininga na lamang ang lalake at hinarap si Aina. Malamig at matigas ang mga tingin nito sa ibang tao kumpara sa tingin na ibinibigay nito kay Millicent. "Thiago." sambit nito na parang walang gana. Malapad na ngumiti si Millicent at isinakbit ang mga kamay sa braso ng lalake. Tumikhim naman ang amo ni Frankie sa tabi ni Aina. Siya na lang kasi ang hindi pa nag-papakilala kaya nilakasan niya pa ang tikhim at kunwari ay umuubo. Nagtawanan naman ang grupo. "Matheo Valentino." sambit nito sabay hawak sa kamay ni Aina at hinalikan ang ibabaw nito. Nag-ani ito ng pangungutya sa kanilang mga kaibigan. Umikot ang mga mata ni Annika at bahagyang natawa. "Hey,Theo! Stop hitting on my sister. Can't you see? She's just 14 so back off, kung ayaw mo ipa-ban ka dito ni dad." biro ni Annika. "What? I'm only 16 though. Di naman kami nagkakalayo." namula si Annika dahil sa narinig. "Nga pala, Aina. Matheo and Thiago are my brothers. I'm a Valentino too." sabat ni Andra. Tumango-tango naman si Aina. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya naubusan ng salita at tinablan ng hiya. Sa umpisa lang siguro ito. "Okay! The more, the merrier! Let's eat!" masayang sambit ni Millicent. Nanguna sa paglalakad sina Annika at Brandon. Sunod si Andra, sa likuran niya ay sina Millicent at Thiago. Kita niya ang pag-akbay ni Thiago kay Millicent dahilan kung bakit ito napahagikgik. "Let's go?" napalingon siyang muli kay Theo. Naramdaman niya na naman ang mabilis na t***k ng kaniyang puso. Hinangin ang kaniyang buhok kaya bahagyang sumabog ito sakaniyang mukha. Hahawiin niya sana ito pero naunahan siya ni Theo. Theo softly fixed her hair and pinned it behind Aina's ear. Parang nanigas si Aina sakaniyang kinatatayuan. Napalunok siya dahil sa ginawa ng binata. Nagtama ang kanilang paningin pero agad umiwas si Aina at tinalikuran si Theo. She heard him chuckled. 'May sakit na ata ako. There's something wrong with my heartbeat. I should probably tell mom.' bulong niya sa utak. Nagsimula ng maglakad si Aina habang nakasunod naman si Frankie sakaniyang likuran. "You're very cute when you're shy." sambit ni Theo mula sakaniyang likuran tinatanaw ang babaeng nakapink na bestida at may paru-paro pa ang disenyo. "I-I'm not shy!" nauutal niyang sagot kahit nakatalikod. "Okay, then." Theo chuckled.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Heartbeat Of The Ruthless Criminal

read
265.6K
bc

My Lover Is A Maid (R18+)- Completed

read
387.3K
bc

Erin's Love Story (Tagalog-SPG)

read
45.6K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.7K
bc

Fight for my son's right

read
152.3K
bc

One Brat and the Three Bodyguards

read
23.8K
bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook