Chapter 12 - Part Of Your World

3841 Words
♪ Up where they walk Up where they run Up where they stay all day in the sun Wanderin' free Wish I could be Part of that world  ♪ Alejandra made her way down on the grand staircase with her complete uniform on. She woke up early with a positive mood, not until she passed by at her parents conference room. This is where their meeting happens about their entertainment business if they can't make it to Manila. There's a small opening on the door that's why she stopped the moment she heard her parents argument.  "Huwag mo ng pilitin, Emiliana! Mag-aaway lang ang magkapatid kung itutuloy mo iyan!" Andra gasped as she heard her father's angry and frustrated voice. "I don't care! Soon they'll understand why! At isa pa, mga bata pa naman sila! I want that Valderama because she's a good catch! For business and for my son!" sigaw pabalik ni Donya Emiliana. "Then you fixed her to Theo! Not with Thiago!" "Thiago is the first born!" "Tumigil ka! Paborito mo lang siya kaya ka nagkakaganyan! Huwag mong diktahan ang mga bata sa desisyon nila sa buhay! Hayaan mo sila!" napatakip si Andra ng bibig. Hindi niya napigilan ang pagtulo ng luha sa narinig. Her parents is trying to fix a relationship? Perhaps... Marriage? Annika Valderama is with Brandon already. So it's Alaina who's her mother is trying to fix with her Kuya Thiago? That can't be! Aina and her Kuya Theo is already had a mutual understanding! Tiyak na malaking gulo ang mangyayari! Nakatulala si Andra habang naglalakad sa hallway papunta sakanilang classroom. Hindi na kailangang malaman ng isa sakaniyang mga kapatid ang narinig niya. She decided to just keep it a secret or as if she hasn't heard anything at all. Nakuha na ni Aina ang script niya para sa darating na play. Ineeksamina niya ito ng napaangat siya ng tingin at nakita ang kaibigang si Andra. Kakawayan niya sana ito ng hindi man lang siya napansin dahil sa pagkatulala. Nilapitan niya ito kahit di pa rin siya napapansin. "Andra!" she called. "Andra! Huy!" she snapped her fingers in front of Andra's face. Doon niya pa lang nakuha ang atensiyon nito. "U-uy! Aina! Ikaw pala yan..." Andra said trying to make her voice happy. "Kanina pa kita tinatawag bakit hindi ka namamansin?" biro nito sa kaibigan na pilit ngumingiti. "Ah-eh hindi lang kita narinig.." "Look! I already got my script for the play. Tulungan mo akong mag-practice?" paglalambing ni Aina. Pilit naman siyang nginitian ni Andra at nagpaakay na papasok ng kanilang classroom. She has to act normal as possible. Ayaw niyang makitang masaktan ang sino man sakaniyang kuya at maging si Aina. So she'll just keep her mouth shut. As much as possible. "Sino yang Andres na 'yan? Sabihin niyo kay Miss baka pwedeng ako na lang si Prince Eric!" reklamo ni Theo habang nasa cafeteria sila. "Tumigil ka nga, Kuya! Andres is perfect for Prince Eric role since he is very handsome and studious. Mukha siyang nerd but when he takes off his rimmed glasses? Naku! Living prince indeed! Kaya no wonder our adviser and music teacher chosen him as the prince! Huwag ka ngang seloso kuya!" inis na sabi ni Andra. Kasalukuyan silang kumakaing magkakaibigan. Inamin na nila sa grupo na sila na. Hindi naman sila nagulat dahil tingin nila doon rin naman papunta iyon. Si Annika, bilang kapatid ni Aina ay hindi naman kumontra. Napagusapan nila na panatilihing lihim ang relasyon ng dalawa dahil hindi rin naman siya isinusumbong ukol sa relasyon niya kay Brad. Theo's currently holding Aina's hand. He's intently looking at their fingers intertwined. Hindi siya makapaniwala na girlfriend niya na ito. Napalingon naman sakaniya si Aina at napangiti. "Anong iniisip mo?" "I am just so happy." Theo whispered. "Namimiss ko na si Frankie." Aina said out of the blue. "What? Naglalambing ako dito mas namimiss mo pa yung aso ko?" pag-iinarte ni Theo at kunwaring hawak pa ang puso niya sa sakit. "Gusto mo siya makita?" alok ni Theo. "Okay lang." nilapit naman ni Theo ang bibig sa tenga ni Aina para bumulong. "Punta tayo sa bahay?" tumingin sakaniya si Aina at binigyan niya ito ng malokong tingin. Pinanliitan lamang siya ni Aina ng mata. "What? Pupuntahan lang natin si Frankie. Ikaw ha? Kung ano-ano iniisip mo saan mo natutuhan yan? Kay Andra ba?" pabirong sabi ni Theo at nagtawanan na ang dalawa. Dala ang script at ang mga gamit ay tumungo na sila sa bahay nila Theo. Magkahawak kamay pa at nakasuot ng kanilang school uniform ay pumasok sila sa mansion ng mga Valentino. Donya Emiliana's face brightened up the moment she saw Alaina went inside their mansion. Panira lang talaga na si Theo ang kasama niya. She really wants to Thiago to be with Aina. Napadako ang mga mata niya sa magkahawak na kamay nila. Hindi sa mas paborito nito si Thiago, pero dahil malamang siya ang magmamana ng entertainment group nila ay kailangan nitong makahanap ng maayos na mapapangasawa. At hindi bastang babae lang. "Mommy." bati ni Theo sa ina bago humalik sa pisngi nito. "Iho.. Where's your brother and Andra?" tanong nito ng hindi makita ang ibang anak. "Hinatid lang ni Kuya si Millie. Andra is on her usual after school shopping. They'll be here in a bit. Anyway, Mom... I'm with Aina.. I supposed you already met her?" "Oh! Of course! Alaina Valderama, right?" malambing na pagkumpirma nito. "Hi po. Donya Emiliana." magalang na sabi ni Aina. "Oh come on! Just call me Tita. Tuloy kayo sa loob. Theo, Ikaw na bahala. Just ask the maids to give you something or what. Aakyat lang muna ako at may lakad ako." nakangiti nitong sabi. Tinignan lang ni Donya Emiliana ang dalawa na patungo sa pool side garden. Hindi pwedeng mahulog ang dalawang ito sa isa't-isa. She has to do something. Umakyat na siya para mag-ayos at makapag-isip ng plano. "Frankie!" masayang sigaw ni Aina ng magtungo sila sa pool garden. Sinalubong siya ng nagkukumahog na German Shepherd na tila kay tagal nilang hindi nagkita. Natumba sa damuhan si Aina pero sa pagkakataong ito ay hindi na siya natakot. "Ang lakas mo talaga!" natatawa niyang sabi. Tinulungan naman siya ni Theo para makatayo. Umupo sila sa may lounger para makapagpahinga. Maya-maya pa ay dinalhan na sila ng pagkain at inumin ng mga katulong. Theo help Aina on her few lines. They had exchanged of dialogue. Aina as Ariel and Theo as Prince Eric for the mean time. [Hello Readers! Let me summarize the story of "The Little Mermaid" para dun sa mga hindi nakakaalam or nakalimutan na yung kwento.  Ang kwento ay umiikot sa isang sirena na pangarap maging isang tunay na tao. Isang gabi kasama ang mga kaibigan ni Ariel ay namasyal sila sa ibabaw ng karagatan. Nakakita sila ng isang pagsasaya sa di kalayuang barko. Sakay pala nito si Prince Eric na kasalukuyang nagdidiwang ng kaniyang kaarawan. Nang Makita ni Ariel si Eric ay agad siyang nahumaling sa binata. Lumalim ang gabi at isang bagyo ang tumama sa buong karagatan na nakaapeko sa barkong sinasakyan ni Prince Eric. Naaksidente siya pero tinulungan ni Ariel sa pamamagitan ng pagdala sa pampang. Kinantahan siya nito at dali-daling umalis sa takot na makita ni Prince Eric. Nahumaling ang prinsipe sa boses ng sirena at nangakong gagawin ang lahat para mahanap ang babaeng iyon. Gayon rin si Ariel na nangakong gagawin ang lahat para samahan ang prinsipe sa mundo nito. Sa kagustuhan ni Ariel na maging tao ay may nag-alok sakaniyang tutuparin ang pangarap na magkaroon ng paa. Ang kapalit? Ang kaniyang boses. Ang kondisyon ay kailangang mapaibig ni Ariel si Prince Eric sa loob ng tatlong araw. At magawaran siya ng isang halik. Unti-unti na sana siyang napapaibig ni Ariel. Pero ng makita iyon ni Ursula ay nagpanggap siya bilang ibang babae at nagkuwanri gamit ang boses ni Ariel. Nang marinig siya ni Eric ay naalala nito ang babaeng kumanta at sumagip sakaniya sa pampang. Kinabukasan ay nalaman na lang ni Ariel na ikakasal na si Eric kay Vanessa (Ursula). Bandang huli ay nalaman rin nila na nagpanggap lang si Ursula at si Ariel ang tunay na minamahal niya. Nahuli si Ursula at kinulong ng ama ni Ariel. Bandang huli nagkatuluyan rin naman ang dalawa dahil sa  mga ginawa ni Prince Eric. Nakita rin iyon ng ama ni Ariel at dahil 'don ginawa na siyang tunay na tao. Kinasal sila ng prinsipe sa isang barko.] Napahinto si Aina sa kalagitnaan ng kanilang pag-eensayo at napatingin kay Theo. "Do you think it's worth it?" "Hm?" tanong ni Theo. "Ariel, exchanging her voice into legs just to be with the one she loves?" Aina suddenly asked. Napatingin si Theo sa seryosong mukha ni Aina. Kahit nagtataka kung bakit niya iyon natanong ay sinagot niya pa rin ito. "Para sakin, oo. Kasi pag mahal mo ang isang tao gagawin mo ang lahat. You will sacrifice anything even the most precious thing to you. Kahit ako, I'm willing to do that... Just to be with you.." Theo seriously said looking closely into Aina's twinkling eyes. Then slowly, he moved closer into Aina's face to kiss her. Kinabahan naman si Aina pero hindi na ito ang unang beses na nahalikan siya nito kaya ipinikit niya na lang ang kaniyang mata. "Oh!" napadilat at napahiwalay ang dalawa ng makita sa b****a ng pinto si Donya Emiliana na nakabihis ng isang pormal na damit. "I'm sorry to interrupt you guys... I'm really sorry... But I need your help anak.." Donya Emiliana dramatically said.  Nag-aalala naman siyang dinaluhan ni Theo at Aina. "What is it, Ma?" tanong ni Theo. "Our drivers are mostly on off and some are sick! Goodness gracious! I am almost late!"  pahisterya nitong sabi. "Can you send me to my meeting, anak?" maarteng pagsumamo ni Donya Emiliana. "Pero kasama ko po si-" Aina hold his arms and smiled. "Ayos lang ako rito, Theo. Hatid mo na muna yung mommy mo. Babalik ka naman agad hindi ba?" pinagpalit-palit niya ng tingin ang Ina niya at si Aina. Bumuntong hininga ito at sumuko na rin. "Hintayin mo ako. Okay?" tumango naman si Aina. "I'm really sorry anak. Aina. Wala pa kasi si Thiago." "Ayos lang po, Tita.." sagot ni Aina. Theo kissed Aina's forehead before leaving. Kahit labag sa loob niya ay sinunod niya pa rin ang kaniyang ina. Donya Emiliana secretly smile out of victory. Alam niyang pauwi na si Thiago ng mga ganitong oras kaya gumawa siya ng paraan para maabutan nito si Aina at makapagsolo sila. Minutes after Theo and Donya Emiliana left. Aina is still busy practicing her lines for the play tomorrow. Naisip niya ang sinabi ni Theo kanina. Ganun ba talaga palagi kapag nagmamahal? Kailangan mo minsan magsakripisyo para sa taong mahal mo na aabot sa puntong ipagpapalit mo maging ang pinakamahalaga sayo? Inisip niya kung sakaling siya rin kaya magsasakripisyo para kay Theo pagdating ng panahon? Sa kalagitnaan ng pagmumuni-muni niya ay hindi niya napansin ang paglapit ni Frankie. Kinagat nito ang script at saka tumakbo patungo malapit sa swimming pool. "Frankie!" sinubukan niyang lumapit sa aso pero lumayo ito. "Grrr! Napakakulit mo talaga! Akala ko pa naman bati na tayo!" inis nitong sabi sa asong walang pakialam sakaniya.  Ilang minuto pa silang nagpaikot-ikot sa paligid ng swimming pool ng sawakas ay nahablot ni Aina ang script. "Kahit kalian ka talaga-" nabitawan niya ang script dahil sa naapakang basa sa tiles. Nadulas si Aina at diretsong nahulog sa swimming pool. Hindi marunong lumangoy si Aina kaya kinawag-kawag nito ang braso ang binti. Halata rin ang pagkataranta ni Frankie dahil patahol-tahol ito. Akala siguro ng mga katulong ay naghaharot lang ito dahil wala man lang nagtangkang pumasok at sumilip sa pool area. Isang marahas na pagbagsak sa tubig ang narinig ni Aina pero hindi niya na nakuhang tignan pa. Naramdaman niya na lang ang isang brasong humawak sakaniyang baywang at malakas siyang naiangat sa tubig. Agad siyang naghabol ng hininga. Nanginginig siya ng isinampa na siya sa damuhan. Si Frankie naman ay agad na lumapit kay Aina at dinidilaan siya. Umuubo pa siya ng nag-angat siya ng tingin sa kung sino man ang tumulong sakaniyang makaahon. It was Thiago. May dala ng tuwalya ito ng lumapit sakaniya. Ibinalot niya ito sa balikat ni Aina. "Sa-salamat." hirap na sabi ni Aina. "Let's go to my room." matigas na sabi ni Thiago. "Hindi na-" "Nanginginig ka!" inis nitong sabi sabay akay sakaniya patayo. "Uuwi na lang ako-" "Magpapalit ka muna tapos saka ka uuwi! Huwag ka ng makulit. Please. Let's go." Dahan-dahan niyang inakay si Aina patungo sakaniyang kwarto. Nakatayo lang si Aina sa b****a ng pintuan dahil panay tulo ng tubig ang lapag ng kwarto ni Thiago. Nagtungo na si Thiago sakaniyang cabinet. Si Aina naman ay nilibot ang mata sa paligid ng kwarto nito. Halong itim at puti lang ang makikita sa kwarto nito. Pero nakakabilib dahil malinis naman ang kwarto nito para sa lalake. "Come here." nagitla si Aina sa matigas na sabi ni Thiago. Hindi niya maihakbang ang kaniyang mga paa. This is her first time to be inside a guy's room. At kay Thiago pa! "Wala akong ibang gagawin sayo, tutuyuin lang kita." Thiago smirked. Aina just rolled her eyes then slowly walk towards him. Parehas pa silang nakauniporme. Basa nga lang ang kay Aina, kay Thiago naman ay nakabukas ang unang tatlong butones. Nakasabit lang sa balikat ni Thiago ang putting tuwalya. Nang makalapit sakaniya si Aina ay hinila niya ito at agad na pinaupo sakaniyang kama. "Mababasa yung-" natahimik siya ng minudmod ni Thiago ang tuwalya sa pagmumukha ni Aina kaya hindi na siya nakasalita. "Ang daldal mo." Thiago playfully said. Nakanguso lang si Aina sa ilalim ng tuwalya. Kahit kalian talaga ang lalakeng ito! Sinunod ni Thiago ang balikat ni Aina hanggang braso. Nang matuyo ay tumigil na ito. "Here. That's my clothes. I can't barge inside Andra's room and let you use her clothes dahil magagalit yun. Pagtyagaan mo na yan. That's my CR. Dun ka na magpalit. Aantayin kita sa baba para ihatid sainyo." tumango-tango lamang si Aina. Sinundan niya ang pigura ni Thiago hanggang sa makalabas. She's holding a white t-shirt and a black sweat short. It's kinda big for her size but it's much better than going around wet. Nagtungo na siya sa CR para magpalit. Malaki ang banyo ni Thiago. Ang shower room ay gawa sa salamin. Namangha si Aina. Hindi ba siya masisilipan sa ganitong set-up? Bahagya siyang namula sakaniyang naisip. May malaking Jacuzzi rin sa gitna. The scent of the whole bathroom is very manly. It must be the shower gel? Hinubad na ni Aina ang kaniyang uniporme at isinuot ang binigay na damit ni Thiago. Nang matapos ay lumabas na ito bitbit ang basing uniporme. Binalikan niya ang bag at mga gamit sa swimming area. Mabuti na lang at may paperbag siya kaya nagamit niya pa ito. Dumiretso na siya sa labas kung saan nakapark si Thiago at nakahilig sa kotse nito. Nakapamulsa pa ito at nakayuko. "Ah.. Hindi muna ako uuwi.. Kasi.. Sabi ko kay Theo aantayin ko siya dito." "Si Theo nga ang nagsabi na puntahan kita dito... Matatagalan pa raw sila ni Mama. Tara na."  supladong sabi ni Thiago. Bumuntong hininga na lang si Aina at sumakay na kesa makipagtalo pa siya. Kinaumagahan ay abala ang lahat para sa foundation day. They are eligible to wear any clothes they want and not their uniforms even just for a day. Andra wore her expensive dress. Millicent just wore a simple one. Both the Valderama sisters are head turners. Annika is wearing a black sweetheart top and a black leggings paired with a silver stilettos. Pinagtitinginan siya ng mga lalake pero napapaatras ng makita si Brandon sa tabi nito. Si Aina naman ay simple lang ang suot pero angat parin ang ganda. Nakasuot lang ito ng maroon long sleeve body suit tapos isang faded jeans. Naglibot ang magkakaibigan sa kaniya-kaniyang year level para sa mga hinanda nilang activities. "Grabe! Ang effort pala ng mga year level no? Aina galingan mo mamaya ha!" sambit ni Andra. Kinahapunan ay abala na ang lahat para sa play. Nasa backstage na si Aina samantalang ang mga kaibigan kabilang si Theo ay nakaupo na sa may audience. "Aina, suotin mo na itong mga to. Para maayusan ka na namin pagkatapos." sambit ng isa niyang kaklase. Sinunod niya naman ito at nagtungo na sa dressing room. Sinuot niya ang pulang wig, violet na bra na hugis kabibe pero may panloob naman siyang skin tone. Mamaya niya na lang isusuot ang kaniyang buntot kapag malapit na magsimula. Sa kalagitnaan ng kaniyang pag-aayos ay may marahas na nagbukas ng pinto. "Aina! Si Andres!" humahangos na sabi nito. "Oh? What happened to him?" "Nagka-LBM! Hindi raw siya makakarating! Paano na yan? Dito pa naman nakasalalay ang grades natin!" halos mangiyak-ngiyak pa ito. "Ano? Teka..."  nag-isip siyang mabuti. "Maghahanap ako ng pwedeng pamalit!" sabi ni Aina. "Ha? Hindi madali yon! Magkakabisado pa siya-" "Madali na lang yun!" iniwan niya na ang kaklase at tumakbo patungo sa audience. Nang matanaw ang kinalalagian nila Andra ay agad niya itong nilapitan. "Anong nangyayari?" dalo ni Theo sakaniya ng nakitang humahangos ito. "May LBM si Andres! Hindi raw siya makakarating!" "What? Who's going to be Prince Eric? At saka kaya niya bang kabisaduhin ang mga linya?" segunda ni Andra. "Halika na!" hila ni Aina ang kamay ni Theo pero hinila siya nito pabalik. "Hindi pwede, Nasa basketball team na ko." "Oo nga! Ikaw, Brandon?" sabi ni Millie. "Nope. Not gonna happened." ngisi nito. "As if." nakangising segunda ni Annika. "Teka! Ikaw na lang Kuya Thiago!" sabi ni Andra. Bigla naman nagbago ang ekspresyon nito at umirap. "Tumigil nga kayo." sabi nya. "Sige na kuya!" pangungulit ni Andra. "Oo nga, Tol. Let's help them." pag-sangayon ni Theo. "Please?" nang si Millicent na ang humirit ay bumuntong hininga na ito at tumayo. "Yes!" Sumama naman si Thiago kay Aina. Hindi makapaniwala si Aina na napapayag nila ito. Sumangayon naman ang adviser nila kahit 4th year na si Thiago dahil wala naman silang ibang pagpipilian. At isa pa, Thiago is really perfect for Prince Eric's role. He's indeed handsome, tall and well built. Suplado nga lang ito. Napasinghap ang mga babae na nasa costume and props ng pumasok si Thiago sa dressing room. Kinikilig ang mga ito dahil mas gwapo ito sa malapitan. "Ah-eh.. Thiago.. Ito yung costume mo..." namumulang sabi ng babae. Tinanggap naman ito ni Thiago at ineksamina. Kung bakit ba kasi siya narito. Bulong niya sa isip. Mula sa malayo ay tinatanaw naman siya ni Aina. Halatang labag sa loob niya ang ginagawa, Buti nga. Hagikgik niya sa gilid. Nagsimula na ang play kaya naman lahat ay hindi na magkandaugaga. Aliw na aliw ang mga estudyante dahil sa props na makatotohanan at mga karakter na magaling umarte. Ursula (Jazzmine): Now, here's the deal. I will make you a potion that will turn you into a human for three days. Got that? Three days. Now listen, this is important. Before the sun sets on the third day, you've got to get dear ol' princey to fall in love with you. That is, he's got to kiss you. Not just any kiss - the kiss of true love. Ariel (Aina) : If I become human, I'll never be with my father or sisters again. Ursula (Jazzmine): That's right. But you'll have your man. Life's full of tough choices, isn't it? Prince Eric (Thiago) : It's you... The girl who saved me... with the golden voice.. It's you that I love , Ariel... Para sa parteng ito ay hahalikan ni Thiago si Aina dahil sa hahabulin nila ang paglubog ng araw. Hindi makapaniwala si Aina na kahit papano may emosyon rin si Thiago sa pag-arte kahit labag sa loob niya. Hinawakan niya ang baywang nito at hinapit sakaniya. Napatitig si Aina sa mga mata ni Thiago, She swallowed hard. Nakakailang kapag ganito sila kalapit sa isa't isa. Unti-unti... ay nilapit ni Thiago ang mukha niya kay Aina. Pero malapit sa pisngi lang ito at hindi niya dinampi ang kaniyang labi. Sapat na anggulo lang para magmukha silang magkahalikan. And right there and then. Aina's heart keeps beating violently. Nang matapos ang play ay masigarbong palakpakan ang kanilang natanggap mula sa mga tao. "Congratulations everyone! That's a wrap!" sambit ng kanilang adviser. Nagpalakpan naman sila. "At dahil diyan, let's eat at the near pizza store! My treat!" mas lalong nagwala ang mga estudyante. "Thiago, you join okay? Muntik ng masira ang play dahil nawala ang original na Prince Eric namin. Buti na lang at nandiyan ka." "Sige po. Miss." walang nagawa si Thiago kundi sumama. Nagsisisi nga lang siya. Hindi siya tinigilan ng mga babae. Panay buntot sa binata. Abala si Aina s pagkain dahil magkatapat lang ang dalawa. Si Thiago naman ay halatang hindi kumportable. "Thiago! Ito masarap oh!" "Ano ba! Mas masarap to!" "Thiago!" "Thiago!" Natatawa lang si Aina habang subo-subo ang isang malaking slice ng pizza. Kunot noong tumingin si Thiago kay Aina kaya napatigil ito sa paghagikgik niya. May sinensyas lang sakaniya si Thiago kaya nakuha nito ang atensyon niya. "Tu-lu-ngan mo-a-ko!" he mouthed pertaining to the girls beside him. Natawa muli si Aina pero huminto rin ng sinamaan siya ng tingin ni Thiago. Tumikhim muna siya at nag-isip. Paano niya naman mapipigilan ang mga babaeng agresibong ito? Nagkunwari siyang may tumawag sakaniyang cellphone. Tumayo pa ito at nilakasan ang kaniyang boses para marinig ng lahat. "Ah- Hello? Theo? Ano? Si Thiago? Andito! Ahahaha! Salamat! Ano? Gusto mo siyang makausap? Sige! Ito!" tinakpan pa nito kunwari ang cellphone. "Ah excuse me lang girls ha? Hinahanap na kasi siya ng kapatid niya eh. Pwede ba?" malambing na sabi ni Aina. "Ah! Oh sige! Thiago! Balik ka ha?" pilit namang ngumiti si Thiago bago tumayo. Nang makalabas sila sa restaurant ay para siyang nakahinga ng maluwag. "Whoo! Grabe sila!" reklamo nito na ikinatawa ni Aina.  "Ito naman. Masaya lang sila at nakasama ka."  "Tss." Nasa roof top nakalagay ang pizza parlor na kinainan nila. Kaya nakatingin ngayon sila sa kabuuan ng Alberta. The night wind breeze enveloped them. "Thiago." "Hm." "Do you think it's worth it?" "The what?" "Ariel, exchanging her voice into legs just to be with the one she loves?" Aina asked the same question she asked to Theo yesterday.   "No." napalingon siya kay Thiago. Theo answered yes while he said no? Bakit kaya? "Hindi niya na kailangan pang isakripisyo kung anong meron siya dahil lang sa taong mahal niya. Dahil kung mahal rin siya nito pabalik. Gagawa ng paraan ang lalake para sakaniya. They will meet half way, not just the girl. Not all the time you need to sacrifice when a real guy can sacrifice all for the both of you..." seryoso nitong sabi ng hindi tumitingin kay Aina. Napatitig naman si Aina kay Thiago na nakaside-view at hinahangin ang buhok. Natigilan siya at naoaisip. She guess that Theo and Thiago has different perspective into love. Ano nga ba ang susundin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD