Chapter 4 - The Sweet Escape

3494 Words
♪  If I could escape and recreate a place that's my own world And I could be your favorite girl forever, perfectly together ♪ "Theo, tama na iyan. Hindi naman masakit eh." tumayo si Aina at marahang hinawakan ang braso ni Theo. Halos malusaw naman ang binata sa lambot ng mga kamay ni Aina na dumikit sa balat niya. Nagtagal ang mga tingin niya rito bago ibinalik ang atensiyon sa dalawang babae sakanilang harapan. Kung hindi lang dahil kay Aina ay baka kung ano na ang nagawa niya sa mga ito. "Now, leave. Before I could change my mind." mariing ingles ni Theo. Akmang tatalikod na ang mga ito ng pigilan sila ni Annika. "Kunin niyo na 'to. Hindi kami kumakain niyan eh." parang nandidiri ang ekspresiyon ni Annika na labis nagpaliyab ng damdamin ng babae sa harap nila. Maagap naman niyang kinuha iyon at nagmartsa na sila palabas ng cafeteria. Annika smirked before pulling the chair beside her sister and settle her self. Ganoon rin ang ginawa ni Brandon at awtomatikong umakbay ang kamay sa sandalan ng mono block chair. Tinignan ni Theo si Aina at saka nginitian. "Kain ka na ulit." tinanguan naman siya nito. "Next time if someone tries to bully you, Alaina. Learn to defend yourself. Marami talagang inggitera rito sa Alberta lalo na kapag transferee. Mabuti na lang at Valderama ka." sambit ni Annika sa kapatid. "Hindi niya na kailangan yun. I'm here. Ako na ang bahala sakaniya." seryosong sambit ni Theo at sinuri ang pisngi ni Aina para tignan kung nagkasugat ba. "Hindi nga masakit. Kumain ka na rin." ngiti ni Aina. Hindi maipagkakaila na parang may paru-parong umiikot sa tiyan ni Aina. Naaalala niya kung paanong nagliliyab ang mga mata ni Theo nang masaktan siya. Kulang na lang ay manakit nga siya ng pisikal. "Oo nga, walang magtatangkang mang-away diyan kay Aina sa room. Bugbog sakin. Pero kung mga manliligaw. Ewan ko lang. Ayaw ko naman manghimasok sa personal na buhay niya." ngumisi si Andra at siniko si Millicent na awtomatikong napatingin sa busangot na mukha ni Theo. "Nako, wala pa sa isip ko 'yan." maagap pero nahihiyang sambit ni Aina. "I'll wait then." seryosong sagot ni Theo pero hindi lang siya pinansin.  Umikot naman ang mata ni Annika kaya natawa na lang ang grupo. "Uy, si Kuya selos." tuya ni Andra. "Shut up. Ihahatid ko kayo mamaya sa building niyo." seryosong sambit ni Theo sabay lingon kay Aina. Totoo nga ang mga sinabi ni Theo. Hinatid niya sina Andra at Aina sa building nila. "Dito ka na, baka malate ka pa sa klase mo." sambit ni Aina. "Nope, ayos lang. Hatid na kita hanggang room." halos mabali ang leeg ng mga babae kakalingon kay Theo. "Tss, huwag na. Niloloko ka lang ni Andra." natatawang tulak ni Aina kay Theo. Pinatigas lamang ni Theo ang kaniyang katawan kahit pilit siyang itinutulak palayo ni Aina, Nagtatawanan ang dalawa sa labas ng kanilang classroom. Si Andra ay iniwan na silang dalawa sa labas para makapagbonding naman sila. "Sige na! 'Dun ka na!" tulak pa rin ni Aina. Theo suddenly caught Aina's hand then gently pinned her on the wall. Wala ng tao sa hallway dahil nagring na ang bell nila. Sa ilang minuto lang ay darating na ang susunod na guro. Napatitig si Aina sa malokong itsura ni Theo. Her heart is beating so loud again. Looking into his brown eyes really makes her heart melt. It's like she's already diving into Theo's deeper thoughts. Theo swallowed hard. Hindi niya na mapigilan ang sarili. Ilang linggo niya pa lang nakikilala si Aina pero gusto niya na agad aminin ang nararamdaman. "You said you're too young to love aren't you?" marahang bulong ni Theo habang nakasandal parin si Aina sa dingding. Nakatukod ang kanang kamay nito at kinukulong ang dalaga. Mabuti na lang at nasa labas sila ng kanilang classroom. Walang nagtangkang lumabas para gumambala dahil lagot sila kay Andra. "Th-theo.. baka dumating na yung teacher!" tarantang sambit ni Aina. "Maghihintay ako." nilagay nito ang takas na buhok ni Aina sa likuran ng kaniyang tenga. "I'll wait till your ready. As long as you'll end up with me. Is that even possible?" nagsusumamo ang magaspang nitong boses. Napalunok na lamang si Aina. They are too close right now. She wondered if Theo can hear her heartbeat. "Ah..pag-iisipan ko. Sige na. Bye!" natatarantang sabi ni Aina. Yumuko ito at pinalusot ang katawan sa nakaaawang na espasyo kaya nakatakas siya kay Theo. Natatawa naman na napailing si Theo. Kinamot nito ang likuran ng kaniyang ulo. Bago nilagay ang dalawang kamay sa bulsa at naglakad. Nang uwian ay si Aina naman ang nagtungo sa building ng kaniyang ate. Sa ibaba lang siya naghintay at hindi na nagtangka magtungo sa classroom ng ate dahil baka magalit pa ito. Suot ang kaniyang color pink na bag pack at yakap ang isang makapal na libro ay nilalaro niya ang mga bato. Sinisipa niya ito isa-isa. Naagaw ng atensiyon niya ang grupo ng tatlong nagtutulakang lalake papalapit sakaniya. Nagkibit balikat lamang siya at hindi na lang sana papansinin pero humarang na ito sa harapan niya. "Hmm?" tanong niya sa mga ito. Kakamot-kamot pa sa ulo ang isang lalakeng nanguna. "Hi, Alaina." nahihiyang sambit ng isang lalake. "Hello." nakangiting sagot naman nito. "Ah, Dala ko yung sasakyan ko eh.  May kasabay ka na bang umuwi?" Sasagot na sana siya ng nakaramdam siya ng kamay na umakbay sakaniyang balikat. "Meron! Ako! May angal kayo?" sigang sabi ni Theo. Napaangat ng tingin si Aina sa kunot na noo nito. "Ano ba yan, Valentino! Bakod ka na naman eh. Ang dami mo ng chicks ah? Pati ba naman si Aina?" mapangahas na sambit ng isang lalakeng kasama nila. Sumeryoso ang mukha ni Theo. He knows that he was a playboy before but things are different now. Hindi niya kailanman naisip na paglaruan si Alaina. "Iba na ngayon. Can't you see the Valentino sign written on her forehead? She's my possession so back off. Kayo ang dapat niyang layuan at hindi ako. Unless you want to fight with me. I am so willing for that." matigas nitong sambit. "Tol, tara na. Kay Valentino na pala iyan eh." tapik ng isang lalake sa kaibigan nila na nakabusangot na ang mukha. Sinamaan niya na lamang ng tingin si Theo bago tumalikod at naglakad na palayo. "Tss. Bakit ba napakalapitin mo? You're not even doing anything. Naglalaro ka lang ng bato diyan pero nilapitan ka na." maktol nito ng makalapit kay Aina. "What? Nakita mo akong naglalaro kanina pa? Eh bakit di mo ako nilapitan?" natatawang tanong ni Aina. "Wala. I just find you cute just by staring from afar." Theo looked away. Mas lalong napangiti si Aina. Maya-maya pa ay bumaba na si Thiago,Millicent,Annika at Brandon. Si Andra ay nauna na sa sasakyan dahil naiinip maghintay. It's already 4:00 pm kaya sakto pag-uwi ay guguhit na naman siya. "Nandiyan na ba yung driver, Aina?" tanong ni Annika habang sinasara ang zipper ng kaniyang sling bag. Tumango naman ang kapatid. Theo gently brushed her hair. Hindi niya pwedeng ihatid si Aina dahil may sarili naman silang kotse. Mahigpit ang bilin ng kanilang magulang na si Mang Carding lang ang magmamaneho sakanila pauwi. Hindi nila pwedeng kalimutan na anak parin sila ng Mayor kaya kailangang pangalagaan ang kanilang seguridad. "I want to see you sketch again. Kaso may utos sakin si daddy. Hindi naman pwede si Andra. Lalo na si Kuya Thiago dahil ihahatid niya si Millie." Theo sadly said. "Eh di sa susunod na lang. Marami pa namang pagkakataon." nakangiting sabi ni Aina. Lumiwanag naman ang mukha ng binata. "You would still allow me to watch you?" masayang tono nito. "Oo naman. Hindi ka naman manggugulo 'diba?" natatawang sabi ni Aina. "I won't." he flashed a smile. Nang makauwi ay naabutan nila si Mayor Virgilio at Anthelma na nagmemeryenda sa hapag. Agad nilang naagaw ang atensyon ng mga magulang kaya isa-isa silang humalik sa mga pisngi nito. "How was your first day huh ladies?" malambing na tanong ng kanilang Ina. Dirediretso si Aina sa lamesa at kumukha ng isang waffle at kinagat ito bago sumagot. "Ayos lang naman mommy. Wala pa masiyadong ginagawa kasi unang araw pa lang." sambit ni AIna habang namumuwalan pa sakaniyang waffle. "How about you, Annika?" baling ni Mayor Virgilio sa anak na nananatiling nakatayo sa gilid. "S-same. Dad." tipid nitong sagot. Sumeryoso naman ang mukha ni Mayor Virgilio at inilapag ang diyaryong binabasa. "I heard from Juliet that you can't even play a single piece perfectly. Is that true?" baritonong tanong ng kanilang ama. Ramdam ni Aina ang takot ng kaniyang ate dahil nakayuko lamang ito at hawak ang magkabilang kamay. "Remember! I want you to be more committed to music dahil ito ang larangan ng negosyo natin at kailangan nating ipagpatuloy ang nasimulan ng angkan ng mga Valderama! Ang sabi pa sakin ay talo ka pa ni Alaina! Anong klase bang-" "Virgilio, tama na iyan. Sa simula ay ganiyan naman talaga hindi ba?" pilit pinakakalma ni Anthelma ang asawa. Nanatiling nakayuko pa rin si Annika at kinukubli ang namumuong luha sakaniyang mga mata. "Mauuna na po ako. Gagawa pa po ako ng homework." nagmamadaling umakyat ng hagdan si Annika at mabilis isinara ang pintuan ng kwarto. Dumapa siya sakaniyang kama at ibinuhos ang mga luhang kanina pa nagbabadya. She will never be good enough for her father. Dahil kahit kalian ay hindi siya mahihilig sa musika. Mas piniling mapag-isa ni Aina sa dalampasigan hawak ang kaniyang gitara. Masiyado siyang malungkot para gumuhit. Okupado ang kaniyang diwa dahil sa nangyari kanina sa hapag. She felt bad for her sister. Alam niya na walang hilig ito sa musika hindi tulad niya. Hindi niya man sinasadya pero isa ang musika sa nagbibigay kulay sakaniyang mundo. Bigla niyang naisip si Theo habang sinusugod siya ng kalmadong hangin. Nakaupo siya sa isang malaking bato habang yakap ang gitara. Nakatanaw sa naguunahang paghampas ng alon sa pampang. Is love really possible at her very young age? Iyan ang tumatakbo sakaniyang isipan. Pero ang sabi ng kanilang ama ay sagabal lamang ang pag-ibig sa isang tao. Para itong apoy na umuupos sa haligi ng mga desisiyon mo sa buhay na itinuturing mong tahahan. Para itong malalang sakit na unti-unti kang uubusin hanggang sa huli mong hininga at kapag nagsisisi ka na ay huli na. Wala ka ng magagawa dahil kumalat na ito saiyong sistema. Wala ng lunas. Ngunit iba ang nararamdaman niya. If her dad was true why does she feel too much happiness when Theo is around? Why does it feel so different from what their father tries them to believe with? Now she is very confuse.  Pabalik sakaniyang kwarto ay napahinto siya sa pintuan ng kaniyang ate. She can hear the voice of her sister even she's outside. "Sige, pupunta ako. Stress rin ako dito kay dad eh... As usual... Same bar ba? Oo... akong bahala. Bye. I love you too, Brad." napasinghap si Aina mula sa labas. Tatakas ba ang ate niya? Sa bar? Halos mapatalon sa gulat si Aina ng biglang nagbukas ang pinto ng kwarto ng ate niya. Nanlaki rin ang mata ni Annika ng Makita ang kapatid. "Why are you here?" she whispered. "Tatakas ka ate?" tanong ni Aina na ikinataranta ng ate niya. "Sshh!" nilagay ni Annika ang hintuturo sa bibig nito at marahas na hinatak ang kapatid papasok sakaniyang kwarto. "Magagalit si daddy!" natatarantang sambit ni Aina. "Magagalit talaga siya kapag nalaman niya! Kaya wag kang maingay!" agap naman ni Annika. "Huwag ka ng lumabas, Ate." alalang pigil niya sa kapatid pero tila wala ng makakapigil sa ate niya. "Babalik rin ako agad." "Sasama ako!" pilit ni Aina. "Ano? Huwag na! Mas delikado kapag sumama ka pa!" "Sasama ako ate. Kung talagang saglit ka lang ay isama mo ako. Para uuwi rin tayo agad!" "Tsk! Oo na! Ang kulit mo!" inis na angil ni Annika. Nagtungo muna si Aina sa kaniyang kwarto. Alas-diyes ang usapan. Party bar ito kaya problema niya kung paano magdadamit. She tried searching on the internet at puro mahahalay na damit ang nakita niya. Napabuntong hininga na lamang siya. She ended up with a dark denim jacket and white tube paired with a black ripped jeans. Pilit niyang itinataas ang tube niyang bumababa. Katorse anyos man si Aina ay hindi maitatago ang pag-usbong ng magandang hubog ng kaniyang katawan. Isang katok ang umalarma kay Aina. Kung sakaling ang mommy nila ito ay tiyak malalagot siya dahil anong oras na ay gising pa siya at nakasuot ng pang -alis. "Sino yan?" she whispered near the door. "It's me!" Annika whispered on the other side. Mabilis niya itong binuksan at sa maliit na siwang ay sinilip niya ang kapatid. "Let's go." nanatiling bumubulong si Annika at hinatak na palabas ang kapatid. Sa likurang bahagi sila dumaan. Sa parte ng dalampasigan kung saan wala masiyadong bantay dahil pribadong pagmamay-ari ito. Ang mga guwardya ay mas binibigyang pansin ang paligid ng mansion. Hawak-hawak ni Annika ang kamay ng kapatid habang nangunguna ito sa paglalakad. Marahan at magaan ang ginagawa nilang hakbang dahil isang ingay lang ang likhain nila ay mapapahamak silang dalawa. Nang makalagpas ng dalampasigan ay isang puting kotse ang ang naghihintay sa labas. Mabilis na sumakay ang dalawa. Si Annika sa front seat sa likuran naman si Aina. Humalik si Annika sa lalakeng nasa driver seat at nakumpirma ni Aina na si Brandon pala ito. Lumingon ito sakaniya at kumindat. "First time to rebel?" mapanuyang tanong ni Brandon kay Aina. "Saglit lang kami. Bilisan mo na." sa utos ni Annika ay mabilis pinaharurot ni Brad ang kaniyang kotse. Nang makarating sa bayan ay labis na ang kabog ng dibdib ni Aina. She swallowed hard as the night gets deeper. Looking at the lights on the establishments as they are pass through it is really new to her. This is her first time escaping because she's too concern for her sister. Pinagalitan na nga ito kanina tapos ito na naman at gumagawa na naman ng ikakagalit ng kanilang ama. "You okay there?" napatingin siya kay Brad na nakangisi sakaniya. Tumango lamang ito. "Wala si Theo roon ah? Why'd you decided to come?" hindi ko alam kung bakit bahagya akong nalungkot sa sinabi niya pero isinawalang bahala ko lamang ito. "Gusto ko lang masigurado na makakauwi ng maaga ang ate ko." tipid niyang sagot. "Sweet! Nag-away kasi si Thiago and Millicent. Kaya naghahanap ng karamay." bahagyang tumawa si Brandon. Nag-away sila? They always seemed fine when they are all together. Sila yung tipo ng magkasintahan na kaiinggitan ng karamihan dahil halos hindi mapaghiwalay. Lalo pa si Thiago na matigas ang personalidan at suplado pero pagdating sa kasintahan ay buo ang atensiyon na ibinibigay nito. Ibang-iba sa ugali ni Theo na hindi ka matatakot kausapin. Si Millicent naman ay mahinhin at palangiti kaya hindi mo pagiisipan na magsisimula ito ng argumento. Bakit naman kaya sila nag-away? Malamang si Thiago ang nagumpisa. Sa isip-isip ni Aina. Ni minsan ay hindi man lang siya nginitian nito. Kailangan pang pinipilit. "Really? Marunong pa lang mag-away ang dalawang yun?" kumento ni Annika. Maayos naman silang nakarating ng bar. Mukhang ekslusibo ito dahil hindi mo halatang bar mula sa labas pero may mga bantay ang haligi nito. Hindi basta nagpapasok hanggat hindi kilala. Si Brandon ang nanguna hawak ang kamay ni Annika. Si Aina naman ay nasa likuran nila at palinga-linga, Every part of this bar is so new to her. People dancing everywhere with a glass of liquor on their hand. Lights emits it's color alternately that made her eyes close for a while. Most of the people are so happy and enjoying the music like it's a kind of a drug that made them hype and uncontrollable. Napahinto si Aina sa paglalakad. Bahagya siyang nahilo dahil sa pagka silaw. Napakagat siya ng labi. Hindi niya na maaninag ang kaniyang ate. "Alaina!" back to her senses. She adjusted her sight finally seeing Annika. Nagmamadali niyang hinabol ang agwat sa pagitan nilang tatlo. "Hindi tayo hahalo sakanila. We have a VIP room. Hindi kami usually lumalabas dahil maingay. Mas gusto lang namin mag-chill." paliwanag ni Brandon habang papaakyat sila ng second floor kung nasaan ang VIP area. "May mga babae?" tanong ni Annika habang nakataas ang kilay. "Of course. You know the drill babe. But my eyes are for you. So no need to stab me with those stares." natatawang sambit ni Brandon bago inakbayan ang nobya. "Hey, Aina. Wag mo kaming isusumbong kay Millie ah? Wala naman ginagawang masama si Thiago. He just want to be accompanied by her girls." natatawang biro ni Brandon kaya mahina siyang pinalo ni Annika. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng iritasyon. Naisip niya kung si Theo rin ba ay nagpupunta rito kapag nabobored. Palagi niyang likas na babaero raw ang mga Valentino. Kitang-kita naman sa pagkakahubog ng kanilang mukha at hulma ng katawan. At the age of 18 they make the girls drool over their presence. "Uh...Ate!" tawag ni Aina ng malapit na halos sila sa pintuan ng VIP room. "What?" lingon ni Annika sa kapatid. "Saan ang...CR?" "There. Walk straight then turn right." "Bumalik ka agad ah. Itong black na pinto ang VIP room natin." bilin ni Annika. Tumango-tango naman si Aina bago tumalikod. She suddenly feel suffocated. Masiyadong maraming tao ang lugar kaya nga siguro mas pinili nilang mag VIP. Bago makarating sa restroom ay naaninag niya ang isang pintuan. Gawa ito sa salamin kaya kita niya kung saan ang tungo nito. Sa roofdeck. At dahil kilalang kuryoso ito sa lahat ng bagay ay naisipan niyang lumabas roon. A breeze of cold air made her hugged herself. They are few people here. I guess most of them want some quiet ambiance unlike outside that is loud and wild. She walked slowly near the overlooking of the roof deck which you can see the whole view of Alberta. Ngayon lang siya nakalabas ng malalim pa ang gabi kaya pakiramdam niya ay nakakahinga siya ng maluwag, Is this being a rebel feels like? Kaya ba palagi itong ginagawa ng ate niya? "Hi." isang boses ng lalake ang nagpalingon sakaniya. A tall guy who's wearing a black sweater reaching his elbow paired with a dark jeans. He's holding a beer on his hand while the other hand is on his pocket. "You seemed alone? Want some company?" the guy politely asked before brushing his clean cut hair and smiled. Bahagyang kinabahan si Aina. Hindi siya marunong tumanggi dahil baka magalit ang lalake at ano ang gawin sakaniya. "Uhh..." "Lance by the way." naglahad ito ng kamay sakaniya. Tinitigan niya lang ito. Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa kamay at mukha ng lalake. He seemed nice though. "Bakit ang tagal mong bumalik?" nagulat ang dalawa sa baritonong saglita muna sakanilang likuran. Sabay silang napatingin dito. "Kanina pa kita hinihintay." seryosong sabi ni Thiago at naglakad diretso kay Aina bago inakbayan. "Balik na tayo sa loob?" tumango-tango na lamang si Aina.  Nagulat man siya ay bahagyang lumuwag ang kaniyang kalooban sa pagdating ni Thiago. Hindi man niya ito maintidihan panigurado ay sinabi niya lang ito para iligtas siya sa ganitong klaseng sitwasyon. "Oh, a new girl I must say. Too bad I'm late, Valentino." sambit ni Lance na nakangisi dahil sa mariing tingin ni Thiago sakaniya. "Shut up." sambit ni Thiago bago hinila si Aina na nagpatinaod na lang sa paghatak nito sa kamay niya. Nang makalabas ng roof deck ay padabog niyang isinandal si Aina sa dingding, Bahagya itong napangi dahil sa sakit. He looked into Thiago's eyes and saw anger and disgust. "Why are you here?" galit na tanong ni Thiago kay Aina. "Uh.. Kasama ko sina..Ate..kaso gusto ko sana mag CR pero lumabas muna-" Hinampas ni Thiago ang dingding na sinasandalan ni Aina kaya napaigtad ito sa takot at gulat. "Then how did you ended up on the roof deck? Wala rito si Theo kaya bakit ka pa sumama!" mangiyak-ngiyak na si Aina habang sinesermonan. "Listen, Kid. This isn't a playground. Can't you see? This is a different world where you don't belong. And you even dressed up for this? Seriously? Even so you are still a kid for me kaya sana hindi na kita makita sa susunod." mariin ang sambit ni Thiago bago tinalikuran si Aina at iniwan. Pinunasan niya naman ang luhang tumulo at isinawalang bahala na lamang ang mga sinabi ni Thiago. Tama nga naman, bakit ba siya sumama gayong hindi siya marunong humawak ng ganitong klaseng sitwasyon. Maayos namang nakauwi ang dalawa sa mansyon na parang walang nangyari. Saglit lang talaga silang namalagi roon. Alas dose na ng makahiga sa kama si Aina. She can't help not to think about what Thiago said earlier and the angry look on his face. He is very different from Theo. Way way different. Pero nagpapasalamat na lang din siya dahil dumating ito dahil kung hindi ay baka ano ng nangyari sakaniya. Maaga rin silang nakauwi at hindi nahuli. It's still a sweet escape after all.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD