bc

For The Love Of Love (COMPLETED)

book_age12+
54
FOLLOW
1K
READ
adventure
fated
brave
others
twisted
bxg
mythology
superpower
tricky
punishment
like
intro-logo
Blurb

A twisted time and love.

Inspired by the legendary Psyche and Cupid's story.

-

➷ ➵ ➶ ➸ ➷

"Roses are red,

violets are blue,

if you get lost,

then I'll look for you."

➳ Him

"Roses are red,

violets are blue,

listen to my heart,

that only beats for you."

➳ Her

"Roses are red,

violets are blue,

if you love me,

then show me that your love is true."

➳ Both

➷ ➵ ➶ ➸ ➷

chap-preview
Free preview
C1: Gavin
C1: Gavin "Nasaan ako? Sino ka?" Bungad ng isang babaeng natagpuan ni Gavin na nakahandusay sa tapat ng kotse niya sa kalagitnaan ng gabi. Pinakiramdaman niya ang pulso nito upang makasigurado na buhay ito bago idinala sa pinakamalapit na hospital. Hinanapan niya ito ng ID ngunit wala naman itong dalang kahit ano kaya napilitan siyang maging guardian nito. "You're in the hospital and I'm Gavin, who brought you here. Saan ka nakatira? para matawagan ko o maipaalam ko sa pamilya mo." Sagot nito sa babae. "H-hindi ko alam." Nakayukong sagot nito na para bang gulong-g**o. "What?! Ba't hindi mo alam? Miss, wala akong time para makipaghulaan o lokohan sa'yo kaya kung pwede lang sabihin mo na." Pakiusap ng binata dito na mukhang nagagalit na. Inabala siya nito kaya ganito siya. Bigla na lamang naiyak ang babae dahil wala siyang maalala. Nakaramdam naman ng awa ang binata. "W-wala akong maalala! Bakit ba ako nandito? Sino ako?" Humahagulgol na tanong nito. Tinitigan niya ito ng may pagtataka. Lumabas siya para itanong kung bakit para bang walang maalala ang babae pero hindi rin malaman ng doctor nito kung bakit wala namang damage ang ulo nito o kung ano. Normal naman ang kalagayan ng babae. Binalikan niya ito na mahimbing na natutulog. Pinagmasdan niya ang napakaganda nitong mukha na nagpaalala lamang sa kanyang yumaong kasintahang si Rosalyn Samonte. Tatlong taon na ang nakakalipas na hanggang ngayon ay masakit pa rin para sa kanya dahil wala siyang nagawa kung 'di ang mahalin lang ito. Hanggang sa bawian ng buhay dahil sa sakit na hindi man lang sa kanya pinaalam ng kahit na sino sa pamilya ni Rosalyn. Minabuting itago ng kanyang kasintahan ang sakit para hindi makaabala sa kanya. Hindi nakapasok sa trabaho si Gavin dahil hindi niya kayang iwan ang babaeng walang maalala. "S-sa'n tayo pupunta?" Biglang tanong ng babae kay Gavin na mukhang ilap na ilap sa kanya. Papalabas na sila sa hospital pagkatapos ng isang buong araw na pananatili nito doon. Hawak ni Gavin ang left wrist ng babae habang hila-hila ito patungo sa parking area kung saan naroon ang kotse ng binata. "Sa bahay." Tipid na sagot nito sa babae ng diretso ang tingin. Ipinasok niya ang babae sa kotse at kinabitan ng seatbelt na ikinagulat ng babae kaya napapikit ito ng mariin dahil sa takot na kung ano ang gagawin ng binata sa kanya. "Bakit ako pupunta sa b-bahay mo?" Natatakot na tanong nito sa binata. "Bakit? Alam mo ba kung saan ka uuwi?" Balik tanong ng binata dito. "H-hindi p-pero hindi mo naman ako kilala 'di ba?" Kinakabahang tanong ulit nito. "Bakit? Kilala mo ba ang sarili mo?" "Hindi p-per--" "Tama na ang pero, Miss. I understand your situation kahit hindi mo masabi sa akin. Kung talagang wala kang mapupuntahan dahil sabi mo wala kang matandaan pwede kang tumuloy sa bahay," Pinagmasdan siya nito na para bang nag iisip, "Harmless ka naman kaya tatanggapin kita sa bahay at kapag may ginawa kang masama o mali habang nasa puder kita, ipakukulong kita. Naiintindihan mo ba ako?" Seryosong sabi ng binata. "O-oo. Oo." "Good. Mabuti ng nagkakaintindihan tayo." Kampanteng sabi ng binata. "Promise kapag nakaalala ako, babayaran kita sa mga naitulong mo." Mahinang sabi ng babae. "No need. Naaawa lang ako sa'yo kaya kita tinutulungan." Walang ganang sabi ng binata dito. But on the other hand, hindi lang siya naaawa kung 'di naaalala lang niya sa babae ang kanyang kasintahan na hindi niya nagawang tulungan habang nabubuhay pa ito. Kaya gusto niyang tulungan ang babaeng ito kahit sa panahon ngayon ay napakarami na ang manloloko. After all, wala naman siyang ibang kasama sa bahay dahil nag-iisa na lamang siya sa buhay. Kaya napakahirap para sa kanya noong nawala ang nag-iisang taong minahal at naging mundo niya simula noong makilala niya ito. Dinala niya ang babae sa guestroom ng bahay niya saka ito binigyan ng malinis na damit na pinabili niya sa secretary niya bago sila makauwi. "Dito ka matutulog. Kung kailangan mo ako nasa katabing kwarto lang ako." Paalala ng binata dito. "S-salamat." Akmang lalabas na si Gavin nang binalingan niyang muli ang babae. "Hindi mo ba talaga naaalala kahit ang pangalan mo? O ayaw mo lang sabihin?" Tanong niya sa babae. "Hindi ko talaga alam. Sorry." Naluluhang sagot ng babae na ikinalambot ng puso niya. Para kasing sa tuwing makikita niyang nalulungkot ang babae ay parating sumasagi sa isipan niya ang mga ala-ala ni Rosalyn. "Anong gusto mong itawag ko sa'yo?" Malumanay na tanong ng binata. "I-ikaw na ang bahala tutal ikaw naman ang tatawag." "Rose." Biglang bangit ng binata. "Huh?" "Rose. Rose na lang ang itatawag ko sa'yo. Sige. Magpahinga ka na muna dito." Nangingiting sabi ng binata. "S-sige." Naligo at nagbihis si Rose bago siya natulog muli. Nang sumapit ang tanghalian saka siya tinawag ni Gavin. "Kakain na tayo. Nakapagpahinga ka ba?" Tanong ng binata. Tumango siya ng mabilis. "Kanina ka pa gising?" Tanong muli ng binata. Tumango ulit siya. "Hindi mo naman kailangang magkulong dito. Pwede kang lumabas ng kwarto." "O-ok." Kumain si Rose ng tahimik habang hindi nito namamalayan ang pasulyap-sulyap at panakaw-nakaw tingin ng binatang katapat niyang kumain. Kinabukasan ng pangatlong araw ng pananatili ni Rose sa bahay ni Gavin ay kinailangan ng binatang iwan muna ito sa bahay ng mag-isa dahil urgent ang meeting niya sa investors ng sarili niyang kompanya. Iniwanan niya ito ng pagkain sa ref na pwedeng initin sa microwave na itinuro niya din kung paano gamitin. "Babalik ako kaagad pagkatapos na pagkatapos ng meeting ko, Rose. 'Wag kang magpapapasok ng hindi mo kilala kahit kilala pa ako. Tawagan mo ako kapag may kailangan ka para masabihan ko ang secretary ko at kumain ka kapag nagugutom ka." Mga bilin ng binata dito. Sa loob ng tatlong araw na pananatili ni Rose ay tinuruan siya nitong gumamit ng cellphone na may nag iisang numero na kay Gavin lang para hindi mahirapan si Rose. Hinayaan siya ng binata na parating manatili sa maliit na hardin ng bahay na may mga mapupulang rosas na ikinatutuwa niyang pagmasdan. Maraming paru-paru ang naroroon dahil sa kanya. Umalis ng may pagmamadali ang binata. Habang nanonood ng tv ay inilipat-lipat niya ang channels nito na natutunan niya sa binata. Napahinto siya sa isang channel na may itinuturong... "Kung gusto mong makaalala ay dapat lumalabas ka ng bahay para makakita ka ng mga bagay o tao na pwedeng maging dahilan ng pagbabalik ng iyong mga ala-ala..." Nagpatuloy siya sa pakikinig at pag-iintindi sa mga sinasabi ng host. Napangiti siya nang maisipang lumabas. Kaya pagkatapos ng show sa channel na iyon agad siyang naghanda para lumabas. Sinarhan niya ang pinto ng bahay at ang gate pero hindi niya ito ni-lock dahil wala siyang susi. Naglakad-lakad siya habang aliw na aliw na pinagmamasdan ang paligid ng subdivision na puno ng kabahayang makukulay, pinapakiramdaman ang paligid na napakatahimik at ninanamnam ang sariwang hangin na malayo sa polusyon. Nakuha ang atensyon niya ng isang children's park na napakakulay na tagalang makakakuha ng atensyon ng kahit na sino. Naglibot-libot siya at umupo sa swing na kulay pink habang nakatingala sa kulay asul na kalangitan habang napapaisip kung bakit wala siyang maalala sa kung ano ang buong katauhan niya. Inabot siya ng gabi sa park na mas lalong naaliw sa iba't-ibang pailaw doon na kumukuti-kutitap sa paligid. Nagulat si Rose nang may lalaking nakauniporme ang nagtapat ng flashlight sa kanya. Bigla siyang nakaramdam ng takot kaya napatayo siya sa swing at umatras. "Miss, ikaw ba si Rose?" Tanong ng lalaki. "O-oo. B-bakit?" Takot na sagot ni Rose. "Kanina ka pa pinapahanap ni Sir Gavin. Nandito ka lang pala. Sumama ka sa akin." Bigla niyang naalala ang mga paalalang binilin sa kanya ni Gavin, 'wag magpapapasok ng hindi kilala o kahit kilala pa siya kaya ibig sabihin hindi rin dapat siyang sumama o makipag-usap sa hindi niya kilala o kahit kilala pa si Gavin. Nang lumapit ang lalaki sa kanya ay agad siyang tumakbo patungo sa daang tinahak niya bago mapunta sa park. Mas lalo lang siyang natakot nang habulin siya nito habang tinatawag ang pangalan niya. Nanginginig ang buong katawan niya sa takot nang may makasalubong siyang lalaki na yumakap sa kanya ng mahigpit. "Sh*t! Where the hell did you go?!" Madiing tanong nito kay Rose habang yakap niyang umiiyak ito. "Sorry, Sir Gavin. Mukhang natakot siya. Sorry po talaga, Sir." Paghihingi ng paumanhin ng guard na katulong ni Gavin sa paghahanap kay Rose. Mukhang hinihingal pa sa paghabol kay Rose. "It's ok. Thank you for helping me. Pwede na kayong bumalik." Sabi ng binata. Bumalik ang dalawang guard ng subdivision sa kanilang pinagpapatrolan. Tatlo kasi ang guard sa subdivision nila. Iniuwi ni Gavin ang dalaga na mahigpit ang pagkakakapit sa laylayan ng damit niya. Pinasok niya ito sa kwarto saka pinaupo sa dulo ng kama na tinabihan niya din naman. Pinainom niya ito ng tubig saka hinawakan sa magkabilang balikat. "Rose, tell me. Where did you go? At bakit mo iniwan ang cellphone mo?" Kalmadong tanong nito sa babae. "Sorry. G-gusto ko lang naman kasing makaalala na para hindi na ako maging pabigat sa'yo. Napanood ko kasi sa tv kanina na makakatulong sa pagpapabalik ng mga ala-ala ang paglabas ng bahay para makakita ng mga bagay o tao na pagpapaalala sa akin. Sorry talaga, Gavin. 'Wag kang magalit sa akin. Sorry." She said, sobbing. Nakayuko ito habang nakatitig sa kanya ang binata. "I understand pero sana man lang dinala mo ang cellphone mo para natawagan kita kung nasaan ka ba o kaya naman sinabi mo muna sa akin na gusto mong lumabas para masamahan kita. Pinag-alala mo ako, Rose. 'Wag mo na 'tong uulitin ah?" Malumanay na sabi ng binata dito. Tumango si Rose habang pinupunasan ang sariling mga luha sa pisngi. "As much as possible don't go outside lalo na kapag hindi mo ako kasama. Hindi ako galit kaya tahan na." Sabi pa ng binata. "S-sorry." "Stop saying sorry. Nakita kong hindi naman nabawasan ang iniwan kong pagkain. Hindi ka ba kumain?" Umiling siya. "So, kanina ka pa talaga sa labas?" Tumango ito. "Paano ka naman niyan makakaalala kung magpapagutom ka? Tara na nga. Kakain na tayo. May pinatake out ako kanina." Hinawakan niya ang kamay ni Rose saka ito marahang hinila palabas ng kwarto saka dinala sa kusina at tahimik silang kumain sa dinning area. -

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.4K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook