C6: Memories

1092 Words
C6: Memories "Sorry..." Mahinang sambit ni Rose nang maidala na siya ni Gavin sa kanyang silid. "Para saan?" Kalmadong tanong ni Gavin. "Dahil nakipag-usap ako sa ibang tao..." Mas mahinang sagot ng dalaga sa kanya. "His name is Cupid right?" Paninigurado niya. Nagtitimpi ng selos na nadarama. Tumango si Rose na hindi makatingin kay Gavin. Kinakabahan at natatakot na makitang galit ang binata. "I see. Magpahinga ka na muna. Dadalhan kita ng makakain mo." Sabi na lamang ni Gavin dito. Pinaupo niya muna ang dalaga sa kama at dinalhan ng pagkain bago natulog. Lumipas ang mga araw at linggo naging kumportable na si Rose kay Cupid pati na rin sa mga kasamahan nitong sina Apollo at West. Naging busy naman si Gavin kaya hindi ito napapansin dahil na rin sa hindi talaga palakwento si Rose tungkol dito. Madalas na tahimik kasi si Rose kapag kasama si Gavin. Mas dumalas nga lang ang pagkakahilo niya at pagkakahimatay pero mas minabuti niyang itago na lamang kay Gavin dahil marami pa itong dapat intindihin sa trabaho. Nandiyan naman ang mga bago niyang kaibigan para siya'y tulungan. Hindi pa rin maiwasan ni Cupid na masaktan sa tuwing nakikita nitong kasama ng mahal niya si Gavin at patuloy siyang umaasa kahit nasasaktan pa na matatapos din ang sakit na kanyang nadarama. "Sipag ah!" Biglang puna ni Cupid na nakatanaw sa bintana kung saan nakikita si Rose na nagwawalis sa garden na may mga tuyong dahon. "Hindi naman. Ito naman talaga gawain ko dito." Dahilan ni Rose na natatawa pa. May mga iilang paru-paru na lumilipad sa hardin at paminsan-minsa'y dinadapuan ng mga ito si Rose. "Sanay na sanay sa'yo ang mga paru-paru 'no?" Nakangiting komento ni Cupid dito. "Oo nga eh at alam mo ang nakakapagtaka? Magaan ang loob ko sa kanila." Nakangiting sagot ni Rose dito. "Wala ka bang naaalala tungkol sa kanila?" Mahinang tanong ni Cupid. "Huh?" Kunot noong baling ni Rose dito. "Nevermind. Pwede ba tayong maglakad-lakad sa labas ngayon?" "Hmm? Pagkatapos ko dito." "Sige." Pagkatapos nga ng gawain ni Rose sa garden ay lumabas ito. Naglakad-lakad nga sila ni Cupid. "Sina West at Apollo nasaan pala?" Tanong ni Rose dito. "Nasa bahay. Eh si Gavin? Parang hindi ko na madalas makita kapag umaga." "Aah. Medyo busy siya sa trabaho. Minsan nga late ng umuwi eh." Malungkot na dahilan ni Rose. "Kumusta naman ang mga naaalala mo?" " 'Di ko pa rin maintindihan eh. Laging may isang babaeng parang isinusumpa ako. Punong-puno ng galit ang kanyang mga mata. Nakakatakot pero napakaganda niyang babae." Kwento ni Rose. Kunot noo namang napaisip si Cupid at unang pumasok sa kanyang isipan ay ang kanyang ina. Ito lang naman ang alam niyang huling nakausap ng kanyang mahal bago ito mapunta sa mundo ng mga tao. "Ano pa ang mga naaalala mo? Baka kasi makatulong ako." "Ganoon lang naman madalas ang maalala ko. Salamat sa pagtulong mo ah? Ang bait mo sa akin kahit ngayon pa lang kita nakikilala. Baka naman magkakilala talaga tayo? Hindi mo lang sinasabi?" Natawa lamang si Cupid saka hindi napigilang pisilin ang ilong ni Rose. Maggagabi na nang makauwi sina Rose at Cupid. Nagulat pa sila nang makita si Gavin sa harap ng gate ng bahay nito. Matalim ang mga tingin kay Cupid. "Umuwi ka na, Cupid." Mahinang sabi ni Rose dito pero imbis na sumunod, matalim din nitong tinitigan si Gavin. "Saan ka galing?" Seryosong tanong ni Gavin kay Rose. "N-naglakad-laka-" Hindi na nito naituloy ang sagot dahil bigla siyang hinawakan sa palapulsuhan ni Gavin at marahas na hinila papasok ng gate na nagpainis kay Cupid, "-Nasasaktan ako, Gavin!" Naiiyak na sigaw ni Rose. Hindi na nakatiis pa si Cupid bago pa ni Gavin maisara ang gate ay agad na hinagip niya ang isang kamay ni Rose. "Wala kang karapatang saktan siya!" Biglang sigaw ni Cupid dito, "Bitawan mo siya!" Binalingan ito ng tingin ni Gavin na puno din naman ng galit na napapahigpit ang kapit sa palapulsuhan ni Rose. "At sino ka para utusan ako?!" "Tama na!" Sigaw ni Rose pero 'di natinag ang mga mata ng dalawa na nagbabaga sa isa't-isa. Binitawan na siya ng dalawa saka agad na sinugod ng suntok si Cupid ni Gavin kaya nagulat si Rose. "Hindi mo siya pag-aari kaya 'wag mo akong inuutusan!" Inis na sigaw ni Gavin kay Cupid. "Akin siya bago siya napunta sa'yo! Akin siya! Akin si Psyche!" Puno ng galit na sigaw ni Cupid. Natigilan silang tatlo. Paulit-ulit namang nagplay sa utak ni Rose ang pangalang Psyche hanggang sa sumakit ang kanyang ulo kaya napahawak siya dito at napaupo na agad namang nilapitan nina Gavin at Cupid na puno ng pag-aalala. "Aaaaaaaaah!" Puno ng sakit na sigaw ni Rose habang nasasabunutan na nito ang kanyang sariling buhok dahil sa sakit na nadarama ng kanyang ulo. Para itong binibiyak sa sakit. ... "I love you, Cupid!" "You can't love without trust!" Seryosong sabi ni Cupid saka umalis ng kanilang bahay. "Please. Don't go! 'Wag mo akong iwan!" Naiiyak na sabi ni Psyche dito. Umiiyak at puno ng lakas ng loob na pinuntahan ni Psyche si Aphrodite na ina ni Cupid para pakiusapan ito na balikan siya ng anak nito. "Mahal mo ang anak ko?" "Opo at gagawin ko ang lahat para mapatunayan ko ito, Aphrodite." Lumuluhang sabi ni Psyche dito. "Sige. Pwes tanggapin mo ang pagsubok na ibibigay ko sa'yo!" Nakangising sabi ni Aphrodite. "Buong puso ko pong tatanggapin. Patutunayan ko pong mahal ko ang anak niyong si Cupid." Agad na binura ni Aphrodite lahat ng kanyang ala-ala saka ito ipinatapon sa mundo ng mga tao kung saan mas maliit ang pusibilidad na makaalala si Psyche dahil malayo sa totoong mundong kinagisnan nito. ... Nang mawalan ng malay si Rose, mag-aaway pa sana sina Gavin at Cupid kung hindi lang nagparaya si Cupid dahil sa awa sa kanyang minamahal. Hinayaan na lamang ni Cupid na buhatin ni Gavin ang kanyang mahal. Umuwi ng bahay si Cupid na may pasa sa panga. Nagtataka namang nagtanong sina Apollo at West sa nangyari dito. Malungkot na lamang na pinagmasdan ni Cupid sa bintana na malapit sa kwarto ng kanyang minamahal sina Rose at Gavin. Nasasaktan nanaman siya sa nakikita. Hinihiling niyang sana siya ang kasama ngayon ng kanyang minamahal. Kung ano man ang dahilan ng pagsakit ng ulo ni Rose, para sa kanya ay sana ito na ang mga kasagutan sa mga tanong ng kanyang minamahal. Imbis na manatili sa mundo ng mga tao, bumalik si Cupid sa kanilang totoong mundo upang makausap ang kanyang ina tungkol sa pagsubok na ibinigay nito sa minamahal. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD