C3: Cupid

1000 Words
C3: Cupid Magkasama sina Apollo at West sa katabing bahay ni Gavin kung saan nakatira si Rose. Binabantayan nila si Psyche para kay Cupid. "Hindi niya ako makilala. Ikaw naman ang magpakita sa kanya, Apollo." Sabi ni West sa kaibigan na bored na sa kanilang tinutuluyan. "Mabuti pa nga." Agad na sagot ni Apollo dito. Gusto nilang makatulong sa kanilang kaibigan 'yon ang motibasyon nila sa ngayon. "Ano kaya ang nangyari sa kanya dito sa mundo ng mga mortal at nagkaganoon siya?" Pagtataka ni West. Nag-iisip ng mga pusibleng mangyari sa katulad nila sa mundo ng mga mortal. "Malalaman lang natin 'yan kung ipapaalam natin ito kay Cupid." Konklusyon ni Apollo. "Tiyak na masasaktan siya." Malungkot na saad ni West. "Parte naman 'yon ng pag-ibig na kung iisipin natin ay siya ang pinakanakakaalam." Dahilan ni Apollo. "Not until her mother done something like this, Apollo." Napabuntong hininga na lamang ang dalawa sa usapan nila. Kinaumagahan, natanaw ni Apollo si Gavin kasama si Rose. Hinalikan ito ng binata sa noo na ikinailing ni Apollo. "Lalabas lang ako, West." Pagpapaalam ni Apollo dito. "Enjoy!" Dali-daling lumabas si Apollo at lumingon sa babaeng kumakaway sa papalayong sasakyan ni Gavin. "Hi, Psyche!" Bati nito sa babae na kinunutan lamang siya ng noo saka isinara ang gate, "Sandali!" Sabi pa niya ngunit hindi siya pinakinggan ng dalaga. Hindi ito nagpapigil sa kanya. Ni hindi siya nito nilingon o sinulyapan man lang. Kakaibang Psyche ang nandito sa mundo ng mga tao. Naghintay pa siya ng ilang oras sa labas. Palakad-lakad baka magkaroon ng pagkakataon na makausap ito ngunit wala siyang napala. Hindi man lang ito sumilip mula sa binatana. Bumalik siya sa bahay saka hinarap si West. "Tinalikuran lang niya ako at hindi pinansin. Ang tagal ko pang naghintay sa labas. Nagbabakasakaling mapansin." Kwento ni Apollo. "See? Narinig kong Rose ang tawag sa kanya ng lalaking kasama niya diyan sa bahay." Kwento ni West dito. "Ipaalam na kaya natin?" Apollo suggested. "Mabuti pa nga siguro. Malalaman at malalaman niya din naman ito kahit itago natin. Mas mabuti ng malaman niya ngayon pa lang para magawan na niya ng solusyon o makausap ang kanyang ina tungkol dito." West agreed. "Sinong magpapaalam?" Tanong ni Apollo na para bang takot na ibalita ang nalaman nila. Nagkatinginan sila ni West. "Ikaw! Ako na lang ang magbabantay kay Psyche dito." Agad na sagot ni West dito na para bang hindi namomroblema. "May naisip ka bang paraan kung paano ko sasabihin kay Cupid? Dapat hindi siya masyadong masasaktan." "Walang ibang madaling paraan kung hindi ang masaktan, Apollo. Magagawa niya 'yang kayanin dahil siya mismo ang nakakasakit ng mga taong tinatamaan niya ng kanyang pana para mamuo ang isang pag-iibigan sa dalawang nakatakda." Paliwanag ni West dito. Napaisip naman si Apollo at naunawaan ito. Umalis si Apollo ng may lakas ng loob na sabihin ang mga nalaman sa mundo ng mga mortal kay Cupid. "Kumusta na ang aking mahal?" Bungad na tanong ni Cupid kay Apollo. Nakaramdam siya ng awa kay Cupid kaya imbis na sabihin ang mga natuklasan ay minabuti niyang itago at ito na lamang ang makadiskubre. "Mas mabuti sigurong ikaw na mismo ang makatuklas." Sagot ni Apollo. "Anong ibig mong sabihin?" Kunot noong balik tanong ni Cupid. Biglang naalala ni Apollo ang mga sinabi ni West kaya sa huli ay sinabi niya pa rin kay sa kaibigan. "Hindi ko alam kung bakit hindi kami makilala ni Psyche sa mundo ng mga mortal. Tinatawag siyang Rose ng isang mortal na kasama niya sa katabing bahay kung saan kami tumuloy nang mapunta kami sa mundo nila." Paliwanag nito. "A-ano? Paano nangyari 'yon?" Naguguluhan si Cupid dito. "Ilang beses na siyang sinubukang kausapin ni West pero parati siya nitong nilalayuan gano'n din naman ang nangyari sa akin nang tawagin namin siya sa kanyang pangalan." Paliwanag pa nito. Naiiyak na naguguluhan si Cupid. Hindi makapag-isip ng tama. "Kakausapin ko lang ang aking ina. Baka may sagot siya sa mga nangyayari sa aking mahal." Hindi mapakaling sambit nito. "Ikaw ang bahala." Sagot naman ni Apollo dito na para bang takot sa ina ng kaibigan, "Dito na lamang muna ako." Tinungo ni Cupid ang silid ng kanyang inang nakatanaw sa bintana. Malayo ang tingin nito. Napalingon ito sa kanya agad nang marinig na siya'y pumasok. "Anong kailangan mo anak?" Bungad na tanong ng ina ni Cupid. "Pwede niyo po bang ipaliwanag sa akin kung anong ginawa niyo sa aking mahal?" Puno ng emosyong tanong nito sa ina. Hindi mapakali at hindi makapag-isip ng tuwid. "Binigyan ko lamang siya ng pagsubok upang mapatunayan niyang tunay nga ang pag-ibig niya sa'yo anak." Paliwanag ng kanyang ina na para bang walang nasasaktan sa pagsubok na ibinigay nito. "Sa paanong paraan?" He asked out of frustrations. "Sa paraang alam kong malalagpasan niya kung tunay nga ang pagmamahal na mayroon siya para sa'yo." "Pupuntahan ko siya!" Agad na desisyon ni Cupid. "Mabuti pa nga! Nang maramdaman mo at makita mismo ng iyong mga mata kung tunay ba ang pag-ibig na mayroon siya para sa'yo." Panghahamon ng ina nito na kumbinsidong walang magagawa ang kanyang anak para maibalik si Pyche sa mundo nila. Biglang naglaho sa kanyang harapan ang kanyang ina. Bumalik si Cupid sa kung saan niya iniwan si Apollo at sumama na pabalik sa mundo ng mga mortal para makita ang kanyang minamahal at makumpirma ang mga impormasyong natanggap niya mula sa kanyang mga sinugong taga bantay. Maraming tumatakbo sa kanyang isipan ngayon. Sa dami, hindi siya makapag-isip ng maayos. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili dahil sa nangyari. Hindi niya mapapatawad ang sarili lalo na ang kanyang ina kapag may mangyaring masama sa mahal niya. Ipinangako na niya sa sarili na ipaglalaban niya si Psyche kahit anong mangyari dahil mahal niya ito. Makikilala kaya siya ng kanyang mahal? o mananatili na lamang ito sa mundo ng mga mortal? Sasama kaya ito sa kanya kung ipapaliwanag niya kung sino siya at sino si Psyche sa buhay niya at sa lugar nila? Maraming katanungan sa kanyang isipan, ilan lamang ito. -
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD