CHAPTER 10

1630 Words
Nagising si Liana nang makarinig ng malakas na pagsabog. Agad siyang tumakbo palabas ng silid nang makita ang kaguluhan sa kaharian.  "anong nangyayari?!"tanong niya sa mga tagapaglingkod na tumatakbo palabas ng kaharian ngunit walang sumasagot sa kanya at nilalagpasan lamang siya.  "Lia--na.."napabaling si Liana kay Hanish sa bulwagan na ngayon ay duguan na at may saksak sa tagiliran. "ibigay mo ang elementong hawak mo!"asik ng isang lalaking bampira. Nanlaki ang mata ni Liana nang makilala ang lalaking siya ring nais kumuha sa hawak na elemento ni Rhys. May mga patalim itong lumalabas mula sa katawan nito at patuloy na lumilipad patungo sa prinsipe ng Imana.  "Hanish!"nilapitan ni Liana ang duguang kaibigan. "u-umalis k-ka na.."nanghihinang anas nito ngunit umiling lamang dito si Liana. Naglabas ng apoy si Liana upang maging panangga sa kapangyarihan ng lalaki. Ang apoy na pumoprotekta sa kanila ay unti unting nagkakalamat dahil sa patuloy na pagsugod ng bampirang lalaki. Napangiwi si Liana nang madaplisan siya ng patalim mula sa kalabang bampira. "Liana..a-alis na.."ang huling turan ni Hanish bago ito bumagsak dahilan kaya nawalan ng konsentrasyon si Liana at tuluyang nabasag ang pananggang ginawa niya. Ang pagbaon ng patalim sa kanyang balikat at binti ang nagpabagsak kay Liana. Ang mga natamong saksak ay pilit nitong iwinawaksi sa isipan ng makitang papalapit na ang kalaban kay Hanish. "h-hindi.."ani niya bago muling binigyan ng panangga si Hanish kaya natigil sa paghakbang ang bampira. "ayaw mo talagang tumigil!"nanlilisik ang mga matang sigaw nito bago siya muling pinatamaan ng mga patalim. Sa dami ng saksak ay tuluyan ng nawala ang kapangyarihan niyang nakabalot sa prinsipe ng Imana. "hindi ma-maaari.."umiiyak na sambit niya nang makitang hawak na ng bampira ang katawan ni Hanish na wala ng malay. "l-lumayo ka.."wika niya lalo at dinudukot nito ang elemento sa tyan ni Hanish. Kung mawawala ang hangin dito ay mamamatay ang kaibigan niya! "huwag!"sa nanghihinang katawan at nanlalabong mga mata ay nakita ni Liana si Accalia. Yakap nito ang prinsipe. Napangiti ng mapait si Liana sa nakita. Hindi ka pa maaring masawi mahal na prinsipe ng Imana, hindi mo pa nakikilala ang lobong nakatakda sa iyo, bulong ni Liana sa sarili. Sa reaksyon nito at pagbubuwis ng buhay ay batid niya na iyon lamang ang maaring dahilan. Ito ang itinakda sa prinsipe ng hangin. "Liana!"kahit masakit ang buong katawan at nanghihina ay hindi pwedeng magkamali ang mga mata niya. Ang asul nitong mga mata ang bumungad sa kanya. Nakita niya ang prinsipeng kanyang iniibig kasama ang dwende na tagapagbantay ni Aradia. Aradia! Naalala ni Liana ang lihim sa pagitan nilang dalawa. Muli niyang nilingon ang nag aalalang dwende. "si A-Aradia?"tanong niya sa dwende. Umiling ito sa kanya dahilan kaya tumulo ang luha niya. "Liana halika na.."binuhat ng prinsipe si Liana ngunit pinigil niya ito sa tangkang paghakbang. "t-tulungan mo si H-Hanish.."nakikiusap na sabi ni Liana kay Rhys. "hindi na maganda ang kalagayan mo Liana--" nang marinig ang sagot ni Rhys ay buong lakas niya itong tinulak. "Liana!" nagulat ang prinsipe ng Zacarias sa ginawa nito. Umiiyak na lumapit siya kila Hanish. "Liana umalis ka dito!"sigaw ni Accalia habang sinasalag ang mga patalim. Umiling si Liana at itinaas ang dalawang kamay. "init mula sa akin ako ay pagbigyan paslangin ang masamang nilalang upang ang kaibigan ko ay maprotektahan!"buong lakas na sigaw ni Liana. Bilog na apoy ang lumabas mula sa kanyang palad patungo sa bampirang kalaban. Nang makailag ito ay muli niya itong pinaulanan ng bilog na apoy na kasing laki ng kanyang palad. Nadaplisan ang bampira sa kanyang ginawa. Sa natitira pang lakas ay muli niyang pinaulanan ang bampira. Nang matamaan ito ng apoy mula sa kapangyarihan ni Liana ay nagulat ang lahat ng lumiyab ang bampira at maging abo. Kasabay ng pagkawala nito ay ang pagbagsak ng katawan ni Liana sa lupa. "Liana!"ang sigaw mula sa prinsipe ng apoy ang siyang huling narinig ni Liana bago lamunin ng dilim ang kanyang kamalayan. "hindi mo kailangang mag alala anak at sinabi ng manggagamot na ligtas ang iyong kasintahan maging ang kaibigan nito."wika ni reyna Shirada.  Maging si Hanish ay maayos lamang daw ang lagay at nagising rin kinagabihan ng araw ding iyon.  "salamat sa pagtulong mahal na prinsipe.."wika ni Accalia kay Rhys. Ang pagliliyab ng apoy sa katawan ng kalaban ay manipulasyon ng prinsipe ng Zacarias, ang nangangalaga sa elemento ng apoy. "ako ang prinsipe ng apoy Accalia, iyon lamang ang aking naitulong samantalang si Liana ay buong tapang na hinarap ang kalaban."anas nito na nagbigay ngiti sa babaeng lobo. "nagagalak ako at ligtas ang lahat, ngunit nangangamba akong maaring bumalik ang mga nagnanais ng inyong mga kapangyarihan."sambit ng huli. "maghahanda tayo Accalia, upang sa susunod ay hindi na tayo kailangang protektahan ni Liana, hindi ko nais ang paglalagay niya ng sarili sa panganib."mahabang litanya ni Rhys. "sino nga pala ang babaeng nasa kabilang silid?"tanong ni Accalia. "siya ang nagsabing nasa panganib si Liana, kaibigan, iyon ang sinabi ng dwendeng si Avani."tumango si Accalia sa mga sinabi ng prinsipe. Nakarating sa Bayya at Alboleras ang nangyari sa kaharian ng Imana kaya napasugod ito kasama si Hanish sa palasyo ng Zacarias.  "hindi ako naniniwalang basta na lamang itong nakapasok sa palasyo, may mga bantay at isa pa imposibleng nakaya nitong talunin ang lahat ng kawal niyo."wika ni Yonah habang kausap ang tatlo pang prinsipe. "sinasabi mo bang may kasamahan ang lalaking 'yon?!"galit na baling ni Hanish.  "minsan na ring may nagtangkang kumuha ng elementong hawak ko."napalingon ang lahat kay Rhys sa tinuran nito. "hindi ito nagtagumpay sapagkat nagawa naming makatakas ni Liana.."anas ni Rhys. Kumunot ang noo ni Irving sa narinig. "nasa palasyo mo si Liana ng araw ng pag atake hindi ba Hanish?"tanong nito sa prinsipe ng hangin. Tumango si Hanish dito ngunit hindi nagugustuhan ang pinupunto. "sinasabi mo bang may kinalaman si Liana sa mga nangyayari?"si Yonah na nakatingin kay Irving. "maari, dahil kasama niya kayo ng may nagtangkang kumuha ng element--" "hindi magagawa ni Liana ang binibintang mo! Iniligtas niya ako at maging si Hanish!"bulyaw ni Rhys dito. "posibilidad lamang ang inilalahad ko sa inyo."paliwanag ni Irving. Inakbayan ni Yonah si Rhys para pakalmahin ang huli. "mga prinsipe.."sabay sabay silang napalingon kay Aurora. "may hindi ako magandang nararamdaman.."lahat sila doon ay napatayo at lumapit sa diyosa. Pinagpapawisan ito at halata ang panghihina. "anong nangyayari aw!"napangiwi si Irving nang mapaso sa paghawak nito kay Aurora. "bakit tila nagliliyab ka sa init?"takang tanong nito ngunit umiling lamang ang diyosa. "Rhys ikaw ba ang may gawa nito?" tanong ni Hanish. Umiling dito si Rhys. "sino pa ba ang may apoy na--" hindi na natuloy ni Yonah ang tangkang pagtatanong nang humahangos na lumapit sa kanila si Accalia. "mahal na prinsipe si Liana!"napatakbo silang lahat sa silid nito at akay naman ni Irving si Aurora. "a-anong.."napaatras ang lahat ng magliyab ang katawan nito habang mahimbing itong natutulog. Muli nilang nilingon si Aurora ng bumagsak na ito sa sahig. "siya ang may gawa nito!"daing nito. "Rhys pigilan mo siya!"ani ni Irving. "hindi ko makontrol ang apoy niya!"inis na sambit nito. "Hanish ikaw na gumawa!"baling nito  sa natutulalang prinsipe. "Hanish!madali!"sigaw ng lahat.  "hindi m-maari, lalong lalakas ang apoy kung gagamitan ko ng hangin.."wika nito. "walang panama ang lupa ko sa apoy sapagkat balewala ito sa apoy!"si Yonah. Sa inis ni Irving ay ginamitan niya ito ng tubig. Ngunit balewala rin ang tubig sa kapangyarihan ni Liana. "bakit ba siya nagkaganyan?!"nagtatakang baling ni Rhys kay Accalia. Umiling si Accalia dito at pasimpleng nilingon ang nanghihinang si Aurora. "hindi ko rin alam! Nakita ko lamang si Aurora na lumabas sa silid niya tapos ganyan na siya ng abutan ko.."paliwanag nito. Tumingin ang lahat kay Aurora at pinagpasyahan na lumabas na muna nang pumasok si Aradia kasama ang dwendeng si Avani. "ako na ang bahala sa kanya Ara.."wika ni Ava dito. "sigurado ka ba?"tumango ang dwende kay Ara. Nagulat ang lahat ng yakapin ni Ava ang nagliliyab na katawan ni Liana. Isang mabangong halimuyak ang bumalot sa kapaligiran sa pagtataka ng lahat. Ang nag aapoy na katawan ni Liana ay bumalik sa normal. "b-bakit nagkaganoon siya?"tanong ni Rhys dito. "ang apoy ay sagisag ng proteksyon at pakikipaglaban, tulad ng paggamot ang sa tubig, paghinga sa hangin at pagiging matibay ng sa lupa, nagising ang kanyang diwa ng apoy nang makaramdam ito ng panganib."natahimik ang lahat. Tinapunan ng tingin ni Ava si Aurora na ngayon ay maayos na ang lagay. "hindi tumalab ang inyong kapangyarihan dahil nararamdaman ng apoy na sasaktan niyo ang katawan ni Liana, ang apoy mo mahal na prinsipe ng Zacarias ay nais ding proteksyunan si Liana kaya hindi mo ito makontrol, ang hangin ay nagpapalakas sa siklab ng apoy nito 'pagkat umaayon ito sa desisyon ng apoy, ang lupa ay walang magagawa lalo na kung ayaw nitong mangialam, at ang tubig.."nilingon ni Ava ang prinsipe ng Bayya. "hindi mo siya masasaktan sapagkat ang tubig ay simbolo ng buhay, ng kaligtasan at kapayapaan."muling bumaling si Ava kay Aurora. "sa palagay ko ay mas ligtas si Liana kung ibabalik namin siya sa Alboleras, sa bundok kung saan siya nakatira."wika nito. "hindi, dito lamang siya sa aking tabi--" "nang sa gayon ay kung may kumuha ng elemento niyo ay hindi siya ang tatapunan ng inyong panghuhusga.."putol nito sa sinasabi ni Rhys. Hindi nakasagot ang lahat sa tinuran ni Ava. "diyosa ng yelo.."nilingon nitong muli si Aurora. "sana ay may natutunan ka sa iyong ginawa.."napasinghap ito sa sinabi ni Ava. "kukunin na namin si Liana, huwag kang mag alala mahal na prinsipe ng Zacarias, kapag magaling na si Liana ay dadalhin namin siyang muli dito."yumuko na ito sa apat na prinsipe bago lumapit sa natutulog na si Liana. Naglabas ng usok si Aradia hanggang sa lamunin silang tatlo at dalhin sa bundok ng Alboleras. Nang mawala ang tatlo ay bumaling si Rhys kay Aurora. "paumanhin diyosa ngunit nais kong mamili ka sa tatlong kaharian upang  manirahan habang hinahanap pa namin ang apat na diyosa ng elemento."pagkasabi noon ay lumabas na ng silid si Rhys, sumunod naman dito si Accalia. Naiwang nakayuko si Aurora habang ang tatlong prinsipe ay napailing na lamang. "sa narinig ko ay hindi ko nanaisin ang kanyang presensya sa aking kaharian."si Hanish.  "ikaw na Irving ang pansamantalang mangalaga sa diyosa."wika ni Yohan bago lumabas. Walang nagawa ang prinsipe ng Bayya kung hindi ang pumayag sa kagustuhan ng tatlong prinsipe. "patawad mahal na prinsipe kung ikaw ay nilagay ko sa alanganin."anas ni Aurora. Nilingon ito ni Irving. "sana ay huli na ang ginawa mong iyon."wika nito bago nauna nang lumabas ng palasyo ng Zacarias.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD