CHAPTER 9

1631 Words
Masayang sinalubong ni Liana ang pagbabalik ng prinsipe. Tatlong araw itong nawala kaya sabik siyang makita itong muli. "mahal na prinsipe!"masayang kumaway siya dito. Ngumiti naman ito sa kanya at tumango bago bumaling sa kasama nito. Doon lamang napansin ni Liana na may kasama nga ito maliban sa tatlong prinsipe. "ako ba ay hindi mo sasalubungin?"nilingon niya ang likuran at tumambad si Hanish. "prinsipe ng Imana.."yumuko siya dito na siyang pinigil ni Hanish. "kaibigan kita Liana, hindi mo kailangang gawin yan.."angil nito na nagpagaan ng kalooban ni Liana. "sino ang babaeng yan Hanish?"tanong ni Liana sa kasamang babae ni Rhys. "ang diyosa ng yelo.."napalingon si Liana kay Hanish sa sinabi nito. "d-diyosa?"tumango sa kanya si Hanish. "malapit ang diyosa sa prinsipe mo Liana, kung hindi ko pa alam na itinakda na kayo ay baka nabigwasan ko na ang prinsipe ng Zacarias."biglang nakaramdam ng alinlangan si Liana sa bagay na binanggit ni Hanish. Sa kaalamang hindi siya isang diyosa at sa sumpa na itinakda ang prinsipe sa isang diyosang gaya nito. Maaring hindi siya ang itinakda para sa prinsipe. "ang paninibugho sa iyong mga mata ay bago sa aking paningin."wika ni Hanish sa kanyang tabi. "sapagkat itinakda ang prinsipe sa isang diyosa, at nung isang araw ko lamang nalaman na hindi ako diyosa.."nagkatinginan sila Liana at Hanish at mababasa ang pagkabahala sa mukha ng huli. "mahal ka ng prinsipe.."bulong nito kay Liana. "na siyang pinanghahawakan ko.."sagot ni Liana habang nakatanaw sa dalawang nilalang. Maingay ang mga mwebles dahil sa pagsasalo salo na nagaganap. Nasa kanang tabi ni Liana si Rhys sa kaliwa naman niya ay si Hanish. Katabi ni Rhys sa kabilang parte si Aurora ang diyosa ng yelo. "Maraming salamat sa pagliligtas sa aking anak.."si reyna Shirada habang nakikipag usap kay Aurora. "walang ano man po, masaya ako at ligtas ang prinsipe.."sagot ng huli. "hindi namin batid na ang nagligtas pala kay Rhys ay ang siyang misyon namin.."masayang wika ng prinsipe ng Bayya. Yumuko si Liana at itinuon nalang ang pansin sa pagkain. Siniko naman siya ni Hanish at nagmwestra na ngumiti siya. Ngumiti si Liana ngunit batid niyang pilit ito. At sa nakikita niyang reaksyon ni Hanish ay nasisiguro niyang hindi maganda ang kinalabasan ng kanyang pilit na ngiti. "si Liana ay lubos ang pananabik sa iyo anak.."nag angat ng tingin si Liana nang marinig ang tinuran ng nakangiting hari. Bumaling ang prinsipe ng Zacarias kay Liana at ngumiti. "talaga? Natutuwa akong malaman yan ngunit mas matutuwa ako kung maririnig ko yan mula sa kanya mismo ama.."namula si Liana sa lantarang panunukso ni Rhys sa kanya. Muli ay naramdaman ni Liana ang pagsiko sa kanya ni Hanish. Nang balingan ito ay may nakakalokong ngisi na itong nakahanda para sa kanya. "hindi ka ba isang diyosa Liana?"natigilan silang lahat sa tanong ng prinsipe ng Alboleras. "hindi prinsipe Yonah.."sagot ni Hanish. "napakaganda mo upang maging isang manggagamot lamang.."anas nito. "maganda rin naman si Aurora.."wika naman ni prinsipe Irving, ang prinsipe ng Bayya. "siyang tunay, ngunit para sa akin ay may pagkamisteryosa si Liana lalo na at namumula ang kanyang pisngi.."nagtawanan ang mga naroon sa pangbubuska ni prinsipe Yonah. Nang biglang tumayo si Rhys at bumaling kay Liana. Hinila nito ang dalaga paalis na siyang nagpatahimik sa lahat. Ngunit isang ngisi naman ang pinakawalan ni Hanish at Yonah sa kinilos ng prinsipe ng Zacarias. Nang matapos ang salo salo ay nag usap ang dalawang prinsipe. "salamat sa ginawa mo Yonah."usal ni Hanish. "napansin kong nababalewala na nito ang dahilan ng pagmamadali nitong umuwi.."tukoy nito kay Rhys ang prinsipe ng Zacarias. "kaya ba ginawa mo iyon?"tumango si Yonah kay Hanish. "oo, para mapansin niya ang nilalang na kanyang tunay na pinananabikan.."tumawa ang dalawa sa pinag usapan. Habang sa silid naman ni Rhys ay galit na galit itong nagbasag ng mga gamit sa takot at pagtataka ni Liana. "bakit kailangang purihin ka niya ng ganoon sa harapan ng lahat?!"nag iwas ng tingin si Liana dahil sa galit ng prinsipe. "hindi ko rin alam.."naiiyak na usal ni Liana. Nang makita ang bumukal na luha sa mata ng dalaga ay natigilan si Rhys. Narito na siya at kasama na niya ang babaeng walang tigil niyang inaasam nang siya ay nasa misyon. Nang tumulo ang luha nito ay padabog na lumabas si Rhys ng silid kahit pa tinatawag siya ni Liana. Hindi makapaniwala sa nagawa. "anong nangyari?"ang malamig na boses na mula sa diyosa ng yelo ang nagpakalma sa kanya. "Aurora.."anas niya dito bago naupo. "may problema ba kayo? Maari mong sabihin sa akin--" natigil ang mga sasabihin nito ng yakapin ito ni Rhys. Pagbukas ni Liana ng pinto upang sundan ang prinsipe ay natigilan ito sa nakita. "m-mahal na prinispe.."ang garalgal na tinig nito ang nagpalingon sa dalawa. Nanlaki ang mata ni Rhys at agad na bumitaw kay Aurora. "Liana.."anas ng prinsipe. Umiling si Liana dito at mapait na ngumiti. Nang humakbang palapit ang prinsipe ay umatras siya upang makalayo. Ang tangkang paglapit muli ng prinsipe ay natigil nang umapoy ang katawan ni Liana. Pumikit si Liana at sa muling pagmulat ng mata ay ang kahel na mga mata nito ang tumabad sa dalawa. "Liana!"nang marinig ang boses ni Hanish ay nawalang bigla ang apoy sa katawan nito. Nilingon nito sila Hanish at Yonah. Ang luhaang mukha niya ang nagpaningas ng mata ni Hanish. Susugurin na sana nito si Rhys nang pigilan ito ni Yonah. "mas magiging malala ang sitwasyon kung paiiralin mo ang iyong galit.."bumalik sa normal ang mata ni Hanish. "kukunin ko siya."wika nito bago humakbang palapit sa tatlo. "patawad prinsipe ng Zacarias ngunit kung nais mong makita si Liana ay kailangan mong pumunta sa kaharian ng Imana.."kumunot ang noo ni Rhys sa narinig. "anong sinasabi mo?"asik nito. Hindi na sumagot si Hanish, basta na lamang lumutang si Liana sa gulat ng lahat pati nito. "kukunin ko na ang kaibigan ko, dahil hindi ka tumupad sa usapan."wika ni Hanish bago lumipad kasama si Liana na luhaang nakatanaw kay Rhys habang papalayo. "bakit hinayaan mo siyang umalis?"ang panibugho sa boses ni Accalia ang nagpabalik sa katinuan ng natulalang prinsipe. Ang kunot nitong noo ay nagbigay sa kanya ng libo libong katanungan. Katanungan kung bakit nga ba niya hinayaang kunin ng prinsipe ng Imana ang kanyang si Liana. "nakita ko ang lahat ng pangyayari, bakit hindi mo siya pinigilang umalis? Hindi mo ba nais na magpaliwanag sa kanya? Maari siyang magkaroon ng masamang isipin sa kanyang mga nakita.."sa mahabang tinuran ni Accalia ay hindi nakasagot si Rhys. "huwag mong sisihin ang mahal na prinsipe lobo.."ang naninibughong mga mata no Accalia ay napalitan ng galit sa pagsingit ng diyosa ng yelo. "lobo? Diyosa ka ngang tunay ngunit mas mabuti ang kalooban ni Liana sa iyo.."ani ni Accalia. "Accalia, hayaan mo munang mag isip ang prinsipe ng Zacarias.."pigil ng prinsipe ng Alboleras. "prinsipe Yonah kahit siguro bigyan ko ng ilang daang taon ang prinsipe ay hindi nito malalaman ang nagawang mali dahil sa katabing diyosa.."ang mata ni Accalia ay naging dilaw tanda na ito ay magpapalit ng wangis bilang lobo. Bumuntong hininga ang prinsipe ng Alboleras at napailing na lamang nang umalis na ang taong lobo. Samantalang sa palasyo ng Imana ay naroon sila Liana kasama si prinsipe Irving. "hindi ko ninais na mangyari ito Liana, ngunit makakaasa kang walang namamagitan sa kanilang dalawa."wika ng huli. Tumango si Liana kay Irving at tinapunan ng tingin ang kaibigang pula parin ang mga mata. "makukuha ka lamang niya kung lalayuan niya ang diyosa ng yelo, huwag kang mag alala Liana nandito ako.."madiing wika nito na kahit paano ay nagbigay init sa nararamdamang lamig ni Liana. Nagpaalam na ang prinsipe ng Bayya na aalis na at uuwi sa kaharian nito. Naiwang mag isa si Liana sapagkat hinayaan siya ni Hanish na mapag isa. Muling bumukal ang luha sa mga mata niya ng maalala ang mga nakita. Patuloy itong tunatakbo sa kanyang isipan at sadya siyang sinasaktan. "paanong nangyari ito sa atin mahal na prinsipe?"bulong nito habang lumuluha. Hindi alintana na sa hindi kalayuan ay nakamasid ang isang nilalang habang nilalaro nito ang kapangyarihang tubig sa mga kamay. "lilipas din yan Liana.."bulong nito bago naging tubig ang buong katawan at naglaho.  Sa kaharian ng Zacarias ay naghanda ang prinsipe upang pumunta sa Imana.  "palipasin mo muna ang mga naganap mahal na prinsipe, natitiyak ko na hindi pa kunakalma ang prinsipe ng Imana maging ang iyong kasintahan.."wika ng diyosa ng yelo. "Aurora wala akong pakialam sa naghihintay na galit ng Imana, ang nais ko lamang ay mabawi si Liana.."ani ni Rhys.  "ngunit paano kung hindi niya naising sumama sa iyo?"natigilan ang prinsipe ng Zacarias sa narinig.  "masasayang lamang ang iyong pagparoon, kaya makinig ka mahal na prinsipe at hayaan mo munang lumipas ang galit nila.."dagdag ni Aurora.  "hindi magagawang magalit sa akin ni Liana.."bulong ng prinsipe. "nakasisiguro ka ba?"pagtatanong ni Aurora.  Nilingon ito ni Rhys bago marahang umiling. "kung ganoon ay magpalipas ka muna ng araw bago ka tumungo roon."wala nang nagawa ang prinsipe 'pagkat sa tingin niya ay tama ang diyosa.  Nasa malaking puno si Rhys at nakatayo habang nasa likuran ang mga kamay. Malapit siya sa malaking ugat na hilig inuupan ni Liana. Napaatras siya ng may lumitaw na usok at lumabas mula roon ang isang nilalang na nababalutan ng itim na kasuotan kasama ang isang babaeng dwende. "wala siya dito.."ani ng kasama nitong dwende.  Nagtama ang mata nila ng dalagang nakaitim. Sa wari niya ay galit ang nasa mga mata nito.  "sino kayo?"tanong ng prinsipe.  "nasaan si Liana?"bagkus ay tanong nito.  Hindi nakasagot si Rhys dito.  "hindi ko maramdaman ang presensya niya dito Ara.."wika uli ng dwende.  Nakita ni Rhys kung paanong napaupo ang babaeng nakaitim. Nilapitan niya ito at tinulungang makatayo.  "sino kayo at bakit niyo hinahanap si Liana?"naguguluhang tanong ng prinsipe.  Pinagmasdan ni Aradia ang mukha ng prinsipe. Napagtanto nito na ito nga ang kasamang lalaki ni Liana noon.  "narito kami sapagkat nararamdaman kong nanganganib siya.."nagsalubong ang kilay ng prinsipe sa narinig.  "nasa Imana siya kasama ng prinsipe na nangangalaga ng hangin--"natilihan ang prinsipe nang sumuka ng dugo ang babae. "Aradia!" dinaluhan ito ng kasamang dwende.  "madali ka sa kaharian ng Imana Ava! Bilisan mo!"ang nanghihinang si Ara ay gumawa ng usok na magdadala kay Ava sa Imana.  "sumama ka mahal na prinsipe at hindi na maganda ang lagay niya!"dahil sa sinabi ng dwendeng si Ava ay natatarantang pumasok sa usok ang prinsipe bago mawalan ng malay si Aradia at bumagsak ang katawan sa malaking ugat ng puno sa Zacarias.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD