Habang nakatanaw sa kapaligiran mula sa bintana ay naramdaman ni Liana ang mainit na yakap ng prinsipe sa kanyang likuran.
"nais kong magpaalam sa iyo.."nilingon nito ang prinsipe sa narinig.
"magpaalam?"nagtatakang baling ni Liana dito.
Ngumiti ang prinsipe bago tumango.
"kailangan kong siguruhin ang kinabukasan ng magiging supling natin, kasama ko ang tatlong prinsipe na tutungo sa isang misyon, may hahanapin lamang kami."hindi na nag abalang magtanong pa si Liana rito at marahang tumango na lamang.
"maghihintay ako kung ganoon.."ngumiti ito sa inusal ng minamahal na babae bago mariing idinampi ang labi sa noo nito.
Muli ay nakatanaw si Liana mula sa bintana habang papaalis ang kanyang minamahal na prinsipe.
Habang nasa hapag at kumakain ay napatingin si Liana sa mga mamahaling mwebles.
"tila ang krystal na mga kutsara ay nakakamangha mahal na reyna at hari.."puri niya habang kumakain.
Ngumiti ang hari at reyna sa kanya.
"ipinalabas ko ang mga iyan upang magamit iha, natutuwa ako at nagustuhan mo.."nakangiti ang reyna sa kanya habang sinasabi ang mga katagang iyon.
Nang matapos ang pagkain ay naglakad lakad sa palasyo si Liana at muli ay dinala siya ng kanyang mga paa sa malaking ugat sa likod ng palasyo.
"narito kang muli, at muli rin kaming isinasayaw ng hangin.."napatingin si Liana sa bulaklak na nagsasalita.
"ikaw pala iyan, masaya akong makita kang muli.."wika ni Liana.
"masaya rin kami na may nawiwiling muli na manuod sa amin, noon kasi ay may diyosang mahilig rin kaming panuorin tulad mo."ngumiti si Liana sa tinuran nito.
"sino ang diyosang iyon?"umiling ito sa kanya.
"hindi namin batid ang kanyang ngalan ngunit nararamdaman namin na siya ay may busilak na puso gaya mo."sumilay ang ngiti sa labi ni Liana sa mga sinabi ng bulaklak.
Nagpaalam na ang bulaklak na aalis kaya naiwang mag isa si Liana sa malaking ugat at nakaupo.
"nalulungkot ka ba sa pag alis ng aking anak?"nang makilala ni Liana ang nagsalita ay nagbigay pugay siya dito.
"mahal na hari.."anas niya.
"halika at may ipapakita ako sa iyo.."sumunod siya sa mahal na hari habang binabagtas nila ang lugar kung saan ay may mas maraming mga bulaklak.
"dito ko unang nakilala ang aking reyna.."wari ay nagbabalik tanaw na wika nito bago humarap kay Liana.
"habang nilalaro ang mga bulaklak ay umaawit siya, ang malamig niyang tinig ang siyang unang humaplos sa aking puso.."tahimik na nakikinig lamang si Liana sa hari.
"ngunit hindi ko inasahan na mangungulila ako sa kanyang boses lalo pa at kasama ko lamang siya.."doon nag angat ng ulo ang dalaga.
"nangungulila po?"pag uulit ni Liana sa ginamit nitong salita.
Marahang tumango ang hari at tumingala sa langit.
"magmula nang dumating sa buhay namin ang prinsipe ay inayawan na nito ang pag awit, sapagkat nagbibigay ito ng malungkot na alaala ng isang kaibigang nawala.."nilingon ng hari si Liana.
"ang babaeng itinakda sa akin ang tinutukoy ko iha, at sino ako upang pasakitan ang aking reyna para lamang sa isang awit, hindi ko nais na patuloy siyang saktan lalo pa at batid namin na mahirap malimot ang itinakda na sa iyo ng tadhana.."mahinang usal nito.
"may ibabahagi akong lihim sa iyo at sana ay maging aral sa iyo ang aking mga ilalahad na kwento.."tumango si Liana sa hari at muling nanahimik upang makinig.
"hindi lingid sa kaalaman ng lahat ang paninibugho ng diyosa ng apoy sa amin, sinabi nito na kaya ko nalimot ang pagmamahalan namin ay dahil kay Shirada, ngunit hindi iyon ang totoo.."humarap ang hari kay Liana bago mapait na ngumiti.
"hiniling ko na sana ay tanggalin ni Shirada ang alaala ko sa diyosa ng apoy, ngunit tumanggi ito, sapagkat nais niyang maalala ko ang bawat aral na natamo ko mula sa pagmamahal ko sa isang makapangyarihan na diyosa.."mahabang litanya ng hari.
"bakit po nais niyo siyang kalimutan?"ang ngiti nito kay Liana ay napalitan ng pait at sakit.
"ang diyosang may kahel na mata ang siyang bumihag ng aking batang puso noon pa man, walang kapantay na kasiyahan ang dulot nito sa akin lalo na kung nasa tabi ko lamang siya.."simula ng hari.
"ngunit kung gaano niya ako pinasaya ay ganoon din niya akong sinaktan, hindi ko malilimutan ang araw na iyon, alam mo ba kung bakit ginto ang mga kagamitan sa iyong paligid?"umiling si Liana sa hari bilang sagot.
"sapagkat ang pilak na kagamitan ay nakakamatay para sa amin tulad ng sa mga lobo."namangha si Liana sa nalaman.
"habang ako ay nahihimbing ay hindi ko alam nais akong paslangin ng babaeng pinag alayan ko ng lahat sa akin, nakita ko ang patalim na gawa sa pilak sa kanyang tagiliran."nanlaki ang mata ni Liana sa narinig.
"oo iha, tinangka akong paslangin ng babaeng mahal ko kung hindi lamang siya pinigilan ni Shirada ay baka wala ba ako ngayon.."yumuko ang hari at bumuntong hininga.
"nagising ako noong nagtatalo na sila, hindi ko ipinaalam na ako ay gising na kaya narinig ko ang lahat, na ang diyosa ng apoy ay sugo mula sa itaas upang paslangin ang matataas na bampira.."naitakip ni Liana ang kamay sa bibig upang pigilin ang pag alpas ng kanyang pagsinghap.
Sa kanyang harapan ay nakikita niya ang nagdudusang hari, at batid niya na patuloy itong nasasaktan. Binalingan siya ng hari at muli ay sumilay ang malungkot na ngiti sa mga mata nito.
"kaya ganoon na lamang ang takot ko ng makita ko ang kahel mong mga mata, patawarin mo kami ng reyna kung ikaw ay aming hinusgahan.."hingi nito ng paumanhin.
"wala po iyon mahal na hari, dulot lamang iyon ng pagmamahal niyo sa prinsipe.."tumango ang hari kay Liana at ngumiti.
"sana Liana ay hindi maranasan ng aking anak ang dinanas ko sa diyosang itinakda sa akin, bilang ikaw na itinakda sa prinsipe sana ay bigyan mo siya ng lakas, huwag mo sanang biguin ang haring ito.."tinapik nito ang braso ni Liana bago naglakad at iniwan ang dalaga na hindi makapaniwala sa mga nalaman niya.
Ikalawang araw na wala ang prinsipe ay bagot na naupo sa malaking ugat ng puno si Liana. Tulad nang una ay minamasdan niyang muli ang mga bulaklak.
"wari ko ay nangungulila ka sa aking anak.."napatayo si Liana nang makita ang reyna.
"ang lugar na ito ay nagbibigay ng lungkot sa akin, kung kaya hindi ko nais na magtungo sana rito, ngunit nang makita kita ay lumapit parin ako."yumuko si Liana sa mahal na reyna.
"nais mo bang mamasyal?"nanlaki ang mga mata ni Liana sa narinig.
"malaya kang makapasyal iha, magsabi ka lamang sa mga tagalingkod, upang sa ganoon ay maibsan kahit papaano ang pagkasabik mo sa aking anak.."mahabang litanya nito.
"maraming salamat mahal na reyna.."tumango ito at ngumiti sa kanya.
Nang makaalis ang reyna ay agad na nag ayos si Liana upang makalabas ng palasyo.
"Esme! Yuri!" bati niya sa mga kaibigan sa bayan ng Imana.
"Liana!!!"bati ng dalawa sa kanya at sinalubong siya ng yakap.
Masayang nagkukwentuhan ang tatlo, namasyal sila at ipinaalam din ni Liana na pansamantala siyang nasa pangangalaga ng Zacarias.
"basta ang akin lamang ay nais kong nasa ligtas ka at hindi ka masasaktan.."si Esme na habang nakikinig sa mga kwento ni Liana ay biglang naging seryoso.
"ganoon din ako Liana, matagal na tayong magkakasama at nakakapanibago man na malayo ka na sa amin ay huwag mong kalimutan na narito kami lagi para sa iyo.."masayang ngumiti si Liana sa dalawa at muling niyakap ang isat isa.
Habang nasa ganoong tagpo ay napatingin sila sa babaeng katali at parang hinang hina na. Hinihila ito sa pamamagitan ng paghila gamit ang kabayo.
"sino yan?"tanong ni Liana sa dalawa.
Bumuntong hininga si Esme bago sumagot.
"hindi rin namin kilala ngunit sinabi ng pinagmulang bayan ay may mabigat raw na kasalanan.."tumango si Liana sa sinabi ni Esme habang nakatanaw sa babaeng may mahabang buhok.
Iaalis na sana niya ang tingin dito nang magtama ang kanilang mga mata. Napatayo si Liana sa nakita.
"abong mata.."usal ni Liana bago nagsimulang humakbang palapit sa nakataling babae.
"Liana!"hinabol naman siya ng dalawang kaibigan.
Nang makalapit siya sa babae ay hinarangan siya ng isang kawal.
"hindi maaring lumapit.."wika nito.
"ako si Liana, ang itinakda sa prinsipe ng Zacarias at kaibigan ni prinsipe Hanish.."nanlaki ang mata ng kawal at agad na yumuko.
"patawad.."anas nito.
"hayaan mo akong lumapit sa kanya.."may pag aalinlangan sa mukha ng kawal nang sabihin iyon ni Liana.
"itabi mo ang iyong sandata."wala nang nagawa ang kawal at hinayaang makalapit si Liana habang ang dalawang kaibigan nito ay nakatingin sa tabi.
"isang diyosa, anong naging kasalanan mo?"baling niya sa mga abong mata.
Tinignan siya nito at matipid na ngumiti.
"iyon mismo ang aking kasalanan, sapagkat ako ay isinilang na isang diyosa.."napaatras si Liana sa narinig.
"ako ang diyosa ng mga mandirigma.."mahinang usal nito.
"mandirigma? Kung ganoon ay malakas ka, ngunit bakit hinahayaan mong gawin nila sa iyo ito?"niyuko nito ang nakataling mga kamay.
"sapagkat naniniwala ako na hindi masama ang diyosang aking tinitingala, ang diyosa ng apoy ay may mainit at mapagmahal na puso."puno ng determinasyon ang tinig nito.
"ang paniniwala mo ay pangalawa lamang sa iyong kalayaan, bakit hindi mo palayain ang sarili mo kung isa ka ngang diyosa?"ngumiti itong muli kay Liana.
"alam mo ba ang kahinaan naming mga diyosa?"umiling si Liana dito.
"ang aming puso.."nang marinig iyon ay agad na napabaling ang mata ni Liana sa dibdib ng diyosa. Napansin niya ang kwintas nito.
"Inilagay nila ang krystal na ito malapit sa aking dibdib sapagkat batid nila na magdudulot ito ng kahinaan sa akin, at kung itutusok ito sa aking puso ay kamatayan ang aking kahihinatnan."napalayo si Liana dito na para bang may masama itong sinabi.
"k-krystal?"tumango ang diyosa sa kanya.
"ang kahinaan namin ay krystal, tulad ng pilak sa lobo at bampira.."huling sambit nito bago muling hinila na ng kawal paalis.
Natulala si Liana sa nalaman. Kaya ba pinalitan ng reyna ang mga mwebles sa kaalamang maari niyang gamitin ang kutsarang krystal? Paano kung tunay siyang diyosa baka namatay na siya ngayon lalo at nakapaligid sa kanya ang mga krystal na kagamitan sa palasyo. Ngunit hindi nito masisi ang reyna sa ginawa sapagkat batid niyang para ito sa kapakanan ng prinsipe at isa pa hindi ba at dapat ay matuwa siya sapagkat nalaman niyang hindi siya isang diyosa?
Nang muling tignan ang papalayong diyosa ay nakita niyang nakatingin din ito sa kanya.
"hindi mo man ako nararamdaman ay mag iingat ka.."
Nilingon ni Liana ang paligid nang makarinig ng boses na tila bumubulong sa kanya.
"Liana.."bumaling siya sa mga kaibigan.
Lumapit lamang ang mga ito ng makaalis na ang diyosang may abong mga mata.
Nang makalapit ang dalawa sa kanya ay napasalampak ang mga ito sa gulat niya.
"anong nangyari sa inyo?"natatawang anas niya.
"natakot kami sa ginawa mong paglapit doon."ngumisi si Liana sa mga kaibigan.
"patawad.."nakangising wika niya na sinimangutan naman ng dalawa.