CHAPTER 3

1541 Words
Sa gulat ni Liana ay napaatras siya. Natakot siya sa sinambit ng prinsipe. "ngunit nagawa ko na ang iyong nais, wala nang saysay pa ang aking presensya sapagkat tapos na ang aking layunin.."hindi nakakibo ang tatlo sa inanas ni Liana. "hayaan mo na ang manggagamot ng Imana Rhys, magaling na ang iyong ama iyon ang mahalaga.."hindi na umimik pa ang prinsipe at pinakatitigan lamang si Liana. Nakahinga nang maluwag si Liana nang makalabas na siya ng palasyo, muntik na rin niyang mailabas ang kanyang kapangyarihan na siyang pinagbabawal ng kanyang nanay. "tandaan mo anak, hindi mo maaring ipakita sa iba ang iyong kapangyarihan, lalo na sa bayan ng Bayya at Zacarias sapagkat ang iyong kapangyarihan ay kinatatakutan ng mga bampira.." Napapikit si Liana nang maalala ang sinabi ng nanay niya. Ang kanyang ina ay mambabarang, ang lahi nito ay may negatibong kaakibat katulad ng sa mga bampira. Ang mga diyosa lamang ay tinitingala ng lahat ngunit sa tagal ng panahon ay nasira ito dahil sa diyosa ng apoy. Nilahad ni Liana ang palad at nagpalabas ng mumunting apoy. Ang kapangyarihan na ito ang kinatatakutan ng lahat, hindi nila alam na ito rin ang siyang gumagamot sa kanila lalo na sa hari ng Zacarias. Kayang manipulahin ni Liana ang apoy at init na hatid nito. Kung may sakit ay kinukuha niya ang init na nagdudulot nito at kung nilalamig naman ay binibigyan niya ng init mula sa kanyang apoy. Tumingala si Liana sa kalangitan. Asul at maaliwalas ang langit, walang ulap kung kaya at damang dama niya ang init ng araw na siyang mas lalong nagpapalakas ng kanyang kapangyarihan. Palabas na siya sa bayan ng Zacarias at papasok na sa bayan ng Imana nang may tumakip sa kanyang mga mata. "sino ka?"matapang na tanong niya. "ang pinakamakisig na prinsipe ng Imana lang naman.."napangiti si Liana sa tinuran ng kaibigan. "prinsipe ng hangin ano pong maipaglilingkod ko sa inyo?"tinanggal ng prinsipe ng Imana ang kamay na tumatakip sa mga mata ni Liana. "tsk! Kahit kailan ka talaga ay napakalamig mo, mas malamig ka pa sa yelo.."bungad nito sa kanya. "bakit gumagala ka dito mahal na prinsipeng Hanish?"tanong niya rito. "nagkakagulo sa palasyo dahil nagising na raw ang hari ng Zacarias, alam mong sila ang pinakamataas nang masira ang kaharian ng Bayya."tumango tango si Liana sa narinig. "ikaw? Bakit narito ka at wala sa bayan?"ngumisi si Liana sa sinabi ng prinsipe. "nagmula ako sa kaharian ng Zacarias para sa hari."napangiwi ang prinsipe sa narinig mula sa kanya. "ikaw pala ang dahilan ng paggaling ng hari nila kaya hindi magkanda ugaga ang mga tagalingkod sa amin maging ang ina ko at ama ay nais pumasyal sa Zacarias dahil sa nalamang paggaling nito."ngumiti lamang si Liana sa mga sinabi ng prinsipe. "hindi ba at bampira ka rin?"ilang sandali ay tanong niya. "oo, bakit?"tugon ni Blaze. "wala naman.."kumunot ang noo ni Blaze sa sagot ni Liana. "ang gulo mo.."komento ng prinsipe na ipinagkibit balikat naman ni Liana. Ilang araw ang lumipas nang gumaling ang hari ng Zacarias at ilang pagsasalo at kasiyahan na rin ang naganap dahil sa balita. Gabi na at nakaupo si Liana sa upuang kahoy malapit sa kanyang tinutuluyan habang nakatanaw sa mga bituin. "ang mga bituin ay namamatay rin, nawawalan ng kislap at dumidilim. Sana sa muli niyong pagkabuhay at pagbaba sa lupa kasama ng mga diyosa sa langit, diyosa ng buwan at diyosa ng bituin sana ay hayaan ninyo kaming malayang pagmasdan ang pagkinang at pagsayaw nila mula sa langit.."bulong nito sa hangin. "mahal na mahal kita anak.." Napatayo si Liana nang marinig ang boses ng ina sa ihip ng hangin. "H-Hanish.."ang dibdib niya ay agad na kumalabog. "Hanish naririnig mo ba ako?"naiiyak na sambit ni Liana sa kaibigan, ito lamang ang makakatulong sa kanya at alam niyang naririnig siya nito mula sa hangin. Nang lumitaw ito mula sa dilim ay nagmadali siyang lapitan ito. "dalhin mo ako sa nanay!"umiling ito sa kanya. "b-bakit?"nagtatakang tanong niya sa prinsipe ng hangin. "ipinarating ko lamang ang huling sinambit niya sa iyo.."ang mga sinabi nito ang nagpalambot ng kanyang tuhod. "huling sinambit? anong ibig mong sabihin?"naiiyak na tanong niya. "wala na siya Liana, may pumatay sa iyong ina, alam mong darating ang araw na may kikitil sa kanya lalo na at isa siyang mambabarang--" "ngunit mabait ang nanay ko!"daing ni Liana kasabay ng pag agos ng luha sa kanyang mga mata. "patawad Liana ngunit hindi kita maaring dalhin doon ngayon."nakayukong wika ng prinsipe. "ako na lamang ang pupunta kung gayon--" "patawad Liana.."kumumpas ito sa kanyang harapan. Naramdaman niya ang pagdampi ng kung anong bagay sa kanyang ilong bago siya tuluyang nawalan ng malay. Nang magmulat siya ay matinding sikat ng araw ang bumungad sa kanya. Tinignan niya ang paligid at sa pagtataka ay bumangon. "gising ka na pala.."napabaling siya sa nagsalita sa kanyang gilid. "Hanish.."umiwas ito ng tingin sa kanya at nakapamulsang naglakad papunta sa bintana. "narito ka sa aming palasyo, hindi ko batid ang rason ng Zacarias kung bakit ka nila hinahanap, sinabi mo ring ikaw ang nagpagaling sa kanilang hari kaya ako ay nagtataka.."mahabang litanya nito. "nagtataka saan?"humarap ang prinsipe kay Liana at ang seryosong mukha nito ay bihira lamang makita ng dalaga kaya alam niya na ang sasabihin nito ay mahalaga. "kung pinagaling mo ang kanilang hari, bakit inutos nila na patayin ka?"napamaang ito sa inanas ng prinsipe. "a-anong sinabi mo?"hindi makapaniwalang turan ng dalaga sa prinsipe. Bumuntong hininga ang prinsipe ng Imana at masusing tumingin sa kanya. "namatay ang iyong nanay sa pagtatanggol na ikaw ay hindi diyosa."napaatras si Liana sa panlalambot ng kanyang tuhod. "pinagtatakpan kita rito at hindi alam nila ina at ama na narito ka, maging sila ay inutusan ng Zacarias na hanapin ka, kaibigan mo ako Liana bago pa man ako parangalan bilang  prinsipe ng Imana ay kilala na kita bilang manggagamot at naniniwala akong hindi ka diyosa sapagkat ikaw ay walang abong mata.."malungkot ang boses ni Hanish habang kinakausap si Liana. Abong mata? "hindi nga, ngunit doon ako pinag iingat ng aking ina, na huwag basta uminom ng dugo mula sa isang dalaga lalo na kung may kulay abong mga mata.." Napamaang si Liana nang maalala ang mga sinambit noon ng prinsipe ng Zacarias. "b-bakit raw ako ipinapapatay?"nahihintakutang tanong ni Liana sa binatang prinsipe. "hindi ko rin alam ang eksaktong dahilan, may mga itim na lobo sa buong kaharian ng Zacarias maging rito ay mayroon rin."napayuko si Hanish at hinilot ang batok habang sinasabi iyon kay Liana. "ang prinsipe ng Zacarias.."nag angat ng ulo si Hanish nang marinig ang tinuran ni Liana. "nasaan ang prinsipe nila?"umiwas si Hanish ng tingin sa kanya. "nakakulong sa silid nito at nanghihina.."kumunot ang noo ni Liana sa nalaman. "nakakulong?nanghihina?" pag uulit niya sa mga narinig mula sa prinsipe. "hindi ko rin alam ang dahilan Liana.."maging ang prinsipe ng Imana ay walang ideya kung bakit. "tutungo ako roon.."buo ang loob na wika ng dalaga. "nasisiraan ka na ba ng ulo? Sinabi ko nang gusto ka nilang mamatay--" "oo nasisiraan na ako ng ulo dahil nais kong malaman kung bakit kailangan nilang paslangin ang aking ina! Kung may nagawa akong kasalanan ay sana hinayaan nilang ako ang magbayad hindi ganito! Bakit kailangang mamatay ng nanay ko?!" napaatras ang prinsipe nang magliyab ang katawan ni Liana. "L-Liana.."hindi makapaniwalang pinagmasdan nito ang kulay kahel na mata ng dalaga. Ang dating kulay itim nitong mata ay naging kahel. Umatras pang lalo ang prinsipe ng hangin ng mas lumaki ang apoy mula sa katawan ng dalaga. "pupunta ako sa Zacarias!"wala nang nagawa si Hanish nang sa pagkawala ng apoy ay siya ring paglaho ng dalaga. "Liana.."napangiwi ang prinsipe nang makita ang braso nitong may paso. Mag iingat ka Liana. Sa palasyo ng Zacarias ay galit na galit ang reyna. Pinagmamasdan nito ang namamayat na anak. "inumin mo ang dugo anak!"ngunit kahit anong gawin nitong pag inom sa mga dugong nakahain ay hindi bumabalik ang sigla nito. "hindi ko hahayaang mangyari ang sumpa niya sa iyo, hinding hindi.."bulong ng reyna sa sarili habang nakatingin sa nanghihinang anak. "mahal na reyna narito ang manggagamot!"agad naging pula ang kulay asul na mata ni Rhys. "anak--" hangin nalang ang naabutan ng reyna, kasing bilis ng kidlat ang galaw ng prinsipe ng Zacarias na para bang uhaw na uhaw sa dalaga. Sa bulwagan ay naroon si Liana, puno ng galit at poot para sa mga bampira ng Zacarias. "ang diyosa na itinakda sa aking anak.."wika ng hari. "hindi ako diyosa at lalong hindi ako ang itinakda sa prinsipe.."matigas na tugon ni Liana sa hari. "ang kahel mong mga mata ay pamilyar sa akin, sapagkat maging ako ay itinakda sa diyosang may kahel na mga mata.."kumunot ang noo ni Liana sa sinabi ng hari. "kahel? Hindi kahel ang mata ng reyna kung hindi abo.."tugon niya sa hari. "sapagkat hindi siya ang itinakda sa akin.."nanlaki ang mata ni Liana sa narinig. "ang init mula sa diyosa ng apoy ang kailangan ng aking katawan, na nakuha ko sa iyo kaya ako gumaling.."wika ng hari. "kung gayon bakit pinatay niyo ang aking ina?"nakakuyom ang kamay ni Liana habang nakatingin sa hari. "sabihin na nating takot, bunga ng takot mula sa sumpa.."dahil sa sagot ng hari ay lalong nagalit si Liana. "takot?!"napaatras ang mga kawal maging ang hari nang magliyab ang katawan ni Liana. "Kung gayon ay matakot kayo! Dahil mula sa aking apoy kayong lahat ay mamamatay!"ang ilang kawal na malapit sa kanya ay nasunog. "papatayin ko ang pumatay sa nanay ko--" nagulat si Liana nang may yumakap sa kanya. "Rhys!"takot na takot na tawag ng hari nang masaksihan ang ginawa ng anak. Nawala ang apoy sa katawan ni Liana sa takot na masunog ang prinsipe. "tama na, nandito na ako hindi ka nila masasaktan.."ang mahina ngunit puno ng pangako na wika ng prinsipe ng Zacarias ang kumalma sa nagbabagang galit ni Liana.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD