CHAPTER 2

1509 Words
Dumating ang araw ng kaarawan ng matanda at hindi nga binigo ng dalaga ang ina sa mga pinangako nito. "napakarami naman nitong hinanda mo Aeliana Sidra gayong dadalawa lamang naman tayong kakain."puna ng matanda. "alam ko nay at sinadya ko talaga ito para naman maiparanas ko ito sa iyo lalo na at may hanap buhay ako sa bayan ng Imana at doon ako naglalagi at minsan lang makauwi, at isa pa nay hindi mo na dapat akong tinatawag sa ngalan na iyan.."mahabang litanya ng dalaga sa kinalakihang ina. Bumuntong hininga ang matanda at pinakatitigan ang anak. "sa iyong kagandahan ay hindi ko parin lubos maisip kung bakit nagawa kang iwan ng iyong mga magulang sa tulay ng Bayya, hindi mo maiaalis sa akin na tawagin ka sa iyong tunay na ngalan Liana 'pagkat iyon ang nakaukit sa iyong lampin nang makuha kita.."paliwanag ng matanda na siyang sinagot na lamang ng tango ng dalaga. Kinabukasan ay kailangan na muling bumalik ni Liana sa bayan ng Imana dahil doon ito naghahanapbuhay kaya maaga pa lamang at halos hindi pa sumisikat ang araw ay naglalakad na ito pababa ng bundok. Gamit ang mahabang tulay ay tinatahak nito ang bayan ng Zacarias bago makarating sa Imana. Napatigil ito sa paglalakad ng matanaw ang isang bulto. Nakasalampak ito sa simento at parang hinang hina na, sa pag aalala ay agad itong tumakbo sa kinaroroonan ng bulto. Isang lalaki ang bumungad sa kanya, isang napakakisig na binata ani nito sa isipan. Nilapitan niya ito at tinignan kung may sakit ba ito, kinapa rin niya ang leeg kung mainit nang magulat siya sa biglaang paglabas ng pangil nito. Sa takot ay napaatras siya ngunit huli na dahil mahigpit na hawak ng kamay nito ang pumigil sa tangkang paglayo niya. Ang nagniningas na mga mata nito ang bumungad sa kanya ng magtama ang kanilang mga mata. Mga pulang mata, mata na bumubulong ng kapahamakan, ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan ay hinayaan niyang kagatin siya nito sa palapulsuhan. Napapikit siya sa sakit ng pagbaon ng pangil ng lalaking bampira. Bumibigat na rin ang kanyang paghinga sa bawat pagsipsip nito sa kanyang dugo. Nang sa palagay niya ay mahihimatay na siya sa hilo ay tumigil ito. Nagtamang muli ang kanilang mga mata at doon sumalamin sa kanya ang asul na mga mata nito. Asul na sumisimbolo sa kapayapaan, habang ang kanina ay pula na puno ng karahasan. Sa hiya ay hinigit niya ang kamay na hawak ng estrangherong bampira. "mga abong mata.."kumunot ang noo ni Liana sa tinuran ng lalaking bampira. "hindi abo ang aking mga mata.."sagot ni Liana. "hindi nga, ngunit doon ako pinag iingat ng aking ina, na huwag basta uminom ng dugo mula sa isang dalaga lalo na kung may kulay abong mga mata.."napakurap si Liana sa mga sinabi ng lalaki. "kung gayon maari na ba akong umalis? Mahaba pa ang aking lalakarin upang makarating sa Imana."wika ni Liana. Ngumisi ang bampira at naglahad ng kamay para sa dalaga. "nais kong magpakilala lalo pa at ibinigay mo sa akin ang iyong dugo.."tinignan ni Liana ang palad nito na nakalahad sa kanyang harapan bago sumagot nang hindi tinatanggap ang kamay nito. "hindi ko iyon kusang ibinigay dahil iyon ay sapilitan mong kinuha nang ako ay iyong hatakin."umikot ang mata ni Liana habang sinasabi iyon sa lalaki. Sa hindi niya malamang dahilan ay ngumiti ang lalaki at doon niya naisip na sadyang napakakisig nga ng lalaking bampira. "mauna na ako.."paalam ni Liana at naglakad na palayo. Nakahinga ito ng maluwag ng hindi na sumunod ang lalaki. Natatanaw na niya ang bayan ng Zacarias nang magkagulo. Napatingin siya sa paligid nang makita ang mga kawal na tila may hinahanap. "hulihin ang sino mang may bakas ng prinsipe!"sigaw ng isang kawal na sa tingin niya ay mataas ang katungkulan. Napaatras si Liana nang lumapit sa kanya ang mga itim na lobo. Tinignan siya ng mga kawal at pinalibutan. "b-bakit ho?"sa natatakot na tinig ay tanong ni Liana sa mga nakapalibot sa kanya. Ganoon na lamang ang gulat niya ng makita ang itim na lobo ay biglang naging tao. "i-isang taong lobo.."bulong niya sa sarili. "naamoy ko sa kanya ang prinsipe."wika ng babae na kanina ay itim na lobo. "magaling Accalia, sumama ka sa amin!"hinatak siya ng mga kawal pasakay ng kabayo. "sandali! Hindi ko kilala ang prinsipe at paanong maamoy mo siya sa akin ni hindi ako nakasalamuha ngayon ng lalaki--" natigil siya sa pagsasalita ng maalala ang mahanging bampira sa tulay kaninang umaga. Wala nang nagawa si Liana ng isakay siya sa kabayo at patakbuhin ito patungo sa palasyo. Ang inis ay napalitan ng pagkamangha nang makita ang kapaligiran. Puno ito ng mga bulaklak at ang palasyo ay nababalutan ng mga malalaking ugat. "sino ang babaeng 'yan?"nabura ang pagkamangha niya ng makita ang pagyuko ng mga kawal sa babae. "mahal na reyna.."napasinghap siya sa narinig. Reyna? Halos mahulog siya sa kabayo para lamang makapagbigay galang sa reyna ng Zacarias. "naamoy ni Accalia ang prinsipe sa kanya kung kaya at dinala namin siya rito.."nakita ni Liana kung paanong naningkit ang mata ng reyna sa tinuran ng kawal. "isang ordinaryong babae, ni walang dugong bampira at hindi rin naman lahi ng mga lobo, sino ka?"baling ng reyna sa tulalang si Liana. "a-ako po si Liana isang manggagamot sa bayan ng Imana."wika niya sa mahal na reyna. "Liana, bakit na sa iyo ang amoy ng aking anak?"napakurap siya sa tanong ng reyna. Sa sobrang kaba at pagkabahala ay hindi nakapagsalita si Liana. Napangiwi na lamang siya ng kuhain ng reyna ang kanyang kamay. "bakas ng ngipin ni Rhys!"bulalas ng reyna bago muling tumingin ng matalim kay Liana. "h-hindi ko ho alam na--" "ina.."lahat ng naroon ay tumigil nang may magsalita sa kanilang likuran. Si Liana ay lumingon sa pinanggalingan ng boses at nagulat ng tumambad sa kanya ang bampira sa tulay na may asul na mata. "anak, saan ka ba nagpunta?"tanong ng reyna dito ngunit hindi nito pinansin ang reyna at nagtungo palapit kay Liana. "paumanhin kung maging sila ay inabala ka.."wika ng prinsipe. "lapastangan! Sino ka upang tratuhin ng ganyan ng aking anak--" "siya ang aking hinahanap ina, ang sikat na manggagamot sa Imana, hindi ko nais na sumama ang loob niya 'pagkat kailangan siya ni ama, batid kong alam mo ang aking layunin.."natahimik ang reyna sa sinabi ng prinsipe.. "narito ka nalang rin ay maari mo bang tignan ang kalagayan ng aking amang hari?"nanlaki ang mga mata ni Liana sa sinabi ng prinsipe. Una ay isa pala itong prinsipe, pangalawa ay nakilala rin niya ang reyna, may nakilala siyang taong lobo na sa mga kwento lamang ng kanyang nanay naririnig at ngayon naman ay maging ang hari ay kanya ring makikita? "sana ay paunlakan mo ako.."wika ng prinsipe. Wala nang nagawa si Liana kung hindi ang tumango, lalo pa at nakamasid ang reyna sa kanila. Sa laki ng kaharian ay halos maligaw ang mga mata ni Liana, sa dami ng silid at mga tagalingkod ay halos mahilo siya. Siguro ay hindi pa nakakabawi ang kanyang katawan sa kinuhang dugo kanina ng prinsipe sa kanya aniya sa sarili.  Isang silid sa dulo na may malaking pinto ang hinintuan nila. Nang bumukas iyon ay isang malaking kama ang bumungad sa kanya. Naroon ang hari, pagpasok pa lamang nila ay napahinto na siya sa naramdamang lungkot at kakulangan sa paligid. "amang hari narito akong muli, may nahanap ako na maaring gumamot sa iyo.."wika ng prinsipe sa nakapikit na matanda. "marami na ang nagsabing hindi na magiging maayos ang lagay ng hari anak.."bulong ng reyna.  Ang kaninang matapang na reyna ay tila naging nauupos na kandila na ngayon sa harap ng hari. Huminga ng malalim si Liana at lumapit sa hari. Napakalamig at napakalungkot ang patuloy na binubulong sa kanya ng hangin. "maari ko bang mahawakan ang mahal na hari mahal na prinsipe?" tumango ang prinsipe kay Liana bilang sagot. Nang lumapat ang kamay niya sa noo ng hari ay pumikit siya, tama ang kanyang sapantaha, lungkot at kakulangan ang siyang dahilan ng pagkakasakit ng hari. "maari ba kayong lumayo?"tumango ang prinsipe at lumayo ng bahagya, ganoon din ang ginawa ng reyna. "dinggin mo ang aking dasal, ang iyong sakit ay dulot ng lungkot at paghihinakit, halika at damhin ang dulot kong init upang ang iyong sigla'y manumbalik.."umilaw ang kamay ni Liana kasabay ng pag init ng buong paligid. Ang kanyang mata ay naging kulay kahel nang siya ay magmulat ng mata. Napamaang ang prinsipe sa kanyang nakikita, nilingon nito ang reyna na sa sandaling 'yon ay gulat sa lahat ng nakikita. Nang mawala ang ilaw sa kamay ni Liana ay siyang pagmulat ng mata ng hari ng Zacarias. "sino ka?"tanong ng hari. "Damian!"ang reyna ay tumakbo palapit sa kanyang hari, ngunit ang hari ay nanatili ang mga mata kay Liana. "ama.."doon lamang naputol ang titig ng hari kay Liana nang marinig ang kanyang anak. "Rhys.."ngumiti ang prinsipe sa ama at mahigpit din itong niyakap. "paanong gumaling ka samantalang ang sabi ng ilang mangagamot ay wala nang lunas ang iyong sakit?" tanong ng reyna at nagtatakang nilingon si Liana. "maging ako ay nagtataka.."ani ng hari. Napalunok si Liana dulot ng kaba mula sa mga matang nakatingin sa kanya. "paanong ang isang manggagamot sa bayan ng Imana ay nagamot ka samantalang ang mga mahuhusay rito sa atin ay hindi?"dagdag pa ng reyna. "kulay kahel na mata ang nakita ko kanina, isang pamilyar na kulay.."wika ng hari habang nakatingin sa dalaga. "paumanhin, ngunit kailangan ko na hong umalis at tumungo sa bayan ng Imana--" Nagulat ang lahat ng magningas ang mata ng prinsipe. "hindi ka aalis."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD