CHAPTER 6

1683 Words
Ang tangkang pagtatago ni Liana ay natigil nang magulat siya sa kanyang pag angat. "a-anong nangyayari?"maging ang dalaga ay naguguluhan sa nangyayari. Samantalang sila Accalia at Rhys ay nanatiling tulala sa paglutang ni Liana. Parang naestatwa ang dalawa sa nakikita. "m-mahal na prinsipe!"ang boses ni Liana ang nagpabalik sa katinuan ng dalawa. "sandali! Liana!"ngunit hindi na nila nahabol pa ang dalaga. Sa bulwagan ng kaharian ng Zacarias bumagsak ang katawan ni Liana. Sa harapan ng hari at reyna at iilang kawal. "mahal na reyna, mahal na hari.."nagbigay galang si Liana sa dalawang nakatataas. Ang pag iling ng hari ang nagdulot ng kaba kay Liana. "mabuti naman at narito ka na.."napalingon ang dalaga sa likuran niya at ganoon na lamang ang gulat nang may isang matandang babae na nakasuot ng pulang saya ang bumungad sa kanya. "s-sino ho kayo?"bakas sa mukha ng matanda ang saya ng makita nito ang dalaga. "Ako si Aradia, ang kapatid ng mambabarang na si Loida, ang kinilala mong ina."napamaang si Liana sa nalaman. "k-kapatid ka ni nanay?"tumango ang matanda at ngumiti nang mapait sa dalaga. "hindi ko na naabutan ang aking kapatid, at nalaman kong ikaw ay nasa poder nang mga taong pumaslang sa kanya!"ang maamong mukha ng matanda ay nagbago, naging mapanghusga at tila gustong pumatay. "ang aking kapatid ay hindi kailanman nagkaroon ng kaaway, sa kabaitan nitong taglay ay batid kong ikaw ang rason ng kanyang pagkamatay, at ngayon na narito na ako at kaharap ka ay napatunayan kong tama ang aking sapantaha."nag iwas ng tingin si Liana sa matanda gawa ng pagsingit ng konsensya nito sa dibdib. "ang aking si Loida ay ilag sa nilalang na batid niyang aayawan siya! Sino ka upang magsaya at makipag ibigan sa mga nilalang na siyang pumatay sa kumupkop sa iyo?!"sa mga binitiwang salita ng matanda ay hindi naiwasang maiyak ni Liana. Ang bawat salita nito ay tila punyal na sumasaksak sa kanyang dibdib. Patuloy sa pagbaon ang bawat letra at  pinararamdam sa kanya ang pighati at sakit na dulot ng nawalan. "Liana!"ang luhaang mukha ni Liana ay nag angat sa pagtawag ni Rhys sa ngalan nito. Nang makita ang luhaang mukha nito ay agad na naging pula ang mata ng prinsipe. Akmang susugurin nito ang matanda sa likuran ni Liana nang pigilan siya ng dalaga. "huwag prinsipe ng Zacarias.."humihikbing awat nito. "ngunit Liana nais ka niyang kunin sa akin.."halata ang takot sa boses ng prinsipe. "walang iyo mahal na prinsipe sapagkat ako ay hindi mo pag aari.."malungkot na wika ni Liana. "Liana.."ang nakikiusap na boses ng prinsipe ang mas lalong nagpahirap sa gagawin ni Liana. "bago ako pumunta rito ay puno ng galit ang aking dibdib, sapagkat ang lahi mo at mismong mga magulang mo ang pumatay sa aking nanay. Sa kanya ako mahal na prinsipe, ang mambabarang na basta niyo lamang kinitilan ay ang pinakamahalagang nilalang para sa akin, pansamantala akong nabulag sa iyong mapang akit na gawi--" "hampas lupa! Sino ka upang pagsalitaan ng ganyan ang aking anak!"singit ng galit na reyna. "patawad mahal na reyna ngunit mukhang tama kayo, hindi ako ang itinakda sa mahal na prinsipe sapagkat hindi ako diyosa, isa lamang akong manggagamot ng Imana, paalam mahal na prinsipe sana ay ito na ang huli nating pagkikita.."tumalikod ang dalaga sa mahal na hari at reyna maging sa natutulalang prinsipe ng Zacarias. "sasama na po ako sa inyo.."mahinang usal ni Liana sa matandang mangkukulam. Tumango ito bago kumumpas, binalot sila ng usok na gawa ng matanda. Nang mawala ang usok ay wala na rin sa palasyo si Liana. Muli ay nasa bundok siya, bundok kung saan naninirahan ang kanyang kinilalang ina. "patawarin mo ako kung inilayo kita sa iyong minamahal.."sa mababang tono ay wika ng matanda. "wala kayong dapat ihingi ng tawad, ako ang dapat na humingi ng kapatawaran sa inyo sapagkat--" Naputol ang sasabihin ni Liana nang makita niya ang pagbabago ng anyo ng matanda sa kanyang harapan. Mula sa ugat ugat nitong kamay hanggang sa kulubot nitong mukha ay biglang naging isang napakagandang dilag ang tumambad sa kanya. "s-sino ka?"napaatras si Liana nang humakbang palapit sa kanya ang mangkukulam. "ako si Aradia, ang anak na tunay ni Loida."wika nito. "a-anak? May anak si nanay?"malungkot na tumango si Aradia kay Liana bilang pagkumpirma. "ang aking ina ay itinanggi ng aking kinalakihang ama, sa katotohanang hindi ito ang nakatakda sa kanya, at nang dumating ang para kay ama ay basta na lamang nitong iniwan si ina at kinuha ako."hindi makapaniwala si Liana sa mga naririnig. "matagal ko nang hinahanap ang ina ko, hanggang sa makita ko kayo ng prinsipe na nanganganib."nanlaki ang mata ni Liana sa sinabi ni Aradia. "a-ang usok.."nang sambitin iyon ni Liana ay ngumiti ng tipid ang mangkukulam. "tama ka, ako nga iyon, maging ang naglayo sa iyo sa prinsipe nang gabing iyon ay ako rin."halos mapanganga si Liana sa mga tinuran at isiniwalat ni Aradia. "Aradia patawad kung hindi mo na nakita pa si nanay, patawarin mo ako sa mga bagay na nakuha ko na para naman talaga sa iyo.."ngumiti si Aradia kay Liana at marahang umiling. "wala iyon sa akin, lalo pa at karangalan para sa akin at sa aking lahi na isang diyosa ang inalagaan ng aking ina.."ang mga sinabi ni Aradia ay nagpagulo sa isip ni Liana. "nagkakamali ka, hindi ako diyosa--" "hindi lamang apoy ang iyong kapangyarihan hindi ba at kaya mo ring magpagaling ng mga may sakit at patubuin ang mga bulaklak?"nanlaki ang mga mata ni Liana nang sabihin iyon ng mangkukulam. "p-paanong.." "batid ko ang iyong kapangyarihan sa mismong araw na ikaw ay aking tulungan, at alam ko na alam ni ina ang kakayahan mong iyon, isang diyosa lamang ang may kakayahang gawin ang mga nagagawa mo."mahabang litanya nito. "ngunit wala akong abong bata.."alam ng lahat na ang mga diyosa ay may abong mga mata. "iyon rin ang katanungan sa aking isipan, kung hindi ka man diyosa ay ano ka? Saang imperyo ka nagmula at anong lahi ang mayroon ka?"ang mga katanungan nito ay mas lalong nagpagulo ng isipan ni Liana. Sabay silang bumuntong hininga. "patawad kung kinuha kita at inilayo sa nakatakda para sa iyo, nais ko lamang makilala ang nilalang na minahal at inalagaan ni ina."napayuko si Liana sa mga sinabi ng mangkukulam. Naiiyak na tinignan niya ito at mahigpit na niyakap. "mabait si nanay Aradia, sobrang mabait at mapagkumbaba, nakuha mo ang kanyang ugali, maging ang kanyang mata ay nahahawig sa iyo."ang mga katagang iyon ang nagpabulalas ng iyak sa mangkukulam, kasabay ng pagbukal ng luha sa mga mata ni Liana ay siyang pagsaksak ng patalim sa kanya ng mangkukulam na si Aradia. "A-Aradia?"daing niya nang makita ang sugatang dibdib. "mga buhay na nilalang, dugo at laman ko ang aking iniaalay.."nanlaki ang mga mata ni Liana nang makita niyang sinaksak din ni Aradia ang sarili. "ang aking dasal ay bigyan ng gabay, ang aking dahilan ay siyang patunay, iligtas ang dalaga sa aking harapan mula sa kamatayan at ano mang sumpa at kasakitan, laman para sa laman, dugo para sa dugo, ang aking hininga ay iyong dinggin at sumama ka kasabay ng hangin, hangin na mangangalaga sa aking dalangin."napapikit si Liana nang masilaw sa liwanag na nagmula sa katawan nilang dalawa ni Aradia. Nang magmulat si Liana ay wala na ang sugat niya na dulot ng saksak ni Aradia, ngunit ang kay Aradia ay naroon parin. "anong ginawa mo?"nahihintakutang lumapit si Liana sa duguang dalaga. "may dahilan si ina sa kanyang pagbubuwis ng buhay para sa iyo, at hindi ko iyon sasayangin, kaya ginamit ko ang engkantasyon ko bilang isang baluti na magproprotekta sa iyo mula sa ano man o sino mang mananakit sa iyo. Inilayo kita sa prinsipe 'pagkat hindi nila maaring malaman ang bagay na ito, ako lamang at ikaw."hindi agad nakapagsalita si Liana. "ang saksak na ito ay magiging peklat na lamang ngunit sa tuwing ikaw ay nasa bingit ng kamatayan, muli kong mararamdaman ang sakit nito ng paulit ulit, at pangako Liana, paulit ulit ko ring itataya ang sarili ko sa iyo, mula ngayon ay ako muna ang mamamatay bago ka nila mapatay, ako ang buhay mong baluti ang taga salo ng lahat ng sakit."ang mga binitiwang salita ni Aradia ay nagdulot ng lungkot at hindi malamang kapayapaan sa dibdib ni Liana. Pati ang tunay mong anak nanay ay handang mamatay para sa akin, isa lamang akong ampon at hindi kadugo ngunit ang init ng inyong pagmamahal para sa akin ay lubos na  mas mainit pa sa aking kapangayarihan, turan nito sa sarili. Mas malakas ang init ng damdamin na nasa loob ko at nagmumula sa iyo. Umaapaw ang iyong pagmamahal na maging ang iyong anak na dapat ay naninibugho sa akin ay narito at tinitiis ang sakit para sa aking kaligtasan. Hindi iniwan ni Liana si Aradia kahit anong taboy nito sa kanya. Inalagaan niya ang mangkukulam at ginamot hanggang sa lumipas ang apat na araw. "hindi mo dapat ginagamit ang kakayahan mong iyan, paano kung may makakita?"suway ni Aradia sa dalaga. "ngayon ko lamang ito gagamitin kaya huwag kang mag alala.."hinayaan na lamang ni Aradia ang dalaga na gamutin siya. Ito rin ang nagluluto at nag aasikaso ng kanyang mga pangangailangan. Kumunot ang noo ni Liana nang makitang naglalabas ng usok si Aradia mula sa palad nito.  "Tobi pakinggan mo ako, tumungo ka sa bundok na aking pinuntahan, kailangan kita dahil ako ay sugatan.."wika nito bago nawala ang usok.  "ano iyon?"nagtatakang tanong ni Liana kay Aradia.  Hindi sumagot ang huli at sumilay na ang ngiti sa mga labi.  "batid kong nasasabik ka na sa iyong prinsipe."namula si Liana sa tinuran ng mangkukulam.  "sasamahan ako ng kaibigan kong dwende, huwag kang mag alala at hindi niya ako pababayaan.."nakangiting wika nito.  "h-hindi pa naman ako ganoong nasasabik sa ka--"  "nararamdaman ko ang panghihina niya.."nanlaki ang mata ni Liana sa narinig.  "siguro nga ay malakas ka kumpara sa prinsipe, kawawang nilalang.."napakagat sa ibabang labi si Liana sa mga sinabi ni Aradia.  "anong nangyari sa iyo?!"napaigtad si Liana nang may magsalita mula sa ibaba, siya namang tawa ni Aradia.  "narito na ang aking tagapagbantay, sige na Liana, bumalik ka na sa kanya.."nagdadalawang isip si Liana kung iiwan nga ang dalaga.  "sige na umalis ka na, at nabalitaan ko ang panghihina ng prinsipe ng Zacarias.."sa sinabi ng dwende ay nagmadali si Liana pabalik sa palasyo.  Ngunit nang dumating siya ay agad siyang hinarang ng mga kawal.  "hindi ka maaring pumasok.."wika ng bantay.  "pakiusap, papasukin niyo ako--" "hindi maaari.."nilingon ni Liana ang nagsalita.  "Accalia.."anas niya dito. "patawad Liana, ngunit hindi ka na maaring pumasok sa palasyo.."napailing si Liana dito.  "hindi, kailangan ako ni Rhys--"  "Liana, siya mismo ang nagbigay ng kautusang ito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD