Nilibot ni Liana ang kanyang mata sa paligid nang kinalakihang bundok.
"hindi na muna ako makakabalik dito, dahil kumikirot ang dibdib ko sa tuwing maiisip ko na wala na ang dahilan ng aking pagbabalik sa lugar na ito.."wika ni Liana.
"halika na at magdidilim na.."inalok ni Rhys ang kamay kay Liana na tinanggap naman ng dalaga.
Pababa na sila ng bundok kung saan naghihintay ang kanilang kabayo nang may mga lumabas na nilalang sa paligid.
Isang nilalang na nababalutan ng itim na kapa.
"sino kayo?"itinago ni Rhys sa kanyang likuran si Liana bilang proteksyon.
"ikaw ang isa sa may hawak ng elemento."ang nakakatakot na boses nito ay nanuot sa katawan ni Liana.
Ang dilim at kapaligiran ay tila kapahamakan ang badya para sa kanila. Isang kadena ang pumulupot sa leeg at binti ng prinsipe. Napaluhod ito sa sakit nang umusok ang katawan nito.
"ang kadenang nakapulupot sa iyo mahal na prinsipe ay likha ng diyosa ng apoy na ngayon ay nasa pangangalaga ko na."hindi malaman ni Liana ang gagawin lalo pa at naglabasan ang ibang kasamahan ng lalaking nakatakip ng itim na kapa.
"Rhys!"nilapitan ni Liana ang binata ngunit napigilan agad ang tangkang pagtulong nito dahil sa paghatak ng mga naka itim na nilalang.
"kay pait ng iyong sasapitin, pagnamatay na ang prinsipe ay pagsasawaan ka muna namin bago isusunod sa itinakda sa iyo!"napadaing si Liana ng hatakin ng isa sa nakaitim ang buhok niya.
"huwag na huwag niyong hahawakan si Liana!"sigaw ng prinsipe.
"kung gayon ay ibigay mo ang elemento ng apoy.."wika ng nakaitim na kapa.
"huwag Rhys!"pigil ni Liana.
Umiling si Liana sa prinsipe ngunit tila bingi ang huli at inilahad ang palad.
"elemento ng apoy--"
"huwag mahal na prinsipe! Ikamamatay mo ang pagkawala ng elemento sa iyong katawan!"sigaw ni Liana dahilan para ito ay itali rin sa kadenang ginamit sa nanghihinang si Rhys.
"makikinig ka ba sa iyong nobya na mamamatay rin naman? O ibibigay mo ito sa amin kapalit ng pagkabuhay ng babaeng ito!"pananakot ng nakaitim na lalaki.
"huwag kang maniwala sa kanila prinsipe, sapagkat batid kong papaslangin din nila ako--"
"tumahimik ka!"napaluhod si Liana nang saksakin ng nakaitim na lalaki ang tagiliran nito.
"L-Liana!"puno ng galit na tinignan ni Rhys ang mga nakapalibot sa kanila.
Lingid sa kanilang kaalaman ay may nakakakita ng mga pangyayari.
"hindi maaring mamatay ang diyosa na siyang babago ng lahat, hindi ang ganitong pangyayari ang papaslang sa kanya!"wika ng isang babae habang nakatingin sa kanyang bolang kristal.
"ano ang binabalak mo?"tanong ng kasama nito na isang dwende.
"kailangan natin silang tulungan!"wika ng mangkukulam.
"Ara alam mong delikado ang sumabak sa labang hindi mo alam kung sino ang kaaway."paliwanag ng dwende.
Huminga ng malalim si Ara, ang mangkukulam sa bayan ng Bayya.
"malakas ang pakiramdam ko na kailangang makaligtas ng dalawang nilalang na ito, lalo na ang diyosa.."matigas na tugon nito bago gumawa ng engkantasyon.
"madilim na langit mula sa kanilang kinaroroonan nawa'y sila ay tulungan, ang aking dugo at ang aking laman ang siyang patnubay sa pagtulong na sila ay manatiling ligtas at buhay.."ang mga salita ni Ara ay gumawa ng itim na usok papasok sa bolang kristal kung nasaan ang prinsipe at si Liana.
Nanlaki ang mga mata ni Liana ng makita ang usok na pumalibot sa kanila. Nagulat ang lahat ng madampian ang ilang nakaitim at biglang nalusaw. Maging si Liana ay natakot. Nang mabitiwan ng mga nakaitim ay pagapang itong lumapit sa nanghihinang prinsipe.
Kinuha ni Liana ang kadena at tinanggal, kitang kita ni Rhys kung paanong walang epekto sa dalaga ang kadenang sumisipsip ng kanyang lakas.
"yumakap ka sa akin mahal na prinsipe.."bulong ni Liana kaya iyon ang ginawa ni Rhys.
"Init mula sa aking katawan kami ay bigyan ng pananggalang.."nagkaroon ng dilaw na bilog na bumabalot sa kanilang dalawa.
Nanatili silang magkayakap hanggang sa mawala ang mga nakaitim na lalaki.
"mahal na prinsipe.."anas ni Liana nang bumagsak ito sa kanyang hita.
Hindi malaman ni Liana ang gagawin kaya inilahad na lamang nito ang kanyang pulso.
"uminom ka Rhys, para manumbalik ang iyong lakas.."hindi nagdalawang isip ang prinsipe at agad na kumagat sa palapulsuhan ni Liana.
Lahat nang iyon ay nakikita ni Ara mula sa kanyang kristal.
"anong ginagawa ng prinsipe? Hindi niya ba alam na mamamatay ang diyosa kung magtatagal pa ang pagsipsip niya ng dugo nito?"sa inis ng mangkukulam ay pinaglayo niya ang dalawa.
Nagulat sila Liana at Rhys nang maglayo sila at tumalsik si Liana sa kabilang direksyon.
"L-Liana!"sigaw ni Rhys sa ngalan ng dalaga ngunit hindi na ito sumagot pa 'pagkat nanghihina na ito sa dami ng nainom na dugo ng prinsipe.
Sa takot ay kumilos agad ang prinsipe ng Zacarias at isinakay sa kabayo ang dalagang namumutla at wala nang malay.
"anong nangyari sa kanya?!"natigilan si Rhys nang pagpasok niya sa bulwagan buhat si Liana ay agad tumakbo ang prinsipe ng Imana.
"Liana!"sa pagbigkas nito ng pangalan ng babaeng mahal ay agad naging pula ang mata nito.
"lumayo ka.."madilim ang anyong wika ni Rhys at may babala ang bawat tingin nito sa prinsipe ng Imana.
"anong nangyari sa kanya Rhys?!"ang hari na ang nagsalita upang maputol ang angilan ng dalawang prinsipe.
"napadami ang pag inom ko ng dugo--" hindi natapos ni Rhys ang sasabihin dahil nauna nang lumapat ang kamao ni Hanish sa mukha nito.
"bitiwan mo siya! Wala kang silbi!"napamaang ang lahat ng lumutang si Liana mula sa pagkakabuhat ni Rhys at napunta kay Hanish.
"Liana, gising ako ito, si Hanish.."bulong nito na hindi nakaligtas sa pandinig ng lahat.
"kilala mo ba ang itinakda sa aking anak?"pansin ang naniningkit na mata ni reyna Shirada habang nakatingin sa buhat nitong si Liana.
"akin si Liana.."singit ni Rhys sa dalawa.
"hindi ko inaagaw si Liana sa iyo, ngunit kung hindi mo kayang kontrolin ang uhaw mo ay mas mabuting ilayo ko na siya bago pa ikaw mismo ang pumatay sa kanya!"natigilan si Rhys sa binitiwang salita ng prinsipe ng Imana.
Tama ito, kung wala ang pwersang naglayo sa kanila sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay maaring napatay na niya ang dalaga.
Sa inis dahil sa pangingialam ng ibang prinsipe at sa galit sa sarili dahil tama ang dahilan nito ay nilisan niya ang bulwagan.
Naupo si Rhys sa malalaking ugat sa likod ng kanilang palasyo.
"bakit nag iisa ang prinsipe ng Zacarias?"nang mag angat ng tingin si Rhys ay natanaw nito si Accalia ang taong lobo na malapit sa kanilang pamilya.
"naiinis ako sa sarili ko Accalia, 'pagkat muntik ko nang mapatay ang babaeng pinakamamahal ko.."tumango ang dalaga sa mga sinabi ng lalaki.
"pagpasensyahan mo na sana ang prinsipe ng Imana.."kumunot ang noo ni Rhys sa tinuran ng babaeng lobo.
"maging ikaw ay kumakampi sa kanya--"
"hindi niya aagawin sa iyo si Liana, dahil siya ang itinakda sa akin.."marahas na napaangat ang tingin ni Rhys kay Accalia.
"totoo ba ang mga tinuran mo?"tumango si Accalia at tumawa sa naging reaskyon ng prinsipe.
"hindi pa ito batid ng prinsipe ng Imana, ako pa lamang ang nakadama, ngunit sinabi ko na sa iyo sapagkat halata ang paninibugho mo sa kanya, kaya nilapitan na kita rito upang hindi na lumaki pa ang maaring gulo sa pagitan ninyo.."mahabang litanya nito.
"ngunit isa kang lobo, magkaiba kayo ng lahi paanong--"
"mahal na prinsipe, lobo ako at ito ay bampira, alam namin ang pagkakaiba ng aming lahi, ikaw ba? Alam mo ba ang lahing pinagmulan ng itinakda sa iyo?"hindi nakasagot si Rhys sa tanong na iyon ng lobo.
"alam ko ang amoy ng bawat nilalang dito, hindi basta manggagamot ang nakatakda sa iyo mahal na prinsipe, at batid ko na alam mo ang tinutukoy ko, maging ako ay natatakot na magkatotoo ang sumpa sa iyo, sabihin na nating hindi abo ang kulay ng kanyang mga mata ngunit nagiging kahel iyon tuwing gagamitin niya ang kanyang kapangyarihan tulad rin sa nasabing diyosa ng apoy."ang mga binitiwang salita ni Accalia sa prinsipe ay lubos na nag iwan ng palaisipan sa huli.
Nang lumabas ng palasyo si Hanish ay nakita niya si Rhys na nakaupo sa malaking ugat at tila malalim ang iniisip.
"patawad sa aking panghihimasok kanina.."hingi nito nang kapatawaran sa prinsipe ng Zacarias.
"magkakilala ba kayo ni Liana?"tanong ni Rhys.
"bago pa man ako naging prinsipe ay kilala ko na siya, isa siyang mabuting nilalang.."ani nito.
"kung gayon ano ang lahing pinagmulan ni Liana?"tanong ni Rhys at nilingon na ang naguguluhang si Hanish.
"hindi niya nasabi sa akin ang bagay na iyan, ang alam ko lamang ay napulot siya ng mambabarang na kinilala nitong ina sa tulay na nagdudugtong sa Bayya at Zacarias."hindi na umimik pang muli si Rhys.
Kung ganoon ay wala rin itong alam sa pinagmulang tunay ni Liana ani nito sa isip.
Kailangang alamin ang lahi nito nang sa gayon ay hindi na masabing diyosa nga ito.
Kahit anong lahi, huwag lang ang diyosa, pakiusap Liana, hindi ko nais na magkaroon sila ng dahilan upang ikaw ay ilayong muli sa akin.
Laking pasasalamat ni Rhys ng magising na si Liana. Ang mga itim na mata nito ay nagbigay sa kanya ng kapanatagan.
"kamusta ang iyong pakiramdam?"ngumiti si Liana sa nag aalalang mukha ng prinsipe.
"mahal na prinsip--"
"maari mo akong tawagin sa aking ngalan Liana.."utos nito.
"ngunit hindi--"
"ikaw ang itinakda sa akin, ang aking lakas at kahinaan ay magmumula sa iyo."hindi na nakaimik pa si Liana sa sinabi ng prinsipeng unti unti na nitong nagugustuhan.
"Liana may itatanong sana ako.."naagaw ni Rhys ang atensyon ng dalaga mula sa pagbangon nito ay lumingon ito sa kanya.
"ano iyon mahal na prins--Rhys?"naiilang na tanong ni Liana sa seryoso at hindi mabasang reaksyon ng prinsipe.
"bago mo nalamang ikaw ay nakatakda sa akin, may napupusuan ka bang iba?"Napasinghap ang dalaga sa diretsong tanong ng prinsipe.
"w-wala akong nagugustuhan.."sagot ni Liana habang nakayuko.
"kung ganoon ay kaibigan mo lang ang prinsipe ng Imana?"nasa boses ng prinsipe ang pag aalinlangan at kaba nang tanungin nito iyon.
"kaibigan ko lamang si Hanish at parang nakatatandang kapatid."ngumiti na ang prinsipe sa isinagot ni Liana.
"mabuti naman.."nakahinga ng maluwag ang prinsipe sa nalaman.
"Rhys!"sabay na napalingon ang dalawa sa humahangos na si Accalia.
"bakit Accalia?"tanong ng prinsipe rito at agad itong nilapitan.
"itago mo si Liana! Madali ka!"ang nga sinambit nito ay nagdulot ng kaba sa dalawa.
"b-bakit?"si Liana na ang nagtanong dito sa kadahilanang hindi na nakasagot pa ang prinsipe at tila ito natigilan.
"may nais kumuha sa iyo, kaya kumilos na kayo!"