CHAPTER 19

1400 Words
Nagpalipat lipat ang tingin ng lahat sa dalawang nilalang. Isang diyosa at isang diwata. "magkapatid kayo?"hindi makapaniwalang tanong ni Ara sa dalawa. Tumango si Aoife bago bumaling sa tahimik lamang na kapatid. "kinuha siya upang maging tagapag alaga ng elemento."turan nito. Hindi rin naman nagtagal ang usapan dahil nagmamadali na si Avani. Muling nagyakap ang dalawa bago umalis ang tatlo. Sa kakahuyan kung saan ay may malinaw na batis ay naroon si Esme. Sugatan at dumadaloy ang dugo mula sa kanyang katawan patungo sa batis. "h-hindi ka magtatagumpay.."sambit nito sa lalaking nakangisi at may hawak na patalim. Ang patalim at ang nakatali kay Esme ay gawa sa kristal. Kaya nanghihina na si Esme. "maganda ka sana diyosa, kung hindi lamang sa iyong lahi ay baka pinakawalan kita."ngising wika nito. Halos ngumiwi naman si Esme sa narinig mula sa lalaking may malaking katawan at may markang ibon sa braso. "isa kang taong ibon na utusan lamang sa itaas.."ani ni Esme. "ang utusang ito ang papaslang sa iyo."wika nito. Walang kaalam alam ang lalaki na nasa paligid na ang tatlo at nasa ilalim lamang ng lupa. Napangisi si Esme ng maramdaman ang presensya ng kapwa diyosa. "may nais ka bang sabihin sa iyong huling sandali?"patuloy pa ng lalaki. "ikaw ang dapat mag isip ng huli mong sandali."wika ni Esme kasabay noon ang paglipad ng lalaki sa ere. Naroon si Hanish at iniikot ang katawan ng lalaki habang si Ara ay gumagawa ng dimensyon. "saan?!"tanong nito kay Avani na nasa malayo sapagkat hindi siya makalapit gawa ng kristal. "sa ilalim."agad na naintindihan ni Ara ang gustong sabihin ni Ava. Matagal na silang magkasama kaya alam na niya ang nais nito. Kinuha muna ni Hanish ang patalim na kristal sa lalaki bago ito itinapon sa dimensyong nilikha ni Ara. Agad na lumubog si Ava upang sundan ang lalaki. Malalakas na sigaw ang narinig nila Hanish mula sa ilalim. "tanggalin mo Hanish."turan ni Ara nang makitang nanghihina na si Esme. "ikaw si Esme hindi ba?"nanghihinang tumango ito sa tanong nila. "halika na at baka abo na lamang ang lalaki doon."si Ara bago tumalon sa dimensyon. Sumunod si Hanish nang may pag aalinlangan. Napatda sila nang makitang wala na ang katawan ng lalaki tanging damit na lamang nito ang naroon. "kinain ng lupa."kibit na sabi ni Ava bago sila nilapitan. "tayo na."wika nito bago sila muling nilamon ng lupa. Sa kaharian ng Zacarias ay nakatanaw ang reyna sa kapaligiran. Payapa at maganda ang kalangitan. Niyakap siya mula sa likod ng hari dahilan ng kanyang pagngiti. "nasaan ang iyong anak?"tanong nito sa hari. "lumabas ang marka niya, katulad ng akin."wika ng hari sa gulat ng reyna. "kung ganoon ay nagsisimula na."wika nito. "a-anong ibig mong sabihin?"tanong ng hari. "ang sumpa mahal ko, nangyari na sa ating anak."sabi ng reyna ng may pangamba. Hindi kalayuan ay nakatanaw sa kanila ang isang diyosa mula sa itaas. "bumaba ka na sa lupa ng mga bampira, kailangan ko ang reyna ng Zacarias."turan nito sa lalaking may markang ibon. "ngunit hindi naman nagtaksil ang diyosa--" "ang totoong reyna ang nagtaksil Hugo, hindi ang isang 'yan."nanlaki ang mata ng utusan sa nalaman. "ang reyna nito ay hindi sumunod sa kanyang misyon."dagdag pa nito bago bumaling kay Hugo. Agad na sumunod ito sa utos ng kanyang diyosa. "ngayon diyosa ng apoy, nasaan ka.."pagkausap nito sa sarili bago sinuyod ng tingin ang kalupaan. Sa dulo ng Bayya, ang bayan na siyang halos lumubog dahil sa sunog na ginawa noon ng diyosa ng apoy ay doon bumaba ang inutusan. Si Hugo. Ang taga sundo sa mga diyosang nawawalan ng buhay. Matagal nang panahon ang lumipas mula nang magwala sa lugar na ito ang diyosa ng apoy. Ang naglahong diyosa kasama ang apoy nito. Sa mga mata ng mga naroon ay ang takot nang nagdaang sakuna. Ang Bayya ang siyang naapektuhan sa mga nangyari. Ang lugar ng elemento ng tubig. Habang naglalakad si Hugo ay naramdaman niya ang isang presensya na kahawig sa isang diyosa ngunit may kakaibang amoy ang nilalang na iyon. Lumingon sa likuran si Hugo upang hanapin ang nilalang na siyang naramdaman niya nang tumambad sa kanya ang isang nakaitim na babae. "sumama ka sa akin."nagulat si Hugo nang bigla siyang lumubog sa lupa at natagpuan niya ang sarili sa harapan ng tatlong diyosa. Agad na lumuhod si Hugo sa harapan ng tatlo upang magbigay galang dito. Hindi lamang basta diyosa ang mga ito, ito rin ang tagapangalaga ng elemento. "Hugo ano ang dahilan at bumaba ka dito?" tanong ni Ava. "hindi ko kailangang ipaalam ang aking misyon."sagot nito. "kung ganoon ay sabihin mo sa nakatataas na sana ay hindi magkaroon ng pagkakataon na kalabanin namin kayo sa misyon mong iyan."ani ni Ava habang sinusukat ng tingin si Hugo. "sino ang susunduin mo?"napalunok si Hugo nang magsalita ang isa pang dalagang diyosa sa kanyang gilid. "may susunduin ka?"dagdag ni Yuri. "hindi ko alam kung paano mong nalaman ang bagay na iyan--" "walang inililihim sa akin ang hangin."napatingin si Hugo kay Yuri nang marinig ang sinabi ng isang hindi kilalang diyosa. "bakit ka gagabayan ng hangin? Hindi ikaw ang may hawak dito."si Hugo. Lumapit si Liana sa lalaking taong ibon na sabi nila Ava ay utusan mula sa itaas. Ang tagasundo. "ako ang hangin."bulong ni Liana. Kumunot ang noo ni Hugo sa pinagsasabi ng isang diyosa. "kailanman ay walang nakakakita sa hangin, nararamdaman ito ngunit hindi nakikita, hindi ba diyosa Yurisa?"baling nito sa diyosa ng hangin. "hindi maaring makita ang hangin."dagdag pa nitong muli. "tama ka Hugo, ngunit hindi mo ba nararamdaman ang hangin na gumagabay sa iyong mga pakpak sa tuwing ikaw ay lilipad?"nanunuyang wika ni Yuri dito. "pakiramdaman mo Hugo, sapagkat ang umaalalay sa iyong paglipad ay ang diyosang iyong minamaliit."napalunok si Hugo sa narinig mula kay Ava. Si Avani ay kilala bilang seryoso at matapang na diyosa. Nang lingunin ni Hugo si Liana ay agad itong yumuko. "patawad.."hinging paumanhin nito. "natatakot ka ba sa akin? Nararamdaman ko ang daloy ng pilak mong dugo sa iyong ugat."napaawang ang labi ni Hugo sa sinabi ni Liana. Ngumisi si Liana dito at nilapitan pa itong lalo. "ako rin ang tubig, apoy at lupa."nanlaki ang mga mata ni Hugo sa nalaman. "ngayon ay batid mo na kung sino ang nasa harapan mo Hugo."si Ava. Tumango si Hugo at muling yumuko. Ang nasa harapan nito na si Liana ay nakamasid lamang. "ang susunod na reyna ng mga diyosa. Ang diyosa ng mga elemento."hindi napawi ang ngisi sa mukha ni Ava nang marinig iyon kay Hugo. "hindi maaring mapaslang ang susunod na itatakdang reyna Hugo, kaya alam mo na gagawin namin ang lahat bilang diyosang tagapangalaga ng mga elemento upang protektahan ang aming magiging reyna. Magkamatayan man."ang seryosong boses ni Ava ay nagdulot ng takot kay Hugo. "makararating sa aking diyosa."sagot ni Hugo. "mabuti at naintindihan mo."ani ni Ava bago nito muling pinaahon mula sa lupa si Hugo. Tumingala si Hugo sa langit. Naroon ang kanyang diyosa at nakatanaw batid niyang alam nito ang ginawa ng tatlong diyosa. "malapit na Hugo, kailangan mong maghanda."ang tinig ng kanyang diyosa ang nagbigay dito ng lakas upang ipagpatuloy ang kanyang misyon. Patawad mga diyosa ngunit hindi maaring mabuhay ang inyong tinuturing na reyna sapagkat kaguluhan ang ibibigay noon sa mga diyosa at sa kaharian ng Erudito. Sa ilalim ng lupa ay nagkatinginan ang tatlong diyosa. "tinakot mong masyado Ava."iling na wika ni Yuri sa kaibigang diyosa. "ginawa ko iyon upang pag isipan niyang mabuti kung saan siya papanig."asik ni Ava. "hindi siya natakot, bagkus ay mas lalong tumibay ang kanyang paninindigan na paslangin ako."natigilan ang dalawa sa pag uusap nang magsalita si Liana. "Liana hindi mo ba nakita--" "nakita ko Yuri, kung paanong umiwas siya sa aking mga mata, ang bagay na iyon ay nagpapatunay na hindi tapat ang pagluhod niya sa akin, at isa pa, isa siyang sugo mula sa mga nasa itaas. Ang pagpanig sa akin ay kataksilan sapagkat nasa pangangalaga natin ang mga bampira."hindi nakakibo ang dalawa. "magpalakas tayo, kailangan natin iyon."suhestyon ni Yuri. Umiling si Liana. "kailangan ko ang diyosa ng apoy, nasaan si Nefertiri? At ang prinsipe ng elemento niya?"nagkatinginan sila Yuri at Ava. "hindi namin alam kung nasaan si Nefertiri Liana may mga nagsasabing wala na ito at tanging apoy na lamang nito ang nagpaparamdam sa amin."huminga ng malalim si Liana sa narinig mula kay Ava. Bago bumaling sa dalawa at tila nag iisip. "kung ganoon ay kailangan ko ang elemento niya, dalhin niyo ako sa prinsipeng may hawak nito."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD