bc

Unexpected Love

book_age12+
19
FOLLOW
1K
READ
adventure
One Direction
brilliant
witty
female lead
school
weak to strong
gentle and slow
like
intro-logo
Blurb

Ako si Scarlet Ramirez at sya naman si Nicolo Riego. Inis lagi ang nararamdaman ko sa kanya, kaya hindi ko inexpect ko na mahuhulog ako sa kanya...

#WritingAcademy

chap-preview
Free preview
Chapter 1: First Class
Nairita akong nagising dahil sa ingay ng alarm clock ko, gusto ko pa sanang matulog dahil puyat na puyat ako kakanood ng kdrama. Pero dahil ngayon ang first class ko kailangan ko ng magayos upang makapasok ng maaga. 4th year na ako ngayon kaya kailangan ko ng ayusin dahil graduating nako. Pagkatapos ko maligo ay kumain agad ako at naglagay lang ng liptint at pulbo at umalis na dahil kailangan kong agahan para hanapin ko ang section ko. "ma, aalis na ako" sabi ko kay mama. "oh sige anak, ingat ka" sabi ni mama at kiniss ako umalis na. Nilakad ko lang papunta sa school dahil malapit lang din naman to at para exercise nalang din, madami din naman akong kasabay na mga estudyante na papasok na din. Pagkapasok ko sa school ay agad akong pumunta sa guidance para tignan ko ang aking section sa mga nakalagay na papel doon. Nakipag siksikan ako sa mga tumitingin din at hinahanap ang aking pangalan para makaalis na. Nakita ko ang aking pangalan sa section "Daffodil" halos lahat ng section na nakita ko ay puro bulaklak, ewan ko kung bakit bahala na sila. Tinignan ko ang mga magiging kaklase ko, yung iba ay mga dati kong kaklase kaya kilala ko na. Ng mapatingin ako sa R ay nagulat ako na makita ang apelyido at pangalan nya "Riego Nicolo". Magkakaklase na naman kami wtf, Si Nicolo lang naman yung kaloveteam ko sa room. Sa 3 years naming magkaklase ay palagi kaming inaasar pati mga teacher ay nakikisali. Ewan ko ba kung bakit sabi nila may gusto daw sakin si Nicolo, manhid lang daw talaga ako kaya di ko alam. Di ko nalang pinapansin mga sinasabi nila kase ewan ko ba pag nakakasama ko yun lagi akong naiirita. Pogi at Matalino naman si Nicolo, matangkad, matangos ang ilong at hazel brown ang kulay lang mata nya. sikat din sya sa campus dahil madaming nagkakagusto sa kanya. Matagal na syang umamin sakin na gusto nya ako kaya siguro naging loveteam kami. Ewan ko ba kung bat inis na inis ako sa kanya kapag nakakasama ko sya at kapag kinakausap nya ako. Pumunta na ako sa magiging room ko, nakita ko agad mga kaklase ko dati na sila Rizza, Crystal, Angel, Wafah na nagdadaldal pinaguusapan nila yung pogi sa kabilang room. Nakipag daldalan nalang ako sa kanila habang inaantay yung adviser namin. Lahat napatingin nung pumasok si Nicolo at umupo sa tabi ko, syempre puro asar na naman yung mga baliw kong kaibigan at ako balewala lang. "Hi, Good Morning" sabi ni Nicolo "Anong good sa morning?" irita kong sabi "sungit mo padin" natatawa nyang sabi "Hoy yung magcouple dyan nagaaway na naman" natatawang sigaw ni angel. Natatawa naman na tumingin sakin si Nicolo at tumahimik nalang ako dahil dumating na ang aming adviser. "Good Morning Class", sabi ni ma'am "Good Morning Ma'am" pagbati naming lahat "I am Liza Delacruz at ako ang magiging adviser nyo sa buong s.y na ito" Pagtapos namin magpakilala lahat at sabihin ang mga requirments ay pinalabas na kami dahil halfday lang muna kami ngayon. "Uuwi kana?" sabi ni Nicolo "Ay hindi papasok palang" sagot ko sa kanya "Sungit mo talaga, Tara sabay na tayo" sabi nya. Di ko nalang pinansin at mabilis na umalis at sumunod naman sya at pinantayan ako. At nakita kong nagbubulungan na naman ang ibang mga babae siguro dahil nga magkasama kami ni nicolo, di ko nalang pinansin dahil wala naman akong pake sa kanila. tumigil sya sa bilihan ng mga fishball at palamig di ko sya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglalakad "Oy wait lang, kain muna tayo libre ko" sabi nya nagulat ako kase bigla nyang hinila ang kamay ko. Dahil dun pinagtinginan na kami. "Ano gusto mo?" sabi nya. "Gusto ko? Umuwi " pairap kong sabi sa kanya. "Bahala ka nga dyan, kukuha nalang kita" napipikon na sabi nya. Hinayaan ko nalang sya na kumuha ng mga fishball at kikiam doon. Inabot nya sakin ang isang baso na may lamang fishball at kikiam at ang isa naman ay may palamig. Ganun din ang binili nya sa kanya. Kukuha na sana ako ng pambayad sa kanya kaso bigla nya akong inawat. "Wag na ako na, Libre nga kita diba" di nalang ako nakipagtalo. "Tss, Tara na!" sabi ko nalang at naglakad habang kumakain. At pumantay na naman sya sakin. Malapit na ako sa bahay at sya naman ay liliko na dahil sa kabilang street pa sya. "Oh sige na, Bye na! sabi nya "Bye, thankyou" yun nalang sinagot ko sa kanya at pumunta na sa bahay. Dahil nga tanghali palang ay nakatulog na ako dahil kulang ang tulog ko kanina dail sa puyat Pagkagising ko ay 4:00 pm na ng tinignan ko ang oras sa aking cellphone. Bumaba nalang ako para kumain at maligo. Pagtapos ko kumain ay nagpatuyo muna ako ng buhok, habang nagpapatuyo ako ay nag f*******: muna ako at tinignan ko ang mga message at notification. Madami ang notif ko dahil kakapalit ko lang ng profile, tinignan ko nalang kung sino ang mga nagreact at nagcomment. At biglang tumunog ang cp ko. Nicolo Riego, Commented on your photo. just now lang ito, kaya tinignan ko kung ano ang comment nya at nireplayan ko agad. Nicolo Riego: Wow, ganda talaga. ? Scarlet Ramirez: tss ? Nicolo Riego: Galit na naman. ? nagreply sya at di ko nalang sya pinansin at nireplayan. 5:30 pm na ngayon at nasa kwarto nalang ako na nanood ng tv. habang nanood ako ng tv ay biglang tumunog ang cellphone ko. *BEEP* agad kong tinignan yun at binasa. Nicolo Riego: Hi, Magandang Gabi! ? nag reply nalang ako sa kanya Scarlet Ramirez: tss, hello Inis na nagreply ako sa kanya, di ko alam kung bat ba inis na inis ako lagi sa lalaki na yun. At agad naman syang nagreply. Nicolo Riego: Galit na naman? bat ba lagi kang galit sakin? araw araw ka bang may mens? Scarlet Blythe: Ano bang pake mo? tss Nicolo Riego: Sige na wag kana magalit, Goodnight! ❤️ binasa ko nalang at di na nireplayan sya ewan ko ba sa lalaki na yun kahit alam nyang naiinis ako sa kanya, patuloy padin ang pag memessage sakin. gustong gusto na iniinis lagi ako. nanood nalang ako ng kdrama para mabilis akong makatulog.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Alpha's Instant Connection

read
650.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.6K
bc

Kaimana, Shemar & Emrys the powerful three

read
3.6K
bc

Desired By The Hockey Captain Alpha

read
6.3K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.5K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
816.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook