"SALAMAT," masayang bulalas ni Polla kay Rocky. Sobrang saya lalo ng pakiramdam ni Polla dahil binigyan siya ni Rocky ng contact number para makapanood pa siya ulit ng mga performance ng banda nito at hindi ito ang magiging huli nilang pagkikita o ng banda nito dahil sa paanyaya ni Rocky makanood muli ng gig ng mga ito. "And a pleasure to meet you," nakangiting sabi ni Rocky sa kaniya. "Ako rin. Matagal na kitang, ah—“ “—ko kayong gustong makita sa personal, eh. Fan niyo talaga ako," nakangiting tugon ni Polla at muntikan pa niyang masabi na si Rocky lang ang gusto niyang makita ng personal. Baka mahalata pa ni Rocky na talagang crush na crush niya ito at nakakahiya naman iyon para sa kaniya. "Bakit kasi ngayon ka lang nagpakita? Sana noong dalaga ka pa lang para naligawan pa kita

