bc

Sweetest Fake Love (Agreement Series 5)

book_age18+
4.9K
FOLLOW
36.9K
READ
possessive
contract marriage
second chance
goodgirl
dare to love and hate
drama
sweet
bxg
heavy
betrayal
like
intro-logo
Blurb

I'm done dealing with him even though he just used and broke my heart into pieces. He made my dream turn into a nightmare, but I'd still chose to stay with him.

Ang pagpapakasal kay Dylan Samuel Franco ay ang pinakamagandang nangyari sa buhay ni Polla. Pinangarap na magmahal at mahalin ng isang lalake at dumating si Sam sa buhay niya. Niligawan siya nito at ipinaramdam kung gaano siya kamahal at pinahalagahan kaya minahal din niya ito nang sobra at humantong pa sila sa kasalan matapos nang isang taon nilang relasyon subalit matapos ang kasal nila ay isang katotohanan ang sumambulat kay Polla. Na ang lahat nang ipinakita at pinaramdam sa kanya ni Sam ay puro pagpapanggap lang at ang isang magandang panaginip ay naging isang bangungot mula kay Polla.

Ginamit lang siya ni Sam para makuha ang hinahangad na pamana mula sa ama nito na ayaw naman ibigay ng ama hangga't hindi ito nag-aasawa at siya ang napili para gamitin at magtagumpay sa plano nito.

Puno ng galit ang nadarama ni Polla at gusto niyang hiwalayan si Sam pero isang agreement ang inalok nito sa kanya na inayunan rin niya sa huli. Inayunan niya para na rin sa pride na tinapakan ni Sam at para ipakita na hindi siya talunan sa panlolokong ginawa nito.

Subalit ang tanong tatagal ba siya? Paano niya kakayanin ang maging asawa pa ng tatlong taon ang lalaking nanloko sa kanya?

At the end, who will be going to lose in this sweetest fake love?

SWEETEST FAKE LOVE (Agreement Series 5)

Written by: KamijoMican

chap-preview
Free preview
Prologue
"DON'T leave me and file an annulment." Napalingon si Polla sa nagsalita. Nag-eempake na siya at lalayas na siya sa bahay na iyon. Lalayasan na niya ang manlolokong asawa niya na ginamit lang siya. "Just stay as my wife, Polla." Bumagsak ang balikat ni Polla dahil akala niya ay hihingi na si Sam ng tawad at sasabihing hindi totoo ang lahat ng nalaman niya mula sa kapatid ng asawa at ipaglalaban nito ang pagmamahal na ipinaramdam sa kanya pero hindi pala at sarili pa rin nito ang iniisip. Nagpatuloy na siya sa pag-eempake. "Polla, ano ba? Stop that!" Nilapitan na siya nito at kinuha ang mga damit na eneempake niya. "Aalis ako at hindi mo ako mapipigilan!" gigil na sigaw niya kay Sam. "Ganoon na lang 'yon, Polla? Nalaman mong niloko kita, ginamit at pinaasa tapos ang gagawin mo ay aalis ka lang at makikipaghiwalay sa akin? Hindi ba parang ang unfair naman sa'yo niyon? Hindi makapaniwalang napatingin siya sa asawa. "Oras na iniwan mo ako at hiwalayan ay mawawala sa'yo ang lahat. Ang career mo na kakaumpisa pa lang na umuusbong. Sayang iyon dahil nakikilala ka na. Ang yaman na dinaranas mo ngayon at sure ko na kakalat sa buong media ang kahihiyang ito na paghihiwalay natin at kakakasal pa lang natin. Sisiguraduhin ko na hindi sa akin mapupunta ang sisi dahil sa'yo ko lahat isisisi iyon at wala kang laban dahil mas mayaman at makapangyarihan ang pamilya namin sa'yo!" pananakot na ni Sam sa kanya. "Hayop ka talaga!" galit niyang sigaw sa asawa. Gusto niyang humagulgol sa sakit na nadarama pero pinigilan niya iyon dahil sa galit na nadarama mula kay Sam. "Hayop na kung hayop! Pero pinakasalan mo ang hayop na ito," nakangising tugon ni Sam. Ito ba talaga ang lalaking pinakasalan at minahal niya? Bakit ibang-iba si Sam sa nakilala niya noon? Alam niya noon na sira-ulo si Sam pero nagbago ito dahil sa kanya at mabuting tao naman ito pero sa nalaman niyang ginawa nito sa kanya ay napakasama pala talaga nito. "Kung papayag ka sa gusto ko ay matatahimik ka at walang mawawala sa'yo." Napatitig siya sa asawa. "A-ano bang gusto mo?" naguguluhan niyang tanong kay Sam. "Let's have an agreement. A deal," anito. "Deal? For what?" "Let's stay as wife and husband." Mapait siyang napangiti. "But don't worry, hanggang three years lang naman at kapag natapos na iyon ay malaya ka na, tayo at may bonus ka pa. Hindi lang career mo at pera ko ang mapapakinabangan mo habang mag-asawa tayo dahil matapos ang agreement natin ay bibigyan kita ng malaking halaga bilang bayad ko na rin sa'yo." "Wow! Nice!" sarkastikong bulalas niya. Alam naman ni Polla kung bakit gusto nitong ipagpatuloy ang pagiging mag-asawa nila. Iyon ay dahil sa pamana ng Papa ni Sam na kabibigay lang din bilang regalo sa kasal nila. Ayaw ni Sam mawala iyon lahat dahil sa eskandalong magagawa nila sa oras na maghiwalay sila lalo pa at kakasal pa lang nila. "Polla, be practical. Once you choose it, you will be my queen and experience the wealth that I have. 'Wag mong hayaang dahil lang sa galit at pride mo ay masisira ka," sabi pa nito. "Demonyo kang animal ka! Sana kung pride ko lang pinapairal ko rito! Sinaktan mo akong demonyo ka!" sigaw ng galit niyang isip. "Polla, accept this. Iniisip ko rin ang magiging kalagayan mo sa oras na makikipaghiwalay ka sa akin. Maghihirap ka at mas lalo na dahil sa eskandalong magagawa nang paghihiwalay natin. Sigurado kong hindi ka makakahanap nang mas magandang trabaho sa mayroon ka ngayon." "Sana kung totoo ngang kalagayan ko lang iniisip mo. Sana nga." "Kung ganoon ay gusto mong ituloy ang unang plano mo na makipagkasundo sa ibang babae para pakasalan ka at ngayon ay sa akin mo naman inaalok?" sarkastikong tanong niya. "Yes. That is exactly what I want to tell you," tugon nito at mukhang nasiyahan pa ito. Napabuntonghininga si Polla. Mukhang wala siyang magagawa dahil sisirain ni Sam ang buhay niya kapag hindi siya pumayag sa kasunduan na inaalok nito. Tama si Sam nag-uumpisa pa lang ang career niyang umusbong at magagakagawa talaga ito nang paraan para sirain ang career at buhay niya. "Okay. I will accept it." Napangiti si Sam. Ngiting tagumpay iyon mula kay Sam dahil sa pagpayag niya. "But I have condition." Sumeryoso ulit ito. "What is your condition?" tanong nito sa kaniya. "Ayokong makakasama ka sa bahay o saan pa man. Hayaan mo akong maging malaya sa gusto ko at ayokong makita ka." "Okay. Pero kailangan walang makakahalata sa kalagayan ng kasal natin at bawal kang makipagrelasyon sa iba na maaaring malaman ng ibang tao," tugon sa ni Sam. "Sige. Pero tatlong-taon lang at matapos ng tatlong taon na iyon ay tapos na tayo." "Oo. But I have condition too." Napataas ang kilay niya sa pagkabigla. May kondisyon pa pala si Sam kahit ito naman ang gumawa ng kasunduan na ito. "Puwede naman tayo mag-quit, eh, kahit wala pa ang tatlong-taon na pagiging mag-asawa natin. Baka kasi hindi mo kayanin ang tagal ng kasunduan at maaga kang umayaw," anito. "Wow! Really?" sarkastikong tanong niya. "Papayagan natin ang pagki-quit sa kasunduan na iyan pero--" Sadyang pinutol ni Sam ang sasabihin pa sana nito at para napigil naman niya saglit ang paghinga dahil sa pag-aantay sa sunod na sasabihin nito. "Pero?" naiinip na tanong niya. "Lahat ay igi-give-up mo. Pera, Career at magpapapakalayo-layo ang taong magki-quit. Sa kanya rin pasa ang sisi nang pakikipaghiwalay at kahihiyan," tugon ni Sam sa tanong niya. "So, ang magki-quit ay magiging miserable ang buhay ganoon?" "Oo. Kaya pag-isipan mo, Polla, kung magki-quit ka. Alam mo ang mangyayari sa'yo," babala sa kaniya ni Sam. "Hindi! Manigas ka!" Matalim niyang tinignan si Sam. "Let's see." Ngumisi ito. "So, we have a deal?" Tumango siya. "Sign this." Kinuha ni Sam ang mga papel na inihagis niya kanina kay Sam nasa sahig at inabot sa kanya. "Isulat mo ang pangalan mo diyan at pumira ka," utos ni Sam sa kaniya. Kaagad niyang kinuha ang papel na iyon at walang alinlangang sinulat ang pangalan at pumirma saka inabot kay Sam. Sinulat din nito ang pangalan sa papel at pumirma na rin. "You're still Mrs. Franco, Polla, and you're still mine." Hinapit siya nito at hinalikan nang maalab. Pumalag siya pero mas malakas ito at nakakaakit ang mga halik nito na tinutukso siyang gumanti. "You're my wife, Polla, and s*x is the part of our agreement." Hindi na nagawang pumalag ni Polla at hinayaan na niyang halikan siya muli ni Sam. Masakit ang ginawa sa kaniya ni Sam dahil niloko, pinaasa at ginamit siya nito pero hinayaan na lang niya ito sa ginagawa ngayon dahil tama naman ito at ayaw din niyang magmukhang kaaawa-awa na niloko na nga siya ay siya pa sa huli ang masisira at wawasakin ang pagkatao para makaligtas lang ito sa kahihiyang dulot ng kaagad na paghihiwalay nila. Pumayag rin siya sa agreement para maiangat ang pagkatao niyang tinapakan ni Sam at para na rin sa kapakanan niya. "I'm done dealing with him even though he just used and broke my heart into pieces. He made my dream turn into a nightmare, but I'd still chose to stay with him ," masama ang loob na sigaw ng isip niya. Hindi na niya iyon maisumbat pa sa lalaking kaharap dahil ayaw na niyang magmukha pang kaawa-awa kay Sam. Ayaw na niyang malaman nito kung gaano siya sobrang nasaktan sa ginawa nito. Aalis na lang siya palagi para hindi ito makita at maalala ang sakit na idinulot nito. Gustong maiyak ni Polla pero anong magagawa ng pag-iyak niya. Nangyari na ang lahat at ang kailangan na lang niya ay maging matatag at matapang pa para sa sarili. Sisiguraduhin niyang sa huli ay maghiwalay man sila ni Sam ay magiging masaya siya. Hindi man dahil kay Sam na minahal niya kundi para sa matagumpay na buhay na makakamit niya. Ibibigay niya ang katawan kay Sam pero hanggang doon na lang iyon. Katawan na lang niya ang makukuha nito pero ang puso niya ay tuturuan niyang limutin ito at hindi na mahalin ang katulad ng asawa niya. "A-aray!" Napatingin si Sam sa kanya. Masakit nang tuluyan siyang pasukin ni Sam dahil sa laki nito at ito ang una niya. "I'm sorry, candy, I will be gentle--" "S-stop calling me candy. Do what you want, and I will leave after this!" puno nang galit na tugon niya. Tinitigan siya ni Sam at mayamaya ay hinalikan siya nito sa labi. Naging maingat si Sam kahit pa inutusan niya itong gawin ang gusto sa kanya kaya naramdaman din niya sa huli ang sarap ng pakikipagtalik. "Candy--" "I said, stop calling me candy!" bulyaw niya kay Sam. Tapos na ang pagniniig nilang dalawa at nakayakap na si Sam sa kanya. Candy ang endearment ni Sam sa kanya dahil sa nakaw na halik nito sa kanya sa una nilang pagtatagpo. Nagkataon na kumakain siya noon ng sweet na candy at nalasahan nito ang candy sa bibig niya. Mabuti na lang na candy ang kinakain niya noon dahil baka kung iba ay baka iyon pa ang itawag nito sa kanya. Tinanggal ni Polla ang mga braso nitong nakayakap sa kanya at tumayo siya para magbihis. "I will leave na. Tapos ka na, 'di ba?" sabi niya kay Sam na hindi na ito tinapunan ng tingin saka pinagkukuha ang mga nagkalat na damit na suot kanina bago sila magtalik ng asawa. Nang makapagbihis siya ay kinuha niya ang maleta at kahit masakit pa ang pagitan ng hita niya ay kailangan niyang umalis at iwan ang asawa dahil hindi na niya kaya pang makapiling ito sa poot na nadarama niya. "Hindi tayo puwedeng mawalang ng contact dahil baka hanapin ka ni Papa at hindi kita mahagilap. Kaya 'wag kang magpapalit ng number," bilin nito na seryoso ang boses. "Okay. Goodbye, Mr. Franco," malamig ang boses na paalam niya kay Sam. "Goodbye for now, Polla, and I am still calling you my sweet candy because that's you for me. Kasinungalingan man ang lahat ng ito ay iyon ang naging totoo sa atin. Ikaw ang sweet candy ko," seryoso nitong sabi sa kanya. Gustong maiyak ni Polla pero pinigilan niya iyon. Hindi na dapat makita pa ni Sam ang mga luha niya dahil hindi nararapat na makita nito ang sakit na idinulot sa kanya. Hindi si Sam ang karapat-dapat na tao para doon. Tinalikuran na niya si Sam at doon tuluyang tumulo ang luha niya. Parang winawasak ang puso niya sa sakit pero kailangan niyang layuan ito dahil mas masakit na ipamukha sa kanya ng ala-ala sa araw-araw na peke lang lahat nang pagmamahal na pinaramdam sa kanya ni Sam. —the sweetest fake love.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook