Chapter 1

1174 Words
HINDI na magkamayaw si Polla sa dami ng customer sa bar na pinagtatrabahuan niya. Ang bar iyon na pag-aari ng pinsan niyang si Emerald at paminsan-paminsan kapag hindi siya abala sa trabaho ay tumutulong siya at sinasahuran naman ng pinsan niya ang buong magdamag niya doon. Minsan kapag wala si Emerald ay siya ang tumatayong kapalit nito bilang boss sa bar at doon naman siya sa opisina ng pinsan namamalagi upang ayusin ang payroll ng mga tauhan o ano mang naiwan na trabaho nito. Ngayon kasama niya si Emerald ay tumulong na lang siya sa pag-serve ng order ng mga customer at naglilinis na rin ng mesa sa first floor matapos gamitin ng customer na umalis. "Hey, cous, pahinga ka na. Kanina ka pa paikot-ikot, ah," sita kay Polla ni Emerald nang bumalik siya sa counter para ibigay ang order ng costumer. "Okay lang. May bayad naman 'tong trabaho ko ngayon," nakangising tugon niya sa pinsan. Napangiti na rin si Emerald. "Umupo ka na muna rito. Inom muna tayo," aya naman nito sa kanya. Umupo siya sa tabi ng pinsan at inabutan naman siya ng alak ng bartender na kaagad kinuha at lumagok ng ‘konti sa laman ng baso. "Nakita mo na ba ang asawa mo?" tanong sa kanya ni Emerald kaya nakuha ang atensyon niya na kanina ay nasa baso ng alak at napatingin rito. "Puwede ba, Erald, 'wag mo ngang mabanggit-banggit ang sira-ulo na lalakeng iyon!" may bahid na inis na tugon niya sa pinsan. Talagang nakakadama siya ng init ng ulo marinig pa lang na sabihin ni Emerald ang salitang asawa at nasisira na kaagad ang araw niya. "So, hindi pa kayo nagkikita?" naniniguradong tanong naman nito kaya napakunot na noo niya. "Paano kami magkikita, 'di ba nga iniiwasan ko ang taong 'yon? Kung saan-saang lugar ako nagbabiyahe para lang hindi ko makasama 'yon tapos magtatanong ka kung nagkita kami?" inis pa rin niyang tugon. "Beast mode kaagad? Nagtatanong lang naman ako kaya mag-chill ka lang,” nakangising tugon sa kaniya ni Emerald. "Ikaw kasi, eh! Alam mong buwesit ako sa lokong 'yon tapos binabanggit-banggit mo pa!" paninisi niya rito. "Alam ko naman 'yon.” Nilagok ni Emerald ang alak. " ‘Wag ka nang uminom ng marami. Hindi ba magbabiyahe ka pa bukas?” sita niya sa pinsan. Kanina pa niya napapansin na umiinom si Emerald samantalang may biyahe pa ito bukas pauwi sa probinsiya. Mamaya ay mahirapan itong gumising ng umaga dahil sa kalasingan at hindi pa makaalis. "Oo nga pala! Nakalimutan ko.” Ibinaba na ni Emerald ang baso at binitawan iyon saka nakangiting tumingin sa kaniya. "Ilang-araw ka ba sa probinsiya?" tanong niya sa pinsan para maiba na talaga ang usapan nang tuluyan. "One week. Pero depende dahil baka kasi ipa-extend pa ako ni Mama,” sagot nito. “Ikaw pala, Polla, kailan ka sasama sa akin pauwi sa probinsya? Nami-miss ka na kaya ni Mama,” tanong nito sa kanya. Napangiti siya nang maalala ang Tiyahin na nag-alaga sa kaniya noong nawala ang mga magulang dahil sa aksidenteng dahilan kung bakit naulila siya nang lubusan. "Hayaan mo, sa susunod ay sasama na ako sa pag-uwi mo. Alam mo namang malapit na ang reunion naming magkaklase at dito nila napili sa isla. Alangan naman umalis ako at indiyanin sila,” tugon naman niya sa pinsan. "Sabagay, tapusin mo muna ang dapat tapusin at saka ka sumama sa akin sa probinsiya.” "Kaya nga. Saka kapag umuwi ako doon ay dapat iyong magtatagal ako. Iyong aabot nang isang-taon o mahigit pa. O kaya baka doon na ako, for good.” "After ng three years ng agreement niyo ng kumag mong asawa?” tanong ni Emerald sa kanya. “One year na lang naman, hindi ba? Malapit ka na rin pa lang makawala sa lalaking 'yon." Napabuntong hininga siya. Hindi talaga maiwasan ng pinsan na banggitin ang lalaking iyon. Iniba na nga niya kanina ang usapan ibinalik na naman nito sa unang naging topic nila. "Hay naku! Magtatrabaho na nga ako. Wala kang kuwentang kausap!" inis na niyang tugon kay Emerald. "Paano ako naging walang kuwentang kausap?" nagtatakang tanong ni Emerald at nakatingin sa kaniya habang tumatayo siya sa inuupuan. Nakataas ang kilay na tumingin siya sa pinsan. "Basta kapag ang lalaking iyon ang pinag-uusapan ay walang kuwenta!” tugon niya. “Sige na, magpahinga ka na rin dahil maaga ka pa bukas." Iniwan na niya si Emerald at naglakad patungong hall ng bar nang may makasalubong na waiter na may hawak na maliit na notebook kaya napahinto siya at tinignan ito.  "May bagong customer ba na dumating?" tanong niya waiter na napahinto na rin at tumingin sa kaniya. "Opo, Maam, doon sa may VIP room," tugon nito. "Okay. Ako nang bahala magdala ng order sa kanila. Akin na iyang order slip,” tugon niya. "Okay po, Maam, Ito po,” anito at inabot ang papel na may lamang order ng customer. Nang makuha ni Polla ang order slip ay kaagad siyang tumungo sa counter at ibinigay doon ang papel kaya inasikaso na ng ibang waiter ang mga orders at inilagay sa trolley at nang maayos at kompleto na ay saka niya kinuha iyon tinulak papuntang second floor upang dalhin sa customer sa VIP room. "Dito sa room one-one-one,” sabi niya sa isip nang makarating sa kuwarto. Kinatok na muna ni Polla ang pinto bago buksan iyon at hindi na siya nagulat sa sumalubong sa kaniya na eksena sa loob ng VIP room. Isang mahalay na eksena ang nakita kaagad dahil nakakandong ang isang babae sa lalake habang nakaupo sa sofa. Parati naman kasi talagang may gumagawa ng eksenang kahalayan sa bar kaya nasanay na rin siya, minsan nga sa banyo pa at mukhang nadadala na sa espiritu ng alak kaya nakakagawa nang ganoong kahalayan. Pero ang nasa VIP room ay wala pang naiinom na kahit anong alak galing sa bar nila ay gumagawa na kaagad ng kahalayan. Mukhang sabik na kaagad ang dalawang customer at hindi na nakaantay pa na maihatid niya ang alak na order ng mga ito. Napailing tuloy si Polla at saka napangiti dahil sa kalokohang nasa isip. Hindi na niya iyon pinansin at ni tumingin sa dalawang gumagawa ng kahalayan. Inayos niya na lang ang mga order pagkatapos ay sa salaming dingding siya tumingin kung saan kita ang mga nagsasayawan sa baba ng bar at nagkikislapang ilaw. Tinted ang salaming iyon, na makikita ang labas ng kuwarto pero ang nasa loob, na titingin sa labas ay tanging itim na salamin lang ang makikita kaya ano man ang gawin ng customer sa loob ng kuwartong ito, ay hindi makikita ng nasa labas. “Just sit beside me and not in my lap. Will you please?" iritadong sita ng boses lalaki ang narinig niya at napalingon siya kaagad sa nagsalitang iyon. Nakita niya ang lalake lalo nang tumayo ang babae at sumalampak ng upo sa sofa. Halatang iritado ang lalake at kahit ang babaeng kasama nito ay inis din ang mukha "What the f**k is he doing here?" hindi makapaniwang tanong niya sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD