“PASENSIYA na, Polla. Nakakahiya dahil nakita mo pa ang pagtatalo naming magkakaibigan," hingi ng pasensiya ni Rocky kay Polla. Nasa first floor na si Polla kasama si Rocky at tumitingin ng mga libro na naka-display sa book shelves ng book shop. Tapos na ang event at cutting ribbon at nakapasok na ang lahat ng customer sa book shop saka nakabili ng mga libro kasama ng sa kaniya. Kanina lang ay nakaupo siya kasama ang kilalang mga manunulat para sa book signing pero natapos na rin iyon kaya ngayon ay nag-iikot siya sa book shop para bumili rin ng mga libro ng paborito niyang manunulat. Sinamahan naman siya ni Rocky marahil para magpaliwanag sa nasaksihan niyang pagtatalo ng mga kaibigan nito at ang mga ilang nasabi ni Ivan patungkol kay Namica, King at kay Rocky. Ngumiti lang siya. "O

