HINDI alam ni Polla kung anong sasabihin niya sa lahat ng sinabi sa kaniya ni Sam. Ngayon lang niya narinig na naglabas ng ganitong nararamdaman ang asawa dahil hindi na ginagawa iyon ni Polla simula nang ikasal sila at gumawa ng agreement. Kanina lang ay nagpapakatatag siya at ipinapakita rito na ayos lang siya para hindi nito kaawaan pero dahil sa narinig niya sa asawa ay parang gusto niyang maiyak at yakapin ito. Hindi niya akalain na sobra palang nag-aalala sa kaniya si Sam at halatang nakokonsensiya rin dahil hindi siya nito kaagad nasaklolohan at nailigtas. "Matulog ka na at bukas na tayo babalik sa hotel," untag ni Sam sa pananahimik nilang pareho at saka naglakad na ito palapit sa pinto at lumabas ng kuwarto. Hindi alam ni Polla kung saan pupunta si Sam pero hindi na rin naman n

