Chapter one
Janika’s POV
Hindi ako nakapagtapos ng kolehiyo.
Hindi dahil tamad ako.
Kundi dahil mahirap kami.
Mas pinili kong magtrabaho noon kaysa tapusin ang pangarap ko. Mas kailangan ng pamilya ko ang pera kaysa diploma. Pangarap kong yumaman—hindi para sa luho, kundi para maiahon sa hirap ang mama ko at mga kapatid ko.
Araw-araw kong nakikita si Mama na pagod.
Araw-araw kong naririnig ang buntong-hininga niya.
At araw-araw, nangako ako sa sarili ko—
Hindi ako habang buhay magiging ganito.
Nagising ako sa alarm ko.
“Interview nga pala…” bulong ko.
Mabilis akong bumangon. Naligo. Nagsuot ng pinakamaayos kong blouse at slacks—kahit medyo luma na, plantsado naman.
Nag-almusal ako ng bahaw na kanin na may powdered milk. Simula bata ako, ito na ang comfort food ko. Simple. Pero sapat.
Pansamantala akong nakikitira sa ate kong stay-in na kasambahay sa isang subdivision ng mayayaman sa Maynila. Naka-bakasyon ang amo niya kaya pinayagan akong manatili sa headquarters ng mga katulong habang naghahanap ng trabaho.
Hindi kami close ng ate ko.
Pero nung nangailangan ako, hindi siya nagdalawang-isip.
Tahimik akong ngumiti.
“Balang araw, Ate… babawi ako.”
Naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep.
“Lord, sana matanggap ako…” bulong ko habang mahigpit ang hawak sa folder ng resume.
Basang-basa pa ang daan dahil kakahinto lang ng ulan nang biglang—
SPLASH!
Natalsikan ako ng maruming tubig mula sa dumadaang itim na kotse.
“Grabe naman!” napamura ako.
Tumingin ako sa plaka pero mabilis na itong nakaalis.
Malas ba ‘to? O pagsubok lang?
Hindi ako bumalik sa bahay. May pamahiin na kapag bumalik ka raw, mamalasin ka lalo.
Hindi ako pwedeng umatras.
Hindi ngayon.
Makalipas ang Ilang Oras
Lumabas ako ng building na halos hindi makapaniwala.
“Tanggap ka, Miss Ramos.”
Gusto kong tumalon sa tuwa.
May trabaho na ako.
May panimula na ako.
Dumiretso ako sa Quiapo Church para magpasalamat. Gusto kong magdasal. Gusto kong umiyak sa tuwa.nilakad ko nalang papunta sa quiapo church kasi kaya naman lakarin ,kailangan kong magtipid eh : )
Habang naglalakad ako papunta doon , biglang may kaguluhan sa gilid ng kalsada.
May mga lalaking naka-itim na suit. May mga bodyguard.
May isang itim na mamahaling sasakyan na nakahinto sa gilid ng building.
Napahinto ako.
At doon ko siya unang nakita.
Isang matangkad na lalaki ang bumaba sa kotse. Nakasuot ng itim na suit. Malamig ang aura. Parang hindi tinatablan ng emosyon.
Tahimik ang paligid pero ramdam ko ang bigat ng presensya niya.
Ang mga tao sa paligid ay umiiwas ng tingin.
Parang… takot.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko.
Hanggang sa biglang may batang tumakbo sa gitna ng kalsada.
“Hoy!”
Hindi ko na naisip. Tumakbo ako at hinila ang bata palayo—
Ngunit kasabay nun ay ang pag-arangkada ng sasakyan.
Nadulas ako sa basang kalsada.
Bumagsak ako.
Isang kamay ang biglang humawak sa braso ko bago pa man ako tuluyang tumama sa lupa.
Mainit. Mahigpit.
Dahan-dahan kong itinaas ang tingin ko.
At doon ko nakita ang mga mata niya.
Malamig. Matalim. Parang kayang basahin ang kaluluwa ko.
“Magpapakamatay ka ba?” malamig niyang tanong.
Nainis ako agad.
“Hindi! Niligtas ko lang yung bata!” sagot ko, kahit nanginginig pa ako.
Sandaling natahimik siya.
Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa—napansin marahil ang mantsa ng putik sa damit ko.
“Bitiwan mo ako,” sabi ko, pilit tinatanggal ang kamay niya.
Hindi siya agad bumitaw.
Parang sinusuri ako.
Parang may hinahanap.
“Alam mo ba kung sino kausap mo?” tanong ng isang bodyguard sa likod niya.
Tumaas ang kilay ko.
“Hindi. At wala akong pakialam.”
Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki.
At sa unang pagkakataon, may bahagyang kurba sa labi niya.
Ngiti ba ‘yon?
“Interesting,” mahina niyang sabi.
Saka niya ako binitawan.
Lumapit ang isang tauhan niya at may ibinulong.
Tumango siya.
Bago siya sumakay muli sa kotse, muli niya akong tiningnan.
Mas matagal.
Mas malalim.
“Anong pangalan mo?” tanong niya.
Sandali akong natigilan.
“Janika. Janika Ramos.”
Isang segundo.
Dalawang segundo.
Parang may kung anong nagbago sa mga mata niya.
“Elvaris.”
Hindi niya sinabi ang apelyido niya.
Pero sapat na ang paraan ng pagbanggit niya sa pangalan para maramdaman kong hindi siya ordinaryong tao.
Sumakay siya sa kotse.
Umandar.
At iniwan akong nakatayo sa gilid ng kalsada.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko—
Hindi iyon ang huli naming pagkikita.
Hindi ko pa alam noon…
Na ang lalaking iyon ay si
Mr. Elvaris Tan.
Ang pangalan na ibinubulong sa lungsod.
Ang lalaking may hawak ng kapangyarihan—
at kayang sirain ang buhay ng sinumang gugustuhin niya.
At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan—
Napukaw ko ang interes niya.
Janika’s POV
Hindi ko alam kung bakit hanggang sa jeep pauwi, siya pa rin ang laman ng isip ko.
Elvaris.
Simpleng pangalan. Pero hindi simpleng presensya.
Habang nakasandal ako sa bintana ng jeep, ramdam ko pa rin ang higpit ng pagkakahawak niya sa braso ko kanina. Parang may bakas pa ng init ng palad niya sa balat ko.
“Arte mo, Janika,” bulong ko sa sarili ko.
Bumaba ako sa sakayan at naglakad pauwi sa subdivision kung saan stay-in ang ate ko. Medyo madilim na. Tahimik ang paligid. Ibang-iba sa ingay ng kalsada kanina.
Pagdating ko sa headquarters ng mga katulong, nadatnan ko si Ate na naglalaba sa likod.
“O, kumusta interview?” tanong niya, hindi tumitingin.
Hindi siya showy, pero alam kong nag-aalala siya.
Ngumiti ako.
“Tanggap ako, Ate.”
Napahinto siya. Tumingin sa’kin.
“Talaga?”
Tumango ako.
Sa unang pagkakataon, nakita ko ang paggaan ng mukha niya.
“Sa convenience store lang… cashier.”
“Anong store?”
“Sa 7-Eleven. Malapit lang sa Tayuman branch.”
Tahimik siya sandali.
“Okay na ‘yan. Marangal na trabaho ‘yan.”
At doon ko naramdaman ang bigat sa dibdib ko.
Hindi man ito ang pangarap kong trabaho, pero ito ang unang hakbang. Hindi man ito engrande, pero ito ang simula ng pagbabago.
Kinagabihan, habang nakahiga ako sa manipis na foam sa sahig, hindi ko maiwasang balikan ang nangyari.
Yung bata.
Yung mga bodyguard.
Yung malamig niyang mga mata.
Parang hindi siya ordinaryong negosyante.
May kakaiba sa kanya.
May madilim.
May mapanganib.
Pero bakit sa halip na matakot, pakiramdam ko ay—
na-curious ako?
Umiling ako.
Hindi ko na siya makikita ulit. Sigurado ako doon.
Magkaibang mundo kami.
Ilang Araw na simula nung nag start ako magtrabaho last na kahapon ang training days ko as usual
Maaga akong nagising. naglaba muna ako ng damit ko mamayang 10 pa naman pasok ko pagkatapos ko naglaba kumain na ako at naligo.
Suot ko ang simpleng uniform ng 7-Eleven — Nakaponytail ang buhok ko. Wala man lang akong make-up, pero maayos at malinis ako.
Pagpasok ko sa branch, naamoy ko agad ang halo-halong amoy ng brewed coffee at hotdog sa roller.
“Miss Ramos?” tawag ng manager
“po.”
“ sa cashier ka na agad hanggang mamayang gabi. Kaya mo ba mag ot ng 4 hours ngayon?” biglang nag awol kasi ung isang clerk si Mona sabi nya hindi na sya papasok kaya kailangan mong mag ot dahil di agad tayo makanap ng papalit sa kanya agad.
“Opo.”
Kaya ko.
Kailangan kong kayanin.
at yun na nga nasa cashier lang ako,mabilis naman akong matuto at yun ang isa sa nagustuhan ng manager sakin hanggang alas diyes ako ng gabi kaya ko to' bulong ko sa sarili ko .
Beep.
Beep.
Beep.
Scan ng items. Sukli. Ngiti.
“Salamat po.”
“Next customer.”
Paulit-ulit.
lumipag ang mga oras at malapit na akong mag out sa trabaho " isang oras nalang " sabi ko sa sarili ko
biglang Tumahimik ang paligid.
Hindi dahil walang customer.
Kundi dahil may papasok.
Narinig ko ang mahinang pagbulong ng mga estudyanteng nasa gilid.
“Grabe… siya ‘yon…”
“Bakit nandito ‘yon?”
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin.
At parang tumigil ang oras.
Isang pamilyar na itim na sasakyan ang nakahinto sa labas.
At ang lalaking bumaba mula roon—
Siya.
Mas lalong pormal ngayon. Naka-itim na coat. May kasamang dalawang lalaki sa likod.
Diretso siyang naglakad papunta sa counter ko.
Hindi siya ngumiti.
Hindi siya umiwas ng tingin.
Ako ang umiwas.
“Good evening, sir,” pilit kong propesyonal na bati.
Hindi siya sumagot agad.
Ibinaba niya ang bottled water sa counter.
“Janika Ramos.”
Nanigas ako.
Paano niya alam ang buong pangalan ko?
Dahan-dahan kong tinaas ang tingin ko sa kanya.
At nakita ko ang bahagyang pag-angat ng sulok ng labi niya.
“Interesting,” sabi niya ulit.
Napansin ko ang nameplate ko.
Ah. Kaya pala.
“Tubig lang po ba?” tanong ko, pilit steady ang boses.
“Hindi.”
Tumibok ang puso ko nang mas mabilis.
“Bumili ako ng tubig,” malamig niyang sabi, “pero hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nandito.”
Parang may malamig na hangin na dumaan sa likod ko.
“Ano pong kailangan ninyo, sir?” tanong ko.
Sandaling katahimikan.
Pagkatapos ay bahagya siyang yumuko para magpantay ang mga mata namin.
“Hindi ka dapat nandito.”
Napakunot ang noo ko.
“Excuse me?”
“You don’t belong here.”
Nainis ako.
“Sir, trabaho ko po ito.”
Saglit siyang natahimik.
Tinitigan niya ako na parang may sinusukat.
“Simula bukas,” mahinahon niyang sabi, “malalaman mo kung bakit ko nasabi.”
Napasinghap ako.
“Ha?”
Pero hindi na siya nagsalita.
Ibinayad niya ang tubig. Hindi na kinuha ang sukli.
At bago siya tuluyang lumabas, muli niya akong tinignan.
Mas matagal.
Mas seryoso.
At doon ko naramdaman—
Hindi aksidente ang pangalawang pagkikita namin.
At kung sino man talaga si Elvaris…
Hindi siya lalaking basta dadaan lang sa buhay ko.