Jade's POV Ngayon ang unang araw namin ni Lauren. Tinext niya ako kaninang wag na siya sunduin at magkita na lang kami sa klase. Kinakabahan ako. Mukhang kailangan ko ng advice ni Kide. SIya lang rin naman kasi ang makakaintindi sa ugali ko. "Dude, ang ganda yata ng gising natin ah" bigla akong inakbayan ni Kide matapos niya akong makitang naglalakad dito sa campus. Buti naman, di ko na siya kailangan hanapin. Siya na ang mismong lumapit. "Hindi naman, masaya lang, nga pala umamin ka nga sakin, kayo na ba ni Celes Avestrano?" pag-iiba ko. Nabalitaan ko kay Lauren na sila Kide at Celes na. Galing no? Kakambal ko pero hindi ko alam ang love life. "Well, yeah! Mag-iisang buwan na rin, why? Ingit ka?" nakangisi niyang sabi na tila proud pa sa binalita. "Nah, bakit ako maiingit sayo, eh m

