Celes' POV "Sure ka bang di pa alam ni Jade Joshua?" pabulong kong tanong kay Kide na ngayon ay katabi ko sa likod ng nag-aayos na si Lauren. Nandito pa kami sa apartment unit nila bakla dahil hindi pa siya nakakapaghanda sa plano namin. Napakabagal niya kumilos inferness. "Hindi naman siguro siya malilito sa nararamdaman niya kung alam na niya, diba?" napatango tango ako sa sagot ni Kide. "Pero nung nakaraang araw pa yun diba? Baka alam na niya ngayon, tingin mo?" may kakabahan kong tanong. "Edi mas maganda" tatawa tawa niyang sabi. Nakakainis talaga to! Di makausap ng maayos. Parang ewan! "Ano pinagbubulungan nyo dyan?" napalingon kami kay Lauren na ayos na. Nakapangbabae na siyang damit at nakawig. Pak na pak ang bessy ko ah! "W-wala naman" pilit akong ngumiti na ikinakunot ng

