Celes' POV "Ano na kayang nangyari dun?" tanong ko kay Kide na kasalukuyang nag-iintay din dito sa labas ng bahay nila. "Ayokong mag-isip ng negative pero pakiramdam ko, may hindi magandang mangyayari" bumuntong hininga siya. "Wag naman sana Kyledge" bahagya akong umayos ng tayo saka sisilip silip sa loob ng bahay nila. "Para ka talagang siya" napatingin ako kay Kide na prenteng nakasandal sa gilid ng beranda nila. Ayan na naman siya, ihahambing na naman niya ako sa babaeng lagi niyang kinukwento. Like duh! Hindi masakit Kide! Hindi talaga! "Parehas na parehas kayo, ganyan din siya pag nag-aaway kami ni Jade, sisilip silip siya sa pinto para macheck kung ano ng nangyayari sa amin" saka siya bahagyang tumawa. "I wasn't her Kide, so please wag mo na kami i-compare" kumento ko. Sa ilan

