Jade's POV Peaceful.. Idinilat ko ang mga mata ko saka tumingin sa mga asul na ulap sa kalangitan. Sana ganito na lang lagi, tahimik at mapayapa.. Matapos ang nangyari noong nakaraan, ito ako't hindi na halos pumapasok. Ayoko siyang makita. Hindi ko alam pero ayokong makita ang mukha niya. Nakasanayan ko na rin ng ilang araw na dito umuwi sa bahay nila tito-- tita Pat kasama ang mga anak niyang sila Mary. "Ijo, tara na sa loob, kanina ka pa nakahiga dyan sa beranda baka nagugutom ka na" aya sa akin ni tita Pat. "Salamat na lang po pero busog pa po ako" pagtanggi ko saka siya nagkibit balikat at umalis. "Kuya Jade" napatingin ako sa pinsan kong biglang lumapit. Pumaupo ako matapos niyang umupo katabi ko. "Nagkita kami ni kuya Kide kanina sa school, pinapatanong niya kung kailan mo da

