Jade's POV [Ok lang talaga ako Jade. Inaaliw ko lang ang sarili ko para di ako madepressed dahil sa nangyari] malumanay na sagot niya sa kabilang linya. "Mabuti't ok ka lang pala. Akala ko kung ano na kasi kaya naniniguro lang akong ok ka lang talaga" marahan akong napangiti sa nalaman kong balita. Dalawang beses kong tinawagan si Claire upang makasiguradong ok lang talaga siya after knowing na nalaglagan siya ng anak. Hindi naman siguro masama ang mag-alala ako ng ganito diba? May pinagsamahan pa rin naman kami. Matapos ng pag-uusap na iyon biglang sumagi sa isip ko si Lauren. Ang bakla iyon! Hay. Ok lang kaya siya? Naiisip niya rin kaya ako? O naaalala manlang? Iniling iling ko ang ulo ko upang mawala ang isipin iyon. Nahihibang na ako. "Buti umuwi ka na dito sa atin" bungad sa aki

