Lauren's POV "Hoy bakla, anong tinutunga-tunganga mo dyan?" napatingin ako kay Celes na nakasukbit na ang bag sa balikat. Luminga linga ako sa paligid at lahat sila ay nag-gagayak na para makauwi. Hay. Lumilipad na naman ang isip ko. "Lutang ka na naman baks" kumento niya na matamlay kong nginitian. "Naweweirduhan lang kasi ako baks eh" bumuntong hininga ako. "Aba, kung namumublema ka tungkol sa relasyon nyo ni Jade Joshua, ayun siya oh! Talk to him" nginuso niya si Jade Joshua na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan niya di kalayuan sa pintuan ng classroom. "Hindi naman ganun kadali yun. Hindi malinaw eh" napakamot ako sa batok ko. Naikwento ko kasi sa kanya ang pagkikita namin ni Jade Joshua noong sabado at nalaman kong alam pala niya iyon kaya pala pinanatili niya lang ako sa bahay.

