Jade's POV Eksakto pagkagising ko ay luminga linga ako sa paligid ko. Nasa ilalim pa rin ako ng isang puno dito pa rin sa school. Pero fvck! Feeling ko totoo, malakas talaga ang pakiramdam kong totoo yung nangyari. Alam kong tulog ako dahil may pagkablur ang mga nakikita ko kanina pero para talagang totoo yung kiss sa panaginip ko. Feeling ko totoong may humalik sa akin kanina. Pero sino naman kaya? Sa daming babaeng may gusto sa akin, sino sa kanila? "Dude, mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa" napatingin ako sa biglang sumulpot. Si Troy kasama sila Leo. "Kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala" "Nakulangan ako ng tulog kaya hindi maganda ang mood ko" bumuntong hininga ako saka tumayo't sumama sa kanila sa pagbalik sa klase. "Pero gaganda yan pag nakita mo kung sino a

