Lauren's POV "Kamusta ang date nyo kahapon?" nakangiti kong bungad kay Celes na kakaupo lang sa kanyang pwesto katabi ko. Late siya pumasok pero buti na lang at wala kaming teacher ngayong oras. "Kaimbyerna. Like seriously? Ang daming epal" umikot ang itim sa kanyang mata. "Tapos kwento pa siya ng kwento sa babaeng di ko naman kilala" "Huh? Sino naman daw yun?" pagtataka ko. "Aba malay ko doon kay Kide" pumalumbaba siya't bumuntong hininga. "Naaalala niya daw sakin yung babaitang iyon kasi halos parehas daw kami" "First love niya yata yun" hula ko na nagpatiim bagang kay Celes. "Pwede ba? Wala akong pakialam kung sino man yun" wika niya saka siya ngumuso sa bandang pintuan. "Yung irog mo may kaharutan na naman sa ibang section" "Lori Jimenez from section 3" napatingin kami parehas s

