Jade's POV Mahal kita Jade Joshua Sebastian "Fvck!" ginulo g**o ko ang buhok ko't padabog na sumalampak sa kama. B*llsh*t talaga! Bakit ayaw ako tantanan ng mga salitang yun. Bakit paulit ulit ko tong naririnig! Simula nung sinabi niya iyon kanina, hindi pa rin ako mapakali hanggang ngayon. "Eh ano kung mahal niya ko" reklamo ko sa hangin habang nakahawak pa rin ang dalawa kong kamay sa ulo ko. Nababaliw na ba ako? Bakit pakiramdam ko tumataas yung dugo ko sa mukha ko. "Bro, tumigil ka nga dyan, mukha kang t*nga" napatingin ako kay Kide na kakapasok lang ng kwarto. Iniayos ko ang pagkakaupo ko't inilapag ang mga kamay sa kama. "Dude, nababaliw na yata ako" bigla naging weird ang ekspresyon ng mukha niya. "Matagal ka ng baliw, gunggong" saka siya tumawa't nagbaba ng bag. "Kide, se

