KM1 - HELP
Bata palang ako nang mamatay si Papa, siguro âyon na ang pinakamasakit na pangyayari na nangyari sa buhay ko. Alam ko na hindi pa ganoân kalawak ang pag-iisip ko para maintindihan ang pagkawala niya pero sa gabi-gabi na hinahanap ko siya, sa mga araw na nangungulila ako sa kalinga ng isang ama, roân ko unti-unting napagtanto na kahit na kailan, kahit na ano ang gawin ko, ang Papa ko⊠hindi na siya babalik kahit na kailan.
Nagkaisip ako na si Mama lang ang palaging nandâyan sa tabi ko, tuwing family day sa school namin, siya rin ang pumupunta sa eskwelahan namin kapag tuwing fatherâs day dahil sa totoo lang, si Mama, hindi lang siya nagpakananay sa akin dahil tumayo rin siya bilang Papa ko, âdi ba ang galing? Mama ko na, Papa ko pa. Kaya nga napakalaki nang respeto ko sa kaniya, hindi ko alam kung paano kong masusuklian ang lahat ng sakripisyong ginawa ni Mama para sa akin.
Gusto ko siyang makitang masaya kaya nga nag-aral ako nang mabuti hanggang sa isang araw ay ibinalita ni Mama sa akin na magpapakasal siyang muli sa ibang lalaki at sino ba naman ako para maging hadlang sa kaligayahan ng Mama ko?
Nakikita ko naman sa mga mata nila na mahal na mahal nila ang isaât isa at magiging masaya silang magkasama kaya pinili kong mas maging masaya si Mama. Mas pinili ko ang kaligayahan ng Mama ko.
âBalita ko nakasama ka sa Deanâs list, Mario?â Papa Robert asked.
Siya ang bagong asawa ni Mama, siyam na taon na silang kasal ni Mama. Maayos din naman ang pakikitungo niya sa akin, tinuring niya akong tunay na anak at sa totoo lang nang dumating siya sa buhay namin ni Mama maraming nagbago, sobrang dami.
Nagbaba ako ng tingin at tahimik na nagpatuloy sa pagkain.
âAh, yeah, Dad. Kahit ako ay nagulat nang i-announce ng professor namin ang tungkol sa bagay na âyan,â kaswal na sagot ng lalaki sa tabi ko. Heâs Kuya Mario, anak siya ni Papa Robert. Nag-iisang anak at magiging tagapagmana ng lahat ng meron si Papa Robert.
Mahinang natawa si Papa. âIkaw talagang bata ka, magaling ka, matalino ka, dapat ay inaasahan mo na ang mga ganiyang bagay dahil anak kita. Isa kang Villamor.â Bakas sa boses ng lalaki ang pagmamalaki.
Sino ba naman kasi ang hindi magiging proud para kay Kuya Mario?
Matalino, gâwapo, masipag, kulang na nga lang ay bigyan siya ng titulo sa pagiging perpekto. Marami ang humahanga sa kaniya na mga kamag-aral niya hindi lang dahil sa talino niya dahil sa panlabas niya ring anyo. Mabait din siya kaya talagang habulin siya ng mga babae sa eskwelahan namin.
At aminin ko man o sa hindi, isa ako sa mga babae na halos magkandarapa para sa kaniya. Napakasâwerte ko na nga lang dahil araw-araw ko siyang nakakasama at nakikita dahil nasa iisang bahay lang kami pero sa kabila ng lahat, alam kong bawal, alam kong hindi pâwede.
Mapait akong napangiti.
âWell, youâre right, Dad, but Iâm just doing my best. I love studying kaya siguro hindi ako masyadong nahihirapan sa pag-aaral ko ngayon,â sabi pa ng binata.
âThatâs good to heard that, keep it up,â papuri ni Papa Robert sa kaniya at hiniling ko na naman na sana ako rin.
Kung si Kuya Mario ay matalino at laging napapansin ng mga magulang namin, ako naman ang kaniyang kabaliktaran. Hindi ako matalino, isa ako sa mga mag-aaral na sapat lang ang kakayahan, ang katalinuha. Ako âyong tipo ng etudyante na ang iniisip ay ang makapagtapos lang dahil âyon lang talaga ang kaya ko.
Hindi ko kayang makakuha ng mataas na marka tulad ni Kuya Mario.
Hindi ko kayang maging proud ang mga magulang ko tulad ng ginagawa niya.
Hindi ko kayang kuhanin ang atensyon nila dahil nakakuha ako ng mataas na marka.
Hindi ko kayang makipagsabayan kay Kuya Mario.
Hindi⊠hindi ko kayang maging katulad niya⊠ni Kuya Mario.
âPagbutihan niyo pa ang pag-aaral niyo, magtapos kayo ng pag-aaral, âyon ang pinakamagandang bagay na maireregalo niyo sa amin ng Papa niyo,â malumanay na wika ni Mama. Hindi ko alam kung kasama pa ba ako sa expectation nila.
Hindi ko masabi na may inaasahan pa sila sa akin dahil ako lang âto, isang estudyanteng trying hard at uhaw sa atensyon ng magulang.
âYes, Mom. By the way, why donât you ask Sandra too? I heard na maganda ang performanceââ
âShe looks happy,â ani Papa Robert. Napalunok na lang ako. âJust keep it up, Mario. Malaki ang expectation namin sa âyo.â
âYes, Dad. I will.â
Pagkatapos naming kumain ay mas minabuti kong pumunta na sa kâwarto ko para makapagpahinga na dahil may mga kailangan pa akong gawing school works.
âSandra.â
âHuh?â Napahinto ako sa pagbabasa ng libro at napatingin sa may pinto nang may marinig akong tumawag sa pangalan ko. Agad na bumilis ang t***k ng puso ko nang makita ko si Kuya Mario na nakasandal sa pintuan habang nakatingin sa akin.
Wala siyang suot na damit pang-itaas kaya malaya kong napagmamasdan ang tanawin na maraming gustong makakita.
âK-kuya?â nauutal na tawag ko rito. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa kaniya.
May sumilay na makalaglag panty na ngiti sa kaniyang mga labi.
âKumusta pag-aaral mo?â tanong nito bago maglakad papasok sa kâwarto ko. Hindi ko pala naisara ang pinto.
Napangiti na lang ako dahil sa naging tanong niya.
Si Kuya Mario, palagi niya akong tinatanong tungkol sa pag-aaral ko.
Palagi niya akong kinukumusta, âyon din siguro ang dahilan kung bakit higit na sa pagiging kapatid ang tingin ko sa kaniya.
âOkay naman, Kuya. Ayos naman, medyo nahihirapan lang ako dahil hindi naman ako fast learner,â sagot ko na bahagyang natatawa.
âHush, Sandra,â aniya. Naupo siya sa kama ko na nasa tabi ko lang. âJust donât mind them.â
Nangunot ang noo ko. âWho?â
âOur parents, kahit na hindi mo sabihin ay nararamdaman ko na gusto mo rin ng atensyon nila. Anak din ako, kahit ako ay gugustuhin ko talaga ang atensyon nila.â Napabuntonghininga na lang ako. Ganoân ba ako kahalata?
âHindi ko na alam, Kuya Mario.â
âJust do whatever you wantââ
âNasasabi mo âyan kasi hindi naman ikaw ang nasa posisyon ko. Hindi mo alam kung ano âyong pinagdaraanan ko, âdi ba? Kasi ikaw, palagi kang napupuri nina Mama at Papa, kasi youâre brave, youâre better than me, ikaw âyan.â Mahina akong natawa bago mag-iwas ng tingin. âKaya hindi ko magagawa âyong sinasabi mong âwag silang pansinin kasi tulad ng sabi mo, anak tayo, sinong hindi gugustuhin ang atensyon nila, tama?â
Katahimikan ang namayagi sa pagitan naming dalawa.
Siguro, napag-iisip-isip ni Kuya Mario ang mga sinasabi ko.
Iâm not mad at him, I donât hate him.
I like him⊠very much.
âKung tutuusin nakakainggit ka, Kuya.â
âSandra,â tawag niya sa akin. Nakangiti akong tumingin sa kaniya.
âKasi napaka-effortless mo, hindi ka nahihirapan sa pag-aaral. Basic lang sa âyo lahat, parang hindi nga kita nakikitang nagpapakahirap mag-review sa tuwing may papalapit na exam but in the end, ikaw pa ang highest.â Malokong ngiti ang ipinakita ko sa kaniya. âPrayer reveal naman dâyan, Kuya. Baka um-effect din sa akin âyan,â biro ko pa rito.
Napabuntonghininga ang lalaki. âAng bilis mong magpalit ng mood.â
Natawa ako. âKasi naman, baka kasi isipin mo na may sama ako ng loob sa âyo.â
âIâm not, bakit ko naman iisipin âyon kung nakikita ko na mahal na mahal mo ako.â Bigla akong natahimik dahil sa sinabi niya. âI know na hindi ka na bata, naiintindihan mo na ang mga bagay-bagay sa paligid mo.â Tumango ako. Ngumiti siya sa akin bago ipatong ang kamay niya sa ulo ko at guluhin ang buhok ko.
âThatâs why I love you so much,â anito. Alam kong bilang kapatid ang pagkakasabi niya nun pero bakit bumibilis na naman ang pagtibok ng puso ko?
âPero hindi pa rin naman ako mapapansin nina Papa dahil hindi ko kayang gawin ang mga ginagawa mo,â sabi ko.
âI will help you,â biglang sabi nito na nagpatigil sa akin.
âHuh?â gulat na bulalas ko.
âI will help you sa acads, I will teach you, help you to do your activities, performance tasks, assignments, anything.â Sa sobrang gulat ay napatayo ako.
âTalaga?!â nagagalak na tanong ko rito. Prenteng tumango si Kuya bago tumayo at pantayan ako. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko para makita niya nang mabuti âto.
âYes of course for the girl I love the mostâŠâ he said under his breath.
âKuya MarioâŠâ
âI will help you to get our parents' attention and also to get a high mark but⊠in one condition.â