SANDRA'S POV “Aalagaan mong mabuti ang sarili mo ro’n, ha?” bilin sa akin ni Nanay habang nag-aayos kami ng mga gamit na dadalhin namin ni Ume bukas. Tumingin ako sa matanda at ngumiti. “Ikaw po ang mag–iingat dito, wala ng mag-aalaga sa ‘yo kaya aalagaa mo po nang mabuti ‘yong sarili mo.” Hindi ko mapigilang maiyak habang sinasabi sa kaniya ang mga salitang ‘yon. Imbis na patahanin ay inabutan lang ako ni Ume ng tissue. Normal lang daw sa buntis ang maging emosyonal. “Nako naman ang alaga ko.” Umupo sa tabi ko si Nanay Elena at niyakap ako. “Magiging maayos lang ako rito, nandito naman si Kanor at si Mike, hindi ako pababayaan ng mga ‘yon.” “‘Yong mga gamot niyo po, inumin niyo po ‘yong araw-araw, ‘wag kayong magpapalipas ng gutom, at sundin niyo po ang mga bilin sa ‘yo ng Doctor mo,”

