Kinabukasan nang magising ako ay agad akong naghanda at nagmadaling pumunta sa hotel room namin pero dahil nga wala akong dalang damit na maayos ay pinahiram muna ako ni Mario ng jacket niya. Bago ako umalis kanin ay may sinabi sa akin ang lalaki. “Later, 7pm at a private hot spring.” Binigay niya sa akin ang full address kung saan ako pupunta mamaya. Pagdating ko sa hotel room ay naabutan ko pa sina Ysabelle at Ume na natutulog, sana lang ay hindi nila napansin na wala ako kagabi rito sa room namin. Sana ay walang nakapansin na hindi ako rito nagpalipas ng gabi. Nang makapasok ako ay agad akong pumasok sa banyo para maglinis ng katawan dahil pakiramdam ko ay ang lagkit-lagkit ko. Ni hindi ako nakapagpahinga nang maayos kagabi. Hindi ko na rin nakuhang maglinis ng katawan sa hotel roo

