Nanghina ang tuhod ko nang maramdaman ko ang mga labi niyang gumagalaw. Napakapit ako sa kaniyang magkabilang balikat saka marahag pumikit at tumugon sa kaniyang halik. Gumapang ang mga kamay ko hanggang sa mapayakap na ako sa kaniyang leeg, ang kaninang marahan na paggalaw ng kaniyang mga labi ay naging marahas. Isinandal niya ako sa likod ng pinto ng bahay ko at mas pinalalim pa ang paghahalikan naming dalawa, para siyang uhaw na uhaw habang pinag-iigihan ang paggagad ng kaniyang mga labi sa labi ko. Gumapang ang isa niyang kamay pababa sa likod ko, pababa sa pang-upo ko. Hinawakan niya ang isang hita ko at siya na mismo ang nagkabit nito sa kaniyang baywang. “Uhm…” ingit ko nang bumaba ang kaniyang mga labi sa leeg ko. “D-don’t suck it,” bilin ko rito dahil naramdaman ko na balak ni

