Sandra's POV “‘Wag mo na lang siyang pansinin, kalimutan na lang natin siya,” pagpapakalma ko rito. Nawala ang ngiti sa mga labi ko saka inilibot ang paningin sa paligid nang mapansin ko na parang may nawawala. “Where’s Ume, David?” tanong ko sa kamasa ko. “Oh, I forgot, nagpaalam siya kanina sa akin na mauuna na siya dahil may emergency raw ‘ata sa bahay nila. Hindi na nga siya nakapag paalam sayo dahil nagmamadali siya kanina,” k’wento nito sa akin. Ano kaya ang nangyari? Okay lang kaya si Ume? Nag-aalala ako para sa kaibigan ko. “I heard na parang umuwing lasing ang Daddy niya, and pinapasabi niya na ‘wag kang masyadong mag-alala kasi magiging okay lang ang lahat,” dagdag pa ni David. Dahil sa huli niyang sinabi, bahagyang gumaan ang loob ko. Napagpasyahan muna namin ni David na

