“Hindi ba talaga p’wede?” tanong nito at tahimik akong umiling. Ngumiti ang lalaki. “Ano ba talaga ang gusto mo, Sandra?” Umiwas ako ng tingin. “I’m really sorry, David.” Tinuyo ko ang luha sa mga mata ko at ngumiti sa kaniya para ipakita sa kaniya na okay lang ako. Ayaw ko nang dumagdag pa sa isipin niya. “Ano ‘yong gusto ko? Sorry to tell you about this, David.” Ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari. “It’s okay, Sandra. I respect you and your decision.” “Matured, mabait siya kahit kung minsan ay cold… hindi sa akin kung ‘di sa ibang tao na nasa paligid namin, pinapasaya ako palagi, tinutulungan ako sa lahat ng bagay, matalino, s’yempre g’wapo, pero alam mo ba ‘yong pinakaimportante?” tanong ko kahit na alam kong hindi niya masasagot ‘yon. “‘Yong poprotektahan ako sa lahat ng

