SANDRA'S POV Kinuha ni David ang jacket niya at ngumiti sa amin. “Sure, thank you for coming, Ume, Sandra. Napasaya niyo si Lola,” nakangiti niong saad. “Ihahatid ko na kayo sa sasakyan niyo.” Tulad nang sinabi ni David, inihatid niya nga kami sa labas kung saan naka-park ang sasakyan ni Ume na gamit namin papunta rito. “Ingat kayo sa byahe.” “Thank you rin, David. Pakisabi na lang na nauna na kami, see you sa school.” Kumaway si Ume sa lalaki. Tumingin sa akin si David at ngumiti. Nababa ako ng tingin upang maiwasan ang tingin niya. Nagsimula nang mag-drive si Ume at tahimik lang ako rito sa passenger seat. “Girl, what happened to you? Ang tahimik mo masyado,” puna sa akin ni Ume nang mapansin niyang tahimik lang ako habang nakatingin sa labas ng bintana. “Ume,” tawag ko rito. Nas

