Isang taon ang matuling lumipas.
Nakaupo ang Mafia Boss sa grandiyosong sala mayor ng napakalaki niyang mansiyon. Sa labas at loob ng mansiyon ay may mga tauhan siyang nakabantay. Siya si Hades de Crassus, ang Boss ng Kratos Group. Si Lukas ang underboss. May isa siyang Consigliere na siyang tumatayong pinakapinagkakatiwalaan niyang tao, si Morris. May tatlong Capos ang grupo, o mga miyembrong may mataas na katungkulan sa samahan. Sa ilalim ng mga ito ay ang mga miyembrong pisikal na nagpapagalaw sa transaksyon ng grupo. May sinumpaan ang mga ito na tinatawag nilang omerta, ang oath of silence.
During his grandfather’s time, these men were asked to commit murder to show their loyalty and commitment to the group. Pero binago na niya iyon magmula nang siya na ang naupong leader ng Kratos. Hindi na niya hinihinging pumatay ang mga ito para lang maipabatid ang katapatan ng mga ito sa kanya. Still, he made it very clear to them that no mercy shall be extended to a traitor, and that the punishment for anyone who would breach his trust shall be severe.
“Boss, nahanap na namin siya,” imporma sa kanya ni Lukas.
Kumurba ang mapanganib na ngiti sa kanyang mga labi. “Proserpina Cruzadas,” matalas niyang sambit sa pangalan ng dalaga. He remembered how her eyes lit in defiance when he ordered her to sign the papers. She’s a gentle kitten, but a tigress at the same time. At ganoon ang gusto niya.
Katunayan ay lumayas ito pagkatapos ang insidenteng pagtangay nila rito. Umalis ito sa bahay kung saan parehong nakatira ang madrasta nito at ang anak na babae ng huli. Nangupahan ito sa isang maliit na apartment at ipinagpatuloy ang pag-aaral, habang nagtatrabaho sa gabi sa isang strip club bilang waitress. Little did the kitten know that the strip club was his.
Akala siguro nito ay magagawa nitong magtago sa kanya oras na umalis ito sa poder ng madrasta. Pero hindi nito naisip na ang lalaking nagmamay-ari rito ay ang pinakamakapangyarihang Mafia Boss.
Patuloy niya itong pinasundan at pinabantayan sa mga tauhan niya. Sinisigurong walang maruming kamay ang hahawak dito.
Nitong huling tatlong araw ay bigla na lang nawala sa radar ng mga tauhan niya ang dalaga. Pinahanap niya agad ito. He remembered how furious he was when his men told him that Proserpina was missing. Mabuti na lang at natunton na ng mga ito ngayon ang dalaga.
“Saan siya nagpunta?”
“Sa Sagada, Boss. Nagbakasyon ng tatlong araw.”
“Hmmm.”
“Boss, hindi ba may boyfriend itong si Ms. Cruzadas?”
Tumango siya, hindi natinag kahit kaunti. Alam na niyang may nobyo ito. Isa iyon sa mga impormasyong pinahalukay niya kay Morris pagkatapos itong ibenta sa kanya ni Sylvia. Ang sinasabing boyfriend nito ay anak ng General Manager ng Vasileía. Vasileía was a multinational technology company, and one of the world’s largest technology company. Kilala ang kompanyang iyon sa buong mundo, at isa sa pinakamakapangyarihan. Hindi na mabilang ang bilang ng mga aplikanteng nagbabakasaling makapasok sa naturang kompanya.
“I know him. Alessandro Vesandre. Son of Vasileía’s General Manager.”
“Gusto n’yo bang alisin na namin sa landas n’yo ang Alessandro na ito?”
He let out a low-toned laugh, it was without humor but it wasn’t contemptuous either. “Wala pa siyang nahahawakan sa katawan ni Proserpina na puwedeng maging mitsa ng katapusan ng buhay niya. That spineless mongrel has not even kissed her yet. Pero kapag nagtangka siyang halikan man lang si Proserpina, baka maputol ko ang dila niya.”
Proserpina belonged to him, and if a man tries to touch her, he will cut off his arm. If a man tries to kiss her, he will cut off his tongue. If a man tries to win her heart, he will pull out his heart from his chest and watch as it agonizingly gets destroyed in his own hand.
Walang puwedeng humawak o magmay-ari kay Proserpina.
“Dadalhin na ba namin siya rito, Boss?” tanong ni Lukas. “Eighteen na siya kahapon.”
He smirked like the scheming devil that he was, his eyes showed the wickedness that huddled in his soul.
“I’ll give the kitten just a little more time to play before I lock her up in a cage,” makahulugan niyang sambit.
_____
HINAYON ng tingin ni Proserpina ang sarili mula ulo pababa. Nakatapat siya sa malaking salamin at pinagmamasdan ang sariling repleksyon. Maganda ang hubog ng katawan niya kahit hindi siya katangkaran. Her height was five feet flat. But the curves of her body could compete with the prettiest women on pageant stage. Malusog ang dibdib niya, makipot ang baywang, at malapad ang balakang. Mahubog din ang likod niya.
Hanggang kalahati ng likod ang haba ng kanyang buhok na maalon-alon at ang kulay ay natural na maputlang kahel. Namana niya marahil ang kulay ng kanyang buhok sa kanyang lola sa tuhod na Norwegian. Hugis bigas ang kanyang mukha, at matangos ang kanyang ilong. Mapula rin ang kanyang mga labi. Her eyes were the lightest shade of hazel green.
Minsan hindi niya alam kung regalo o sumpa ang pagkakaroon niya ng magandang mukha. Kung hindi nagustuhan ng Mafia Boss ang hitsura niya, baka ba pinakawalan na lang siya nito? O baka tinapos na agad ang buhay niya?
Ipinilig niya ang ulo at pilit na inalis sa isipan ang nangyaring pagdukot sa kanya may isang taon na ang nakakalipas.
Subalit paano niya kakalimutan iyon kung malinaw pa rin sa utak niya ang sinabi nito na aangkinin siya kapag labing-walong taong gulang na siya? She was scared to look him in the eye, because they were full of cruelty and indifference. And when he held her gaze, she felt like looking into a brutal wolf that was ready to kill and devour her.
Para siyang tupa na nakaambang lapain ng mapanganib na lobo. Ipinikit niya ang mga mata at inalala ang anyo ni Hades de Crassus. He was tall, his polo was tight across the chest and tapered sharply down the waist. Mahahaba rin ang mga binti nito na tila hindi kayang lupigin ng kahit anong puwersa.
At bagaman nakakatakot ito ay may isang bahagi ng utak niya ang gustong makita ang kabuuan ng mukha nito sa likod ng itim na maskara.
Mariin siyang umiling at tinampal ang sarili. Hindi na dapat niya iniisip kung ano ang hitsura sa likod ng maskara nito, dahil ayaw na niya itong makita pa. Hades was a dangerous man and she didn’t want anything to do with him. Kaya nga umalis siya sa poder na kanyang madrasta. Nakiusap din siya sa mga nurses at doktor na tumitingin sa Papa niya na tawagan agad siya oras na may mapansin ang mga itong taong umaaligid sa kuwarto ng ama niya. Awa ng Diyos ay wala namang itinatawag sa kanya ang ospital.
Ipinagpalagay niyang baka naisip ng Mafia Boss na masyado pa siyang bata at wala itong mapapala sa kanya. Baka nakahanap na ito ng ibang babaeng di-hamak na mas maganda at sopistikada kaysa sa kanya.
Naputol ang paglalayag ng diwa niya nang bigla na lang tumunog ang kanyang cellphone.
Alessandro calling…
“Sandro, napatawag ka?”
“Uhm, puwede ba tayong magkita ngayon? May kailangan tayong pag-usapan.”
Napakunot-noo siya sa tono ng boses ni Alessandro. Pormal na pormal iyon. Sa loob ng iilang buwan nilang pagiging magkasintahan ay palaging malambing ang boses nito kapag nakikipag-usap sa kanya. Nakilala niya ito sa pangatlong gabi niya sa Imperio, ang strip club kung saan siya nagtatrabaho bilang waitress. Pauwi na siya noon at palabas naman ang binata mula Gaston Hotel dahil dumalo ito sa isang mahalagang komperensya. Nang maghinang ang mga mata nila ay kumabog na agad ang dibdib niya. Nagpalitan sila ng numero at nagsimula na itong manligaw sa kanya. Alessandro was a gentleman, she couldn't ask for anything more. Mayaman din ang pamilya nito. Noong una ay nagdalawang-isip pa siya nang malaman niyang nag-iisa itong anak ng General Manager ng Vasileía. Naisip niyang hindi siya nababagay dito. But Alessandro made her feel special.
“M-may problema ba tayo, Sandro?”
Patlang.
“Hindi mo ba puwedeng sabihin sa akin sa telepono kung ano man iyang bumabagabag sa iyo? Pinakakaba mo naman ako, eh.”
“Magkita na lang tayo.” Binigay nito ang address ng restaurant sa kanya. It was a five-star restaurant.
Gusto sana niyang tumanggi dahil ano ang isusuot niya? Iniwan niya sa kanilang mansiyon ang lahat ng damit na ginagamit niya tuwing dumadalo siya sa mga pormal na pagtitipon noon. Maging ang mga mamahalin niyang bags at sapatos ay iniwan niya rin.
“Proserpina?” untag sa kanya ni Alessandro.
Bumuntong-hininga siya. “Sige, makikipagkita ako sa iyo.”
_____
UMAHON ang pagtataka at pagkalito sa dibdib ni Proserpina nang makitang hindi nag-iisa sa mesang pinareserba nito si Alessandro at naroroon din ang madrasta niyang si Sylvia at ang anak nitong si Olivia. Malayo palang ay tanaw na niya ang matamis na ngisi sa mga labi ng kanyang hilaw na kapatid. Nang makita siya nito ay eksaherado pa itong kumaway sa kanya.
Both Sylvia and Olivia looked elegant in their expensive formal dress. Nagsalubong ang kilay niya nang mapansing ang suot na bestida ni Olivia ay pag-aari niya. Hindi niya maalalang binigay niya rito ang damit niyang iyon. Kahit ang bag nito ay sa kanya rin.
Tinignan nito ang bag nang mapansin nitong nakatingin siya roon. “This is an expensive bag, and you can’t afford it.” Pinukol nito ng tingin ang suot niyang simpleng bulaklaking bestida at isang pares ng flat na sandalyas. “Mabuti na lang pinapasok ka rito kahit ganiyan lang ang suot mo?”
Kumuyom ang mga kamay niya. Pero hindi na lang siya nagkomento pa. Hinayaan na lang niyang angkinin nito ang damit at bag niya.
Tahimik siyang tumungo sa bakanteng upuan sa kaliwa ni Alessandro, dahil sa kanan nito nakaupo si Olivia.
“Excuse me, you can’t sit there,” sita sa kanya ni Olivia.
Napatingin siya kay Alessandro. Hindi ito makatingin sa kanya nang derecho. “Ano ang nangyayari, Sandro? Bakit nandito sila?”
“Tell her, honey, don’t be shy.”
Lalong nadagdagan ang mga gatla sa noo niya, nalilito siya sa mga nangyayari.
Umawang ang mga labi ng binata, subalit hindi nito magawang magsalita.
“Nahihiya ka ba? Fine, ako na ang magsasabi sa kanya.” Itinaas ni Olivia ang palasingsingan nito at kumislap ang malaking brilyante sa suot nitong singsing. “Alessandro and I are engaged.”
Tila nilamukos ang puso niya. “Paano mangyayari iyan? Ako ang girlfriend ni Sandro.”
“We met recently at an exclusive party for the wealthy families. Mabuti na lang at nakilala niya ako, dahil kung hindi ay tuluyan mo na pala siyang malilinlang. Akala mo ba hindi ko alam na sa isang strip club ka nagtatrabaho?”
“Sandro, gusto kong marinig mula mismo sa iyo.”
Inirapan siya ni Olivia, bago nito binalingan ang binata. “Come on, honey, speak up. Kailangan niyang marinig ang dahilan mo.”
“I… I couldn’t be with someone who works in a strip club, Proserpina. Hindi ka tatanggapin ng pamilya ko. Alam mo naman siguro kung anong klaseng pamilya ang meron ako.”
What he said broke her heart. May kasalanan din siya dahil hindi niya sinabi rito na nagtatrabaho siya sa isang strip club. Pero wala siyang ginagawang masama. Serbidor lang siya sa naturang club. Hindi niya ibinebenta ang katawan niya.
“At… at ang strip club na pinagtatrabahuhan mo, ang Imperio, ay hawak ng pinakakinatatakutang Mafia.”
Pumintig nang malakas ang puso niya. Hawak ng Mafia? Ibig bang sabihin ay matagal na siyang natunton ni Hades de Crassus?
Kumibot ang mga labi ni Olivia. “At ang mga babaeng nagtatrabaho sa Imperio ay gamit na gamit ng Mafia. And the Mafia Boss, Hades de Crassus, is a vile man. Rumor has it that the Mafia Boss is no better than a hideous beast, and the women he sleeps with are buried underground after he’s done with them. So, you better be careful, sister, baka ikaw na ang sunod na ikama niya.”