CHAPTER 1
Nanginginig si Proserpina Cruzadas habang nakaluhod siya sa malamig na baldosa at mahigpit na nakagapos ang kanyang mga kamay. Nasa loob siya ng malapad na silid na wala ni isang bintana. Madilim ang silid na iyon at tanging liwanag na nanggagaling sa nag-iisang bombilyang nasa direktang uluhan niya ang nagsisilbing pinaka-ilaw.
Napapaligiran din siya ng mga lalaking nakaitim na uniporme. Malalaking tao ang mga ito at malalaki ang katawan. May mga baril na nakasuksok sa tagiliran ng mga ito.
Pagkatapos ng klase niya kanina ay uuwi na dapat siya at hinihintay na lang ang driver ng sasakyan nilang dumating upang sunduin siya, doon na biglang huminto sa harap ng gate ng pribadong paaralan ang itim na van at sapilitan siyang kinaladkad papasok ng sasakyan.
Hindi niya alam kung bakit dinala siya ng mga ito sa lugar na iyon. Ang alam niya ay wala siyang taong inagrabyado. Wala siyang kaaway. Mayaman nga siguro ang pamilya niya, pero nakaratay sa ospital ang kanyang ama at hindi pa rin nagkakamalay buhat ng maaksidente ito.
Ang madrasta niya at ang anak nitong babae na kasing-edad niya ay wala namang amor at pagpapahalaga sa kanya. Kaya kung iniisip ng mga taong ito na ipatubos siya kapalit ng malaking halaga ng salapi ay mali ang pinuntirya ng mga ito. Nasisiguro niyang hindi siya pagkakaabalahang iligtas man lang ng madrasta niya.
Kung ganoon ay tatanggapin na lang ba niya ang kanyang kamatayan? There was no other way out for her, except the black bag where they would shove her lifeless body when they’re done with her.
Proserpina was too scared that she couldn’t speak for almost half an hour after she was forcibly pushed into that cold room. Wala naman ng ginawang masama sa kanya ang mga ito maliban sa iginapos ang mga kamay niya at sapilitan siyang pinaluhod sa baldosa matapos makatanggap ng tawag ang isa sa mga ito.
That man who received the call was called the ‘underboss.’
Hindi naglipat minuto ay narinig na niya ang pag-ingit ng bisagra ng pinto. Ang sumunod d’un ay mga yapak. Subalit hindi niya magawang lumingon man lang dahil nangangatog ang buo niyang katawan. Patuloy lang siyang nakayuko at hindi maampat ang pagbagsak ng luha sa kanyang mga pisngi dala ng labis na pagkahindik at takot.
Her face was red and her lower lip was twitching uncontrollably.
“Is this her?” A man whose voice was so deep, and low-toned spoke.
Bahagya lang niyang inangat ang mukha at nakita niyang naupo ang bagong dating sa nag-iisang silyang nasa loob ng silid. May apat na lalaking nakapuwesto sa likod nito. Nakadekwatro ang lalaki at base sa init na dama niyang tumatagos sa kanyang katawan ay natitiyak niyang titig na titig ito sa kanya ngayon.
“Positibo, Boss,” sambit ng underboss.
So, he’s the boss, she thought, quivering. Ito ba ang mag-uutos kung kailan siya papatayin?
“Proserpina Cruzadas,” mainit nitong sambit sa pangalan niya. His voice had a natural rasp in it.
Ano ba ang kailangan sa kanya ng mga ito? Naisip pa niya kanina na marahil ay maling tao lang ang natangay ng mga ito, subalit sa pagkakabanggit nito ngayon sa pangalan niya ay batid niyang siya talaga ang target ng grupo.
“P-pauwiin n’yo na po ako,” sumamo niya, walang tigil sa paghikbi.
“Ah, your tears are so appealing, makes me want to see you cry even more.” His tone was cold… cruel even, as if he wanted to hang her on the gallows until her tears ran dry.
Natatakot siya sa lalaki.
“Look at me,” he ordered.
Imbes na sundin ang pinag-utos nito ay lalo lang niyang iniyuko ang ulo.
“Hmmm, stubborn, are we not?” Pagkasabi nito niyon ay lumapit sa kanya ang underboss at sapilitang itinaas ang mukha niya. Malakas ang lalaki kaya hindi niya magawang lumaban bukod pa sa nakagapos nga siya. Wala siyang nagawa kundi titigan ang lalaking nasa harapan niya.
May suot pala itong maskara. Itim na maskara na halos natatakpan na ang buong mukha nito maliban sa mga labi nito. Sa kanang parte ng maskara ay may puting guhit ng ouroboros. The serpent eating its own tail. And the serpent didn’t look harmless at all. If anything, it looked dangerous.
Nakasuot ng itim na polo ang lalaki na ang manggas ay nirolyo hanggang itaas ng siko, kaya nasilip niya ang tattoo sa bahaging iyon na lalong nagpakabog sa dibdib niya.
Pahihirapan ba muna siya nito bago nito wakasan ang buhay niya?
Napaigtad siya nang bigla na lamang tumayo ang lalaki. Instinctively, she recoiled in fear. Napatingala siya rito. The man in front of her towered above everyone else inside the room. Napakatangkad nito. And he had that unseeable dark aura hovering around him, telling her that every bit of him was lethal.
He pulled her up so she was now standing in front of him, then he grabbed her face. “You are indeed very beautiful.” His thumb touched her lower lip lightly, as if his finger was made of feather.
Napatingin siya sa mga mata nito. He had cold-blooded eyes. And his irises were obsidian black. Tila may malalim na lagusan sa mga mata nitong iyon at hinihigop siya.
“How old are you?”
“S-seventeen.”
His pupils constricted, then he pulled away from her. “Hmmm… seventeen.” Itinaas nito ang kamay at lumapit dito ang isa sa mga nakaunipormeng lalaki, at alistong inabot dito ang pahabang sobre. “Pirmahan mo,” anito sa kanya. Binalingan nito ang underboss. “Lukas, kalasin mo ang tali sa mga kamay niya.”
Tumalima agad ito. Sa kabila ng panginginig ng kanyang mga kamay ay nagawa niyang hawakan ang sobre at binuksan ang laman niyon. Mga dokumento iyong nagpapahayag na mula sa araw ng kanyang pagpirma ay magiging pag-aari na siya ni Hades de Crassus, ang Mafia Boss. Ni hindi niya masabi kung totoo nito iyong pangalan o hindi.
“B-bakit ko kailangang pirmahan ang mga ’to?”
Hades clicked his tongue. “Interesting. Nagagawa mo pa talagang magtanong sa sitwasyon mo ngayon?”
Napalunok siya. Saglit niyang nakalimutan na nakasalalay sa kamay nito ang hangganan ng buhay niya ngayon.
“I’ll satisfy your curiosity. Ibinenta ka sa akin ng madrasta mo bilang pambayad sa malaki niyang pagkakautang sa akin.”
She clenched her fists so hard until her palms bled. Kinasusuklaman niya ang babaeng ipinalit ng ama niya sa kanyang namayapang ina. Ang madrasta niyang si Sylvia ay walang ibang hinangad kundi ang kapahamakan niya. Wala itong karapatang ibenta siya! Tiyak na maging ang anak nitong si Olivia ay nagbubunyi ngayon. Olivia hated her since the day they were introduced to each other. Ni hindi niya alam kung saan nanggagaling ang galit nito sa kanya, dahil wala naman siyang ginagawang masama rito.
“W-wala siyang karapatang ibenta ako dahil hindi ko naman siya totoong ina!”
His lips broke into a sardonic smile. “I don’t care if the two of you are related by blood or not. I came to collect the payment for her debts. And she offered you as payment. So, I had to see for myself if you’re worth the five million pesos that your stepmother borrowed from me. And, I like what I’m seeing now.”
Five million pesos! Napakalaking halaga niyon! At saan nito dinala ang ganoon kalaking pera?
“S-sir, pakawalan na lang po ninyo ako. Wala naman kayong mapapala sa akin. Wala akong puwedeng gawin para sa inyo,” pagmamakaawa niya.
“Maybe not right now. But there’s something you can do for me when you are already eighteen.” Tumalikod ito at muling naupo sa silya. “Sign the papers.” He arrogantly put his weight on his left side. Itinukod nito ang kaliwang siko sa braso ng upuan, at ang dalawang daliri ay nakahawak sa sentido nito, habang matiim na nakatitig sa kanya.
Muli niyang hinayon ng tingin ang hawak na mga dokumento. Bakit niya pipirmahan iyon? Para sumaya ang madrasta niya? Ito at si Olivia ang nagpakasasa sa limang milyon kaya bakit siya ang magbabayad?
“Ayaw mo?” tanong nito.
Akmang lalapit dito ang underboss at akala niya ay sasaktan siya nito, subalit pinigilan ito ni Hades sa pamamagitan ng kaswal nitong pagtaas sa kanang kamay nito. “Relax, Lukas. Hayaan mo siyang sagutin ang katanungan ko.”
Mariing nagkiskisan ang mga ngipin niya. “P-paano kung ayaw ko?”
“Simple. I’ll order the hospital to discontinue all forms of life support for your unconscious father.” He tilted his head, challenging her, before he smiled wickedly at her. “Don’t worry, his death will be painless.”
“Hindi mo puwedeng gawin iyan!” hiyaw niya. Sunud-sunod ang pagbagsak ng luha mula sa kanyang mga mata. Paanong alam nito pati ang kundisyon ng ama niyang nakaratay sa ospital? Ang ama niya ang kahinaan niya. His father was the most loving person before the death of her mother ruined him. Mahal na mahal nito ang namayapang asawa na nang mawala ito ay naging tahimik at lagi na lang naglalasing ang ama niya. Hindi nga niya masabi kung pinakasalan lang nito si Sylvia para may makasama lang ito sa buhay o para mabigyan siya ng pangalawang ina. Alam niyang ang kapakanan niya ang laging iniisip ng kanyang ama.
Hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa ama niya. Umaasa siyang magigising pa ito, at kapag dumating ang araw na iyon ay naroroon siya at nakangiti rito. Hanggang hindi pa dumarating ang araw na pinakahinihintay niya ay gagawin muna niya ang lahat para maprotektahan ito. Because her father couldn’t do anything right now. He was defenseless in his current state.
“Ikaw ang magpapasya. Nasa kamay mo ang kaligtasan niya. Sign the papers and we’re good.”
Trembling, she signed the papers.
“Good girl, Proserpina. I’ll wait until you turn eighteen, then I will come and find you. Don’t even think of running away. I will collect what’s rightfully mine. And you are mine.”
Hindi niya alam kung bakit pakiramdam niya ay may baga ang dila nito habang binibigkas nito ang mga katagang nang-aangkin sa kanya.
Hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.
She was sold to the heartless Mafia Boss.