Natatawa si Lora nang silipin siya nito sa kuwarto niya. Inirapan lang niya ito nang pumasok itong patawa-tawa.
“Huwag ka nang mainis, Audrey,” sabi nito pagkaupo sa couch sa loob ng kuwartong tinutuluyan niya. Ang kuwartong iyon ay tinalo na ang buong bahay nila. May maliit na receiving area, may sariling walk-in closet, sariling banyo, mini-bar area kung saan naroon na lahat ng klse nang inumin mula sa juices hanggang sa pinakanakakalasing, may dining area at may bedroom kung saan may study table, malaking book shelf at isang king sized bed.
“Paanong hindi ako maiinis e, walang bumalik na Ace kahapon,” napairap niyang saad. Nangako kasi si Ace kahapon na babalik ito at ipapaliwanag ang mga bagay na Nakita niya kahapon. Pero dumating ang lunch at dinner nila pero walang Ace na kasama. Hindi rin sila pinapalabas kahapon pa kaya nakakulong lang sila sa loob ng compound.
Nilingon niya si Lora na binabasa nag librong kinuha niya kanina sa kuwarto. “Bakit hindi mo nalang ikwento ang mga nalalaman mo, Lora?” ani niya rito.
Umiling ito. “Isa sa mga utos sa akin ay huwag akong magbabanggit nang kahit na anosa ‘yo tungkol sa Palsyo. Isa pa, malalaman mo rin naman ang lahat, Audrey, sa tamang panahon.”
“Ang tamang panahon na sinasabi mo ay kapag ako ang nahirang, pero paano kapag hindi?” balik-tanong niya rito.
Napabuntong-hininga itong ibinaba ang libro saka deretso siyang tiningnan. “Ikaw ang dapat at karapat-dapat na mahirang na Prinsesa, Audrey,” buo ang loob na saad naman nito.
“Dahil sa propesiya?”
Napalingon sila sa biglang nagsalita. It was Daina standing at the door.
“Nakasarado ‘yan kanina ah,” sambit ni Lora.
Daina smirked as she walked inside and sat at the sofa. “Masyado kayong engrossed sa pinag-uusapan ninyo kaya hindi ninyo narinig na kumatok ako,” sagot lang nito.
Bakit ba may mga taong bigla-bigla nalang pumapasok sa kuwarto niya nang walang pasabi? Given naman na si Lora dahil kaibigan niya ito, pero itong si Daina, masyadong at home sa kaniya.
“Bigla ka nalang nawala kahapon. Akala naming napano ka na,” saad niya rito.
“Hindi ko na kailangang ipaliwanag sa ‘yo iyan, Audrey. Kaya ako nandito kasi kailangan mo nang ihanda ang sarili mo para sa paghirang mamaya. Igaganap ang paghirang sa labas ng Palasyo dakong ikatlo ng hapon.”
Kumunot ang noo niya. “Kung makapagsalita ka ay parang hindi ka kasali sa paghihirang mamaya,” s**o niya rito.
“Ipapaliwanag ko pala, sakaling hindi naipaliwanag sa ‘yo ni Lora, kapag ikaw ang nahirang, kailangan mong pumili ng mga magiging tagasunod mo at magiging Punong Tagapagtanggol. You have to choose someone who can be trusted kasi sila ang makakasama mo sa habang-buhay,” sabi nito.
Bakit parang siguradong-sigurado na itong si Daina na siya ang mapipili?
“Oo nga pala, Audrey. Kung gusto mo, ako nalang ang kunin mo. Kaysa nama ipatapon nila ako sa kung saan,” sagot naman ni Lora. “Sa magiging bodyguard mo naman, pwede mon ang kunin si Manex o si Jonas, trained sila sa martial arts at nagserve na rin sila ng dalawang taon sa military.”
Kumunot ang noo niya kay Lora. “E ‘di, hindi na kayo nagkatuluyan ni Manex n’on? Ayaw ko.”
“Wala ka nang magagawa tungkol sa bagay na iyan dahil kailangan mo nang mapagkakatiwalaan at kilala mo na rito sa Palasyo. May iba ka pa bang kilala bukod kay Lora? Hindi mo naman pwedeng kunin ang pinsan mo o si Max dahil alam nating mag-uunahan ang dalawang iyon na kunin ni Francine,” pahayag ni Daina.
Nilingon niya ito saka deretsong tiningnan. “May boyfriend ka ba rito sa Palasyo?”
Nag-iwas ito nang tingin sa kaniya. “Ayaw kong maging tagasilbi mo. May ibang bagay akong gustong gawin.”
Lumipat siya sa tabi nito. “Ang sabi mo, kailangan ko nang mapgkakatiwalaan, kailangan ko na ring mamili just in case na ako ang mahihirang. Alam mong kahit gustuhin man nina Manex at Lora, hindi ko sila pwedeng piliin. Nagsakripisyo na sila sa akin dito, ayaw kong habang-buhay silang magsasakripisyo para sa akin.”
“Kaya ako ang nakikita mo? Ang tanong, mapagkakatiwalaan mob a ako?” Deretsong tanong naman ni Daina sa kaniya.
“Bakit, hindi ka ba mapagkakatiwalaan?” tanong niya rito pabalik. Sandali silang nagsukatan nang tingin bago unang umiwas si Daina.
“You shouldn’t trust people easily, Audrey. Lalo na kung taga-Palasyo, nagsisilbi sa Palasyo at lumaki sa Palasyo. People here are full of ambitions and greed.”
“Kung hindi ka tunay na mapagkakatiwalaan, you wouldn’t tell me that.” Nakangiti niyang saad dito.
Daina Bustamante. Hindi niya ito gaanong napapansin sa paligsahan. She’s too quiet and maybe observant. Tahimik nitong ipinapanalo ang bawat round ng kumpetisyon. Akala ng iba ay ilan lang ito sa mga nangangarap maging Prinsesa sa Mortown. Ngunit sa tuwing nakakausap ito ni Audrey, alam niyang may iba pang kuwento sa likod ng pagiging aplikante nito. Hindi kaya isa ito sa mga kinausap ni Ministro Danny na tutulong sa kaniya?
“Kinausap ka ba ni Manong Dan?” tanong niya rito.
“Sino? Walang kumausap sa akin,” deretso namang sagot nito.
“Sa tingin ko, hindi siya kinausap ni Ministro Dan, kasi kung kagaya naming siya, sana alam din naming,” sagot naman ni Lora.
“Kung ganoon, bakit? Baki mo ako tinutulungan?” tanong niya rito.
Bago pa man nakasagot si Daina, isang tagasilbi na ang pumasok sa silid niya. Nakasuot ito ng unipormeng ekslusibo lamang sa mga tagasilbi sa Palasyo. May sariling patahian ng mga damit ang Palasyo, kaya ang mga damit na isinusuot ng Royal Family, at mga tagasilbi, mga Ministro, at bodyguards ay ekslusibo lamang at hindi maaaring magbenta sa labas ng Palasyo.
“Sa Palasyo kailangan mong sumugal kung kaninong panig ka dapat umanib. It is for your own safety,” sagot lang ni Daina saka ito tumayo at nagtungo sa pinto habang tahimik na inaayos ng tagasilbi ang pagkaing dala nito.
“Ate, puwede bang dalhin mo nalang dito yung pagkain ko? Sasabay na akong kumain kay Audrey,” sabi ni Lora sa tagasilbi. Yumukod lang ang tagasilbi bilang pagsunod. Umalis ito matapos ayusin ang pagkain niya.
“Hindi ko talaga mahuli ang ugali ni Daina,” sambit niya.
“Sa tingin ko naman, mapagkakatiwalaan siya, Audrey. Kung hindi naman kasi, hindi siya lalapit sa ‘yo,” sabi naman ni Lora.
“Nakausap mo na ba sina Manex? Kailangan kong tanungin sa kanila kung ano ang tingin nila kay Daina,” sabi niya rito.
Umiling si Lora sa kaniya. “Mula noong nakasama ako sa last four, hindi ko na siya nakausap. Feeling ko nagtatampo siya.”
Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga sa narinig.
---
Tama ang sinabi ni Daina na gaganapin sa araw ding iyon ang paghihirang. Nagtipon-tipon sila sa harap ng Palasyo na inayos upang magsilbi itong piging. Nakapalibot ang mga mahahabang mesa na bumuo ng isang parihabang imahe. Sa dalawang magkasunod mahahabang mesa sa magkabilaang parte, nakapwesto ang mga ministro mula sa apat na faction. Magkasama sa kanan ang South at North Faction habang nasa tapat naman ng mga ito ang West at East Faction. Sa bagay pa lang na iyon makikita na ang pagkampihan ng mga Ministro. Nginitian si Audrey ni Ministro Danny nang dumating sila.
Si Francine, suot ang magarang damit na dala marahil nito mula sa labas, naupo sa dulong mesa sa bandang kaliwa kung saan nakapuwesto ang West Faction. Siya naman ay nasa kabilang dulo ng mesa. Napagigitnaan nila sina Lora at Daina. Ang Royal Family naman na kinabibilangan nina Haring Reynold, Reyna Lucia at Inang Reyna Elisa ay naupo naman sa mesa katapat nila. Sa likod ng mga ito nakapuwesto ang Kalihim na si Ministro Ed, hawak ang kautusan.
“Paumanhin, Mahal na Hari, pero nasaan po si Prinsipe Rhys?” tanong ni Ministro Franco ng West Faction.
“Si Rhys?” tanong ng Hari sa Kalihim.
“Pababa na po.” Patakbong lumapit si Ace sa Hari at buong galang na yumukod. Nag-angat ito nang tingin sa kaniya. Ayan na naman ang abnormal na t***k ng puso niya. Kinakabahan siya sa bagay na pwede niyang matuklasan sa araw na iyon. Maski ang pag-anunsyo kung sino ang mapipili. Kapag hindi siya kumalma ay baka atakehin siya sa puso.
Isang lalaking suot ang isang mamahaling itim na suit. Lalaking, lalong nagpabilis ng t***k ng kaniyang puso. Ang lalaking ni sa hinagap ay hindi niya inisip na ang Prinsipe. Tumayo ang lahat upang magbigay-pugay sa Prinsipe. Sina Francine, Lora at Daina ay tumayo rin bilang paggalang, habang siya ay nanatiling nakaupo habang nakatitig sa lalaking tumayo sa kanilang harapan.
“Pasensiya na sa paghihintay,” wika nito bago umikot sa upuan nito sa tabi ng Hari. Hindi maaaring siya ang Prinsipe ng Filipos.
“Ngayon, dahil nandito na tayong lahat,” panimula ng Hari. Halos hindi na maintindihan ni Audrey kung ano ang iba pang sinasabi ng Hari dahil nanatiling nakapako ang atensyon niya sa Prinsipe. Ilang beses siyang siniko ni Lora pero hindi niya alam ang gagawin. Hindi siya nakikinig. Hindi. Wala siyang naririnig sa paligid.
“Audrey…” May bumulong sa kaniyang taynga. Si Lora ba?
‘Bakit parang biglang lumamig? Bakit waang sumasagot? Bakit walang nagsasalita? Bakit nagpapalakpakan ang lahat? Pero wala akong naririnig. Nakangiti ang Inang Reyna at ang Hari.’
“Audrey, tumayo ka.” Narinig niyang bulong ni Lora. Nilingon niya ito. Nakakarinig na siya.
“Huh?” taking-tanong niya rito.
“Tumayo ka. Lumapit ka sa kanila,” bulong muli nito.
Tumayo at lumapit. Sige.
Akma siyang tumayo ngunit tila nanlambot ang mga tuhod niya. Nilalamig siya. Bakit? Katamtaman ang init ng mga sandalling iyon sa harap ng Palasyo. Bahagya nang palubog ang araw. Bakit nilalamig siya?
Nag-angat siya nang tingi kay Rhys nakaupo sa gilid. May pag-aalala sa mukha nito? Si Rhys. Siya si Rhys Frost, ang Prinsipe ng Filipos. Marahan itong tumango nang magsimula siyang humakbang pasulong. Papunta sa Royal Family. Sa kung anong dahilan, hindi niya alam. Bakit siya pinapalapit sa mga ito?
“Lumapit ka Audrey,” wika ng Inang Reyna sa kaniya. Nakangiti ito, kahit ang Hari ay nakangiti rin sa kaniya. Ano’ng meron? Ano’ng nangyayari? Bakit parang nalilito siya? Bakit biglang nagblurr ang paningin niya? Anemic yata siya. Malamig ang hangin, pero pinagpapawisan ang mga kamay niya.
“Audrey…” Narinig niya ang mahinang tawag ni Ministro Danny Loyzaga. Blangko niya itong tiningnan. “Ano’ng ginagawa mo? Lumapit ka sa Hari at magpasalamat.”
Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Bakit siya magpapasalamat sa Hari? Sa piging? E, hindi pa nga siya nakakakain. Sandali, bakit parang mainit ang mukha niya? Parang kanina lang malamig pero ngayon mainit na ang pakiramdam niya sa loob ng katawan niya?
Sinubukan niyang huminga nang malalim. Sandali, nasaan ang hangin? Bakit parang bigla siyang kinapos nang hininga? Sinapo niya ang sariling bibig saka pinilit maghanap ng hangin. Mainit nag nalalanghap niya. Walang hangin. Nasaan ang hangin? Pinilit niyang hinawakan ang kaniayng leeg. Bakit wala siyang masagap na hangin?
“Audrey!” Narinig niyang sigaw ni Art. Sir Art. Boses ni Art iyon. Pero wala na siyang Nakita. Nandilim ang lahat. Ano’ng nangyayari? Nasaan si Art? Gusto niyang makita si Art. Nasaan siya? Bakit biglang dumilim?
“Audrey!” Dinig niyang sigaw ni Art. Teka, iidlip kaya muna siya. Bigla siyang inantok.
“Tumawag kayo ng doctor!”
“Audrey!”
Someone held her. The warmth from that hold made her feel secure. Pinilit niyang iminulat ang mga mata. It was a blurr image of someone. Someone wearing a black suit and his presence and smell feels familiar. Ah, kilala niya na. Hindi siya maaaring magkamali tungkol sa taong iyon. Siguradong-sigurado siya.
“A-art……”