Nagkagulo ang lahat sa nangyari. Maraming Royal Guards ang pumalibot sa buong bulwagan. May mga tagasilbi ring lumapit sa kanila at sa mga bisita upang tanungin kung nasaktan ba sila. Isa-isa nang nababahiran ng takot ang kanilang mga dibdib. Naging alerto rin ang mga bodyguards ng mga bisita. Akala ni Audrey ay wala naming nasaktan sa nangyari pagputok, pero mukhang mayroon dahil na rin sa kaguluhan unti-unting umaalpas sa paligid.
“Ate, ano pong nangyari?” tanong ni Lora sa isang tagasilbi na dumaan sa gawi nila.
Lumingon ito sa kanila saka marahang yumukod, “May nagpaputok ng b***l. Huwag kayong mag-alala at iniimbestigahan na ang nangyari.”
“Puwede na ba kaming bumalik sa kuwarto?” tanong naman ni Francine.
“Babalik ka? E, hindi pa nga sigurado kung sino ang gumawa no’n e. Hindi ka ba natatakot?” sagot naman ni Lora rito. Umirap lang si Francine.
Inilinga ni Audrey ang mata sa paligid. “Si Daina?” tanong niya kay Lora. Luminga rin si Lora sa paligid. Ganoon din ang ginawa ni Francine, pero walang anino ni Daina sa paligid.
“Naku naman! Nasaan naman nagsuot ang babaing iyon? Sinabi na ngang dito lang e,” saad ni Lora. Hindi naman umimik si Francine at naupo nalang sa upuan nito.
Isa-isang bumaba ang Royal Family mula sa mesa nito na pinalilibutan ng mga Royal Guards, habang isa-isa ring nililikas ang mga bisita. Maraming bulungan ang maririnig sa paligid. May nagrireklamo at may naghahayag ng kani-kanilang opinyon tungkol sa nangyari. Nanatili silang nakatayo ni Lora habang papalapit ang Royal Family sa gawi nila.
Halos matuod si Audrey sa kinauupuan nang makilala ang isa sa mga binabantayan ng mga Royal Guards. Ano ang ginagawa niyon doon? At bakit nakasuot siya ng Americana? Bakit tila napakapormal nito?
“Audrey…” mahinang tawag sa kaniya ni Lora. Hindi niya na iyon binigyan ng pansin. Nakatutok lang ang kaniyang atensyon sa nakikita. Bumilis ang t***k ng kaniyang puso nang salubungin nito ang kaniyang tingin.
“Ang Prinsipe!” Napasinghap naman si Francine. Marahan itong yumukod. Ganoon din ang ginawa nang karamihan. Yumukod ang lahat sa pagdaan ng Royal Family. Siyan a nga lang yata ang bukod-tanging nakatayo pa. Kung ‘di pa siya hinatak pababa ni Lora, hindi pa siya yuyukod.
Lumapit sa kaniya si Ace na marahang yumukod pa sa kaniya. Oh! Si Ace. Parang ang tagal na nilang hindi nagkita. Tama. Mas masasagot nito ang mga katanungang gumugulo sa isip niya. Si Ace nalang ang tatanungin niya. Teka, bakit nakasuit din ito?
“Ihahatid ko na kayo sa inyong mga kuwarto.” Bakas ang kaseryosohan sa boses nito. Ni hindi ito bumati sa kanila ni Lora. Seryoso lang itong tumingin sa kaniya.
“You must be, Ace. Ikaw ang punong tagapagtanggol ni Prince Rhys,” excited na saad ni Francine. Yumukod lang si Ace rito.
Ugh. Ano’ng nangyayari?
--
Tahimik nilang binagtas ang daan patungo sa kanilang tinutuluyan. Nauuna silang tatlo habang tahimik na nakasunod si Ace sa kanila kasama ang dalawa pang guard ng Palasyo. Hindi niya maiwasang mapailing sa iniisip. Imposible. Napahinto siya kaya huminto na rin ang iba pa. Nagtatakang napatingin sa kaniya si Lora. Nilingon niya si Ace.
“Ano’ng ibig sabihin nito, Ace?” Deretsong tanong niya rito.
Yumukod ito bago sumagot. “May nagpaputok ng isang b***l kanina. Hindi n’yo na kailangan mag-alala kasi iniimbestigahan na ang nangyari.”
Kumunot ang noo niya. “Alam mong hindi ‘yan ang ibig kong sabihin.” Deretso niya itong tiningnan.
Hinawakan lang siya ni Lora sa braso saka marahang pumisil. “E, iniimbestigahan na pala. Doon nalang tayo sa kuwarto mag-usap, Audrey,” sabi lang nito. Nilingon niya ito pero binigyan lang siya nito nang isang makahulugang tingin.
“Bakit? Ano ba ang ibig sabihin mong sabihin, Audrey? Kilala mo si Ace?” usisa naman ni Francine.
Akma siyang sasagot nang magsalita si Ace. “Kailangan ko na kayong maihatid sa tinutuluyan ninyo. Tayo na.”
Tiningnan lang siya ni Francine bago ito tumalikod at nagsimulang maglakad. Sumunod nalang sila ni Lora, pero binigyan niya nang masamang tingin si Ace.
Maraming hindi sinasabi ang mga ito sa kaniya. Si Art, si Ace, sina Manex at Jonas at maski itong si Lora. Hindi pa nga niya ganap na kilala ang mga ito. Kaya sobrang nagulat siya nang malamang isang pinunong tagapagtanggol ng Prinsipe si Ace. At ang isa pang nakita niya kanina. Imposible.
“Hanggang dito nalang kami,” basag ni Ace sa katahimikan nang marating nila ang b****a ng kanilang tinutuluyan. “Ipapaalala ko lang na hindi kayo maaaring lumabas dito hangga’t hindi pa natutukoy kung sino ang salarin at hindi pa nalulutas ang nangyari. Para na rin iyon sa inong kaligtasan.”
“Sure,” sagot lang ni Francine na nagpatiuna nang pumasok sa compound at iniwan sila.
Siya naman ay pinameywangan si Ace.
“Babalik nalang ako para ipaliwanag ang lahat, Audrey. Sa ngayon ----”
“Bakit hindi ka pa ngayon magpaliwanag, Ace? Ano pa ang hindi ko alam?” Deretsong tanong niya rito. Tinangka siyang pigilan ni Lora pero sinamaan lang niya ito nang tingin.
“Ipapaliwanag ko lahat pagbalik ko. Sa ngayon, kailangan mo munang supilin ang pagiging mausisa mo. Hindi puwedeng malaman ni Francine na magkakilala tayo. Isa pa, kailangan ko na ring bumalik sa Prinsipe.”
Napairap siya. “At kailan ka naman babalik? Kapag hindi ka bumalik ngayong araw din mismo, lagot ka sa akin.”
Napangiti lang ito sa kaniya saka marahang yumukod bilang tugon. Bumaling naman ito sa dalawang kasama. “Samahan n’yo muna ang dalawang bantay dito. Huwag kayong magpapasok ng kahit na sino mula sa labas. Kung may maghahatid man ng pagkain sa kanila, sasamahan ko, maliwanag?”
“Opo,” magkasabay na sagot nang dalawa.
Napangiti naman si Lora. “Ang angas mo, Ace.” Ngiti lang ang iginanti nito. Nagpaalam pa muli ito sa kanila bago tuluyang umalis.
“Ang dami mong hindi sinasabi sa akin, Lora,” may himig pagtatampong saad niya rito. Ngumiti naman ito sa kaniya saka kumapit sa braso niya.
“May mga bagay kasi na hindi mo pa maaaring malaman, Audrey, pero huwag kang mag-alala kasi mukhang dumating naman na ang tamang panahon,” makahulugang sagot naman nito.
Kunot ang noong tiningnan niya ito.
“You’ll find out soon,” tanging sagot lang nito.
***
“May nalaman ka ba?” tanong ni Prinsipe Rhys kay Ace nang dumating ito mula sa opisina ng mga pulis na humahawak sa kaso tungkol sa nangyari kanina.
“Wala pang konkretong ebidensya silang nakukuha kaya ako na mismo ang nagpunta sa pinangyarihan ng insidente.” Iniabot ni Ace ang isang panyong nakalumon. Binuklat ito ng Prinsipe at isang basyo ng bala ang laman niyon.
“Ang bala na ‘yan ay hindi nakita ng mga pulis sa crime scene. Ibang klaseng bala ang nasa kamay ngayon ng pulisya,” dagdag pa ni Ace.
Nagtatakang napatingin si Prinsipe Rhys dito. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong niya rito.
“Ito ay sapantaha ko pa lang, pero pwedeng may nais magligaw nang imbestigasyon,” sagot ni Ace habang mataman naming nakikinig sa kaniya ang Prinsipe. “Ang basyo ng bala na nasa pangangalaga ngayon ng mga pulis ay ordinaryong bala na ginagamit ng mga tao rito sa loob ng Palasyo. Ang bala na iyan ay maaaring mula pa sa abas at iligal na ipinasok lamang dito.”
“Kung ganoon, maaaring may nais sumabotahe ng kung anuman dito,” saad ng Prinsipe.
“O maaring isang babala,” sabi naman ni Ace. Napatingin si Rhys dito. “Sa pagpili nang hihiranging Prinsesa. Maaaring may nais ipahiwatig ang ingay na iyon kanina, Mahal na Prinsipe,” pagpapatuloy ni Ace.
“Kung ganoon nga, iisang tao lang ang pwedeng gumawa niyon.” Nagkatinginan sila ni Ace.
“Si Franco Scott.”
May apat na faction ang pinamumunuan ng Hari ng Filipos. Ang South at West Faction ang dalawang malalakas na faction habang nanatiling halos sunud-sunuran lang ang North at East Factions. Ang South Faction ay halos mga kamag-anak ng Inang Reyna ang namumuno maloban kay Ministro Danny Loyzaga na kaibigan ni Haring Reynold. Ang West Faction naman ay may malakas at prominenteng pamilya na namumuno sa likod nito, ang pamilya ni Reyna Lucia. Hindi naman likas na magkaaway ang dalawang faction na ito, sadyang nagkakaroon ng lamangan lalo na ngayong naghahanap ng sunod na magiging Reyna.
Ang ama ni Francine na si Ministro Leo Patriarca ay isa sa mga haligi ng East Faction na kamag-anak din nang namumuno ng West Faction na si Ministro Franco Scott. Kaya oras na mahirang si Francine na Prinsesa, mas lalong lalakas ang West at mabibigyan din ng kapangyarihan ang East. Iyon ang bagay na ayaw mangyari ni Rhys.
“Malakas ang kutob ko na may nakakaalam na kung sino ang hihirangin. Maaaring ----”
“Ang lahat nang iyan ay sapantaha mo pa lamang, Ace,” putol niya sa ano pa mang nais nitong sabihin. “Wala munang makakaalam nang mga napag-usapan natin. Kahit na sina Jonas, dahil ayaw kong may mangyari na naman hindi maganda at madamay pa sila. Sa ngayon, imbestigan natin ang nangyari, but we will work discreetly.”
Yumukod si Ace. “Masusunod po.”
“Sige. Magpahinga ka na, Ace,” sabi niya rito.
Akmang aalis na si Ace nang may maalala ito kaya humarap muli ito sa kaniya. “Nakita ka nga pala ni Audrey kanina sa bulawagan.”
Napasapo siya sa sarili niyang noo. “Iyon na nga ang kanina ko pa iniisip. Naihatid mo sila, hindi ba? Ano’ng sinabi mo?”
“Sinabihan ko nalang na huwag silang lalabas ng compound. Babalik nalang ako para kausapin siya at ipaliwanag ang lahat, pero dapat ikaw ang kumausap sa kaniya,” sagot nito.
Napabuntong-hininga siya. “Alam ko namang darating ang panahon na makikila niya ako, pero hindi ko naman naisip na sa ganitong paraan. Kung sakali mang hindi siya ang mahihirang na Prinsesa, magpapakilala pa rin naman ako sa kaniya.”
“Gusto mo talaga siya, Prinsipe Rhys,” komento naman ni Ace na ikinatawa niya.
“Bigla-bigla ka na lang napapaganiyan, Ace, nagugulat ako,” sabi niya sa gitna nang pagtawa. “Darating naman talaga ang pagkakataon na makikilala niya ako. Hindi dahil gusto ko siya.”
Hindi umimik si Ace kaya nagpatuloy siya.
“Feeling ko, ipinanganak akong hindi binigyan ng karapatan na magmahal ng kahit na sinong babae. Sa uri nang buhay mayroon ako, natutunan kong hindi dapat ipinapairal ang puso. Pareho lamang kaming masasaktan kapag nagkataon.”
“Puwede mo naming baguhin iyon, Prinsipe Rhys. Naniniwala akong ikaw pa rin ang magdidikta ng magiging kapalaran mo,” sagot naman ni Ace.
Marahan siyang tumango bilang pagsang-ayon. “Alam mo, pareho kayo ni Audrey mag-isip. Mayroong pagkakataong she acted like a child pero mas madalas itong mature sa mga bagay. Sana, Ace, sana siya ang mahihirang.”
“Siya ang nakasaad sa propesiya.”
“Hindi dahil sa propesiya. Sana siya ang mahihirang dahil siya ang pinaka-karapat-dapat. Mas magiging maayos ang Filipos kung isang gaya niya ang mahihirang na Prinsesa.”
“Kakausapin mo na ba siya ngayon?” pag-iiba ni Ace. “Pupunta ako sa compound nila para ipatawag siya.”
“Hindi na muna, Ace. Saka nalang. Hangga’t hindi pa nahihirang ang magiging Prinsesa, hindi puwedeng lumabas na nagkakilala na kami. Para na rin yun sa kaligtasan niya.” Saad niya. Oras kasi na malaman ng kalabang partido na magkakilala sila, maaaring maging mitsa pa iyon nang pagkatalo ni Audrey.
“Oo nga pala, galit pa ba si Manex?” Naalala niyang tanong kay Ace. Hindi na kasi siya kinibo nito mula nang malaman na nakapasok sa last four si Lora.
“Siguro, pero hayaan mo na, hindi naman tatagal ang galit niya na iyon. Mas nag-aalala lang iyon sa magiging kahihinatnan ni Lora pagkatapos ng paligsahan,” sagot naman ni Ace na ikinatango ni Rhys.
“Alam naman niyang hindi ko pababayaan si Lora,” sagot naman niya.
“Alam naman niya ‘yon, Mahal na Prinsipe,” sagot ni Ace.
“Sabi ko naman sa ‘yo, Ace, kapag tayong dalawa lang, drop the honorifics. Kahit man lang saglit, may casual na kumakausap sa akin,” saad niya. Yumukod lang ito.
“Aalis na muna ako. May kailangan lang akong pupuntahan sandali,” paalam ni Ace.
“Sige, hayaan mo muna si Audrey. Sa ngayon, pahatiran mo nalang muna sila nang makakain.” Yumukod si Ace biglang pagsunod saka ito tuluyang nagpaalam.
There, naiwan na naman siyang mag-isa. There are times that he disguised himself as nobody, para makalanghap ng ibang hangin, pero madalas hindi umuubra sa loob ng Palasyo. Kaya nang makita niya si Audrey kanina, hindi niya na alam ang gagawin. Ano kayang mangyayari sa susunod nilang pagkikita?