Kinagabihan ay piniling magpalipas ng oras ni Audrey sa hardin sa likod ng Palasyo matapos makapaghapunan kasama ang ibang napili. Si Lora ay pumuslit lang sandal sa labas upang makipagkita kay Manex. This day was kind of exhausting. Ilang beses ba siyang makakapagtanggap ng irap at matatalim na tingin? Ilang beses ba niyang mahuhuling pinag-uusapan siya ng mga ibang kalahok sa paligsahan? Ilang beses ba niyang maririnig ang parunggit ng pinsang si April?
Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga at pinilit ngumiti. Masyadong maganda ang kapaligiran para intindihin niya pa sa mga sandaling iyon ang mga walang kuwentang bagay sa loob ng Palasyo. Inilibot niya ang paningin sa kabuuan ng hardin. May ilang poste sa paligid na nagbibigay liwanag sa lugar iyon. Nakikita rin niya ang unti-unting pag-usbong ng iba’t-ibang halaman sa paligid. Maaliwalas din ang kalangitan na pinamumugaran ng mga tala at isang maliit ng buwan. Napakagandang pagmasdan.
“Napakagandang magmasid sa paligid.”
Nilingon niya ang nagsalita. It was Art in his black suit. Masyadong pormal ang itsura niya ng sandalling iyon.
“Ano’ng mayroon?” Tukoy niya sa suot nito.
Lumapit ito saka nagkibit-balikat. “You’ll know.”
Kumunot ang noo niya rito. Magtatanong pa sana siya nang maupo ito sa tabi niya. They were sitting at the rail of the mini bridge. Maliit na tulay na naghahati sa hardin at sa daan patungo sa likod na bahagi ng Palasyo. Masyadong malawak sa compound ng Palasyo.
“You must be excited,” wika nito pagkaraan ng ilang sandali.
“Huh?”
“Makikilala mo na bukas ang Royal Family. Makikilala mo na ang Prinsipe,” saad nito.
Ilang sandali siyang hindi nakakibo. “Should I?” tanong niya na mas itinatanong niya sa sarili kaysa rito.
“Hindi ka ba curious sa Prinsipe?” mahinang tanong nito.
“Hindi ko alam. Noon siguro, oo. At some point, gusto ko siyang makita nang malapitan. Pro nagyon? Hindi ko na alam,” matapat niyang sagot dito. Hindi umimik si Art kaya nilingon niya ito. “Ikaw? Nameet mo na siguro si Prinsipe Rhys. Ano’ng klaseng tao siya?”
“May iba’t-ibang klase pala ng tao,” natatawang saad nito. Napairap naman siya. “Si Prinsipe Rhys? Hindi ko masasabi kung anong klaseng tao siya. Wala ako sa posisyon para sabihin iyon.”
“Sasabihin mo lang naman kung ano ang pagkakakilala mo sa kaniya,” sagot naman niya. Mahirap ba iyon?
Narining niya ang mahinang pagtawa nito. “Malalaman mo bukas kung dahilan kung bakit hindi ako puwedeng magsalita tungkol sa kaniya.”
“Mabait ba siya?” tanong niya pa rin dito.
Nangingiting naiiling lang si Art sa kaniya. “Ang kulit mo rin e ‘no?”
“Curious lang naman ako. Bigyan mo nalang ako ng konting kaalaman para alam ko kung paano ako aasta sa kaniya? Kung kailangan ko bang maging kagaya ni Francine.”
Seryoso siyang hinarap ni Art. “You just only to have to be yourself, Audrey. Hindi mo kailangang magpanggap na kahit sino. Kung ano ang pakikitungo mo sa akin, maging ganoon ka rin sa prinsipe.”
Kumunot naman ang noo niya sa tinuran nito. “How dare you to compare yourself to the Prince?” aniya. Napapailing nalang siya rito. Madalas talaga feelingero itong si Art. Natawa lang din naman ito sa kaniya. Hindi niya maiwasang mapailing.
Sandali itong hindi umimik. Parang biglang lumalim itong nag-iisip. “Si Rhys? Pwede kong sabihing boring siyang nilalang.”
Kumunot ang noo niya sa tinuran nito. “Kung maka-Rhys ka naman,” sagot naman niya ngunit hindi naman nito ito pinansin. Nagpatuloy lang ito sa pagsasalita.
“Boring kasi, una, hindi ito nakakalabas ng Palasyo. Bawal siyang tumapak sa labas ng malaking gate sa labas. Ni walang nakakakilala sa kaniya maliban sa mga tao rito sa Palasyo. Well, he’s only allowed to be known in public when he gets married.”
“E ‘di ba, nabuo ang batas na yan dahil nang maging Crowned Prince ang Lolo mo, ilang beses pinagtangkaan ang buhay niya sa labas ng Palasyo? Iyon ang itinuturo sa school dati,” sagot niya.
“Oo, kasi sobrang b****y ng politics noon. May kaniya-kaniyang interes ang mga kabilang sa Royal Families. And Rhys doesn’t want that to happen again.”
“Puwede naman iyon kung gugustuhin niya,” sagot naman niya.
“Kung karapat-dapat sa kaniya ang mahihirang na Prinsesa.” Napalingon siya rito nang sumagot ito. Umayos naman ito nang upo at humarap sa kaniya. “Audrey, hindi puwedeng Manalo si Francine sa paligsahang ito. Kapag nangyari iyon, malaki ang tsansang mangyari ang kinatatakutan ng lahat.”
Kumunot ang noo niya. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Mukha naming naintindihan nito ang iniisip niya kaya napabuntong-hininga nalang ito. “Hilaw ka pa talaga sa politika, Audrey.”
“Wala akong pakiala dati kasi malay ko naman. Ni sa hinagap, hindi sumagi sa isip kong sasali ako sa paligsahan nang pagpili ng hihiranging Prinsesa,” sagot niya. At never niyang nagging paborito ang Kasaysayan at Filipos Constitution noong nag-aaral siya.
“Ang Faction na kinabibilangan ng ama ni Francine ay ang Faction na mataas ang ambisyon sa pulitika. Sila ang dapat mong ituring na kalaban, Audrey.”
“Teka, bakit ako? Hindi pa naman sigurado na mapipili ako. Isa pa ---”
“Ilang beses ko ba sasabihin na hindi ganyan ang attitude ng isang Prinsesa. Audrey, dapat ngayon palang alam mo na kung anong landas ang gusto mong tahakin. Dapat ngayon pa lang may ambisyon ka na.”
Pinagkunutan niya ito ng noo. “Dude, akala ko ba bawal ang mga ambisyosa?”Inirapan niya ito.
“Iyong ambisong poprotekta sa mga mahihina at mahihirap, Audrey. Hindi ganid at kapangyarihan,” sabi nito na parang napakaobvious naman ng ibig nitong sabihin. Hindi nalang siya nakaimik.
Nagpalipas pa sila ng ilang sandali sa hardin na iyon bago siya bumalik sa building kung saan sila tumutuloy. Hinatid pa siya ni Art hanggang sa b****a nito. Ang bawat building sa loob ng compound ng Palasyo ay may kani-kaniyang arko ito na gawa sa bato ang nagsisilbing b****a. May tig-dalawang bantay na nakaposte sa mga ito.
“Hanggang dito nalang ako,” sabi ni Art na huminto ilang metro mula sa b****a.
Napahinto na rin siya at nilingon ito. “Naisip ko lang, bakit pala palakad-lakad ka rito sa loob ng Palasyo na akala mo pag-aari mo ‘tong paligid? May curfew ah. Bakit nandito ka pa?” Nagtataka niyang tanong dito.
Ngumiti lang ito nang tipid. “You’ll know soon, Audrey. Good night and sweet dreams,” nakangiti nitong saad. Tinanguan nalang niya ito. Sinundan niya pa ito nang tingin haggang sa tuluyan na itong nakalayo.
Matagal na ring kilala ni Audrey ang mga iskolar ng Palasyo. May katagalan na rin iyong nakasama siya ng mga itong tumakbo dahil may humabol sa mga itong rumurondang pulisya sa Mortown. Pero, wala na siyang alam pang iba tungkol sa mga ito. Minsan may mga pagkakataon ding nahihiwagaan siya sa mga ikinikilos ni Art. Lalo na ngayong gabi. Alam ng lahat na may curfew sa Palasyo. At hindi ipinahihintulot sa mga taga-labas ang pamamasyal sa loob pagsapit ng alas-sais ng hapon. Pero itong si Art, nakakagala pa rin kahit magkucurfew na. Hindi niya maiwasang mapaisip. Hindi kaya, isa ito sa mga alalay ng Prinsipe? Mga yunuko. Pero imposible kung mga iskolar sila ng Palasyo.
“Ano, hindi ka pa ba papasok? Limang minute nalang at curfew na,” sabi sa kaniya ng isa sa mga bantay na nakaposte sa b****a ng building kung saan sila kasalukuyang tumutuloy.
Sumunod nalang siya rito. Saka na lamang niya iisipin ang mahiwagang pagkatao ni Art. Ang dapat niyang iniisip ay kung papaano niya haharapin ang pagsubok bukas. Bukas na kasi gaganapin ang huling pagsubok. Kumbaga, may mananalo na bukas.
Dumeretso siya sa silid na inilaan para sa kaniya. Dahil apat nalang silang kalahok na natitira, binigyan silang apat ng sariling kuwarto upang magkaroon ng privacy at makapaghanda nang maayos para sa huling pagsusulit. Though, mula naman noong umpisa ay solo na si Francine sa kuwarto nito.
**
Maaga silang ipinatawag kinabukasan. Inanyayahan silang dumalo sa isang piging para sa selebrasyon ng paghirang sa Prinsesa. Kasama sa piging na iyon ang Prinsipe. Mula sa malawak na bulwagan sa isang bahagi ng Palasyo gaganapin ang piging. Dadaluhan din iyon ng mga mahahalagang bisita mula sa kalapit bansa na matagal na ring kaibigan ng Filipos. Siyempre, naroroon din ang Royal Family na sina Haring Reynold, Reyna Lucia, Inang Reyna Elisa, Prinsesa Rheyn at Prinsipe Rhys. Excited silang apat ng masilayan ang Prinsipe. Subalit masyado yatang malayo ang kinauupuan nila mula sa puwesto ng Royal Family. Nasa magkabilang panig kasi sila ng malawak na bulwagan. Nakapalibot sa isang malaking espasyo ang mga mesa para sa mga dadalo ng piging. Isang mahabang mesa ang nakalaan para sa kanilang apat lamang. May mga iba’t-ibang putaheng pagkain sa hapag. May mga prutas din, mga inuming alak at fruit juices, at hindi nawawala ang isang buong baboy na inihaw.
“Masyadong malayo ang kinaroroonan ng Prinsipe,” saad ni Daina. “Gusto ko pa naman siyang makita.”
Sumimsim lamang si Francine sa kaniyang baso, habang si Lora na nasa kaniyang gilid ay marahan siyang siniko. Daina said that she’s on her side. Pinalalabas din nito na ayaw nitong manalo si Francine, pero hindi naman nito tahasang sinabi na dapat siya ang mananalo. Hindi na lamang siya umimik.
Nagsimula nang magtanghal ang mga inimbitahang mananayaw. It was an old traditional dance na sobrang boring para sa kanilang apat. Napahikab na nga si Lora habang siyang patuloy pa rin sa paglantak ng inihaw ng baboy. Nilingo niya si Daina sa kaniyang tabi na tahimik lang na nanunuod, habang si Francine sa kabilang gilig ni Daina ay tila naman nag-ienjoy sa pinapanuod. Napaisip siya.
Hindi kaya iyon na ang pagsusulit nila?
Marahan siyang lumapit kay Lora at bumulong, “hindi naman nila sinabi na hindi matutuloy ngayon ang huling pagsusulit dahil may ganap ‘di ba?”
Marahan itong tumango. Muli siyang bumulong dito, “hindi kaya ito na ang pagsusulit, Lora?”
“Ano’ng ibig mo’ng sabihin?” Nagtatakang tanong naman nito.
“Ito na. Character observation. Pagmamasdan nila kung ano’ng klaseng pag-uugali ang lilitaw sa atin sa usual na araw.” Noong tinawag sila kaninang umaga, sinabihan lang sila ng mga katuwang sa Palasyo na maghanda dahil imbitado sila sa piging. Walang sinabing hindi muna itutuloy ang pagsusulit dahil may mahalagang okasyon. Sinabi lang na kailangan nilang dumalo sa piging.
“Nang hindi sinasabi sa atin?” tanong naman ni Lora.
“Kung gusto nilang makita ang tunay nating pagkatao, hindi nila sasabihin ito sa atin.”
Damn.
Bakit hindi niya iyon kaagad naisip? Walang nakakaalam sa huling pagsubok dahil nag-iiba naman iyon. At wala ring nakakaalam sa pagsubok na iyon dahil hindi pinahihintulot ng batas na ipaalam iyon ng mga nagging kalahok. Kung pagmamasdan niya si Francine, mukhang may alam ito sa magiging pagsusulit. Kanina pa kasi niya ito napapansin na panay ang ngiti at bati nito sa ibang mga kalahok. Ganoon din ang ginagawa ni Daina at Lora. Wala naman siyang kilala sa mga iyon dahil wala naman siyang kilala sa mga tao s Palasyo. Si Lora lang ang nagpapakilala sa kaniya na karamihan ay nakilala raw ni Lora dahil sa tatay nito. At dahil likas siyang hindi palakaibigan, matapos niyang batiin ang mga ito ay tinatalikuran niya na.
Ugh. Kapag minalas nga naman siya. Ito ba ang sinasabi ni Art na maging totoo lang sa sarili niya?
Maraming bagay na ang lumalaro sa isip ni Audrey. Hindi niya na mawari kung ano ang gagawin. Will she remain as relax and chill as herself? Or maging prim and proper gaya nang ginagawa ni Francine. Pero kapag gagayahin niya si Francine at tama ang hinala niyang pag-oobserba sa kanila ang huling pagsusulit, magmumukha naman siyang trying hard. Hindi niya na alam. Kung kumain pa naman siya kanina, parang wala nang bukas. Gutom kasi siya at hindi naman siya nakakain kagabi. Hindi niya maiwasang matampal ang sarili. Bakit kasi ang tanga-tanga niya? Nagtino man lang muna siya kahit saglit.
“Mukhang narealize mo rin huling pagsubok, Audrey,” sabi ni Daina sa kaniya.
Napatingin naman sa gawi nito si Lora. “Ibig sabihin, tama ang hinala ni Audrey?” Napasinghap pang tanong nito.
“I have always known that you’re slow, but I didn’t expect that you’re that slow,” parunggit pa ni Daina. Sana tinimbrehan naman siya nito ‘di ba? Pero bago pa siya makahuma nang isasagot dito, isang putok ng b***l ang umalingawngaw sa paligid ng bulwagan. Kung sino man ang tinamaan, hindi niya alam.