Chapter Fourteen

2218 Words
"Okay ka lang ba?" tanong ni Lora sa kaniya.  Kasalukuyan silang nasa isang hardin at hinihintay ang pagdating ng mga Reyna ng Palasyo. Hindi niya na inimikan si Lora paPagkatapos niya itong iwan kagabi kasama si Art.  “Oo. Pasensya ka na kagabi at hindi na kita hinintay. Nabadtrip talaga ako kay Art,” aniya. Nakangiti itong umiling sa kanya. “MInsan hindi ko maiwasang matuwa sa inyo ni Art. Para kayong aso at pusa. Nag-aaway pero nagbabati rin naman.” Tumawa pa ito nang makita siyang napakunot ng noo. “Nakakairita siya sa tuwing nagbubukas siya ng bibig.” Napakibit-balikat ito. “Hindi naman totoong ganoon si Art. Hayaan mo, katagalan makikilala mo rin naman siya.” Napaharap siya rito. “Gaano mo na pala sila kilala?” Napangiti ito. “Hmmmnn. Mula pagkabata?” Napasinghap siya. “Talaga? Natiyaga mo?” Tumawa ito. “Sira. Mabait naman silang lahat. Mabait din si Ate ----” Napatigil sa pagsasalita si Lora nang lumabas sa bulwagan ang Reyna Lucia. Sa araw na iyon ay pipiliin na kung sino ang mga pumasa sa Top 6. Yes, may tops. Mula sa Top 6, isang pagsusulit ang magtatakda kung sino ang tatlong matitira. At sa tatlong natira naman, isa muling pagsusulat ang maghahayag sa kung sino ang hihiranging Prinsesa na mapapangasawa ng Prinsipe. “Audrey.” Nilingon niya si Lora nang tawagin siya nito. “Minadali na nila ang proseso. Sa puntong ito, hindi na ako mapipili.” “Huh?” Ibig bang sabihin, hanggang doon nalang si Loramae? “May mahalaga akong iaanunsiyo mula sa Reyna Lucia,” saad ni Kalihim Ed. Humarap ito sa kanila hawak ang isang kasulatan. “Iaanunsiyo ko na ang tatlong napili ng Reyna at Inang Reyna.” Nagsimula ang bulungan. Samu’t-saring reaksiyon ang sandalling namayani sa paligid. May ilan na nagreklamo, may nanghinayang, may nagtataka kung bakit imbes na anim ay tatlo na kaagad ang napili. Inilibot ni Audrey ang paningin sa paligid. Isang tao lang tila hindi natinag sa pagbabago ng rules. Right, may karapatan naman ang namamahal na baguhin ang rules ayon sa gusto at pabor nila. But when she looked at Francine, she was full of confidence. Para bang siguradong-sigurado na ito na ito ang mapipili. Sabagay, ano ba naman ang maipagmamalaki niya? Ang propesiya? Hindi gaya nito na tila nasa sa kaniya na ang lahat. Kagandahan, estado ng pamilya at malamang karanasan, sa totoong ugali lang ito medyo sasablay. “Francine Patriarca!” Napasinghap ang lahat sa unang pangalan na tinawag. Malapad at puno nang kumpiyansang yumukod si Francine upang tanggapin ang kautusan. Ngumiti naman dito ang Reyna Lucia. “Mukhang malabo na tayong makukuha,” ani ng isang kalahok. “Si Francine naman na talaga ang expected na makukuha. Dinaan lang sa proseso para walang masabi ang mga tao.” “Kawawa naman tayo.” Inabot ni Lora ang kamay niya at marahang pinisil. Matipid naman siyang ngumiti rito. “Daina Bustamante.” Nagkatinginan sila ni Lora. Katapusan nya na. Daina is a strong competitor. Tahimik lang ito pero may laban din ito. Anak din ito ng isang Ministro ng isang ahensya ng gobyerno. “And the last but not the least…….” Tila tumigil ang orasan ng mga sandalling iyon. Lahat ay higit ang kani-kanilang hininga. Sa puntong iyon, hindi na nila alam kung sino ang susunod na tatawagin. Siya ba? Pero alam niyang mas marami pang higit sa kaniya sa lugar na iyon. “Loramae Feliciano.” Nagulat ang lahat sa hindi inaasahang anunsiyo. Maski si Lora ay nabigla rin. Hindi maipaliwanag ni Audrey ang nararamdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit mas nangingibabaw ang disappointment niya kaysa sa maging masaya sa pagkakakuha kay Lora. At bakit naman siya disappointed? Hindi ba dapat mas matuwa siya? Sa una naman talaga ayaw niya nang maging itinakda, hindi ba? Tiningnan niya si Lora nang nakangiti. Bakas ang pagkabigla sa mukha nito na nakatingin na rin sa kaniya. “Congrats, Lora,” bati niya sa kaibigan. “Huh?” Tila wala sa sariling tanong nito. Nagsimula na ring umingay ang paligid. Hindi dahil sa reklamo nang ilang gaya niyang hindi napili, kundi ingay mula sa iba na binabati si Francine. Sigurado na raw kasing nakuha niya na ang puwesto. Nakita rin niya ang pagyakap ng pinsang si April kay Francine. Dala marahil nang pagkalito, mabilis na tinakbo ni Lora ang harapan ng bulwagan kung saan nakatayo ang Reyna kasama ang Kalihim na nag-anunsyo. “Baka nagkakamali ho kayo. Baka hindi ho ako ang kasali,” ani Loramae na ikinatahimik ng paligid. “Sa lahat nang napapasama sa pagpili, tila ikaw pa ang hindi masaya,” ani ng Reyna sa kaniya. “Baka nagkakamali -----” Mabilis niyang tinakbo si Lora sa harapan at hinila ito. “Lora, ‘wag kang gumawa ng eksena rito, ano ka ba?” saway niya sa kaibigan. “Pero ----” Dinala niya na ito sa pinakalikod na bahagi ng hardin, sa pwestong hindi na sila gaanong mapapansin nang marami, maliban sa mga taong nasa harapan nila. “Ano ka ba? Wala tayong karapatang questionin yung resulta,” saad niya rito. “Pero, Audrey, hindi ako maaaring mapili,” diing saad naman nito na ikinatahimik niya. Oo nga pala. Hindi nga pala ito puwedeng mapasama sa last 3, at mawawalan ito ng karapatang mag-asawa. Ang pinakawalang- kwentang batas na naipinatutupad ng mga wala na yatang maisip na batas. Siya naming pagdating ni haring Reynold na nakangiting nakatingin sa kanila sa ibaba. “Nakakapanghinayang na hanggang dito na lamang matatapos ang paligsahan. Ikinalulungkot ko na kinailangang paiksiin ang proseso nang pagpili dahil na rin sa iba’t-ibang issues na lumalaganap sa paligid ngayon,” pahayag ng Hari. Isa-isang tinawag ang tatlong napili na maghaharap para sa huling pagsusulit. Lumapit sa harapan sina Francine, Daina at Lora. Isa-isa silang binati ng Hari. “Tila kulang yata ng isa sa mga napili?” ani ng Hari pagkalipas ng ilang sandal. “Ano’ng ibig mong sabihin, Kamahalan?” tanong ng Reyna rito. “Tatlo lamang ang napipili para sa huling bahagi ng paligsahan.” “Kung ganoon, dapat pala ay apat ang inyong pinili,” sagot ng Hari. “Kamahalan,” sambit ng Reyna Lucia. “I personally select Audrey Angeles as one of the finalists.” Natahimik ang lahat sa nagging pahayag ng Hari. Isa-isang lumingon sa kaniya ang iba pang mga kababaihan. May mapanuring mga mata, mga nagtataka, at ang nakangiting mukha ni Lora. Dumako ang tingin ni Audrey sa blangkong ekspresyon ng mukha ni Francine. Hindi ito natinag, habang ang pinsan naman ay nakasimangot na tinitingnan siya. “Si Audrey?” bulalas ng Reyna. “Ang napili ay ibinase sa kanilang nakuhang marka sa buong pagsusulit na ginanap. Hindi tayo maaaring kumuha base nalang sa ating personal nan ais, Kamahalan.” Bakas sa mukha ng Reyna ang pagtutol sa nagging pahayag ng Hari. Hindi sigurado si Audrey kung bakit bigla siyang kinabahan. Nagsimula na rin ang bulungan sa paligid. Maski ang mga tagasilbi sa paligid ay nagbubulungan na rin. “Mahal kong Reyna, nauunawaan ko ang nais mong sabihin, subalit hindi ko maaaring isawalang-bahala ang judgement ng ating Prinsipe Rhys.” “Si Prinsipe Rhys?” maang na tanong ng Reyna. “Oo, Reyna, si Prinsipe Rhys ang pumili kay Audrey bilang isa sa mga napili. Dala ko ang selyadong kautusan mula sa kaniya.” Dumating ang Inang Reyna Elisa dala ang isang kautusang nilagdaan mismo ng Prinsipe. Iniabot iyon sa Kalihim saka ito tumayo sa harapan ng bulwagan at inanunsyo ang laman. “Ang ikaapat na napili para sa huling bahagi ng paligsahan, si Audrey Angeles.”   --   Bumalik na sila sa kani-kanilang silid matapos ang pagg-anunsyo sa pagbabago ng paligsahan. Hindi pa rin nawawala ang mga bulungan at usapan tungkol sa nagging pahayag ng Hari at sa selyadong kautusan ng Prinsipe. Papasok na sina Audrey at Lora sa kanilang silid nang harangin sila ni Francine kasama sina Max at pinsan niyang si April. “Audrey, alam mo naman siguro na kaya ka napili ay dahil lamang sa makalumang paniniwala,” maanghang na pahayag ni Francine. “Anong paniniwala?” taking tanong naman ni April. Hindi pa pala nito alam ang mga nangyayari. “Ang swerte mo talaga, Audrey,” gatong naman ni Max. Tipid siyang ngumiti sa mga ito. “Congrats pala sa ating tatlo ni Lora,” aniya kay Francine. Francine smirked. “Alam kong alam mo naman na hinding-hindi mo ako matatalo, Audrey.” Ngumiti siyang muli rito. “Sorry, Francine pero hindi naman ako nakikipagkumpetensya sa ‘yo, ginagawa ko lang naman ang mga bagay na dapat kung gawin since nandito na rin lang naman ako. If ever man na ikaw ang hirangin, I’ll congratulate you sincerely.” Iniwan na rin nila ang mga ito pagkatapos niyon. Unti-unti nang nalalaman ni Audrey ang kalakaran sa Palasyo. Unti-unti na rin niyang naiintindihan kung bakit may mga taong nais makapwesto sa loob niyon. At kay Francine niya iyon nakikita. “Nag-aalala talaga ako,” basag ni Lora sa katahimikan sa pagitan nila. Nilingon niya ito na bagsak ang balikat habang nakaupo sa kama nito. It was Monday and a free day for all the girls. Iyon na rin kasi ang huling araw para sa mga hindi napili, kaya sinusulit na ng iba ang mamasyal sa loob ng Palasyo. “Alam mo ba ang batas tungkol sa mga hindi pinili?” tanong nito. “Ang batas na hindi na sila maaaring mag-asawa pa?” Tumango ito. “It is the most stupid law that the old dynasty made. Stupid and selfish.” Mapait na ngumiti si Lora. “Pero, sobrang saya ko na napili ka Audrey.” “Yea, napili ng propesiya. Hindi ko nga alam kung ano ba ang propesiya na iyon at saan iyon nanggaling.” “Ikaw pala ang nakasaad sa propesiya,” ani ng babaing kanina pa nakikinig sa kanilang usapan. Kaagad nilang nilingon ang nagsalita. Parehong kinakabahan sina Audrey at Lora sa kug sino man ang nakarinig sa kanila. “Kanina ka pa diyan, Daina?” tanong ni Lora. “Mula sa istupidong batas ng mga hindi pinalad na mahirang,” sagot nito kasabay nang dere-deretso nitong pagpasok at naupo sa couch sa loob ng kuwarto nila. “Welcome,” ani Lora. Tumango si Daina kahit alam nitong sarkastiko ang pagbati ni Lora sa kaniya. “Ikaw pala ang nakasaad sa propesiya,” ulit ni Daina. “Oo, ako ang napili dahil sa lumang kasulatan,” aniya. “Totoong walang silbi ang propesiya sa panahon natin ngayon, pero hindi mo pa rin naman maiaalis ang mga taong naniniwala pa rin sa mga ganoon,” pahayag ni Daina. “Don’t tell me naniniwala ka rin sa propesiya,” natatawang saad naman niya. “Wala naming choice, Audrey,” makahulugang sambit nito. “It’s not that I am siding you in this competition, but I would choose you over Francine. Hindi naman puwedeng si Lora ang mapili.” “Ano’ng ibig mong sabihin?” Nagugluhang tanong niya rito. Nagkatinginan pa sila ni Lora dahil alam nilang may laman ang mga tinuran nito. Tumayo na si Daina mula sa pagkakaupo saka akmang lalabas ng pinto nang lingunin sila muli nito. “Malalaman mo rin ang lahat, Audrey, sa ngayon, gawin mo muna ang lahat upang manalo ka sa paligsahang ito. Bumaba na rin pala kayo para sa pananghalian.” Nagkatinginan lang sila ni Lora nang makaalis ito. “Feeling ko, kakampi mo rin itong si Daina, Audrey. Hindi naman niya iyon sasabihin sa iyo kung wala lang,” ani Lora habang pababa sila sa magarang hagdan ng Palasyo. “Hindi ko siya kilala, Lora. Mahirap magtiwala sa ngayon,” mahinang sagot niya. “Totoo naman. Kaya huwag kang papakampante,” saad naman nito. “Nga pala, wala bang balita tungkol kay Manong Danny?” tanong niya kay Lora. Alam niyang nakakakuha ito ng balita dahil may dala itong cellphone sa kuwarto kahit bawal ang cellphone sa loob maliban sa miyembro ng Royal Family. Kaya nga nagtataka siya kung papaano siya nakunan ng mga pictures na ipinadala sa trabaho siya. “Wala pa, pero huwag ka nang masyadong mag-alala sa kaniya, Audrey. Kayang-kaya ni Ministro Dan yun,” sagot naman nito. Hindi niya maiwasang mapabuntong-hininga. Kahit naman ayaw niya sa ugali ni Manong Danny Loyzaga, hindi pa rin naman niya maiwasang mag-alala lalo pa at isa siya sa dahlia kung bakit nauungkat ang mga bagay na gaya nung issue nito. Dahil lang sa siya ang nakasaad sa propesiya at wala naming pwedeng masira sa pagkatao niya, nadadamay tuloy ang mga taong malapit sa kaniya. At sa tuwing iniisip nya iyon, hindi niya maiwasang matakot. Paano kung si Lora ang balingan? Si Jonas? Si Manex? Si Ace? Ang mga pamilya ng mga ito? Ang mga magulang niya? Si Art? Si Art. Hindi niya maiwasang mapangiti. Parang ang tagal na kasi nilang magkakakilala pero puro pangalan lang ang alam niya sa mga ito. Lalo na kina Ace at Art. Si Manex kasi kahit papaano nababanggit siya ni Lora. Speaking of, nasaan na nga pala ang mga iyon? Nangangalahati na ang araw pero hindi niya pa rin nasisilayan ang isa sa mga ito. Maliban lamang kay Art na nasampal niya kagabi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD