Chapter Thirteen

2025 Words
Pulitika. Sabotahe. Bagay na hindi mo maaaring paghiwalayin. Walang sabotahe kung walang pulitika. Pero bakit sa dinami-dami, siya ang sasabotahiin? Dahil ba sa propesiya? Wala naman sanang problema kung siya lang ang isasabotahe. Wala namang problema sa kaniya kung siya lang ang masasaktan. Sana nga lamang walang ibang mapapahamak. Sana walang ibang masasaktan. Ngunit, hindi porke nakapasa siya sa written exam, pinuntusan ng Prinsipe ang niluto niya at nakapasa siya sa logical exam ay umaayon na ang kapalaran sa kaniya. Hindi nagtatapos ang buhay sa swerte kundi sa kung papaano mo hinaharap ang bawat pagsubok. No one expected the huge scandal that came out not just in the Palace but in the whole country. Kabi-kabila ang balita tungkol sa abandonadong anak ni Ministro Dan. Kaya kahit na bukas pa sana ang balik niya sa Palasyo ay nagpunta na siya roon kahit linggo. Sumabay si Audrey sa ama nitong bumalik ng Palasyo.  Abala ang mga tao sa paligid ng Palasyo. Mabilis ang kanilang mga bawat paghakbang. Mukhang umikot ang mundo ng mga tao roon dahil sa paglaganap ng isang hindi kaaya-ayang balita. Inutusan siya ng ama na bumalik na sa bulwagan kung saan siya pansamantalang tumutuloy habang nagaganap ang paligsahan. Habang ang ama naman ay dumeretso sa opisina ni Minstro Dan. Kahit ilang beses siyang nagpumilit na sumama rito ay hindi siya nito pinayagan. "Magfocus ka nalang sa paligsahan. Magbasa ka, Audrey. Huwag mong abalahin ang sarili mo sa mga bagay na hindi mo nalalaman ang kalakaran." Iyon ang huling sinabi ng ama bago sila nito naghiwalay. "So, entertaining ng mga nangyayari sa palaigd," dinig niyang parunggit ni Nixie.  Hindi nalang niya iyon pinansin at kaagad na dumeretso sa silid. Akala niya'y hindi na siya nito susundan pero sumunod pa rin ito kahit hindi naman doon ang kuwarto nito. "How was it, Audrey? Hindi ka ba kinakabahan ngayon? Nasa malaking suliranin ang kaisa-isang taong sumusuporta sa iyo." Bakit ba nakakairita ang boses ng mga taong kontrabida? Humarap siya rito at nginitian. "So, feeling mo lumalaki ang tsansa mo dahil lang nasa isang malaking iskandalo si Ministro Dan? Mula ka nga sa isang prominenteng pamilya pero mas malala pa yang ugali mo sa mga walang pinag-aralan." Nakita niya ang pagpupuyos sa galit ni Nixie, pero hindi nya na ito binigyan pa ng panahong sumagot. Iniwan na niya ito. Kung saan siya pupunta, hindi niya alam. It was Sunday, at kakaunti lang ang tao sa palasyo. Hindi rin niya nakikita ang bakas ng apat na lalaki. Marahil umuwi rin ang mga ito dahil walang klase ang mga ito kapag linggo. Napabuntong-hininga nalang siyang napaupo sa upuan. Nasa hardin siya kung saan una niya unang nakita noon ang apat. Gusto niyang puntahan si Ministro Dan upang tanungin ito kung okay lang ba ito pero siguradong hindi naman ito magsasabi sa kaniya.  "Audrey!" Nilingon niya ang tumawag. Si Lora na humahangos na lumapit sa kaniya. Kunot ang noo niyang tiningnan ito nang makalapit. "Akala ko bukas ka pa?" bati nya rito. "Narinig ko kasi yung nangyari. Nagpupulong ngayon sa mga ministro sa tanggapan ng Hari. Nandoon ang Papa mo at si Papa. Nabanggit niya sa akin na nandito ka rin daw sa Palasyo kaya hinanap kita," humahangos na sagot nito. Ngumiti siya rito. Maigi na rin na nandito ito, at least may nakakausap siya. "Narinig ko rin ang mga chismosa sa paligid." Napairap ito. "Akala ba nila makakasira sa 'yo ang issue ni Ministro Dan? Naku, kapag nalaman nilang pabor sa 'yo ang ---" "Lora," pigil nito sa iba pa sana nitong sasabihin. "Huwag sanang malaman ng iba ang tungkol sa Prinsipe. Ayaw kong makalikha ng ibang issue rito sa Palasyo." "Ah. Sorry. E, kasi naman ang daming mga hitad sa paligid. Sorry na, Audrey," hinging paumanhin nito na ikinangiti nalang niya. "Okay ka lang ba?" Nag-aalalang tanong nito sa kaniya at naupo rin sa tabi niya. Marahan siyang tumango. "Feeling ko nga, kasalanan kong naungkat yung kay Ministro Dan. Kung hindi ako sumali, baka hindi ito nangyari sa kaniya," mahinang saad niya. "Audrey, ginawa lang ni Ministro Dan ang dapat niyang gawin. Inutusan siyang isali ka rito, sumunod lang siya. Pasasaan ba at matatapos din ang lahat ng ito. Magtiwala ka lang." "Ang daling sabihin, Lora. Pero, feeling ko hindi pa ito nagtatapos dito. May kasunod pa. Paano kapag napahamak kayong lahat dahil lang naging magkaibigan tayo?" "Hindi 'yan ang tamang kaisipan ng isang sumusubok maging bahagi ng Royal Family."  Napalingon sila sa nagsalita. It was Art with his g**g. Ace smiled at her. Kumaway naman si Manex sa girlfriend nito. Deretso siyang tumingin kay Art. Magkakasunod na umakyat ang apat sa kinaroroonan nilang pavilion.  "Matuto ka sanang tigilan ang pag-iisip ng negatibo, Audrey. Kapag naging Prinsesa ka, may mga taong handang magbuwis ng buhay upang pagsilbihan ka. Alam iyon ni Ministro Dan nang dalhin ka niya rito," saad pang muli ni Art. Mapait siyang ngumiti. "Bakit kailangang may magbuwis ng buhay? Hindi ko kailangan ng ganoong tao, Art." "Audrey, ganyan ang kalakaran sa Palasyo," giit naman ni Jonas. "Hindi. Hindi dapat tayo nasasanay sa ganoong dahilan, Jonas. Kung handa tayong ipaglaban ang magandang reputasyon ng Royal Family, bakit hindi ang mga taong naninilbihan at tumutulong upang mapatupad ito? Bakit kailangang may magsakripisyong iba?" "Kailangang magsakripisyo ng iilan, lalo na kung ito ay para sa kabutihan ng higit na nakararami, Audrey," sagot pa rin ni Art na ikinailing niya. Napailing siya dahil hindi siya pabor sa isinaad nito. " Art, ang Filipos ay hindi lang umiikot sa Royal Family. Ang Filipos ay ang lahat ng taong naninirahan dito. Walang dapat na magsakripisyo, dahil lahat ng tao rito ay kasing-halaga ng Royal Family." "Hindi mo naiintindihan ang punto, Audrey. Pero huwag mo na munang intindihan ang iskandalo, dapat kang maghanda dahil sa mangyayaring pagsusulit bukas," pag-iiba ni Art sa usapan. Hindi siya umimik. Pakiramdam niya, walang saysay kung mananalo siya sa paligsahan kung ganoon naman ang nangyayari sa mga taong nalalapit sa kaniya.  "Ang dapat mo nalang isipin ay kung paano mo maipapanalo ang pagsusulit bukas, Audrey," saad naman ni Lora. "May saysay bang manalo kung ganito naman ang nangyayari?" aniya. Mas itinatanong niya iyon sa sarili kaysa sa mga taong nasa paligid niya ngayon. "Dapat kang manalo kung gusto mong protektahan ang mga taong nasa paligid mo, Audrey." Lumingon sila sa nagsalita. It was Ministro Dan with her father at isang lalaking mula sa mga royal guards. Ang Papa ni Lora. Hindi niya alam kung ganoon ba siya ka-espesyal at sabay-sabay siyang dinalaw ng mga ito.  Ngumiti ang Papa niya sa kaniya, maski ang Papa ni Lora na mukhang kilala na siya.  Lumapit sa kanila ang mga ito. "Hoy, Manong, okay ka lang?" tanong niya kay Ministro Dan. She chose to act that way. "Nag-alala ka bang makakaapekto iyon sa standing mo as contestant? Tss. Alam mo bang sa lahat ng mga kalahok, ikaw ang nasa pinakahuli? Parang matatalo ka pa ni Lora e," sagot nito na ikinairap niya.  "Sabi ko naman kasing ayaw kong sumali. E, mapilit ka kaya bahala ka diyan, magtiis ka," sagot niya. She's glad that he doesn't even think that much about it. "Wala namang problema sa pagtitiis. Sanay naman na ako. Kaya sana, gawin mo rin ang part mo. Kung gusto mong protektahan ang mga kaibigan mo, ipanalo mo ang paligsahan. Tama ba ako, Art?" tanong ni MInistro Dan kay Art. Hindi niya alam kung bakit tila nag-alangan ang Papa niya at Papa ni Lora nang tumayo si Art pero kaagad din namang nakabawi nang magsalita ito. "Iyan nga po ang sinasabi namin kay Audrey pero ewanko ba, sadyang matigas ang ulo ng batang ito. Kanino kaya ito nagmana?" saad ni Art na ikinatawa nina Jonas at ikinasimangot naman niya. "Pasensya na po kayo, A-art. Hindi  ko po nagabayan nang tama ang aking anak," sagot ng kaniyang ama na bahagyang yumukod bilang tanda nang paghingi ng paumanhin. "Ayyyy--- Ano ka ba, Delfin, kanino pa ba magmamana ang anak mo kundi kay Rosanna. Siya itong ubod ng tigas ang ulo," natatawang sagot ni Ministro Dan na ikinatawa rin ng Papa ni Lora. Nang makabawi ay binalingan siya ng papa nito. "Ako nga pala si Phillip Feliciano, ang Chief ng Royal Guards. Ako ang Papa ni Lora. Kung kakailanganin mo ang tulong ko, maaari mo akong puntahan sa aking tanggapan." "S-salamat po," aniya rito. Nilapitan siya ni Lora at hinawakan siya sa kamay. Napatingin siya rito. "Audrey, may mga taong handang tulungan ka sa laban na ito kaya huwag kang susuko," ani nito sa kaniya na ikinangiti niya. "Salamat," nakangiti niyang tugon dito. Inaya siya ng ama na lumabas muna ng Palasyo para kumain. Kasama niya si Lorang lumabas. Hindi na nakasama ang apat dahil may gagawin daw sina Art at Ace at sina Jonas naman ay umuwi na sa kanila dahil tumakas lang daw ang mga ito. Si Ministro Dan naman ay umuwi na rin sa bahay nito upang kausapin ang mag-ina. Ang Papa naman ni Lora ay magrireport pa raw sa Mahal na Hari. Pumunta sila sa isang sikat na kainan sa Burnett.    "Pa, okay lang ba talaga si Manong Dan?" tanong niya sa ama habang hinihintay nila ang inorder nilang pagkain. "Oo naman," sagot ng ama. Naisip niya ang sinabi niya noon sa Ministro. Kung naisip ba nitong isali ang anak nito sa paligsahan. Kung alam lang niya ang nangyari ay sana hindi siya nakapagbitaw ng salita rito.  "Hindi anak ni Dan ang batang iyon," saad ng ama. "Inako niya dahil ayaw niyang malagay sa alanganin ang babaeng nabuntis." "Eh?" Hindi niya maiwasang magreact. Maski si Lora ay napasinghap. "Tinulungan lang ni Danny ang mag-ina. Ang sinasabing nabuntis ni Danny ay isang tagasilbi sa kusina ng palasyo. Inalis ito noon nang malamang nagdadalan-tao ito. At dahil madalas itong makitang kausap ni Danny, siya ang naturong ama ng bata." "Kung ganoon, bakit hindi pa kaagad pinatay ang issue noon pa kung hindi naman pala ito totoo?" tanong niya sa ama. "Hinayaan na lang ni Danny. Wala rin naman siyang pamilya kaya itinuring na rin niyang pamilya ang mag-ina. Ewan ko ba, talagang napakabait ng taong iyon," ani ng ama na ikinakusot ng mukha niya. "Parang hindi naman," aniya. "Mabait si Danny, 'nak. Kaya pumayag akong isama ka niya sa palasyo ay dahil alam kong poprotektahan ka niya at ni Phillip," sagot nito. "Magkakaibigan po kayo ni Papa?" tanong ni Lora. "Magkakasabay kaming nagtraining noon. Si Phillip ang pinakamagaling pagdating sa pakikipaglaban, si Danny naman ang magaling sa academics, samantalang ako naman ang pinaka----" "Magandang lalaki," sabay na sagot nila ni Lora na ikinatawa nila. "Kahit si Papa ganyan ang kuwento," natatawang saad ni Lora. "Totoo pala. Akala ko nagbubuhat lang ng bangko si Papa." Mabilis na lumpias ang oras. Pagkatapos nilang kumain ay inihatid sila ng ama niya sa Palasyo at umuwi naman ito sa bahay nila.  "Lora, mauna ka na, may dadaanan lang ako," aniya kay Lora nang makapasok na sila sa loob mismo ng Palasyo. "Audrey, saan ka na naman pupunta?" Pigil ni Lora sa kaniya nang akma siyang tatakbo palayo rito. Nilingon niya ito saka hinawakan sa kamay na nakahawak sa braso niya. "Kay Manong, kukumustahin ko lang siya," sagot niya. "Pero, Audrey," pigil pa rin ni Lora sa kaniya. "Nakaalis na si Ministro Dan." Sabay nilang nilingon ang nagsalita. Iniisip ni Audrey kung bakit lagi itong sumusulpot bigla nalang sa kung saan. Parang ito ang may-ari ng Palasyo. "Kaya nga pupuntahan ko siya 'di ba?" Pilosopo niyang sagot dito. Binitawan na rin siya ni Lora kaya sinalubong niya ng tingin ang lalaki sa harapan na kahit nasa bahaging madilim sila sa Palasyo ay lutang pa rin ang gandang lalaki nito. Why is he look so handsome even at the dark? "Bakit hindi mo nalang pagtuunan ng pansin ang paligsahan kaysa sa mga walang kwentang bagay?" ani nito na ikinapanting ng kaniyang tenga. Binabawi niya na ang mga inisip kanina tungkol dito. "Walang kwentang bagay?" Masamang tingin ang ipinukol niya kay Art. "Oo. Walang kwentang bagay," sagot pa nito. At hindi niya alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob pero lumipad ang kamao niya patungo sa kaliwang pisngi ni Art. "Serves you right," aniya saka niya ito iniwan.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD