Chapter Twelve

2015 Words
"How was the game?" tanong ni Art sa kaniya habang naglalakad sila sa makulay na paligid ng Burnett City. Naglalakad sa unahan sina Jonas at Divine habang si Ace ay nagpaalam dahil may kailangan daw itong gawin sa Palasyo. Kung anuman ito hindi na nito binaggit at nagtanguan nalang sila ni Art. At sila naman ni Art ay mabagal na naglalakad sa likuran nina Jonas at Divine na mukhang mabilis na nagkasundo dahil magkapareho sila ng personality. "Shoot lang," sagot niya. "Sabi ko naman sa'yo, hindi ako nag-iexpect na mapipili." "You can say that," sabi naman nito kaya napalingon siya rito. "People don't really want to be with the Prince just because they wanted to. Karamihan ay dahil lamang sa kanilang personal na interes." "It is very unusual of you na humuhugot ka," komento niya sa saad nito. "Sinasabi ko lang. He will be very lucky to have you beside him." Napahinto siya sa sinabi. Art was still walking. Nakatingin lamang siya sa likuran nito. Pinipilit na arukin ang huling sinabi nito. She saw Jonas and Divine stopped facing the huge fountain. Ganoon din ang ginawa ni Art. Unconciously, napaangat din siya ng tingin sa mga makukulay na tubig na ibinubuga ng fountain. At marahil nais ng pagkakataong sumabay sa kakaibang nararamdaman niya ng sandaling iyon, the fireworks display started. Nanatili silang nasa ganoong posisyon hanggang matapos ang fireworks display. It was already 12 am. Nagyaya nang umuwi si Divine dahil may pasok pa raw ito kinabukasan kaya nagpaalam na siya sa dalawa. Hinintay sila nitong makasakay ng bus pauwi sa kanilang ruta. Bago siya tuluyang makasakay sa bus, nilingon niya si Art na tahimik lamang mula noong matapos ang fireworks display. "If you think that he will be lucky to have me, then I promise that I won't leave his side. Kahit na ba mas maraming magtatangkang alisin ako sa tabi niya." She smiled at him. And for the first time after forever, she saw him smiled. *** Pagtatagpuin. Kapalaran pag-iisahin. Tadhana'y paglalapitin. Iisang hangarin. Iisang damdamin. Pilit babaliwalain. Kapalarang 'di matatakasan. Damdaming 'di mapipigilan. Tadhana'y mangyayari. Pag-iibigang maghahari. Napabalikwas siya nang bangon sa higaan. Nilingon niya ang alarm clock sa mesa niya. Bakit parang pakiramdam niya tumunog iyon? Naiiling nalang siya sa sarili. Napahinto nang maalala ang nangyari kagabi. Napangiwi siya. Pabagsak na muling nahiga sa kama kasabay nang pagtalukbong ng kumot. Saka maktol na napapadyak ng mga paa. "Gaga ka, self! Kung anu-anong sinabi mo ka Art! Nakakahiya ka!" Ani niya sa sarili habang patuloy na nagpapapadyak. Natigil lang siya nang may magsalita. "Mukha kang tanga!" Masamang tingin ang ibinigay niya kay April. Pero kalahati ng sarili niya ay sumang-ayon sa tinuran nito. Mukha nga siyang tanga kagabi. "Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong niya kasabay nang pagbangon. Sinimulan din niyang ayusin ang hinigaan. "Itutuloy mo pa rin ba ang kumpetisyon, Audrey? Alam nating wala kang chance manalo," anito. Nilingon niya ang pinsan. Nakacross arms ito at sa paningin niya, mukha itong kontrabida sa mga teleseryeng napapanuod niya. "E ikaw ba, April? Tingin mo ba may chance ka?" deretso niyang tanong dito. "Well, I am better compared to you naman," puno ng kumpiyansang sagot nito. Hindi niya mapigilang matawa. "Ano ba talagang problema mo sa'kin?" "Pinsan kita, Audrey. Ayaw ko lang kasi na mapahiya ka at masaktan kapag hindi ka napili." "Wow! Talaga ba? Mukhang hindi naman ako ang masasaktan at mapapahiya kapag hindi napili. Hindi naman kasi sina Papa at Mama ang malaki ang expectations na mapipili ako." Nagsimula nang tumalim ang tingin sa kaniya ng pinsan. "Sa tingin mo ba, mapipili ka dahil sa suporta ng Punong Ministro? Hindi mo alam na malapit na siyang mapatalsik sa puwesto. Hindi ka niya matutulungan, Audrey, kaya huwag kang masyadong mayabang." "Huwag mong idinadawit sa kagagahan mo ang Punong Ministro, April." Banta niya sa pinsan. "Mayroon siyang malaking eskandalong malapit nang malaman ng buong sambayanan, Audrey. At tiyak na magiging kawawa ka lang dahil mawawalan ka ng kapit sa Palasyo. Wala rin namang magagawa ang Papa mo dahil guwardiya lang siya sa Palasyo." Hindi niya lubos na maunawaan ang mga sinasabi ni April pero malakas ang kutob niyang kay Francine nito nakuha ang mga impormasyong lumalabas sa matabil nitong dila. Francine. Anu-ano pa ang mga kaya nitong gawin? "At ikaw naman, April, sa tingin mo ba talaga tutulungan ka ni Francine na makapasok kapag tinulungan mo siyang maipakalat ang eskandalong sinasabi mo tungkol kay Ministro Dan? Akala ko ba, matalino ka? Bakit yata hindi mo alam na ginagamit ka lang tuta ni Francine?" "Bawiin mo ang sinabi mo!" Marahas siyang nilapitan ni April saka hinaklit sa braso. Nanlilisik na rin ang mga mata nito sa kaniya. At siguro'y dala nang bugso ng kani-kanilang damdamin, malakas niyang binawi ang braso mula sa pagkakahawak ni April sa kaniya at malakas niya itong naitulak dahilan upang bumagsak ito sa kaniyang kama. "Huwag mo akong aangasan, lalo at dito sa loob ng bahay namin!" Puno nang pagbabanta niyang saad. "Hindi ko alam kung ano ba talagang problema mo sa akin. Ikaw na rin nagsabi na mas magaling ka, mas matalino, mas maganda, pero nakakabobo 'yang ginagawa mo. Buti pa, umalis ka na. Magfocus ka nalang para sa sarili mo." "Ang yabang mo talaga!" Galit na saad nito saka tumayo at inayos ang sarili. "Tandaan mo ito, Audrey. Hinding-hindi ka makakalamang sa akin." Pahabol nito saka lumabas ng kuwarto niya. Badtrip talaga 'tong pinsan niya. Kay aga-aga, kagigising lang niya tapos ganito ang ibubungad nito. Hindi rin niya matukoy kung kailan at papaano ito nagsimulang maasar sa kaniya. Sa pagkakatanda niya, close naman sila nito. Ito ang una niyang nakasundo mula nang magpasya silang mag-anak na manirahan malapit sa mga kamag-anak ng mama niya. Madalas silang magsabay pumasok noong nasa primary pa sila. Nagbago lamang ang lahat, nasa high school sila. Mas madalas siyang nag-iinitiate na kausapin ito at lapitan, si April lamang ang umiiwas at nagdadahilan. Akala niya'y sadyang busy lang ito, hanggang sa hindi na lang niya namalayan, mas madalas pa silang magbangayan kaysa magkasundo. Pinili na lamang niyang lumayo rito kaysa makipagtalo. Wala rin naman kasi siyang mapapala. "Audrey, kakain na," tawag ng ina mula sa ibaba. "Nandyan na po," sagot naman niya. Napailing nalang siyang tinapos ang pagliligpit sa kama. Mas lalo yatang madaragdagan ang lamat sa pagitan nilang magpinsan dahil sa paligsahan. "Ma, puwede bang palagyan ng lock yung kuwarto ko? Nakakapasok kasi yung ibang tao rito." Pasigaw niyang sabi sa ina habang pababa ng hagdan. *** "Buti naisipan mo pa'ng pumasok, Inday," bati ng EIC nilang si Mr. Co. Wala naman kasi talaga siyang balak magpakita rito kaya lang nagkataon na nagruroving ito sa bawat department at huli na bago pa siya nakatakbo sa banyo. "May ginawa lang po ako," magalang niyang katwiran. "Wow! Ano pa bang mas productive ang gagawin mo kaysa sa ginagawa mo rito sa opisina, aber? Baka nakalimutan mo nang magbilang, Ms. Angeles, sampung-araw ka nang AWOL. On-going na nga ang papers mo for AWOL case." "Sir," napakapit siya sa braso nito. "Sorry na po. Magpafile nalang po ako ng Emergency Leave. Emergency naman po kasi talaga 'yong ginawa ko." Iwinaksi nito ang kamay niya. "I'm sorry too, Ms. Angeles. Marami tayong protocols na kailangang sundin." Tinalikuran siya nito. "Sir," habol naman niya. Balak niya pa itong sundan nang lumapit dito ang secretary nito at may ibinulong. Saka naman tila nangangarag na lumabas ng department nila si Mr. Co. "Ano ba kasing nangyari, Audrey? Almost one week kang wala," ani sa kaniya ni Edgar, kasamahan niya. Nakasimangot nalang siyang napaupo sa mesa niya. Alangan namang sabihin niyang nasa Frost Palace siya at nakikipag-gyerahan sa mga babaing kalahok sa paligsahan. Pagtatawanan lang siya ng mga ito. "Audrey, tawag ka sa opisina ni Boss," sabi sa kaniya ng isa pa nilang kasamahan. Napatingin siya kay Edgar na mukhang nag-aalala na sa kaniya. Hindi tuloy niya malaman kung ano ang unang pagsisisihan, ang pagsali sa paligsahan o ang pagpasok nang araw na iyon. Dumeretso siya sa opisina ni Mr. Co. Siya kasi ang overall in charge sa buong floor nila. At pramis, iba magbunganga ang bakla. Tatlong mararahang katok ang ginawa niya. Nang marinig niya ang boses nito mula sa loob ay pinihit niya na ang seradura at pumasok. Huminga muna siya nang malalim bago humarap sa mesa ng EIC niya. "Sir," bati niya rito. Tumikhim ito saka sinenyasan siyang lumapit, na agad din niyang sinunod. "Nabanggit ko ang case mo for AWOL." Panimula nito na ikinatango niya. "Masyado nang marami ang inilalabag mo sa kumpanya na ito, Audrey. At dahil ako ang EIC mo, alam mo naman sigurong sumusunod lang ako." "Ano po ba ang gusto ninyong sabihin?" Natitense niyang tanong. Ang dami pa kasing pasikut-sikot, hindi nalang tumbukin ang gustong sabihin. "Nakarating sa itaas na sumali ka sa paligsahan sa Palasyo ng Filipos." Deretsong saad nito sa kaniyang ikinabigla niya. Tila natuod siya sa kinatatayuan. Hindi siya nakakibo. Mabilis din ang t***k ng kaniyang puso. Hindi nila puwedeng malaman ang bagay na iyon. Nagsalitang muli si Mr. Co. "Hindi ko alam kung ano ang nakain mo at nagawa mo'ng lumahok sa bagay na iyon. Hindi naman sa bawal siya pero girl, huwag ka nang umasa." Halos mabuwal siya sa sinabi nito. "Alam mong mga galing lang sa prominenteng pamilya ang napipili. Masasaktan ka lang." "May problema ho ba kayo sa akin?" Naiinis niya nang tanong. Simpleng pang-iinsulto kasi ang tono nito. "Anyway, alam mong nasa printing and publishing company tayo. Bawal tayong mainvolve sa anumang political interest, alam mo naman 'yon hindi ba?" Makahulugang sambit nito at nasisiguro niyang hindi maganda ang kahulugan nang sinabi nito. "Pero---" "Audrey, mamili ka. Iwiwithdraw mo ang paligsahan o magriresign ka? Kapag nagwithdraw ka, I'll cancel the AWOL case. Promise!" Nakangiti pang sabi nito. Hindi niya malaman kung nang-aasar ba ito o ano.  Napabuntong-hininga siya. Either sa pagpipilian, wala siyang mas magandang option. Parehong walang kasiguraduhan. Hindi naman kasi porke siya ang itinakda siya na ang mapipili. At kilala niya si Mr. Co, wala siyang tiwala rito. "Puwede ko po bang malaman kung sino ang nagsabing sumali ako sa paligsahan? Baka malay n'yo naman nagkamali lang siya." Imbes na sumagot ay may kinuha ito mula sa drawer at inilabas nito ang isang brown envelope. Inilabas nito mula roon ang mga larawan kung saan ay nasa palasyo nga siya. Kunot noo niyang pinakatinitigan ang bawat litrato. Sinadya iyong kuhanan siya. Mga palihim na kuha. "Ngayon, Audrey, itatanggi mo pa ba?" tanong ni Mr. Co sa kaniya. *** "Bakit ko naman ipagkakalat na sumali ka sa paligsahan? E hindi ka pa naman sigurado kung mapipili ka nga. I will be proud kapag nakoronahan ka na," litanya ni Divine nang magkausap sila sa cafeteria ng kumpanya. Tinawagan niya ito upang magsabay sila ng tanghalian. "Hindi ko naman sinasabi na ikaw. Hindi ko lang alam kung bakit at papaano," naiinis niyang saad. "May mga pictures 'ka mo. Baka naman may sumasabotahe sa 'yo." "Sino? At saka bakit ako? Wala naman siyang mapapala kapag ginawa niya ito," sagot naman niya. "Alam mo, bes, 'yang paligsahan, pulitika rin yan. Iyong mga naghahangad ng posisyon, lahat gagawin nila para makuha iyon." Pulitika. Kapag nababanggit iyon, isang tao lang ang sumasagi sa isip niya. Si Francine. Pero kilala niya ito, hindi bababa sa ganoong lebel si Francine para lang mapatalsik siya. Malaki ang kumpyansa nito sa sarili na makukuha nito ang posisyon. Kung hindi si Francine, ibig sabihin may iba pang naglalayon na mapaalis siya. Oo nga at hindi sila magkasundo ni April, pero wala itong kakahayang mag-utos ng tao mula sa Palasyo na kuhanan siya ng litrato. Si Max? Mukhang imposible rin.  "Bakit, lahat ba ng kalahok, kilala mo? Gaano ka kasigurado na iyong iba, hindi maghahangad na mapaalis ka?" tanong naman ni Divine nang sabihin niya ang naisip kanina. "Bakit ako?" tanong naman niya. Ilang beses ba siyang nangulelat sa paligsahan. Kahit na ba alam ng mga kalahok na siya kuno ang itinakda sa propesiya, kampante silang malalamangan siya ng mga ito dahil kulelat siya sa nasabing paligsahan.    "Kasi ikaw, si Audrey Angeles. Ikaw 'ka mo ang nakasaad sa propesiya."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD