Ang paligsahan ay ipinatupad ilang dekada na ang nakalipas. Iyon ay upang magkaroon ng karapatan ang kahit na sino na maging bahagi ng Royal Family, which is at some point, Audrey disagreed.
Hindi naman kasi dapat gawing paligsahan ang pagpili ng magiging asawa ng susunod na hihiranging Hari. Dapat ay hayaan na lamang ang Prinsipe na makapamili ng babaing kanilang iibigin. Nang sa gayon, maging maayos at matiwasay ang pagsasama nila.
Kaya sa kung sino man ang nakaimbento ng paligsahang iyon, pakyu sila lima.
"Ano'ng iniisip mo?" tanong sa kaniya ni Lora.
"Iniisip ko kung paano ang tamang pagtadtad ng karne at paglinis ng isda," naiiyak niyang sagot.
Ang paligsahan kasi nila sa araw na iyon ay pagluluto.
Kumbinsido na talaga siyang hindi para sa kaniya ang paglahok.
"Turuan kita. Tumingin ka muna sa akin kung paano, bago ka magsimula," nakangiting saad ni Lora.
Nabuhayan siya ng loob kaya masigla siyang tumango. Ngunit dahil sadyang hindi umaayon ang kapalaran niya sa kaniya, may kontrabidang umeksena.
"Bawal ang magturuan. Bawal ang magkopyahan. Sa paligsahang ito masusukat kung marunong ka sa gawaing bahay. Dito malalaman kung karapat-dapat ka ngang mapangasawa ng Prinsipe," wika ng Punong Tagapamahala sa Kusina.
Bawat departamento sa Palasyo, gaya ng pagamutan, kusina, tagasilbi, tagalaba at plantsa, mayroong mga nakatalagang Punong Tagapamahala. At sa kusina ay si Aling Stella. Nakita yata sila nitong nag-uusap kaya muli na naman itong nagpaalala habang umiikot ito isa-isa sa kanila.
Lord, kunin n'yo na po ako.
Iyon ang kanina niya pa ipinagdarasal, nang malaman niyang ang titikim ng kanilang niluto ay ang Mahal na Hari at ang itinakdang Prinsipe.
Oh, goodluck self.
Marunong naman siyang magluto, pero wala naman kasing batas sa bahay nila nang tamang pagtadtad ng karne. Depende na iyon sa nagtitinda sa palengke.
***
Hindi maitago ng Prinsipe ang sabik na nararamdaman nang malamang tapos na ang paligsahan sa pagluluto at inihanda na ng mga babaing kalahok ang bawat niluto ng mga ito.
Sa isang solong gusali kung saan ginaganap ang dinner or lunch meetings ng mga piling pinuno ng kawani sa loob at labas ng Palasyo gaganapin ang paghuhusga. Isa-isang ipapasok ng mga tagasilbi ang mga inilutong pagkain at isa-isang hinahain sa kanilang harapan ng Hari.
"Wala ka bang balak na magpakilala sa mga kalahok, Rhys?" tanong ng kaniyang Amang Hari.
"Saka na po. Hindi niya pa ako kailangang makilala ngayon," sagot niya.
"Si Audrey. Sana lamang ay makapasa siya sa paligsahang ito. Para sa ikatatahimik ng mga mamamayang naniniwala sa suwerteng dala ng propesiya."
"Hindi lang sana siya maging kampante dahil siya ang nakasulat sa propesiya. Kailangan din niyang patunayan ang sarili niya na karapat-dapat siya," tugon naman niya.
Tumango-tango ang Hari sa sinabi niya. "Naniniwala naman akong magagawa niyang malampasan ang lahat ng naghihintay na pagsubok sa kaniya." Sinimsim ng Hari ang kopita ng alak na nasa kaniyang gilid.
Isa-isang ipinasok ng mga tagasilbi ang mga pagkaing iniluto ng mga kalahok na kababaihan.
"Akala ko ho ba'y hindi kayo naniniwala sa propesiya," taka niyang tanong sa Hari.
Ngumiti ito. "Minsan ko nang nakaharap si Audrey. At naniniwala akong magagampanan niya ng maayos ang posisyon ng isang Reyna."
Hindi umimik ang Prinsipe. Nang buksan ng isang tagasilbi ang takip ng unang platong inihain sa kanila ay halos hindi niya ito magawang tingnan. Hindi niya kilala ang luto at lalong wala siyang balak na alamin kung sino ang nagluto niyon. Hanggang sa may mga sumunod pang platong inihain. Iba't-ibang putahe ang mga iniluto ng mga kalahok. Mas marami yata siyang tinanggihang tikman. Paniguradong maraming babagsak sa pagsusulit na iyon.
At dahil isa sa mga rules ng paligsahang iyon ang hindi pagbanggit ng pangalan nang nagluto, wala siyang ideya sa naging luto ni Audrey. Hinihiling na lamang ni Rhys na sana ay hindi napasama si Audrey sa mga lutong tinanggihan niya.
***
"Balita ko mas maraming luto ang tinanggihan kaysa sa talagang kinain ng Hari at ng Prinsipe," ani Lora kay Audrey. Kasalukuyan silang nagpapahinga habang naghihintay ng resulta sa naging pagsusulit.
Napabuntong-hininga si Audrey. Sigurado siyang isa ang niluto niya sa mga tinanggihan. Masyadong common ang putaheng niluto niya. Malamang sa malamang ay umay na umay na ang Hari at ang Prinsipe sa lutong ginawa niya.
"Masyado kasing pihikan sa pagkain ang Prinsipe kaya gan'on." Isang boses ang nagsalita.
Nang lingunin nila, ito ay walang iba kundi si Francine at ang mga alipores nito kasama sina Max at April.
"Paborito niya ang Oha, isang Ainu soup. Iyon ang iniluto ko para sa kanila ng mahal na Hari," ani Francine.
"No one's asking," nakairap na bulong ni Lora sa kaniya.
Nginitian niya si Francine. "Ang importante naman doon ay nabusog ang Hari at ang Prinsipe."
Pinagtaasan siya ng kilay ng pinsan. "Importante pa rin ay kung makapasa ka."
Hindi na lang niya ito pinansin. Hanggang sa dumating na ang namuno ng paligsahan. Lahat ng mga babaing kalahok ay tuwid na tumayo s aharap ng Pinuno sa Kusina. May hawak itong papel na marahil nakasulat doon ang mga pangalan ng mga pumasa.
"Iaanunsyo ko ang mga binigyan ng puntos ng Hari sa hindi magkakasunod na paraan," wika ng Pinuno sa Kusina.
"Francine." Unang tawag ng Ginang.
"Hindi raw sunud-sunod base sa puntos pero si Francine ang inuna," bulong ng isang babaing kalahok mula sa kaniyang likuran. Hindi na lamang umimik si Audrey. Masaya siya para kay Francine. Sa tingin niya ay karapat-dapat din naman si Francine. Kilala nito ang Prinsipe kaya mas madali nitong magampanan ang tungkulin ng isang Reyna.
May anim na babae ang binigyan ng puntos ng Hari. Kasama roon sina Max at Lora. Si April ay halos maiyak na nang hindi nito marinig ang pangalan. Nabuhayan lamang ito ng loob nang muling magsalita ang Ginang.
"At ang nag-iisang binigyan ng puntos ng Prinsipe....," may pabiting saad ng Pinuno sa Kusina, "Audrey."
Lahat ay nagulat. Lahat ay nabigla. Lahat tumaas ang kilay. Lahat iba ang naging tingin sa kaniya.
"Binabati kita Audrey. Sa lahat, ang luto mo ang pinaka-nagustuhan ng Prinsipe," sabi sa kaniya ng Pinuno sa Kusina saka ito bumaling sa lahat. "Sa mga hindi natawag, huwag mawalan ng pag-asa, bawi na lamang kayo sa sunod na pagsusulit. Bumalik kayong lahat dito sa ikadalawa ng hapon para sa ikalawang pagsusulit sa araw na ito."
***
"Congrats Audrey," bati sa kaniya ni Lora habang naglalakad sila pabalik sa tinutuluyan.
"Tsamba lang iyon," nakangiti niyang tugon.
"Sus! Humble," natatawang tudyo ni Lora.
Nagtatawanan lamang sila nang harangin sila ng mga alagad ni Francine na pinangungunahan ni April at Max. Hindi niya mapigilang mapairap.
"Ano'ng espesyal sa iniluto mo at ikaw lang ang binigyan ng puntos ng Prinsipe?" Nakataas ang kilay ng isang babaeng kasama rin sa mga kalahok. Kung hindi siya nagkakamali, Nixie, ang pangalan nito.
"Bakit, Nixie? Kayo lang ba ang may karapatang bigyan ng puntos?" tanong ni Lora rito. Bahagya niyang pinisil ang braso ni Lora, inidikasyon na nagsasabing huwag na lamang nila itong patulan.
"Hindi kami. Pero ang iniluto ni Francine ay paborito ng Prinsipe, imposibleng hindi iyon nagustuhan ng Prinsipe!" sabad naman ng isa pa na tinugunan naman ng iba pa ng tama, tama.
"Wow! Talagang gagawin mo ang lahat ng klase ng pandaraya para lamang makapasa ka at mapili, Audrey. Bilib na talaga ako sa 'yo," sarkastikong saad ni Max.
Isang tinig naman mula sa kanilang likura ang nagsalita.
"Kung sa tingin ninyo ay nandaya si Audrey, maglabas kayo ng patunay."
Nilingon nila ang nagsalita. At gayon na lamang ang gulat ng mga babaing kalahok nang makilala ito. Si Ace kasama sina Jonas at Manex. Kumaway si Manex kay Lora na agad namang nilapitan ng dalaga. Kumapit ito sa braso ng nobyo at tila nagsumbong, "palagi nalang nilang binubully si Audrey."
"Nais ko lamang ipaalala sa inyo na ang paligsahang ito ay hindi lamang sinusukat sa talino at sa gradong makakamit ninyo pagkatapos. Kung nais ninyong mapasama sa pagpipilian at makatagal pa sa paligsahan, iwasan ninyong manapak ng kapwa ninyo kalahok," ani Manex.
"Ano'ng hindi nagustuhan ng Prinsipe sa iniluto namin? Bakit si Audrey lang ang napili? Samantalang simpleng putahe lang iyon mula sa katabing bansa natin ang iniluto niya," tanong ni April.
"Imbes na tanungin mo ang pagkakapasa ni Audrey, bakit hindi mo subukang tanungin ang sarili mo kung bakit hindi ka nakapasa?" deretsong sagot ni Jonas.
"Kung kinukuwestiyon ninyo ang puntos ng Prinsipe, bakit hindi siya ang tanungin ninyo?" balik-tanong naman ni Ace. "Mawalang-galang na at kailangan pa naming dalhin si Audrey sa tanggapan ng Punong Ministro." Hinawakan siya ni Ace sa kamay saka hinila palayo sa mga babaing iyon.
---
Naabutan nila si Art sa tanggapan ng Punong Ministro nang dumating sila roon. Seryoso ang mukha nito habang malapad naman ang ngiti ni Ministro Dan.
"Binabati kita Audrey. Sadyang totoo nga yata ang linyang, the way to a man's heart is through his stomach. Mukhang nahuli mo ang puso ng Prinsipe sa niluto mo," pang-aasar ng Ministro.
"Hindi applicable ang linyang yan sa Prinsipe," sabad naman ni Art.
"Talaga ba?" pang-aasar naman ni Manex. At nagkatawanan ang mga lalaki. Nagkatinginan lang sila na Lora na halatang hindi nakakasabay sa pinag-uusapan ng mga ito.
"Sige lang, tawa lang. Kabagan sana kayo," aniya. Tumikhim lang ang Ministro habang deretso at seryoso naman siyang tiningnan ni Art. Naiilang nalang siyang naupo sa katapat nitong upuan. "Ano'ng mayroon at ipinatawag mo ako rito?" tanong niya sa Ministro.
"Para batiin ka," mabilis na sagot nito.
Inirapan niya ito at nadako naman ang tingin niya sa mataman pa ring nakatingin na si Art.
"Masama na bang kausapin ang apple of the eye ni Prinsipe Rhys?" tanong ng Ministro.
Napabuntong-hininga siya. "Tigilan n'yo 'ko."
"Gusto ng Prinsipe na makuha mo ang posisyon, Audrey. Hindi mo lang alam kung gaano kami pinilit n'on na ---"
Marahas siyang lumingon sa nagsalitang si Jonas. Hinampas naman ito ni Lora habang mahinang binatukan naman ni Manex.
"Pinilit na ano?" Kunot ang noong tanong niya rito.
Pilit lang itong ngumiti sa kaniya. "W-wala Audrey."
"Pinilit kayo ng Prinsipe for what?" madiin niyang tanong muli.
"He asked kung ano ang niluto mo," sagot ni Ace. Napaiwas ito ng tingin. Inilibot niya ang paningin sa mga ito. Nag-iwas naman ng tingin si Lora sa kaniya.
"Alam mo ang tungkol doon, Lora?" tanong niya.
Tumango ito. "Sorry Audrey."
"You should be thankful instead of being disappointed." Art and his remarks.
"Should I?" Marahas siyang tumayo mula sa silyang kinauupuan. "Thanks then."
Iniwan na niya ang mga ito.
Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman ng mga sandaling iyon. Baka disappointed nga siya. Sino ba naman ang hindi? Ang akala niya ay totoong na-appreciate ng Prinsipe ang iniluto niya. Iyon pala ay alam nito ang niluto niya.
Hindi naman kasi siya kagalingan magluto. Mas madalas pa ring ang Ina niya ang nagluluto sa bahay nila. Ang alam lamang niyang lutuin ay mga usual na kinakain ng isang payak at ordinaryong pamilya. Iyon ngang sinabi ni Francine na Oha Soup ay ngayon lamang niya narinig.
Kaya nang marinig niya ang pangalan niya nang banggitin ito ng Pinuno sa Kusina bilang nag-iisang binigyan ng puntos ng Prinsipe ay nag-iba ang pakiramdam niya. Masaya siyang mapili. tipong lahat ng pinaghirapan niyang buong-buong naibalik. Sobra-sobra pa nga. Iyon pala, sinadya ang lahat. Unfair pa nga para sa iba.
Naalala niya ang sinabi ni Max. Para ngang isa iyong pandaraya.
Deretso siyang nagtungo sa hardin kung saan siya madalas magtungo. Sa lugar na iyon, walang mga mapang-inis na presensiya nina Max at April.
"Hindi mo kailangang mag-walk out dahil lamang doon, Audrey."
Napairap siya. Gusto niyang mapag-isa pero heto at sinundan siya ni Art na pinakahuling taong nais niyang makasama kapag ganitong halo-halo ang nararamdaman niya. Hindi niya nais pakisamahan ang cold nitong katauhan.
"You know what's best for you to do right now? It's to leave me alone," nakairap niyang saad.
"Well, hindi ko naman talaga balak na samahan ka rito subalit may nais lang akong sabihin kanina na hindi ko na nasabi dahil umalis ka."
Art and his reasons.
"Ano ba kasi 'yon?"
"You are so lucky that the Prince sided you in this." Nilingon niya ito nang sabihin nito ang mga katagang iyon. It was like a de javu.
"Yea right. I should focus and do everything that I can. Hindi ba sinabi mo na rin 'yan?"
Mataman siya nitong tiningnan kaya nag-iwas siya ng tingin.
"I will be away for the next days."
Muli niya itong tiningnan nang magsalita ito.
"Oh! Ingat," she said awkwardly.
"Huwag kang gagawa nang anumang hakbang na maaaring ikapahamak mo."
"Kung magsalita ka naman parang napakacareless ko."
"Who knows?"
Masama niya itong tiningnan.
"Play the game well, Audrey."
"Well and unfair," bulong niya.
"Hindi ka pinili ng Prinsipe dahil alam niyang ikaw ang nagluto niyon. He certainly liked your dish."
Muli niya itong tiningnan. Art placed his hand to her head. "Take care of yourself while I'm away. And never compare yourself to anyone else. You are way better than them."
And suddenly, she felt like there were butterflies flying around them.