Chapter Ten

2005 Words
Napabuntong-hininga nalang si Audrey habang tahimik na nakaupo sa silyang laan para sa kaniya. Ilang beses na ba siyang napapabuntong-hininga? Hindi na nga yata niya mabilang. Kasalukuyan silang naghihintay kay Aling Stella, Punong Tagapamahala sa Kusina, para sa ikalawang pagsusulit nila sa araw na iyon. Hindi niya maintindihan ang sarili. Bakit tila mabigat ang katawan niya? Para tuloy siyang magkakasakit. "Magandang hapon, mga kadalagahan ng Filipos," bati ni Aling Stella sa kanila. "Magandang hapon din po, Aling Stella," koro naman nilang bati pabalik. Ngumiti sa kanila ang Ginang. May lumapit ditong isa sa mga tagasilbi na may dalang isang sinag na lalagyan na may nakalumpong papel sa loob nito. Sinenyasan ng Ginang ang tagasilbi na kaagad namang tumalima. "Kailangan ninyong ihanda ang inyong mga sarili sa bawat katanungang maaari ninyong kaharapin. Ang ikalawang pagsusulit ay susubok sa inyong kakayahang mag-isip ng mabilis. Tatayo kayo at bubunot ng isang palaisipan at sasagutin ninyo ito kaagad. Kapag nasagot ninyo ang tanong, maaari na kayong maupo." "Handa na ba ang lahat?" Tumayo silang lahat at magalang na yumukod upang magbigay pugay sa Inang Reyna, Hari at Reyna. Nagsimula na ring magbulungan ang mga kalahok. "Ang mga Kamahalan ang magsisilbing husgado sa pagsusulit na ito," ani Aling Stella. Naupo ang mga kalahok nang makaupo ang Inang Reyna, Hari at ang Reyna sa kani-kanilang upuan. "Magsisimula tayo kay Francine," tawag ng Punong Tagapamahala kay Francine na kaagad tumayo at nagtungo sa harapan. Bumunot ito ng isang papel saka marahang binuklat. Hindi kababakasan ng kahit kaunting kaba o pag-aalala sa mukha ni Francine. Mukhang kumpiyansa itong masasagot nito ang anumang katanungan. "Isang binata ang nakipag-usap sa Hari na nais nitong mapangasawa ang Prinsesa. Nakipagdeal ang Hari na ibobola bukas ng umaga ang dalawang papel na naglalaman ng "Oo" at "Hindi". Anuman ang lumabas sa bunutan, iyon ang kasagutan ng Hari. Subalit napag-alaman ng binata na isinulat ng Hari sa dalawang papel ay parehong "Hindi". Ano ang gagawin niya upang matuloy ang kasal nito sa Prinsesa?" Nagsimulang mangamba ang lahat. Maraming ang napaisip at nag-aalala sa makukuha nilang tanong kapag sila na ang nasa harapan. Samantala, kumpiyansang inilapag ni Francine ang papel sa mesa at ngumiti sa Royal Judges. "Kailangan niyanh bunutin ang isang papel at punitin ito, saka niya hihilingin sa Hari na basahin ang papel na naiwan. Ang sasabihin ng Hari ay salitang "Hindi" kaya tiyak ang iisipin ng mga mamamayan ay "Oo" ang papel na nabunot ng Binata," buong kumpiyansang sagot ni Francine na kaagad umani ng paghanga mula sa kapwa nito kalahok maging kay Audrey. "Napakahusay, Francine," bati ni Reyna Lucia sa dalaga. Magalang na yumukod si Francine sa tatlo at bumalik sa upuan nito. Binati naman ito ng ibang kalahok dahil sa matalinong sagot nito. "April," tawag ng Punong Tagapamahala sa pinsan niya. Kabado namang tumayo si April at lumapit sa mga ito at bumunot ng tanong. Huminga ito ng malalim bago inumpisahang basahin ang tanong. "May sunog sa ikalabing-dalawang palapag ng isang gusali. Isang lalaki ang nataranta at tumalon sa bintana. Paano ito nakaligtas?" Basa ni April sa tanong. Sandali itong napatingin sa mga husgado. "Hmmmnnn. Baka po may nakalatag na kutson sa kalsada kaya hindi siya napuruhan?" "Paano ka nakasisigurong may kutson sa kalsada ng mga sandaling iyon?" tanong ng Inang Reyna sa kaniya. "Huh? Ah eh." Napaisip si April. "Salamat April sa iyong kasagutan," sabi Reyna Lucia sa kaniya. Magalang na yumukod lang si April sa mga ito saka bumalik sa upuan nito. "Sunod, Lora Mae." "Opo," mabilis na sagot ni Lora saka lumapit sa mga ito at magalang na yumukod. Bumunot ito ng isang papel at binasa ang laman niyon. "Ano ang kaya mong itago na hindi mo puwedeng ibahagi na kapag ibinahagi mo ay hinding-hindi mo na ito maitatago pa?" Tahimik lang ang lahat matapos marinig ang katanungang nabunot ni Lora. Ang iba'y napapaisip habang ang iba'y naghihintay ng sagot mula kay Lora. "Sikreto?" patanong na sagot ni Lora. Halatang hindi ito sigurado sa sagot subalit nagsalita ang Punong Tagapamahala. "Mahusay, Lora. Maaari ka nang maupo," anito. "Talaga po? Salamat po," masayang saad nito saka magalang na yumukod at bumalik sa puwesto. "Sunod, Audrey," tawag sa kaniya ng Punong Tagapamahala. Maingat siyang tumayo at lumapit sa harapan. Bumunot siya ng isang papel at binasa ang palaisipan. "Galing ka sa isang bakasyon at kailangan mong dumaan sa isang baryo, ang Baryo Uno. Nasa gitna ka ng daan nang mapahinto ka sa dalawang kalsada. Ang isa'y sa Baryo Uno na ang mga nakatira'y mga taong nagsasabi ng totoo habang sa kabila'y ang Baryo Dos na mga sinungaling naman ang mga nakatira. Hindi mo alam ngayon kung saan ka dadaan nang biglang may isang taong dumating. Hindi mo alam kung saang baryo siya nanggaling. Ano ang itatanong mo sa taong dumating upang malaman mo kung saan ang Baryo Uno?" Hindi siya nakaimik. Inarok niya sa isipan kung saan niya narinig ang palaisipang iyon. Sigurado siyang narinig na niya iyon sa kung saan. Nabigla siya nang may isang eksenang sumaglit sa kaniyang isipan. "Itatanong ko po sa taong dumating kung maaari niyang ituro kung saang baryo siya nagmula. Kung nagsasabi siya ng totoo at taga-Baryo Uno siya, ituturo niya ang Baryo Uno, ngunit kung sa Baryo Dos siya malamang po sa Baryo Uno ang ituturo niyang daan." Nginitian siya ng Hari maging ng Inang Reyna maski si Ginang Stella'y napangiti rin sa kaniya. Lumuwag lamang ang kaniyang dibdib nang makumpirmang maaaring tama ang sagot niya. Magalang siyang yumukod saka bumalik sa kaniyang puwesto. "Max." Sunod na tawag ng Punong Tagapamahala. Tumayo naman si Max at lumapit sa harapan. Bumunot ito at binasa ang nakasulat sa papel na nabunot nito. "Ilang mansanas ang malalagay sa isang walang lamang kahon?" Mahinhing natawa si Max. "Hindi po talaga ako magaling sa Math. Pero, to make sure lang po, gaano kalaki ang kahon?" Marahang natawa ang lahat sa tanong nito. "Malaki o maliit ang kahon pareho lamang ang sagot, Max," ani ng Punong Tagapamahala. Kumunot ang noo ni Max saka napaisip. "Hmmm. Mga twenty po na apples?" Tipid na ngumiti ang Ginang sa sagot ni Max. "Tama po ba?" tanong ni Max. "Nixie." Sunod na tawag ng Ginang. ---- "Sobrang hirap ng huling pagsusulit," dinig niyang reklamo ng isang babaing kalahok. "Pero ang galing mo, Francine. Nagkaroon kami ng ideya sa naging sagot mo," saad naman ng isa. Ngumiti lamang si Francine sa mga ito saka deretsong tiningnan sina Audrey at Lora na naglalakad patungo sa madalas nitong tinatambayan pagkatapos ng paligsahan. Kaagad namang napansin nila Audrey at Lora ang kakaibang tingin ni Francine sa kanila. Bagay na pareho na lamang nilang ipinagsawalang-bahala. Kaagad silang nagtungo sa hardin kung saan sila madalas nagtutungo at nagpapahinga pagkatapos ng isang madugong paligsahan. "Napansin mo ba ang tingin ni Francine kanina sa atin?" tanong ni Lora nang makaupo sila sa isang upuang yari sa bato. "Akala ko hindi mo napansin," sagot na lamang niya. Napansin niya iyon subalit dahil dinedma lang iyon ni Lora, akala niya hindi iyon pinansin ng kaibigan. "Ayaw ko na rin kasing patulan ang simpleng paglabas ng sungay niya. Tiyak kasing kapag pinatulan natin magpiplay victim lang din siya." Tinanguan niya ang tinuran ng kaibigan. The only way to win with a toxic people is not to play with them. Isa pa, wala rin naman silang mapapala kung papatulan nila si Francine. "Oo nga pala, saan pupunta si Art? Nabanggit niya kasi sa akin na aalis siya," tanong niya kay Lora. Bigla niya lamang naalala ang sinabi ni Art sa kaniya kanina. "Hm? Baka may importanteng gagawin sa labas ng Palasyo. Huwag ka nang mag-alala sa kaniya, Audrey, kasama niya naman sina Ace," nakangiting saad nito. "Hindi naman. Natanong ko lang?" sagot naman niya nang mayroon uli siyang naalala. "Bakit kailangan n'yong gawin iyon?" Nagtataka siyang tiningnan ni Lora. "Iyong pagsasabi sa Prinsipe kung ano ang niluto ko?" "Kasi pinilit ako nina Manex. At sino ba naman sila para tanggihan ang Prinsipe, Audrey?" Halata sa boses ni Lora na nakukonsensya rin ito. Napabuntong-hininga siya. "Huwag na sanang maulit iyon. Kung gusto nilang makatagal ako rito, huwag silang gagawa ng hakbang na ikapapahamak ko. At kung gusto nilang manalo ako, pagkatiwalaan nila ako." Tipid na ngumiti si Lora sa kaniya. "We trust you, Audrey. Sadya lang na may mga ilang pilit na ibababa ka at kailangan natin ang proteksiyon at desisyon ng Prinsipe para hindi ka nila basta matitibag." "Ang Prinsipe, nakita mo na ba siya? I have always been so curious about him." Tila mas sinasabi niya iyon sa kaniyang sarili kaysa kay Lora. "Mabait si Prinsipe Rhys. Medyo moody pero may puso siya para sa iba." Napatingin siya kay Lora. "Nakita mo na siya?" Imbes na sumagot ay pinili lamang nitong ngumiti. Well, naiintindihan naman iyon ni Audrey. Hindi pa siguro iyon ang takdang panahon para makilala niya si Prinsipe Rhys. Darating din ang panahon na makakaharap niya ito. Iyon ay kung maipapasa niya lahat ng klase ng pagsusulit. Naalala niya ang sinabi ni Art noong minsang makasama niya ito sa Silid-Aklatan dahil kakatagpuin sana nila ang Prinsipe. Makikilala lamang niya ito kapag nakapasa siya. Kanina habang nasa gitna sila ng pagsusulit, mariin niyang pinakatitigan ang Hari at ang Reyna. Sino kaya sa dalawa ang kamukha ni Prinsipe Rhys? Madalas siyang mapaisip tungkol dito. Nasa gitna siya ng pag-iisip at sa pagkukuwento ni Lora ng kung anu-ano ay bigla nalang sumulpot sa harapan nila ang isang napakagandang nilalang. Nakasuot ito ng isang itim na leather long sleeve shirt na hapit sa katawan nito kaya kitang-kita ang kurba sa katawan nito at itim din na leather pants. Tinernuhan ito ng brown boots na lalong nagpatangkad sa babaing kaharap nila. Nakatirintas ang itim nitong buhok na hanggang gitnang likod. Akala nila'y isang action heroine ang nasa kanilang harapan. "Prinsesa Rheyn," agad na bati ni Lora nang makahuma sa pagkakamangha. Napatayo na rin si Audrey saka nagbigay galang sa nilalang sa kaniyang harapan. Ito si Prinsesa Rheyn. Ngumiti ito sa kanila. "Pasensya na kung naabala ko ang inyong pamamahinga. Dito rin kasi ako madalas na pumupunta kapag nagsawa na akong mag-ensayo." "Karangalan po naming matiyempuhan kayo rito, Mahal na Prinsesa," magkapanabay nilang sagot. Natawa si Prinsesa Rheyn sa kanila. "Kapag ako lang naman ang kausap ninyo, iwasan n'yo nang maging pormal. Matagal akong nahirahan sa ibang bayan kung saan hindi nila ako kilala bilang Prinsesa ng Filipos kaya medyo naaalibadbadaran ako kapag masyadong pormal ang iba sa akin." Nagkatinginan silang dalawa ni Lora saka nagkangitian. Ang unang impresyon niya kay Prinsesa Rheyn, cool and humble. Napabuntong-hininga ang Prinsesa saka napaupo sa isa pang upuang bato paharap sa kanila. "Madalas hindi ko maunawaan ang mga kababaihang lumalahok sa ganitong klase ng paligsahan." Sinipat sila nito ng tingin. "Ah. Ikaw iyong kasintahan ni Manex, hindi ba?" tukoy nito kay Lora na agad namang tinugunan ni Lora ng isang malapad na ngiti. "At ikaw malamang si Audrey," tukoy naman nito sa kaniya. "I have heard so many things about you." Napatingin siya kay Lora. "Tulad po ng ano?" tanong niya rito. Ngumiti ito. "Well, ayaw ko talagang mangialam sa paligsahang ito dahil ang importante naman ay kung sino ang talagang karapat-dapat kaysa sa kung sino ang nanalo. Kung sino ang may kakayahang mamuno at maglilingkod ng buong puso bilang asawa ng Prinsipe at ina ng bayan, hindi ba?" Hindi nila gaanong naintindihan ang mga tinuran ni Prinsesa Rheyn. "I just hope that if you ever win this game, make sure that it is not because my brother pull some strings." Ngumiti ito. "By the way, it was nice meeting you, Audrey." Yumukod lang sila ni Lora nang tumayo ito at naglakad palayo. Hindi niya mapigilang mapaisip. Hindi na niya maintindihan ang nangyayari. Bakit ba palagi nalang ipinapamukha sa kaniya ng mga nilalang dito na talagang hindi siya bagay roon? Na parang pinipilit nalang niya ang sarili? Mula kay Art at sa mga salita nito. Kay Francine. At ngayon naman kay Prinsesa Rheyn. Bakit nga ba siya nandoon? Bakit siya nakikipagpaligsahan? Nais niya bang makuha ang pwesto? Ano? Ano ang tunay na rason niya roon?  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD